Nalibang si Dana sa paglalambingan nilang dalawa kung kanina ay naalala niya na bigla namang maya-maya ay mukhang nakalimutan na naman ata niya. At mukhang pati si Edward ay lutang din nakalimutan din ata.Dana's POV
"Oy! Wag ka ngang malandi Edward!" eh pano ba naman kasi kanina pa idinidikit yung mukha niya tapos bigla-bigla akong hahalikan sa pisngi
Nang-aasar pa ih alam na nga niyang natutulala at namumula ako sa ginagawa niya ih.
"Eh diba gusto mo naman..." nakangiti niyang saad sa akin nong nagkatama ang paningin naman
Sinunod pa niya ang pagkurot sa pisngi ko.
"Hmm.. Ang cute cute mo talaga.." nanggigil na kinurot ang pisngi ko
"Aray.." pinalo ko siya sa balikat
"..masakit kaya!" nakanguso kong sabi
May natatanaw akong taxi mula dito sa pwesto namin may naalala ako bigla. Oo nga pala muntik ko pang makalimutan.
"Oy! Edward tawagin mo na yung taxi na papunta. May pupuntahan nga pala ako. Bweset ka kasi ih! Muntik ko pang makalimutan!" pagmamaktol at paglalambing ko sa kanya
Tinawag na niya ang taxi na malapit sa amin at biglang nagtanong. Kumunot pa nga noo ih.
"Bakit anong meron?"
"Ah.. Eh namatay na kasi si Madaam..."
"Ah.." pagtango-tango niya sa akin
~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~
Humahangos si Dana na hinahanap ang kwarto ni Mrs.Dela Vega. Sabi nang nurse ay nasa Room 114 daw ang room nito. Kaya agad-agad naman niyang tinutungo yun. Wala siyang pakielam kahit na ba anong itsura niya dahil sa kaiiyak niya at ang pagpapawis niya nang di niya alam kung dahil ba sa pagtakbo o dahil sa kinakabahan siya. Tinatawag din siya nang ilang beses ni Edward pero hindi niya iyon pinapansin bigla-bigla nalang kasi siyang nagtatakbo nang di nagpapaalam kay Edward nong makarating sila sa tapat nang hospital.
"Madaam.."
"Madaam, andyan na po ako.."
"Pasensya na po..." umiiyak na bumubulong si Dana habang hinahanap ang kwarto ni Mrs Dela Vega
Room 112
Room 113
Room 114
Agad niyang binuksan ang pinto nang makarating na nga siya sa Room 114.
"Madaam! Madaam! Huhuhu!!!" mabilis ang paglapit niya sa katawan ni Madaam na nandun parin sa higaan at natutulog nang mahimbing
"Madaamm!! Gumising kayo! Sabi ninyo po magpapagaling kayo! Sabi nin--" hindi na natiis ni Dana ang isang malakas na pagkakahugot nang buong lakas para pigilan ang sobrang lungkot na emosyon na gustong sumabog kanina pa
"Madaamm!!!" pilit ni Dana na iniiwas sa sitwasyong wala na nga si Madaam pilit niyang iniisip na isa lang itong panaginip na hindi ito totoo
Ilang beses din ni Dana niyugyog ang katawan ni Madaam. Yung hindi naman malakas yung ayos lang.
"Madaam naman wag kayong magloko nang ganyan..." halos mabaliw baliw na si Dana hindi siya makapaniwala na ganun ganun lang ay mawawala ang kanyang pangalawang ina
Nang nawalan na si Dana. Nong bumagsak na siya sa sahig at halos matulala. Lumapit yung tatlo upang pakalmahin siya o kaya icomfort siya.
"Dana, tahan na.." hinahaplos haplos ni Michelle ang likod ni Dana pilit ikinocomfort ito
![](https://img.wattpad.com/cover/27015549-288-k345213.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...