"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*"Shhh..." napakamot si Dana sa ulo niya dahil nagising siya sa ringtone niyang kay ingay
Tinignan niya kung sino ang tumatawag at nakita niyang ang lolo niya pala ang tumatawag. Babangon na siya para sagutin ang tawag ng bigla namang pagkaupo niya ay nakaramdam siya ng pagbigat ng ulo niya. Parang may bato sa ulo niya at ang sakit-sakit pa.
"Ahhh!!! Ang sakit ng ulo!" napahawak siya sa ulo niya at sa cellphone na muntik na niyang maitapon sa inis
"Dana!" lolo niya na nasa pilipinas.
Nilayo niya ang cellphone niya dahil sa lakas ng boses ng lolo niya. Napanguso siya."Bakit po lolo?" siya na nakahawak parin sa sentido ng ulo niya
"Kailan ka ba uuwi dito? Marami ka ng gagawin! Yung gagamitin ko para sa mga meetings ko..." sosyal naman meeting sa isip-isip niya
"Ah mga isang linggo lang naman kami dito lo." pagpapaliwanag ni Dana
"Isang linggo?! Dana bakit di mo sinabi na isang linggo ka dyan?! Umuwi ka na kung ayaw mong ako ang sumundo sayo!" nilayo ulit ni Dana ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng lolo niya
*Dingdong*
*Doorbell*"A-ah. Lolo mamaya nalang po ah?" papatayin na niya pero nagsasalita pa ang lolo niya
"Bastos itong bata na ito! Kinakausap pa kita!..." at kung anu-ano pang daldal
"Sige na lo may nagdodoorbell kasi..." pagdadahilan niya
"Dana! Umuwi ka na dito!" pagcocomand ng lolo niya sa telepono
"Opo.." at tuluyan na niyang pinatay
Kumaripas ng takbo si Dana para tignan kung sino ang nagdoorbell. Magulat gulat siya nang makita niya ang bestfriend niya ang lumantad sa harap niya.
"U-uh?" medyo nagulat siya
"Oy?! Buti nakita na kita tagal kitang hinanap ..." papasok na sana si Rey,ang ex-bestfriend niya ng bigla siyang pinigilan ni Dana
"Oh! Bawal ka dito..." hinipo na naman ni Dana ang sentido niya nahihilo parin kasi siya
"Anong nangyari? Masakit ba ulo mo?"inaalalayan naman siya ni Rey
"A-ah. Okey lang ako medyo nahilo lang..." si Dana na pinigilan si Rey nong aalalayan na siya
"Ah.. Oo nga pala pumunta ako dito para ipaalam sa inyo na nagustuhan kayo nong manager ko at gusto niyang magperform ulit daw kayo.." hindi kayo nagkakamali may konekta din kasi siya sa musika. Kaya nga nagkasundo sila ni Dana ih
(Kung tinatanong ninyo kung paano? Sa susunod nalang ang dahilan)
"H-hah?! B-bakit? Hindi naman kami stay dito magbabakasyon lang kami kaya nandito pa kami..." si Dana na naguguluhan. Eh pano kasi ang usapan nilang lahat ay magbabakasyon lang sila dito at wala ng tugtog
"E-eh pilitin ko daw kayo..." si Rey na napakamot sa ulo niya at biglang lumuhod sa harap ni Dana kaya naalerto naman si Dana
"O-oh! Ano bang ginagawa mo tumayo ka nga dyan?!" si Dana na pinipigilan si Rey na lumuhod sa harap niya. Pero hindi pinansin ni Rey yung pagpipigil sa kanya ni Dana
"Sige na naman!" nagmamakaawa sa harap ni Dana habang hinahawakan pa ang kamay nito na nakaluhod pa rin
"Eh! Pero wala muna kaming tanggap ih at pinag-usapan na yun.." pagpapaliwanag ni Dana
"Basta pupunta kayo kahit ayaw nyo..." tumayo si Rey at tumakbo na palayo na kumakaway pa tila nang-aasar
Hindi pa talaga gising si Dana kasi late na nagsink-in sa utak niya yung sinabi ni Rey kanina. Inisip niyang mabuti muna ito at bumalik sa sinabi ni Rey ng biglang maalala na niya.
"Basta pupunta kayo kahit ayaw nyo..." nong nagsink-in na sa utak niya
"U-uh? Ano daw?! Oy! Ano ka dyan di nga kami pwede!!!" natatanaw pa naman niya ito. Kaya sumigaw ulit siya baka sakaling marinig pa ni Rey
"Hindi! Basta sasabihin ko pumayag kayo!" walang nang nagawa si Dana kaya napasimalmal nalang siya at napukpok ang sentido
"A-ah! Ang sakit! Kasi naman eh!" napalo niya ang sentido niya. Nakalimutan niya na masakit nga pala ang ulo niya.
"Ughh. Sakit talaga ng ulo ko! Hussh..." pabalik na siya sa loob
AN:
Votes and comments pleaseAhmm.. Mayroon nga pala akong kasalan sa inyo readers. Medyo may binago lang ako si Erick na ang bass guitarist at si Marvin na ngayon ang may hawak nang drums.Wala na pong may hawak nang keyboard si Ezy still bass guitarist din.
Sana maintindihan nyo sinunod ko lang ang banda nang cnblue ...
![](https://img.wattpad.com/cover/27015549-288-k345213.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstring (#Wattys2016)
AdventureHighest Rank: #17 in Adventure Mahal ni Dana ang musika nang sobra at ganun din si Edward. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagtatagpo. Nagkamali nang pagkakakilanlan si Dana kay Edward at ganun din si Edward. Posible kayang dahil sa musika ay bu...