Please! Listen to me first!

156 9 4
                                    


"Da-dana, andali lang..." hindi na pinatapos pa ni Dana si Edward at pinagsaraduhan na siya nang gate neto

"Hmmp.." sumimalmal si Dana na may kasamang taray at padabog na pumasok

'Aba? Kala niya mapapatawad ko siya nang paganyan-ganyan lang?! No way!' sa isip isip ni Dana habang papasok sa loob

"Sino yun Dana?" mga mapanuring mata ang nakita niya nang makapasok siya

"Lo? Wag kang mag-isip nang kung ano. Wag kang ano lolo."

"Eh bakit di ako mag-iisip nang kung ano ih tignan mo yang mukha mo..."

Napanguso nalang si Dana at nagdire-diretso papunta sa kwarto niya para makaligo na.

"A-andali Dana! Di pa tayo tapos mag-usap! Aba?! Bata ka lumalaki kang bastos!" hindi pinansin ni Dana ang lolo nagpatuloy-tuloy lang siya sa paglalakad papunta sa kwarto

"Hajushi.." buntong-hininga ni Dana at pumasok na nga sa restroom

Mga ilang minuto...

Natapos na rin si Dana maligo.Nagbihis siya tapos bumaba na.Nagpaalam tapos tuluyan na ngang lumabas nang pintuan at tinutungo na ngayon ang gate nila.

Binubuksan na ni Dana ang gate nila at sa pagbukas na iyon nagulat nalang siya na nandun pa rin si Edward na ngayon ay nakatingin sa kanya.Umiwas siya nang tingin para nga iwasan ang tingin ni Edward.

Nang makita ni Dana si Edward ay nagdire-diretso na si Dana na lumabas at talagang sinadyang bilisan ang lakad.

"Dana! Andali lang!"

Nang makita ni Edward na mukha ngang walang balak si Dana para kausapin siya dahil nga sa pag-iwas nang tingin ni Dana sa kanya ay napag-isipan na niyang sundan ito.

"Dana! Pabayaan mo muna kasi akong magpaliwanag..." hindi pinapakinggan ni Dana ang sinasabi ni Edward tila nagpapakamanhid siya sa sinasabi nang binata. Pinagpatuloy pa rin ni Dana ang paglakad. Sa isip isip ni Dana ay sasakay na lamang siya nang taxi keysa makasama si Edward

Malapit nang maabot ni Edward ang kamay ni Dana.Konting takbo nalang at lakad.

"Dana! Andali! " sa tagal na hinabol ni Edward si Dana sa wakas nakuha na niya ang kamay ni Dana. Pinangako niya sa sarili na kahit anong mangyari ay di niya ito bibitawan kahit pa pumiglas ito nang ilang beses sa kanya kung ito naman daw ang magiging dahilan para maniwala si Dana sa kanya

Sa inaasahan nga ni Edward nagpupumilit nga si Dana na makawala sa pagkakahawak niya sa kanya.

"A-ano ba Ed-!" hindi na natuloy ni Dana ang sasabihin nang bigla siyang hilahin ni Edward at dampian siya nang halik neto sa labi

Nagkatitigan sila pagkatapos non pero dahil sa nagmamatigas nga si Dana ay nagsimula na naman siyang pumiglas.

"Ed-Edwar!" hindi na naman naituloy ni Dana ang sasabihin nang biglang pinutol ni Edward ang sasabihin neto

"Please! Listen to me first!" hingal na hingal na ikinulong ni Edward si Dana sa mga bisig niya. Ang hingal na iyon ay bunga nang galit niyang hindi mailabas kay Dana kasi nga ayaw niyang saktan ito tanging sigaw lang ang kaya niyang gawin at ito na nga iyon nakasigaw siya dahil sa galit niya

Huminahon si Dana.Hindi na siya pumiglas sa yakap na iyon ni Edward.Naiyak siya nang tahimik.

Ilang minuto din silang tahimik tila nagpapakiramdaman lang sila.Ganun pa din ang porma nila.Pero kahit matagal-tagal na silang ganun ay hindi magawa ni Dana na yakapin si Edward. Dahil sa hindi niya talaga maintindihan ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya lang ay naiinis siya sa babaeng nakita niyang kasama ni Edward.

"Dana. Pwedeng makinig ka muna?" mahinahong saad ni Edward at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap niya kay Dana

Lalo namang naiyak si Dana. Gusto niyang pumiglas pero wala na siyang lakas upang gawin yun.

"Edward.. Please..." maluha-luha pa rin si Dana at pinipilit na naman tanggalin ang kamay ni Edward kaso ngayon ay mukhang nanghihina na si Dana

"Dana, please let me..." inihiwalay ni Edward si Dana sa kanya gamit ang dalawa netong kamay na nakapatong sa balikat neto. Kaya ngayon ay kitang-kita na nila ang isa't-isa

"Dana.. Wag ka nang umiyak. Hinihiling ko lang naman sayong pakinggan mo ako.." pinapahid na ni Edward ang isang luhang tumulo sa pisngi ni Dana

Wala nang nagawa si Dana kundi ang tumango na kahit ba nadadala pa rin siya nang pride niya dahil sa nakita kagabi. Hindi rin niya masisi ang sarili kung bakit ganun nalang ang galit niya doon. Para kasing may iba sa babaeng iyon.

Pinaliwanag nang lahat ni Edward ang lahat at napaniwala naman niya si Dana kaso sa puso ni Dana parang hindi pa ito naniniwala kahit pa naipaliwanag na nga sa kanya lahat.

"San ka nga pala pupunta?" pagtatanong ni Edward nang nakangiti kay Dana tila naglalambing itong dumidikit sa kanya

"Ah.." nailang bigla si Dana sa ginagawang paglapit ni Edward sa mukha niya

"..kay Madaam. Wala na kasi siya." napatingin si Dana sa gilid pilit isinusuksok sa utak na siguro may dahilan naman kung bakit nangyayari to

Sana na-enjoy ni Madaam ang buhay niya. Sana nakuntento siya sa mga bagay na ginawa ko para sa kanya. At sana okey na yung mga nagawa ko para sa kanya para palitan lahat ng sakripisyo niya para sa amin o sa akin.

AN:
Ahmm? Readers ito na po ang dagdag na update dito. Ahmm.. Medyo maikli lang naman po ang nadagdag kaya di na po siguro kayo mahihirapang basahin muli o kaya ituloy itong chapter na to.

So? Yun lang as asual votes and comments please! Para naman ganahan akong mag-update.

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon