Are you jealous? (1/2)

199 11 0
                                    


Continuation...

Patuloy parin sa pagkaladkad si Edward sa akin hanggang sa makalabas na nga kami nang airport at sa tagal ko nang tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya ay ngayon lang niya tinanggal ang kamay niya.

Sinamaan ko siya nang tingin pagkabitaw niya neto.Samantalang siya naman inis pa rin ang itsura.Alam ninyo ba yung parang may dalaw tayong mga babae? Ganun ang itsura niya.

"A-ano bang problema mo?!" inis kong sabi habang hinihilot ko pa ang kamay kong isa na pulang-pula dahil sa higpit nang hawak niya kanina

Tinignan niya lang ako pero hindi siya umimik.Asar pa din itsura niya.

"Basta sumakay ka nalang..." hinatak niya ako at pilit na isinasakay sa taxi na nasa harap

"A-ano ba Edward?! Masakit!" naipasok na niya ako kaya wala akong magawa.Sinara niya yung pinto at pumunta sa kabilang pinto para makasakay

"Manong, dun po sa School Of Bands..." sabi niya doon sa manong driver

Tahimik lang kami sa taxi.Walang may gustong umimik sa amin.Siya na nakatingin sa bintana at ako din na sa kabila namang bintana.

Rey's POV

Hinanap ko si Dana sa huling pagkakataon.Tumakbo ako pabalik nang makasakay ako.Inaasahang makikita ko pa siya sa huling pagkakataon.

"Sir!!" may isang guard na gusto akong pigilan sa paglabas pero hindi nila kinaya yung bilis at lakas ko dahil busy sila sa pag-asikaso sa iba pang sasakay

Hinanap ko siya.
Nagbabakasakali.
Ngunit di ko na siya makita muli rito sa pwesto ko.
Kaya sumigaw ako.

"Dana!"

"Dana!"

At isa pang malakas na Dana.

"Dana!!!!" naramdaman ko nalang ang mga bisig nang mga guard na hinihila na ako papunta sa eroplano upang sumakay na siguro at yun na nga dapat ang ginawa ko

Sumakay nalang dapat siguro ako.

"Dana..." nagsalita muli ako kaso mahina nalang ngayon yung parang may kasama nang panghihinayang sa boses ko

Yan hindi na naman niya ako narinig.

Hanggang sa mahila na nga ako nang mga guard at kusa na akong bumitaw at mismong gumalaw na sa sarili kong mga paa papuntang eroplano.

Dana.
Sana marinig mo naman itong puso ko.

Nakatingin ako sa bintana at maya-maya namalayan ko nalang na may pumatak na isang luha sa aking mga pisngi.

Paalam mahal kong bestfriend.

Dana's POV

Hanggang sa makarating kami sa eskwelahan tahimik kami pero nagulat nalang ako nang nagmamadali ata siyang lumabas.Tinignan ko siya at papunta siya sa pinto kung nasan ako? Aba? Ang gentleman mo naman Edward kaya ako na-iinlove sayo ih.Pero andali nga? Galit ako diba? At tsaka bakit ba pabago-bago siya? Kanina naiinis ngayon sweet na naman! Ano ba Edward?! Mas magulo ka pa sa babae ih.

"Halika na..." hindi ko napansin na nakabukas na pala at hinihintay nalang akong abutin ang kamay niyang nakalahad sa harap ko

Eh syempre si ako? Magpapabebe pa ba? Tinanggap ko yung kamay niya pero nagmake face ako.

"Manong, bayad po..." nagbayad na siya dun sa taxi na sinakyan namin

Lalapit na ulit siya sa akin nang biglang mapansin niya ang mukha kong nagmamake-face na hindi ko naman na aasahan na titingin agad siya sa direksyon ko kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

Isang malapad na ngiti.Yung peke? Hahaha!

Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha sa akin ang bag kong backpack at siya ang nagbackpack.Napatingin naman ako sa kamay namin na magkahawak bigla naman akong napangiti nang pakunwari at napatingin sa gilid.

Sh*tness! Ano ba ito? Kinikilig ako!!!

"Oy! Bakit ka nagmamake-face na naman?" nagulat ako nang bigla siyang magsalita sa gilid ko kaya naalerto ako at napaayos ang mukha kong kanina pa ata nangangamatis at yung labi kong ayaw tumigil kakangiti

"A-ah wala ah! Hindi kaya!" tumingin ako sa kanya pero nong ngumiti siya sa akin.Yung katulad nong hinaharot na mga ngiti ganun ih! Kaya napaiwas ako nong pagtingin ko ih ganun ang ngiti niya

Yiee! Sino ba kasing di kikiligin sayo Edward!

Tahimik lang kaming naglalakad sa gitna nang mga classroom doon.May mga nagchichismisan katulad nong dati pero di nalang namin pinapansin.

"Dana, kahit anong mangyari wag na wag mo silang pakikinggan..." binulong niya sa akin yan kasabay nang paghigpit nang hawak niya sa kamay ko na lalong ikinaimpit na kilig ko

May naisip ako.Lokohin ko kaya itong si Edward? Sige! Sige nga subukan ko!

"Edward?"

"Hmm?" nilapit niya yung mukha niya sa akin o sa madaling salita nilapit niya yung tenga niya para mas marinig niya ang sasabihin ko

"Bakit ka naiinis kanina?" tumingin ako sa kanya pero siya nakaiwas na nang tingin nong pagkasabi ko niyan

"Wala." walang emosyong sabi niya

"Eh bakit naiinis ka kanina?" pangungulit ko ulit

"Wala nga."

"Nagseselos ka ano?" pagkasabi ko niyan nakita ko siyang lalong umiwas nang tingin na parang ayaw pakita yung mukha niya kaya iniharap ko yung mukha niya sa akin

Pero pagkaharap ko ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ibinababa yun nang dahan dahan.

"Yiee...Aminin nagseselos siya!" hinigpitan niya yung kamay ko na ibinababa niya kanina na sinasabing tumahimik ako

"Eh di nagseselos ka nga?" panghaharot ko sa kanya pero ngayon bulong nalang

Tumango siya kaya nangiti naman ako.

"Oy, yan na yung sa inyo oh? Pasok ka na kaya ko na.." kinukuha ko yung bag ko sa likod niya pero pinigilan niya ako

"Ihahatid kita..." paglilinaw niya sa akin at tumingin pa kamo siya

"P-pero..."

"Walang pero pero..."

Hindi na ako nagsalita pang muli kasi alam ninyo na baka barahin na naman ako neto ih.

"Sige Ken, nandito na tayo..." kinukuha ko na ang bag ko sa kanya pero bago yun...

Hinila niya ako papalapit sa kanya at may binulong.

"Wag kang magpapaligaw sa iba ah.
Akin ka lang.
Tandaan mo ah? Akin ka lang." seryoso niyang saad sa akin

Aakma ko nang kukunin yung bag ko nang bigla niya muna ako hinila ulit at ninakawan ako nang halik sa pisngi.

"Oy! Edward! Akin na nga yung bag ko! Nawiwili ka na ih..." natawa siya sa reaksyon ko at sa mukha kong namumula na siguro

"Kunin mo..." pilit niyang iniiwas yung bag sa akin para di ko makuha eh si ako naman trying hard makuha yung bag ko

"Ehem..."

"Anong meron?"

Napatingin kami sa direksyon kung san nanggaling ang boses na iyon.

AN:
Hanggang dito nalang po talaga itong chapter na ito sana po nag-enjoy kayo.Eto na po yung edit na iyon hahaha! 😂😂😂

Don't forget to hit the vote button and do some comments!😉😉😉😉😘😘😘

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon