Switszie Hotel
Time Check: 12:00 am"Hay! Nandito na tayo!" kanya-kanya sila ng baba ng makarating sila sa condo na pinakuha muna saglit ng kanilang mga manager para mamaya hindi na nga naman sila mahirapan pagkagising nila
Nandun na ang lahat ng kailangan nila. Pinaasikaso kasi talaga iyon ng mga manager nila para sa kanila. Mga bagong damit. Mga pagkain sa refrigerator at kung anu-ano pang kailangan nila. At syempre pinadala na din doon yung mga gagamitin nilang instrumento para mamaya.
"Wow!" na-amazed si Michelle sa ganda ng kwarto paboritong kulay niya kasi ang nakapintura dito kaya nagandahan siya
Nakangiti namang tumingin si Dana sa paligid habang tinitignan ang bawat sulok ng bahay. Dumiretso siya sa kama at bumagsak ng higa.
"Hay! Ang lambot!" tuwang-tuwa si Danang nag-aaldog-aldog sa kama
Nakangiti rin si Edward na pinagmamasdan lang si Dana na matuwa sa lahat ng makikita. Tulad nalang ngayon pinagmamasdan niya si Dana na nakahiga sa kama. Napangiti siyang lalo ng may maisip na kalokohan.
"Sige nga! Patabi para malaman natin kung malambot nga!" humiga din si Edward sa kama
Nakatingin sila parehas sa kisame. Maya-maya ay natawa si Dana ng hindi niya alam din kung bakit siya natuwa.
"Hahaha! Ang saya!" napatingin si Edward sa kanya. Hindi kasi niya matukoy kung ano ang ikinasaya naman ni Dana. Tinitigan lang niya si Dana na tumawa at ngumiti. Para kasi sa kanya yun yung nagpapaalis ng kanyang pagod sa araw-araw
Dana.
Napakaganda mong halimbawa na babae sa lahat.
Napangiti si Edward habang pinagmamasdan si Dana.
Mukhang nakaramdam naman si Dana kaya tumingin siya sa gilid niya kung saan makikita niya ang mukha ni Edward na nakangiti sa kanya. Napangiti din siya sa mga ngiti ni Edward ng biglang nag-ring ang cellphone niya.
"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*"A-Ay! A-andali nga!" nag-aapurang tumayo naman na si Dana sa kama para hanapin ang cellphone niya
Sa tagal ng paghahagilap ay nakita niya rin sa wakas!
"Hay.." bulong niya
"A-ah hello po Madaam? Nandito na po kami..."
"So? Nakita ninyo na siya?"
"Ah opo.."
"Nagustuhan ninyo ba?"
"Opo naman! Ang ganda nga po ih!"
"Oy! Dana! Si Madaam ba yan?!"
"A-ah oo bakit?!"
"Dana, bakit may nangyayari ba dyan?"
"Ah wala naman po..."
"Eh ano ba yung kailangan ni Michelle?"
Tumatakbong lumapit si Michelle kay Dana para kunin ang cellphone.
"Madaam! Madaam! Salamat po talaga sa condo! Ang ganda po niya!" si Michelle na makikita mo ang saya
Lumakad si Michelle palabas ng kwarto kung nasan sila Dana at Edward.
Michelle's POV
Tuwang-tuwa talaga ako sa kwarto namin ni Erick. Ay este sa kwarto na pinareserve sa akin! Ang ganda talaga niya! Kabisado talaga ni Madaam ang taste ko! Waahh!!! Kaya nong narinig ko na tumawag kay Dana si Madaam ay bigla ko itong kinuha at eto na nga nagpapasalamat.
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AdventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...