Continuation...
"Dalin mo..." magsisimula na kaming lumakad papunta ulit sa eroplanong sasakyan namin nang biglang inaabot sa akin ni Edward ang gayageum na muntik pang bumagsak dahil sa pagmamadaling maiabot ito
"Ano ba?! Hindi ka ba nag iingat? Muntik mo nang maihulog ..." si Dana na muntik pang ma-out balance para lang masalo ang gayageum na kanina ay hawak ni Edward na ibinibigay sa kanya nauuna kasi si Edward sa kanila Marvin,Mika,Sharlot at yung iba pa.De bale pangalawa lang siya kay Edward na hindi naman siya kalapitan dito may distansya kung baga
"Sa susunod ikaw nalang magdadala niyan..." sumagot nga si Edward kaso hindi manlang siya humarap kay Dana para tignan manlang ito kung ano na nangyari dito, kundi nagpatuloy lamang siya sa paglakad niya na parang walang nangyari
'Naisip nyo ba minsan? Bakit kaya ganun ang mga lalaki no? Kung umasta kala mo walang nangyari.Ano yun? Lahat nang pagkakamali nila idadaan nalang lagi sa limot?'
Aba! Aba! Aba! Hindi tama yun!
#Hugot101
Walang nagawa si Dana kundi magpatuloy lamang sa kanyang paglalakad.
"Dana, ano bang problema ni Edward?" napatingin si Dana sa nagsalita sa gilid niya
Ngumuso si Dana sa inis kay Edward na nakita naman ni Michelle.
"Ate! Idol! Nag-away po ba kayo ni Kuya Edward?" nag aalalang lumapit si Mika na parang batang iiyak sa lungkot nag aalala siya para sa Ate Dana niya
"Hindi Mik-mik, okey lang si Ate no?" ngumiti si Dana kay Mika ayaw niya kasing pinag aalala ito
Sa totoo lang pinakamaalalahanin ito sa kanilang lahat kahit babata bata pang umasta ito.Malakas ang pakiramdam netong si Mika kahit na ganyan yan ka bubbly.Kaya pagka-nakita ka niyang malungkot.Hindi ka niya titigilan hangga't malungkot ka pa.
Sa wakas.
Sa tinagal tagal nang kanilang paglalakad papunta nang eroplano ay nandito na sila ngayon.Nasa kanilang harapan na ito at pasakay na sila ngayon.Sila ang kahuli huliang sasakay dito dahil sila rin naman ang huli sa paglalakad.Bago sumakay si Edward ay tinanaw muna niya si Dana kung ano na ang lagay neto.At nakita nga niyang may kausap ito sa cellphone niya na maya maya ay napanguso na ito yung parang nagrereklamong pagnguso.Hindi na niya pinatagal pa at sumakay narin siya.
Pagka-akyat naman ni Edward ay siya namang pagpatay ni Dana sa cellphone niya nang nakanguso parin.
"Dana, kausap mo na naman ba si lolo?" tumango nalang si Dana sa tanong ni Sharlot
Nakaupo na si Edward sa pwesto niya.Bakante ang katabing upuan nito dahil si Dana nga ang katabi niya.Usapan kasi talaga nila iyon para daw may mag aalalay sa mga angels niya.Hinihintay ni Edward si Dana na pumasok mula sa pinto nang eroplano.
Natanaw ni Kelvin si Edward na nakaupo na.Napansin niya ring wala pa si Dana at si Edward ay nakatingin sa pinto nang eroplano nang biglang maalala niya na may gayageum nga palang dala si Dana.Kaya dagli dagli naman siyang tumayo at pupuntahan niya si Dana upang tulungan ito.
Napansin ni Edward na palabas itong si Kelvin na ipinagtaka naman niya saglit at bigla na lamang niyang naalala na nasa labas nga pala si Dana.
Saktong paakyat na si Dana nang sinalubong ni Kelvin ito upang tulungan.
"Salamat Kelvin hah nag alala ka pa..." nakasakay na sila nang iabot na ni Kelvin ang gayageum ni Dana sa kanya
Center of Attraction sila.
"Ano ka ba wala lang yun..." ngumiti din si Kelvin kay Dana kaya may mga nagreact
"Yiee! Bagay kayo!" sumigaw ang grupong guitarist ni Kelvin siya rin kasi ang lead band sa kanila
"Oo nga! Kayo nalang.." yung iba naman singit lang
Pinamulahan si Dana at nahihiya sa nangyayari ngayon na ikinangiti naman ni Kelvin.
Lumapit si Kelvin kay Dana upang bumulong.
"Wag mo nalang silang pansinin.Balik na tayo sa kanya kanya nating upuan..." napangiti si Dana at tumango tango ito
Sa gilid naman ay nandun si Edward na nakatingin sa kanila.Nakita rin nito ang mga ngiti ni Dana at ang pagtango tango nito sa binulong ni Kelvin.
Walang emosyong tumingin nalang si Edward sa bintana na tila may iniisip ito.
AN:
Ehem! Edward easyhan lang natin hah?
Ano kaya ang dapat maramdaman ni Edward ngayon? Lalo na ngayon nagkakamabutihan na sila Kelvin at DanaReaders! Don't forget to hit the vote button! Thank you!
Comments na rin plitth!!! (*'∇`*)
![](https://img.wattpad.com/cover/27015549-288-k345213.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AventuraHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...