Kanina pa gising si Dana pero hindi niya maisipang bumangon dahil may hang-over pa siya sa sinabi ni Edward kagabi bago ito umalis.Hindi niya alam kung bakit tuwang-tuwa siya dahil susunduin daw siya nito ngayon.
Bakit ba pag si Edward ih ang laki nang epekto sa kanya? Parang susunduin lang eh.Pero sa kanya malaki na ibig sabihin non.
Ano kaya?
"Ehhh!!!" ginulo-gulo ni Dana ang buhok niya na tila iritang-irita siya
"Bakit ba kasi! Ikaw na naman! Tsskk..!" ginulo niya ulit ang buhok niya at tuluyan na ngang bumangon sa kanyang kama
Dumiretso siya sa salamin at tinignan ang mukha niya.
Grabe! Naisip isip niya mukha na pala siyang baliw ngayon dahil sa ginawa niya sa buhok niya.
Nagsuklay na siya.Naghanap nang masusuot.At dumiretso na sa restroom para maligo na.
Nang makatapos na ay kumain na siya kasabay niya ngayon ang lolo niya.
"Dana!" naalerto si Dana kay tumingin siya sa lolo niya
"Lo! Grabe kayo? Parang ang layo ko.." si Dana na nagpokerface
"Oy! ikaw! Wala kang karapatang sigawan ako!" nagulat si Dana pinanlakihan kasi siya nang mata nang lolo niya
"Ehh...Kasi kayo lo eh.Makasigaw." pagrereklamo ni Dana at tsaka dun sa makasigaw bulong lang yun pero mukhang narinig ata kasi nakatitig nang masama ang lolo niya ngayon
"Anong sinasabi?" nakatingin na ngayon nang masama ang lolo niya
"Ah? Ano po yun lo?" painosenteng tanong ni Dana
"May sinasabi ka ano yun?!" naku po! Galit na si lolo nasa isip isip ni Dana kaya tumayo na siya at nilagay sa urungan ang kanyang plato at nag-urong na
"Lo! Alis na ako malalate na ako.." palabas na si Dana nang sinabi iyan at may ngiti pa sa labi eh pano ba naman tumatakas sa sermon.Yun nga dahan dahan siyang lumabas nang kanilang pinto hanggang sa gate tinitignan niya kung susundan siya nang lolo niya pero hindi naman pala
Nang makalabas siya ay hinanap niya si Edward pero wala siyang makita kaya napalobo niya ang pisngi at napabuntonghininga.
"Ako ba hinahanap mo?" nakangiti nang makalokohang lumabas si Edward sa gilid
Sinamaan siya nang tingin ni Dana na parang sinasabing 'lagot-ka-sa-akin'.
"Hahaha!!!" lumakad palapit si Edward sa pwesto ni Dana habang bitbit niya ang bike
Sumimalmal si Dana na parang bata.
"Hahaha! Halika na.Baka malate pa tayo?" nakangiting sabi ni Edward kay Dana
Wala nang pasabi-sabi ay sumakay na si Dana.Hindi namalayan ni Dana na nakatulog pala siya kaya hindi niya namalayan na nandyan na sila.Tinapik lang siya ni Edward kaya siya nagising.
"Oy! Gising na!" pagtatapik ni Edward sa mataba niyang pisngi
Gusto sanang pisilin ni Edward ang mga pisngi na iyon pero hindi na niya ginawa dahil baka masaktan ito.
"A-ahhh...A-ano?" nagkukusot na mga mata ang nakita ni Edward habang pinagmamasdan at hinihintay niyang gumising ito
"Halika na baka malate ka pa..." si Edward na hinawakan ang kamay niya at hinihila na papasok
Magkahawak kamay silang naglalakad sa campus hanggang sa gitna nang mga classroom yung pagitan non.Diba tapat tapat yung classroom.Yun dun sila sa gitna dumadaan.Sa paglalakad na iyon pinagbubulungan na sila.Yung iba hindi natutuwa at yung natutuwa para sa kanila.
"Si Dana yun diba? Siya diba yung leader sa Precious Angels? Eh yung lalaki diba sa Electrica siya? Sila ba?" naririnig ni Edward yung mga sinasabi nang tao pero siya ngumingiti lang
Samantalang, si Dana ay tinitignan lang yung bawat may sasabihin.
"Sila? Da!!! Sabi ko na nga ba eh may kalandian yang leader nang Precious Angels.."
"Huh! Nilandi niya lang si Papa Edward kaya sumama sa kanya.."
"Ano kayang ginawa niya? Ginayuma ata niya yung leader nang Electrica..." pinisil ni Edward yung kamay ni Dana para pakalmahin ito dahil nararamdaman na ni Edward na naiinis na ito pero nagtitimpi lang at mamaya sasabog na
"Sila? Wow! Naman akala ko kasi bakla si Edward..."
"Eh? Bagay sila no?"
Hanggang sa makasalubong nila ang tatlo ay apat pala nadagdagan may sumingit.
Sila Mikaela,Michelle,Sharlot at ang ex-bestfriend na si Rey Angelo.
Nagulat siguro kayo kung bakit nandyan siya.Oo, nandyan nga siya.Umagang-umaga ay sumakay siya nang eroplano.Kagabi palang ay naggayak na siya.Naisipan niyang dalawin si Dana kamustahin ito at makasama na rin kaso mukhang hindi ata niya makakasama.Dahil may kasamang iba at magkaholding hands pa.
"Dana! Anong meron? Kayo na!?" nagtatakang mga tingin ang meron kay Dana ngayon
"Oy! Wag ka nang magmaang-maangan ayan oh! Ano ito?!" itinaas ni Michelle ang kamay nilang dalawa na magkahawak
"Kami bakit?" panloloko ni Edward na may nakakalokong ngiti
"Talaga kuya Edward! Kayo! Yiee! Bagay!!!" si Mikaela na tuwang-tuwa at kulang nalang ay magpuso ang mga mata
"Andali mamaya na nating pag-usapan yan.Dana nandito si Rey para kamustahin ka.." si Sharlot na iniba ang topic
"Hello Dana musta ka na?" nakangiting bati neto.Hindi sinasadyang napatingin siya sa kamay nilang dalawa
Mabilis din naman niyang iniangat ang kanyang tingin at nginitian si Dana.Samantalang, si Dana naman ay tinanggal na ang pagkakahawak nang kamay kay Edward.Napatingin si Edward at nag-isip nang hindi maganda.
"Una na ako..." si Edward na aalis na doon dahil parang pakiramdam niya hindi na siya kailangan doon
Si Dana naman ay napatingin kay Edward na parang nanghihinayang na bakit siya umalis? May problema kaya? Sa isip-isip niya.
Ngumiti si Dana kay Rey.
"Ayos lang naman ako.." hinawakan ni Rey ang kamay niya at tumingin sa mata niya
"Pwede bang manghingi nang request?" hindi nakasagot si Dana natigilan siyang saglit nakatanaw kasi si Edward sa pwesto nila
"A-ah ano yun?" nauutal na sabi niya hindi siya makapagpokus kasi hanggang ngayon nakatingin si Edward
"Sabay tayong magdinner?" tumingin si Dana sa mata niya at maya-maya ay kay Edward.Pakiramdam niya nag-iisip na nang kung anu-ano yung yabang na yun
"A-ah sige ba.." nag-aalanganing sumagot si Dana bigla ba naman kasing nawala si Edward eh kanina natatanaw niya lang ih
AN:
Welcome back bestfriend! Hahaha!
Votes and comments please!
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AbenteuerHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...
