CONSULTATION DAY
Ughhhh....... Ngayon ko na malalaman kung makakatay ba ako sa Electronics o hindi. Nagsimula na kaming pumila sa harap ng faculty. Arte naman kasi nitong si Sir eh, kelangan sa Faculty pa magpa-consult sa kaniya. -_- Medyo mahaba yung pila kasi halos lahat ng section na under sa kaniya eh pumasok para lang malaman kung pasado ba sila o hindi. Kamusta naman, 5 kaming section na handle niya. Indianin mo na lahat ng subjects mo sa consultation day, wag lang yung Electronics ni Sir.
Yung ibang mga kaklase ko, tumatalon-talon pa nung lumabas ng Faculty room tapos winawagayway pa nila yung Clearance nila, proof na pumasa sila kay Sir Sadista. Kakainggit, sana ganun din ako T_T Tapos ung iba kong mga kaklase naman, ayun, hindi pinalad. Malungkot at maluha-luha ng lumabas sila ng Faculty Room. Para silang pinagsukluban ng langit at lupa. Wag naman po sana matulad ang kapalaran ko sa kanila *cross fingers* *doing the anito dance*
K: yo!
G: ay palaka!
K: ikaw mukhang palaka!
G: tse! Epal nito. Mang-gugulo ka na naman eh.
K: oi hindi ah! As if naman ikaw dahilan kung bakit ako pumasok dito no. Feeler mo.
Grabe, ako pa talagang pinagmukha niyang makapal ang mukha. Eh sino kaya itong lumapit? -_- kapal din ng fez eh -_-
G: bakit nandito ka? Oi, bawal singit! Pumila ka sa pinaka-dulo!
K: at sino naman nagsabing pipila ako? Pasado ako no.
G: nakapag-consult ka na ba?
K: hindi pa :D
G: oh eh bakit alam mo?!
K: alam ko lang. Sa tingin mo ba babagsak ako?
G: tssssch.
Yabang din eh no. -____- Edi siya na matalino. Lech. Eh ano pang point ng pagpunta niya dito? Para magyabang? Kakairituuuuh.
G: oh eh bakit ka pa nandito? Nakakairita umalis ka na nga!
K: grabe, kung nakaka-irita ako, paano pa kaya pag nakikita mo mukha mo sa salamin? :3
G: bwiset!!
USHER: Next!
G: ay palaka, ako na pala next!
K: oy, babaeng mahilig sa Creampuffs, siguraduhin mong pasado ka jan sa sa subject na yan ha.
At pinaalala pa niya sakin yung usapan namin noon. Huhuhu. Dumagdag pa yun tuloy sa mga pinoproblema ko.
Pagkapasok ko sa loob ng faculty room, bigla akong kinabahan! Yung puso ko, biglang tumibok ng sobrang bilis! Mas mabilis pa sa kinikilig! Tapos para akong pinagpapawisan ng malamig.. sobrang kinakabahan talaga ako! Feeling ko mahihimatay ako anytime. Jusko Lard, tapusin niyo na itong paghihirap ko!! Ahuhuhu!
SIR SADISTA: oh, Ms. Aguirre.
G: hi Sir.
SIR SADISTA: hmm. Nasaan na nga ba yung paper mo. Nakita ko lang yun kanina eh..
Shet, kinakabahan ako. Habang hinihintay kong Makita ni Sir yung mahiwagang papel ko, pinipigilan ko yung paghinga ko. Ewan ko ba kung bakit. Feeling ko kasi makakatulong yun para mabawasan yun kaba ko. Tapos nanlalamig yung kamay ko. Hindi naman kalakasan yung aricon sa loob, pero nilalamig talaga ako! Tapos nagpapawis yung kamay ko. >_<
SIR SADISTA: ah, here it is. Ms. Aguirre. Here's your Test Paper.
Nakapikit pa ako ng kinuha ko yung Test Paper ko. Di ko magawang tignan. Kinakabahan talaga ako! Dahan-dahan kong tinignan yung papel. Ito na.. ito naaa makikita ko na...
RED.
F.
MISSED BY 1 POINT.
49/100
BAGSAK.
HELLO SUMMER CLASS.
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!
G: Sir, isang point na lang po. Hindi niyo na po ba ako mapagbibigyan? :(
SIR SADISTA: I'm sorry Ms. Aguirre, pero 50 na ang pinaka-mababang score namaibibigay ko. Originally, 80 ang passing. Pero halos lahat sa inyo, hindi naka-abot ng 80 kaya binabaan ko na ng 50. Ah, may isa palang naka-98. Si Mr. Ong. Paki-abot na din sa kaniya yung test paper niya at mukhang hindi ulit siya pupunta dito sa consultation ko.
G: pero Sir...
SIR SADISTA: naging mabait na ako sa pagbaba ng passing score, Ms. Aguirre. Bumawi ka na lang sa Summer Class. Don't worry, hindi ako ang magiging professor sa Summer Class kaya wala kang dapat ikabahala.
G: ...
SIR SADISTA: and please do tell Mr. Ong na wag sana siyang madisappoint sa naging result. He even dedicated a song for you, pero wala tayong magagawa sa result.
Ano ba tong pinagsasasabi ni Sir? Eh, ano bang malay ko doon sa kinantahan ni Ken. At bakit niya ako nirerelate doon?! Amp.
Malungkot akong lumabas ng Faculty Room. Isa din pala ako doon sa mga sawi na lalabas ng faculty room. Hindi ako makapaniwala na dahil sa letseng 1point na iyan, babagsak ako. Isusummer class ko yung nakakabwisit na 1point na yan. 1 point na lang eeh... 1 point na lang! :(
Naiiyak na ako. Nagpipigil lang ako dahil ang dami daming tao.. at ayokong Makita ako ni Ken. Aasarin lang ako nun at bubwisitin. May kasama pang panlalait.
K: oi Amazona! Ano na nangyari sayo bakit ang lungkot mo? O ano? Magsalita ka!
G: o. test paper mo.
K: cool! 2mistakes! Ang galing ko talaga! Grabe napakatalino ko! Woo! Eh ikaw? Anong score mo?
G: wag mo kong kausapin.
K: anong nagyari sayo? Tinatanong ko lang naman yung score mo, nagkaganyan ka na.
G: go die.
K: what?!
G: mawala ka na!
K: oi! Baliw ka pala eh. Nagtatanong lang ako sayo tapos ganiyan ka sumagot!
G: wag mo kong kausapin. Pinya!
K: amazona!
Badtrip na nga ako dahil sa results ng grade ko, lalo pa akong nabadtrip dahil sa Pinyang yun. Nakakainis kasi!! Hindi marunong bumasa ng atmosphere! Kita na ngang wala ako sa mood, ako pa itong inaasar niya! Napaka-manhid talaga!
Sira na ang summer plans ko. Good bye summer escapade, hello summer class. :(
At dahil ayoko pang umuwi sa bahay, naisipan kong tumambay sa bahay nina Ken. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng maiisipan kong tambayan, doon pa sa bahay niya. Siguro kasi naging feel at home na ako doon. At tahimik kasi doon (dahil for sure wala ngayon sa bahay si Ken).
Kinuha ko ulit sa bag ko yung test paper ko. Crinumple, at tinapon sa pinaka-malapit na trash can. Ayoko na maalala pa ulit yung Electronics. I just want to rest and sleep and dream and be happyyyyyyy~ zzz~
KEN's POV
Langyang mga yun (sina Justin, Cris at Crom), akala ko pa naman tuloy kami sa lakad ngayon. Nakipag-meet up pa sa school, sabay hindi naman pala tuloy! Pinagod lang nila ako. Sinayang nila yung precious time ko. At imbes na sila ang Makita ko, nakita ko lang yung Amazonang yun.
Ahhh~ bigla ko tuloy naalala ung ginawa niya! Bwiset na yun! Tinanong ko lang naman kung anong grade niya, tapos nasungitan na niya ako! Kakabwiset talaga! Maging palaka sana siya!
Makauwi na nga lang sa bahay. Wala din naman gagawin. -_-
Teka, sapatos ni Grace to ah. Nandito si Grace?! O_O anong ginagawa niya dito?
K: Grace?
Walang sumasagot.
Pero sapatos niya yung nasa labas eh. So nandito siya. Sure ako.
Sa tabi nung main door, napansin ko yung crumpled paper doon sa may Trash Can. Naintriga ako kung ano yun kasi parang penmanship ni Grace yung nakita ko.
K: wooooah. 49/100?! That's the worst!
Ahhh, now it makes sense. Kaya pala badtrip siya kanina. Now I know. Hmm.. maybe I should make "that" para hindi na siya madepress masyado.
GRACE's POV
Waah! Late na pala O_O di ko namalayan na napahaba tulog ko! >_< kailangan ko ng magising bago ako maubutan ni Ken. Mahirap na, baka pagalitan niya ako kapag nalaman niyang bumagsak ako kay Sir Sadista :(
K: o. gising ka na pala.
G: ay palaka!
He was in the kitchen when he saw me. Nagulat ako! Akala ko kasi umalis siya. >_<
K: ano ba yan, nagiging favorite expression mo na yan. -_-
G: eh bakit ba!
K: o, bakit nagagalit ka? Nakikitulog ka na nga lang sa bahay ko, ikaw pa tong galit.
G: ah--! Uhmm. Sorry po Boss. Pasensya na kung nakitulog po ako.
K: okay. Forgiven.
Nakakainis. Pinagtripan na naman ako. -__- hindi naman ako makapalag kasi nga wala naman ako sa lugar para sungitan siya T_T
K: may gusto ka bang sabihin sakin?
G: huh? Wala naman.
K: talaga?
G: wala nga.
K: eh ano to?
Sabay pakita niya nung jinx na papel sakin. Shet, bakit niya nakita yun?!
K: 49/50?
G: ...
K: seriously? 49/50?! Diba may usapan tayo bago ako umalis na ipapasa mo yung exam ni Sir Sadista?!
G: .... :(
Medyo nag-start na akong ma-startle at medyo naiiyak na din ako kasi naman... nagkaroon nga kami ng usapan noon na bago siya umalis na kailangan maipasa ko yung exams kay Sir Sadista. Pero nag-fail ako sa kaniya. I am such a failure. :(
G: Ken... bumagsak ako kay Sir. Mag-susummer class ako. :(
K: hai.. ano pa nga bang magagawa natin. Ayan na yung result eh.
G: :(
I started to cry. Ngayon lang nag-sink in ulit sakin na bumagsak nga ako kay Sir. At kaya ako nadedepressed ng sobra dahil maliban na sa ito na nga yung first time kong bumagsak sa isang subject (first time ko din mag summer class!), hindi ko pa natupad yung promise ko kay Ken na ipasa yung subject ng favorite professor niya. :(
Nakakadepress kasi nadisappoint ko yung crush ko. :(
G: sorry.... *bows head*
K: right right. Wala na din naman tayo magagawa.
Hindi ko magawang makatingin sa kaniya kasi nahihiya talaga ako. Patuloy lang siya sa ginagawa niya, which I didn't bother to know. Maya-maya, may nilapag siya sa harap ko.
K: oh.
G: eh?
K: I hope this will help to cheer you up. Minadali ko lang gawin so... hindi ko sure kung masarap yan.
Nakatitig lang ako doon sa plate na may creampuffs. Seriously, he did that for me?!
K: oh, ano pang tinititignan mo? Kainin mo na yan. Baka mamaya mawala na yung freshness ng creampuffs.
G: yay Creampuffs~! TEKA, MAY LASON TO NO? *stare ng masama*
K: baliw, wala! Ano ba. Kakainin mo ba o hindi?
G: to na kakainin na. Yay, Creampuffs~
K: o edi Masaya ka na ulit ngayon.
G: thank you Boss!
K: anong thank you ka jan? May bayad yan!
G: anong bayad? Wala akong pera!
