Nakakailang round na din sila ng shot, hindi na din naman ako umiinom, pero di pa din nawawala yung hilo ko. Naisipan kong magpunta sa garden at doon ako nagpahangin. Infairness, ang laki ng garden nina Anna. Sobrang lawak at ang ganda pa. Ang daming flowers at mga halaman. Ang sarap ng simoy ng hangin din. Dahil sa dami ng flowers, nadadala ng hangin yung bango nung flowers. And oh, ang daming stars ngayon! Clear ang sky ngayon kaya ang sarap mag-star gazing ngayon!
Naupo ako doon sa bench at tahimik kong pinagmasdan yung stars. Inisa-isa ko pa nga yung mga planets, stars and constellations para fun.
G: summer triangle! Deneb, Altair and Vega. Hmm.. Ayun naman si Pegasus. Then there's Sagitarius. Pluto... Libra and Saturn... Nasaan naman kaya dito yung Centaurus? -_-
Psst kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala.
Bgla akong napatayo sa kinauupuan ko ngmakarinig ako ng nagsasalita sa likod. Ikaw ba naman nananahimik tapos gabi pa, ano na lang mararamdaman mo pag biglang may nagsalita at sumulpot sa likod mo?!
G: Ken! Ginulat mo naman ako! Anong ginagawa mo dito?
K: hinahanap ka. Bigla ka kasing nawala. Hinahanap ka nila.
G: ahh. Nagpahangin lang ako medyo nahihilo na kasi ako.
Umupo siya sa tabi ko. Mabuti na lang at medyo mahaba yung bench. Hindi namin kailangan magsiksikan sa iisang upuan. Magpaganun pa man, masaya ako kasi kasama ko sya ngayon, at kami lang dalawa.
G: hindi ka ba babalik doon?
K: mamaya na. Kailangan kong magpahangin dahil medyo nahihilo na din ako.
G: eh inumin mo ba naman kasi pati yung shots ko. Paanong di ka mahihilo doon?
K: eh kesa naman sa ikaw pa ang malasing? Ako palagi ang nagaalaga sayo nung nalasing ka sa outing natin kaya alam ko yung pakiramdam ng sinabi mo yung mga pinag-gagagawa mo pag nalalasing ka. Kalbaryo ang alagaan ka kaya habang maaga pa lang, pinigilan ko na.
Pfsh. Yun pala yun. Akala ko pa naman ay dahil concerned lang siya sakin dahil ayaw niya akong malasing. -_- Pain in the @ss lang pala ako sa kaniya. Pwe. Nag-assume na naman kasi ako.
K: naimagine ko pa lang na magpapa-piggy back ride ka sa amin, kinikilabutan na ako ko. Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin kung gaano ka kabigat?! Jeebus. Kung alam mo lang kung anong hirap ang dinanas ko nung sinakay kita sa likod ko nung nalasing ka nung outing!
G: oo na. dami mong sinabi eh. Nilait mo pa ako.
K: magpasalamat ka nga dapat sakin dahil tinulungan lang kita ma-prevent ang sarili mo sa kahihiyan.
G: okay! Okay! Sa-la-mat. Okay?
K: pfsh.
Napansin kong panay ang hawak ni Ken sa ulo niya at nakapatong lang amg mga braso nito sa tuhod niya. Nako, tinamaan na din ata ng alak ang loko. Napansin ko ngang medyo tabingi na ito kung maglakad kanina.
K: ahh~ ayaw talaga mawala ng hilo.
G: gusto mo bang sumandal sakin? Pwede dito sa balikat ko. Pwede ding humiga ka dito sa binti ko.
K: *stares at Grace*
Patola, ano ba tong iniisip ko?! Saang lupalop ng mundo ko naman nahugot yung mga salitang yun?! Bakit ko sinuggest sa kaniya yun?! Hindi pa din ata umaalis sakin yung espiritu ng alak >_< Patay ito, pareho kaming lasing!
G: uhh.. Joke lang yun ha? Wag mong sabihing naniwala ka? Ahaha. Ahahahahaha. Hahahahahahahaha. *kamot ulo* hehe..
Lokaret ka talaga Grace! Baliw ka, baliw! Bakit mo sinabi yun?! Baka isipin pa ni Ken na patay na patay ka sa kaniya! Magpaka-Maria Clara ka nga. Nagpapaka-Maria Ozawa ka na naman eh! Waaah!
Nakatingin pa din sakin si Ken. Ugh. Ano kayang tumatakbo sa isip nun?
K: patay na patay ka talaga sakin no?
G: huuuuuuuuuuuuh?! Ano na naman ba yang sinasabi mo? Wag ka ngang feelingero! Hindi ako patay na patay sayo no! at isa pa-EI! Anong ginagawa mo?!
K: nag-alok ka kanina diba?
G: ang sabi ko joke lang yun-
K: shh~
Bastos na bata. Tama bang higaan niya talaga ako sa binti ko? Eh joke lang naman yung sinabi ko kanina! Uhh. Dibale na nga lang.. medyo.. medyo na-eenjoy ko din naman yung ginagawa namin eh. Para ko siyang hinehele. Kulang na lang kantahan ko siya hanggang sa makatulog siya.
Confirmed. May tama na din tong lalaking to. Amoy amats na eh. At parang wala din siya sa sarili niya.
G: Ken,
K: hmm?
G: anong pinagusapan niyo ni Jared kanina?
K: secret.
G: damot.
K: bakit ba gusto mong malaman?
G: naiintriga lang naman ako eh.
K: wag mo ng alamin. Hindi naman tungkol sayo yung pinagusapan namin eh.
G: oo na! Sino ba kasing nagsabing ako pinaguusapan niyo? *pouts*
Kaasar to. Kailangan ipamukha pa niya sakin na labas ako sa topic nila. Hmp. Di ko na nga siya kukulitin.
K: naka-pout ka na naman.
G: tse! *pout*
K: diba sinabi ko na sayo, di bagay sayo na nag-po-pout ka?
G: wag ka ngang makealam! At bago mo ako punahin, baguhin mo muna yung buhok mong laging nakatayo. Mukha kang pinya!
Pagkasabi ko nun, pabiro ko siyang sinabunutan. Infairness, ngayon ko lang nahawakan yung buhok ni Ken. Kahit madalas siya maglagay ng wax ay ang lambot pa din ng buhok niya... At mabango din.
K: wag mo ngang guluhin buhok ko! Asset yan. Asset!
G: nasaan ang asset? All I see is Pineapple.
K: sus. Pero sa lalaking sinasabing mong mukhang pinya, nainlab ka naman.
G: hmp. Whatever!
There he goes again with my weakness. Hindi ako makapalag kasi totoo naman talaga. Bakit ba gustong gusto niya akong asarin pagdating sa feelings ko sa kaniya? Kayang kaya niyang imanipulate yung feelings ko. Hai..
K: gusto ko yung ginagawa mo. Wag kang tumigil..
G: huh? Ang alin?
K: yung ginagawa mo ngayon sa buhok ko. Napapakalma mo ako.
Unconciously, na-i-stroke ko na pala yung buhok niya. Mukha talaga kaming couple sa ginagawa namin. How I wish...
K: ang dami pa lang stars ngayon no?
G: hmm! Nakikita mo yung pinakamaliwanag na star sa taas ng moon? That's Saturn!! Tapos yung nasa bandang naman ay yung Pluto.
K: ahh. I see.
Nakatingin lang kami pareho sa kalangitan at tinuturo ko pa sa kaniya yung ibang planets and constellations na familiar ako. Habang nagtuturo ako sa kaniya ng constellations ay bigla akong nakakita ng shooting star!
G: Ken Ken Ken!!! Nakita mo yun? May shooting star kanina!!!
At dahil nakakita akong shooting star, nagwish agad ako.
Sana dumating ang araw na matutunan din ako mahalin ng lalaking nasa harapan ko.
After kong mag-wish ay tinignan ko si Ken para ituro sa kaniya kung saan ko nakita yung shooting star. Kaso wrong move ata yung ginawa ko. Dahil pagkatingin ko sa kaniya, nakita kong nakatitig lang to sa akin. Uhh. Anong meron na naman kaya sa mukha ko....
G: uhh. Nakita mo ba?
K: hmm?
G: yung shooting star.
K: nope.
G: kung saan saan ka kasi tumitingin eh! Sayang hindi mo nakita..
K: sayo lang naman ako nakatingin eh.
G: uh. Uhhh..... *blush*
K: okay ka lang? Namumula pisngi mo.
G: eeeh. Hehe. Oo, okay lang ako. Ayun! May shooting star ulit!
Pagsisinungaling ko! Kasi ang awkward ng mga sinasabi niya! Masyado niya akong pinapakilig ngayong gabi!!! Baka pag bumanat pa siya, hindi ko mapigilan sarili ko na itago pa yung kilig na nararamdaman ko.
G: tumingin ka doon! May shooting star! *iniikot ang ulo ni Ken*
K: aray! Ang sakit ng ginawa mo! Bakit mo ginawa yun?!
G: para makita mo yung shooting star!
K: ano bang meron sa shooting star at gustog gusto mong makita ko yun?!
G: Alam mo ba yung kwento tungkol sa shooting star?
K: nope, tell me about it.
Muli siyang humiga sa binti ko, at walang pagdadalawang isip ko namang nilalaro ang buhok niya habang nagsisimula akong magkwento sa kaniya.
G:Ang sabi nila, sila daw yung mga Guardian Angel mo na bumaba sa langit para tuparin ang wish mo. Kapag nakakita ka daw ng shooting star, dapat mag-wish ka kasi tutuparin daw ng mga Angels yung wish mo. Kaya gusto kong ipakita sayo yung shooting star para makapag-wish ka din at matupad ng Guardian Angel mo yung kahilingina mo.
Muli kong tinignan si Ken.. naabutan kong nakatingin na pala ito sa akin. Walang expression ang kaniyang mukha, pero tila madaming gustong sabihin ang mga mata niyang nakatitig ng malalim sa akin.
K: hindi ko na kailangan ng shooting star. Hindi pa ako humihiling, pero nagawa na niyang tuparin ang gusto ko. Aanhin ko din ang Shooting Star, kung nasa harap ko na yung Guardian Angel ko?
G: *blush*
Dyosa ng mga alak, bakit hindi ka pa umaalis sa katawan ni Ken? Bakit sinasaniban mo pa din siya? Umalis ka na sa katawan niya, Dyosa ng mga alak! At para sasabihin ko sayo, ako lang ang nag-iisang Dyosa sa kwento na ito kaya wag ka ng pumapel. >_<
Kakainis! Kanina pa niya tina-tug yung heartstrings ko. Kanina pa!!! Kung hindi lang siya lasing, maniniwala na ako sa mga sinasabi niya eh... kaso lasing siya! Pero magpagayunpaman, kinikilig pa din ako sa mga sinasabi niya. Parang gusto kong maniwala sa mga sinabi niya.
Ngayong gabi lang, okay lang bang maniwala ako at mag-assume na may pag-asa ako kay Ken?
Hinihiling ko na sana,ulitin niya ulit sabihin sa akin ang mga ito kapag nasa katinuan na siya at hindi na siya lasing. Dahil kung nangyari iyon, mas maniniwala akong sincere siya sa mga sinasabi niya.....
Hai. Labo talaga.
G: Pineapple Chop! *chop*
K: arayyyy~ bakit mo ginawa yun?! Bakit mo ako kinarate chop sa tyan!
Bigla siyang napatayo sa pagkakahiga niya at hinawak-hawak pa nito yung tyan niya. Hehe ang cute ng mahal ko. Para siyang may bed hair tuloy dahil ginulo-gulo ko ito kanina habang nakahiga siya sakin. Mukha tuloy siyang bagong gising.
G: para lumabas na yung Dyosa ng Alak sa katawan mo. Kanina ka pa sinasaniban eh.
K: baliw ka talaga! Ang sakit ng ginawa mo!
G: peace XD
K: he! Ewan ko sayo!
G: galit ka na naman. Halika na, humiga ka na ulit dito. Lalaruin ko na lang buhok mo.
Walang pagdadalawang isip na humiga siya ulit sa binti ko. Parang bata talaga, cute.
Ganito lang kami ni Ken for around 30 minutes. Walang nagsasalita. At habang nakahiga naman siya sa binti ko, patuloy ko pa din nilalaro yung buhok niya. Feeliing ko nga tulog na siya dahil kanina pa siya hindi nagsasalita at nakapikit lang ito.
G: tulog ka na ba Ken?
K: hindi pa. Ine-enjoy ko lang yung ginagawa mo sa buhok ko.
G: ahh.. akala ko tulog ka na
K: mabigat ba ako? Baka namamanhid na yung binti mo.
G: hmm. Okay lang. nag-eenjoy din naman ako paglaruan yung buhok mo eh.
K: hmm...
Ang sarap sa pakiramdam. Para akong lumulutang sa langit dahil sa saya. Kahit na alam kong wala namang pag-asa tong feelings ko sa kaniya, hindi ko pa din mapigilang umasa. Parang willing akong itake ang risk pag tuluyan na akong mahulog ako sa kaniya. At kahit pa na sa bandang huli, masasaktan ako, gusto ko pa din ituloy. Ewan ko ba.
Sobrang ang lakas na yata talaga ng tama ko kay Ken.
/--- START OF FLASHBACK---/
Ken and Jared's Phone Conversation
KEN's POV
J: hello Ken, musta?
K: yo. Okay lang. Ikaw?
Ang weird pala sa pakiramdam kapag ngayon mo lang ulit narinig yung boses ng isang tao. Nakakapanibago.
J: I'm doing good. Let me get this straight, alam mo naman siguro kung bakit kita kinausap diba?
K: I have an Idea. Wag ka mag-alala, tumupad ako sa pangako ko. Kahit minsan hindi ko mapigilan sarili ko na awayin siya dahil matigas ang ulo niya, lagi kong iniisip yung napagusapan natin
J: ah, that's good to know. Balita ko hindi pa kayo ni Grace? Ang hina mo naman Pare. Umalis na nga ako sa Pilipinas kaya malaki na ang chance mo. Pero wala pa din?
K: ano bang gusto mong mangyari, Pare? Maging girlfriend ko si Grace?
As if naman na mangyayari yun. At utang na loob ko pa talaga sa kaniya na umalis na siya ng Pilipinas at iniwan niya sa akin si Grace. Ayos din tong lalaking to. Gusto pa niya atang magkaroon ako ng utang na loob sa kaniya.
J: hmm. Baka naman mamaya niyan sa sobrang bagal mong dumiskarte, at sa kakadeny mo sa feelings mo, baka maunahan ka ng iba kay Grace ha.
K: wag kang mag-alala. Hindi mangyayari yun. Dahil hindi ako makakapayag na may ibang aagaw kay Grace mula sakin. Kailangan muna nilang dumaan sa akin bago mangyari yun.
J: that's good to hear. At least kampante ako na sayo ko ipinaubaya si Grace.
K: hindi mo naman kailangan sabihin sakin yun eh. Automatic na yun. Babantayan ko si Grace, kahit ano pang mangyari.
Shet, ano ba itong mga sinasabi ko? Kung ano ano na naman ang lumalabas sa bibig ko dahil sa alak! Ahh!!! Asar! Pabida kasi ako masyado, ayan tuloy kung ano ano na naman nasasabi ko. Hindi ko naman pwedeng bawiin yung mga sinabi ko dahil.. I runno. Pride? Ego?
Dahil iyon talaga ang katotohanan?
Uhh...
After naming mag-usap ni Jared, bumalik ako sa table namin para mag-yosi.
G: oi, nagyoyosi ka na naman. Itigil mo na nga yan. -_-
K: ano ba kita, Nanay? Kung makasuway to. Akin na nga yung lighter!
G: hephep! Di pwede! Mag-beer ka lang jan. Bawal kang mag-yosi.
K: tsk! Crom, peram nga ng lighter mo.
CR: sorry dude, I stoped smoking ever since I started dating Collin.
K: tsk.
Ano ba naman yan, nagka-girlfriend lang tong si Crom, naging goodboy na. Hindi ka naman magiging badboy kung nagyosi ka ng paminsan-minsan ah. Kaasar, wala tuloy akong mahiraman ng lighter dito. Di tuloy ako makapag-yosi.
K: *sigh*
G: okay ka lang?
K: ano pa nga bang magagawa ko. Eh ayaw mo akong mag-yosi.
G: syempre. Kelangan alagaan mo health mo! Kung kinakailangan, pipigilan kita sa lahat ng bisyo mo para maging healthy living ka!
K: a-*sigh*
Ironic no? Usapan namin ni Jared na ako magbabantay at mag-aalaga kay Grace. Pero baliktad ang nangyayari ngayon. Si Grace pa ang nag-aalaga sa akin. *sigh*
G: Ken,
K: ow.
G: anong napagusapan niyo ni Jared?
K: secret.
G: eeeh~ sabihin mo na! to naman, parang hindi friend.
K: it's a boy thing. At teka, friends ba tayo? Servant lang kita ah. Anong friend-friends yang pinagsasasabi mo.
G: hmp. Edi wag mo ikwento!
There's no way I am gonna tell her yung napagusapan namin ni Jared. No freaking way! Dyahe naman kasi yung mga napagusapan namin. Bahala siyang mag-isip kung anong napagusapan namin.Bahala siyang sumakit ulo niya kakaisip. Mehehe.
/--- END OF FLASHBACK---/
== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...