Humugot nang napakapakalalim na hininga si Dana para masabi kay Edward ang sagot niya.Nagcross-arm si Dana at taas noong tumingin siya kay Edward.
"Gusto mo akong maging girlfriend?" nilagay ni Dana sa baba niya ang isang daliri niya at umaktong nag-iisip
Habang si Edward naman ay atat na atat na sa sagot ni Dana tungkol dun sa girlfriend/boyfriend thingy.Napapangisi na nga siya sa isip niya ih.
Bumalik ang tingin ni Dana kay Edward kaya naman si Edward ay alertong umayos din.Ayaw niya kasing ipahalata sa babae na gustong-gusto niya na talagang maging girlfriend ito.
"Pero sa isang kundisyon..." muntik nang mapanganga si Edward sa narinig
Ano daw? Sa isang kundisyon?!
Napahalukipkip si Edward.Bumagsak parehas ang balikat niya nang marinig niya yung sinabi ni Dana.Pero dahil sa mahal na niya ito ay di na niya ito pinansin at tumingin pa rin kay Dana nang seryoso, yung may sensiridad.
"Ano?"
"Kailangan mong maging SLAVE ko muna..." gulat na gulat si Edward na napamura sa hangin dahil nga sa gulat niya
"Oh? Ano may reklamo ka ba? Pwede ka pa namang umayaw eh.Walang pilitan ito " hindi na muling pinansin ni Dana ang sunod pang reaksyon ni Edward at umalis na siya sa harap neto nang biglang nagsalita si Edward
"Ah wala naman..." napatingin ulit si Dana sa direksyon ni Edward at nakita niyang nakangiti ito
Bakit hindi ata siya natakot na maging slave ko? Tanong ni Dana sa utak niya.
"Sigurado ka ba Edward? Gusto mong maging slave ko?" tumango tango si Edward
"Oo naman. BabySungitko..." tatalikod na ulit si Dana para makaalis na nga doon nang bigla namang may yumakap sa kanya mula sa likod kaya napatingin siya
Ano ba naisipan nitong lalaking ito? Sa isip isip ni Dana
"BabySungitko, alam ko namang pinapahirapan mo lang ako diba? Mamahalin mo rin ako diba? Diba?" kumakawala si Dana sa yakap na iyon ni Edward dahil sa iba na ang nararamdaman niya
Ang lakas ih.
Ang lakas nang kabog."A-ah, Edward alis na ko may gagawin pa kasi ako ih..." inalis na nga nang tuluyan ni Dana ang mga braso at kamay ni Edward na nakayakap sa kanya
Pinabayaan nalang ni Edward si Dana na umalis.
Nang lumalakad na paalis si Dana ay ngumiti naman si Edward at pagkatapos ay pinagmasdan si Dana na maglaho doon sa storage room kung saan nandun sila nagharutan kanina.
Tumingin siya sa paligid.Yung parang tinatandaang mabuti ang paligid.
"Hay! Dana..Dana..Dana.Malalaman ko rin kahinaan mo.Mapapasa-akin ka rin BabySungitko..." huminga nang malalim si Edward.Ngumiti at tuluyan na ngang umalis doon sa storage room
~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~ ~♥~
Nagdidiscuss ang propesor ni Dana habang siya naman ay busy sa pagtatype sa cellphone niya.
To: My Slave(Edward)
Oy! Sunduin mo ako dito sa classroom.Kailangan pag-kabell nandito ka na ah! Pag-ka wala ka dito... Hmmmp! LAGOT KA SA AKIN!
Gigil na gigil si Dana na sinend ang text message niya at maya-maya ay natawa dahil sa tinext niya kay Edward.
Naramdaman niya na may nangangalabit sa kanya kaya napatingin siya kung sino yun at nakita niya si Michelle na sinesenyasan siya.Ngunit hindi naman niya maintindihan kaya bigla na lamang kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AbenteuerHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...