Resort Apartment

310 16 8
                                    


3:00 P.M

Kanya kanya na sila nang gawain. Bawat isa makikita mo talagang nag-eenjoy sila base sa mga masasayang ngiti at ang mga paghanga sa bawat matutuklasan sa loob ng apartment.

Iba kasi talaga ang ganda ng apartment na ito.

Semi Resort kung tatawagin.

"Hindi ko akalain na ganto pala kaganda ang sinasabing apartment ng manager natin." si Michelle na umaakyat papunta sa pangalawang palapag upang tignan naman ngayon ang mga kwarto kasama niya si Sharlot na tahimik lang na sumusunod kay Michelle

Tahimik man si Sharlot pero makikita mo naman sa kanya na nagustuhan niya rin itong apartment.

Sino ba kasi hindi?

Dana's POV

Papasok na sana ako sa apartment ng biglang may tumawag sa akin.

"Dana..." napatingin ako kung saan nanggaling ang pagtawag na iyon

Nangiti ako galing pala kay Ezy ba yun?

"Oh bakit Ezy?" may pagtatanong kong tawag sa pangalan nito. Hindi ko pa kasi masyadong kabisado ang mga pangalan ng mga kasama ko ngayon eh.

Lumapit ako kung saan siya naroon. Umupo ako sa tabi niya. Nandito kasi kami sa garden ngayon. Dito kasi kami nagkakitaan.

"Tama. Ako nga si Ezy.." may pagtawa niyang sabi sa akin. Napatingin akong mabuti sa kanya nong tumawa siya. Infairness ah? Di ko maikakaila na may itsura silang lahat.

"Dana, ang swerte mo..." napakunot ang noo ko sa pagsabi niya nyan

"B-bakit naman?" pag-aalangan kong sabi na medyo matatawa pa nga

"Kasi mukhang nagugustuhan ka ni Edward base sa kung paano ka niya harutin at tignan sa malayo..." lalo akong naguluhan sa sinabi niya

"A-ano bang..." di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang siyang tumayo at mukhang may balak ng umalis

"Sige Dana mauna na ako..."

Napaisip ako sa sinabi niya. Hanggang sa makaalis siya hindi na ako nakapag-isip ng mabuti. Naguguluhan pa rin ako.

Ano ba kasing gusto niyang ipahiwatig?

Tumayo na ako sa kinauupuan namin kanina at nagsimulang maglibot sa apartment na ito ng mapatingin ako sa isang kwarto dahil may narinig akong naggigitara kaya tinignan ko at nakita ko si Edward na naggigitara nga dito sa nadadaanan lang sa baba katabi ng kusina.

Kumakanta siya at naggigitara.

Song: Nananaginip
By: Callalily

Ngayon ika'y nakasilip
Mistulang batang nakaidlip
Hinihiling na ikaw ay patawarin
Ng puso kong sira ang damdamin

(paki-play nalang po sa taas para mapakinggan ninyo yung kanta)

Pinanuod at pinakinggan ko siyang kumanta at maggitara. Sa totoo lang magaling talaga siyang maggitara.

Sino ba naman kasi ako para hindi makita yun? Eh babae lang rin naman ako katulad nang iba.

*Dugug-dugug*

Andali? Ano bang kaabnormalan itong nararamdaman ko? Napahawak ako sa aking dibdib na patuloy lamang sa pagtibok at tumingin muli sa kanya.

B-bakit tumitibok nang ganto ang puso ko?

"Sino yan?" nagulat ako nang biglang nagsalita siya. Nagising ako sa katotohanan at nakita ko siyang mukhang hinahanap kung sino ang nakatingin sa kanya. Kaya unti-unti na akong nanggigilid-gilid para di niya ako makita. Buti nalang kanto itong kwarto na pinagpwestuhan niya kundi. Naku! Nahuli na ako 'napapokerface ako'

Yes! Makakatakas na ako eto na paliko na ako sa kanto netong kwartong ito. Napapikit nalang ako. Sana hindi niya ako makita.

Ano ba kasing Dana naisipan mo?
Nakarinig ka lang nang naggigitara eh para kang nahulugan diyan.

Dumilat ako at tatakbo na sana ng biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako. Napakagat sa labi at napangiti tapos tumawa pa.

"He..he..he..H-hello! A-andyan ka pala.." napapangiti kong sabi at kunwari nagulat ako na nandyan pala siya na kunwari ay hindi ko alam

Nginitian niya ako ng may halong panloloko at sumagot.

"Ah ganun? Kaya pala parang galing ka doon sa kwarto kung nasan ako?" kung kanina ay nginitian niya ako ngayon ay sinusungitan na naman niya ako. Eh si ako naman hindi makatingin ng diretso sa kanya

Kumakawala na ako sa hawak niya. Eh pano ba naman naiilang na ako sa titigan portion namin. Maya-maya biglang naramdaman namin na merong papasok doon sa kusina kaya napatingin kaming parehas pero still nakahawak siya sa aking braso.

"Opps? Ahm..Ate at kuya pasintabi muna po ah? Kukuha lang ako ng mga ilang sticks ng barbeque sa ref.." napatingin sa akin si Edward at binitawan na ang aking braso. Hinawakan ko at tinignan ito grabe itong si Mr.Bastos makahawak ang higpit.

Sa hindi ko alam na dahilan naiilang ako kay Edward dahil nakita kami ni Marvin na ganun ang porma namin kanina. Ewan ko ba? Kailang ih.

Wag kayong mag-isip nang kung anu-ano ah? Hindi ako umaasa na meron nga.

Sa katahimikang iyon na binasag naman ni Marvin bigla.

"Ah oo nga pala punta kayo dun sa labas mag iihaw ako nang barbeque napag isipan ko lang na mag picnic tayo. Nandun na sila kayo nalang ang hinihintay..." si Marvin habang kumukuha parin nang mga barbeque sa loob nang ref at syempre kasunod non ay naghanap na rin siya nang ilalagay niya doon

"A-ah sige sunod nalang kami.." anak ka nga naman no? Bakit kailangan pang mautal? Nang matahimik ulit naramdaman ko na tumingin ulit siya sa akin at bigla naman akong nakuryente nang di maipaliwanag kasabay non ay ang pagtibok ng mabilis nang aking puso. Napahawak ulit ako sa dibdib ko.

Ano bang meron sa abnormal kong puso? At kung makatibok parang kakatapos ko lang tumakbo neto.

Votes and comments pleaaassee!!!!

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon