Whole Heart Tea Party

246 10 0
                                    


Nagmamadali na ang lahat dahil sa gaganaping 'Whole Heart Tea Party' dyan lang malapit sa kanilang eskwelahan.Magsisimula ito nang 9:00 a.m kaya kanya-kanya na sila nang sakay sa van na prinovide naman nang eskwelahan nila.May rules din sila at ang pinakaimportante ay bawal malate dahil ayaw nang mga matatanda na pinaghihintay sila kaya kahit may gagawin pa sila na iba mamaya na lang daw.

"Okey na bang lahat?" si Dana na nagsalita nasa harap siya dun sa katabi nang driver sit.Siya kasi ang nangunguna at leader sa nasabing pagdiriwang.Siya ang inaasahan talaga sa kanila

"Yeehhh!!!" sagot naman nang lahat sa van.Sa totoo lang halos dalawang naglalakihang van ang gamit nila dahil hindi sila kasyang lahat sa isang van lang

Inihatid na sila ni Manong Driver nang eskwelahan o kaya service kung tawagin nila.Sa 'Whole Heart Tea Shop' sabi ko naman sa inyo malapit lang ito sa eskwelahan.

30 minutes later

Sa wakas! Nandito na rin sila!

"Halika na team! Go!" nagcheer si Dana para ganahan ang lahat na maghanda nang mga dapat ihanda sa nasabing party.Syempre, kailangan ih kaya nga maaga sila pumasok dahil dito.Maggagayak pa sila

"Eduardo, dito yan.." turo ni Dana

"Yan Serriez dito yan.." turo niya bandang itaas

Mga ilang turo at sabi pa natapos na sila kaya nagsimula naman ngayon magpractice ang 'Precious Angels'.Oo, ang Precious Angels nalang daw ang tutugtog kasi sabi nang buong klase, sila nalang daw ang tutugtog atleast sure daw na magugustuhan ito.

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang 'Precious Angels' na tumugtog.

"Yon! Galing!!"

"Whoo!! Iba talaga ang 'Seasoned Section'!"

Nakangiti naman nilang tinanggap ang bawat papuri nang kanilang mga kaklase.

Ilang practice pa ang ginawa nila nang bigla namang napatingin si Dana sa pinto.Bumukas kasi ito at akala niya kasi yung mga matatanda na iyon balak niya kasing mga salubungin ngunit nagkamali siya.Ang 'Electrica' pala ang dumating.

Gulat na gulat at nagtataka ang lahat nang bigla nilang makita ang Electrica.
Nagsimula nang magbulung-bulungan yung iba.Yung iba naman ay nagsimula nang magtitili at kiligin sa tuwa dahil nandito sila.

Lumalakad na sa gitna ang Electrica habang gumigilid naman ang lahat nang mga kababaihan ay walang pakundangan kung tumili naman ang mga ito.Hindi kasi maiwasan nang mga kababaihan lalo na ang teenager na hindi mainlove sa isang gwapong katulad nila na magagaling sa pagbira nang gitara at pagdrudrums na katulad ni Marvin.

Syempre! Alam naman nating lahat na ang pinakagusto nang lahat ay si Edward.At kahit itanong kung bakit? Simple lang sa gwapong iyan ni Edward at sa galing maggitara.

Sino nga namang hindi maiinlove?

"OHMY! Nandito sila!"

"WAHHH!!! NANDITO SILA!"

"Nandito ang Electrica!"

Pero dahil may rules sa school hindi sila makalapit hanggang tingin lang ang pwede.

Papalapit na ang Electrica sa pwesto nila.Samantalang si Dana naman ay nakatingin lang sa kanila.

Ano bang ginagawa ninyo dito? Sa isip isip ni Dana

Nang makalapit ang Electrica ay hindi na naiwasang magtanong ni Dana.

"A-ano bang ginagawa ninyo dito?" napatawa si Edward na parang 'common sense' naman at bumalik nang tingin kay Dana na nakapokerface na

Heartstring (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon