CHAPTER 47: Jared VS Ken

10.4K 65 6
                                    

Bye Grace! Merry Christmas!
Ui, thanks ng pala sa regalo ha?
See you next year!


Ahh~ finally, Christmas break na namin! Makakapag-puyat, fangirl and marathon na din ako magdamag! And as of now, wala muna akong poproblemahing anything related sa acads dahil naipasa ko na yung mga projects na dapat ipasa at isa na doon yung project namin sa Electronics. YEY!

---START OF TEXT---
J: Nasa school ka pa ba?
---END OF TEXT---


Ui, si Jared biglang nag-text. Well.. ngayon lang ulit nag-text sa akin si Jared. After nung nangyari sa Dance, parang hindi na kami masyadong nakapag-usap..

---START OF TEXT---
G: yup, nasa school pa ako. Why po?
---END OF TEXT---


Bakit naman kaya niya tinanong kung nasa school pa ako? Naku, don't tell me makikipag-kita siya sa akin today and pag-uusapan namin yung tungkol sa uhh.. you know.. Di pa kasi ako handa! >_<

---START OF TEXT---
J: Meet you later at around 3pm jan sa tapat ng building niyo.
---END OF TEXT---


Naku, ito na nga ba ang sinasabi ko :-s ano na lang gagawin ko kapag nagkita na kami? Magawa ko na kaya siyang tignan sa mga mata niya? Masagot ko na kaya yung mga tanong niya sakin? Waaah~ anong gagawin ko? Kinakabahan tuloy ako!

K: Hoy panget. Ok ka lang? Bakit ganyan itsura mo?
G: ha? Ako? Oo okay lang ako.
K: anong gagawin mo after class?
G: gagawin? Ako? Mamaya? Ano eh..
K: ano ba yan bakit ganyan ka magsalita? Nakakaka-asar!

Pambihira naman oh! Maghihiwalay na nga lang at magtatapos na ang taon, lagi pa din galit tong Pinyang to! Jusko, sana naman sa bagong taon eh masabugan siya ng twitis. Baka sakaling magbagong buhay na siya sa ganung paraan :|

G: epal! Hindi ko alam kung anong gagawin ko mamaya. Makikipag-kita ako kay Jared eh.
K: huh?! Bakit ka naman makikipag-kita sa lalaking yun?
G: ewan :-/

Baka kasi paguusapan namin ngayon yung naudlot naming napag-usapan nung nakaraang Dance? Baka kasi magpropose na siya sakin ng kasal? Baka kasi sasabihin na niya sa akin na ako na ang gusto niya makasama sa pang-habang buhay? Ok. Kung ano-ano na pumapasok sa utak ko.

K: ahh.. eh hanggang anong oras naman kayo mamaya?
G: ewan.
K: kayo lang dalawa?
G: ata
K: saan kayo magkikita?
G: tapat daw ng building eh
K: mabilis lang ba kayo mamaya?
G: ewan
K: saan kayo pupunta?
G: di ko alam
K: ahh.. kayo lang ba dalawa magkasama mamaya?
G: natanong mo na yan. Baket, gusto mong sumama?
K: pwede ba?
G: ha? Sineryoso mo naman yung joke ko.
K: joke lang. feeling mo naman! Maka-alis na nga!

Problema nun? Daming tanong tapos bigla bigla na lang akong tinalikuran. Sana sa pasko eh may mag-regalo sa kaniya ng "RESPETO" :|

15minutes bago mag 3pm eh tumambay na ako sa tapat ng building namin. Doon ako sa may pav para madali akong nakita ni Jared. Hindi pa ako nakakatagal sa pagtambay doon ng biglang may kumalabit sa akin. Pag-lingon ko, may nakabungad sa mukha ko na bouquet of pink roses

J: Merry Christmas! :)
G: ui.... Jared!

Medyo nagulat ako sa ginawa niya! For the first time kasi.. may nagbigay sa akin ng bouquet. At si Jared ang unang nakapagbigay sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong expression ba ang dapat kong ipakita. Kung ano ba dapat kong gawin. Pero one thing's for sure, na-surprise talaga ako at medyo kinilig din. Ganito pala yung feeling ano? Masarap. Masaya. Nakakatuwa. Nakakakilig.

G: thank you sa roses. :)
J: I'm glad you liked it
G: ah.. hehe oo naman :) ano nga palang ginagawa mo dito?
J: nabalitaan ko kasi na last day niyo ngayon so I grabbed the chance para dalawin ka sa school. This weekend kasi eh aalis kami nina Daddy. So baka di na kita mabisita this coming Christmas..
G: ah.. saan kayo pupunta?
J: Sa Vigan po. :) anyway, ang laki pala ng school niyo ano? Muntik na nga akong maligaw eh :D
G: ah.. oo. Medyo malaki nga.. hehe

Napansin ko na nakatingin sa akin yung mga tao doon sa kabilang pav. Well you know, mga usi. Yung 2 babae nakatingin kay Jared. Feeling ko nga type nila si Jared eh. Aba eh may halong kilig ba naman yung titig sa kaniya?

G: *chuckle*
J: oh, bakit ka naman natawa?
G: ha? Haha, wala lang. Natawa lang ako bigla. Kabago-bago mo pa lang dito, pero mukhang may mga fans ka na
J: fans?
G: haha, wala. Kalimutan mo na sinabi ko :P

Hindi pa nagtagal eh biglang may tumawag sa pangalan ko. Napansin kong mga kaklase ko pala iyon. Malayo pa lang, pero kitang-kita ko na yung mga ngiti nila... mga ngiting nakakaloko.

Ui si Grace~ binibisita ni boyfriend!
Yikeee!
Sweet naman!


OH LUPA, LAMUNIN MO NA AKO! Hindi ko na kayang harapin pa tong kahihiyan na ito! Tapos napansin ko pang medyo napapangiti i Jared. Jusko, ano na lang gagawin ko??

J: Ui Grace, boyfriend mo daw ako oh.
G: haha naku pagpasensyahan mo na sila. Mga maloko kasi yung mga kaklase kong yun
J: haha, bakit naman? Eh mangyayari naman yun SOONER ah.
G: ha? Haha.. adik..

Shets. Naman oh. Ano ba kasi dapat nirereply ko sa mga ganung klaseng banat? Parang nakaka-tanga naman oh >_<

Hindi mangyayari yan dahil may ibang gusto si Grace, at hindi ikaw iyon.

Huh? Sino naman yung epal na yun?

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon