[ GRACE's POV ]
Nakaka-high blood talaga yung lalaking mukhang pinya na yun! Napaka-bastos at antipatiko! Akala mo naman kung sinong gwapo! NAKAKAINIS! At ang awkward lang dahil habang kumakain ako, may mga matang nakatingin sakin. Ang sarap dukutin nung mata eh kahit mukha naman akong walang madudukot dahil chinito siya! Palibhasa first time lang ata nun makakita ng Dyosang nagagalit! Nakakairita lang.*RIIIINGGGG*
Shoot. Tapos na yung break namin. Sa wakas makakalayo na ako sa presensya nung hudas na Pinya na yun. Hah! Ito na sana ang huli naming pagkikita. Paalam Mr. Pineapple Wannabe. Wag na sana muling magtagpo ang ating mga landas.......
-:-:-:-
ROOM 105. ELECTRONICS SUBJECT.
G: O_O
K: O_OWHAT. THE. EFF. Kaklase ko pala tong ungas na to?! Akala ko pa naman hindi ko na siya ulit makikita! Kahit si Ken din ay nagulat. Nagulat siya na may kaklase pala siyang Dyosa! Pero mas nagulat ako dahil kahit pala ang mga Pinya eh nag-aaral din pala.
Ted Hannah, may galit ka ba sa akin?! Bakit mo ako ginaganito?? May kasalanan ba ako sayo?! Bakit mo ako pinaparusahan?!
Bahala na.. di naman siguro kami pagtatabihin sa klase eh ni Sir eh. Hindi naman uso ang seating arrangements pag college diba? Diba diba? :/Well thank Gad dahil kahit pinarusahan ako ni Ted Hannah, kahit papaano ay mabait pa din siya sa akin. Hindi ko nga nakatabi si Ken. Nagawa kong makinig sa class ng walang problema dahil hindi ako nadistract sa presence ni Ken (well.. sa ngayon hindi pa).
PROF: Who wants to try to answer the question on the board? Anyone?
Walang nag-taas ng kamay samin. Feeling ko mga kinakabahan pa sila sumagot dahil nga naman first day ito ng lecture namin sa subject na ito. Well sa bagay normal lang naman-
K: sir!
PROF: ok, Mr. Ong.Wow. Ang Bibo Kid naman ng Pinyang yan. Hmp. If I know magyayabang lang yan. Bibo pero walang brains! Minsan talaga may mga ganyang uri ng tao sa isang section. Akala mo matalino kasi masyadong bibo iyon pala, sadyang active lang sila. Pero kulang sa utak. Feeling ko ganun si Ken.
Well I don't care. Basta ako, busy ako ngayon sa pag-doodoodle! And guess who! Malamang edi yung Pinyang yun! Pangit kasi siya kaya may sungay siya. Tapos meron din siyang buntot at tayo tayo yung buhok niya na parang kinuryente. Hmm... ah! Pula din yung mga mata niya kasi mukha siyang halimaw pag nagagalit! *evil laugh*
Mukhang tapos na siya mag-solve. Wow. Ang bilis ah infairness.
PROF: I think there's something wrong with your work, Mr. Ong. May kulang kulang ka sa equation.
HAHAHA. Mali ang sagot! Pahiya ka ngayon! *smirk* Biglang nag-iba yung expression sa mukha ni Ken. Nakita niya yatang pinagtatawanan ko siya. Oh well. SERVES HIM RIGHT. *evil laugh*
PROF: by the way, nice try Mr. Ong.
G: *nagdoodoodle* Pineapple Wannabe Loser Freak Bibo Kid Monster*RIIIINGGGG*
YAHOO!!! Uwian na! Sa wakas makakapag-lakwatsa na ulit! Naeexcite na ako kasi may usapan kami na maglalakwatsa kami ngayon ng barkada. Weee~ Agad akong nagimapake ng gamit at madaling nilisan ang classroom. Mahirap na at baka magkaroon na naman ako ng 2nd encounter sa freaky Pineapple na yun!!!
Pagkarating ko sa tambayan namin, naabutan ko na silang kumpleto at ready to go. Haha talk about excited -
G: o! saan naman tayo ngayon? Gusto niyo bang mag-mall na lang tayo?
A: sige tara na!
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...