K: eh sino ba kasing nagsabi na kelangan ko ng pera? Di ko na kelangan yun dahil madami na ako nun!
G: wow, madami ka na pala nun eh. Penge naman ng pera. --,
K: he! Magtigil ka!
G: mehehehehe ^_^
Biglang nawala yung gloominess sakin dahil doon sa Creampuffs. FOR THE LOVE OF CREAMPUFFS!!!
K: so ang kapalit diyan, dapat maipasa mo yung Electronics this summer ha. Isipin mo na lang na kadugtong yun doon sa una nating usapan.
G: hai hai Captain! Ipapasa ko na yun kasi sabi ni Sir Sadista, hindi daw siya magtuturo nun this summer!
K: aba, eh siguraduhin mo lang.
Yay~ bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Nakaka-boost ng fighting spirit yung Creampuffs eh. Heehee!
K: at gawin mo yun hindi dahil crush mo ako. Gawin mo yun para sa sarili mo. Okay?
G: hai! Hah? Teka, oi! Feeling! Di kita crush!
K: bakit ba dinedeny mo pa din? Eh inamin mo na din naman sakin noon na crush mo ko.
G: hinde! Tse! Tumahimik ka na nga jan at kakain na ako. *blush*
K: oh eh bakit namumula ka jan?
G: hindi ako nagba-blush ah!
K: sino ba nagsabing nagbablush ka? Ano ka, mestisa? Sabi ko namumula ka lang. mukha kang kamatis. BWAHAHAHA!
G: shut it up, Pineapple! Sabihin mo na gusto mong sabihin. Wala akong pakealam. Basta kakain na ako. So.. shh!!!
Tawa pa din siya ng tawa. Di pa din siya nakaka-move on. Letse. Namumula ba talaga ako? Kulay kamatis? Huh? Ugh. Badtrip. Hindi ko na nga lang siya pinansin at nagconcentrate na lang ako sa pagkain ko.
Then bigla siyang tumahimik. Naka-move on na yata siya sa joke niya -__- Natahimik siya at pinanood niya lang ako kumain. Inggit yata sa creampuffs ko eh. Mainggit talaga siya kasi masarap! At hindi ko siya bibigyan kasi pinagtawanan niya ako!!
K: bagay pala sayo yung necklace..
G: hmm?
K: wala.
G: hmm!
Di ako makapagsalita kasi ang dami kong nakain na creampuffs. Ang sarap eh! Tapos si Ken pa nagluto. Weee~
K: ano ba yan dahan dahan ka lang kasi sa pagkain. Wala ka naman kaagaw sa creampuffs eh. Sayo lahat yan.
G: nyumnyumoonggsoropkoseenyomnyom
K: ha?! Wala na akong naintindihan!
G: meeehheee
K: oi, may cream ka sa pisngi mo.
G: hmm!
Eh nirireach ko yung cream sa pisngi ko gamit dila ko kasi ang sarap nun cream eh. Sayang naman kung ititissue ko. Wahahahaha! Ang baboy ko lang XD Pero anong magagawa ko, eh sa masarap eh! At tsaka si Ken lang naman makakakita sakin. Wala ng hiya hiya. Barubalan na sa pagkain! XD
K: akin na nga yung tissue! Ang kalat mo naman kasi kumain!
G: hmmmhmmomnom omnom hmmm!
Eh busy ako sa pagkain kaya hindi ko siya pinapansin. Tapos nagulat na lang ako nung bigla siyang lumapit sakin. O_O Ack!
G: nyumnyumanyung nyinangawamo?!
K: wag kang magulo! Pupunasan ko lang yung cream sa pisngi mo! Sagwa mo kasing tignan, inaabot mo gamit nung dila mo. Yuck!
G: >_<
Lumapit siya sakin tapos konti konti, dinikit niya yung mukha niya sakin tapos.. tapos.. tapos... pinunasan niya yung pisngi ko. Tapos.... Hindi pa tapos dahil pagkatapos niya akong punasan sa pisngi, tinignan niya pa ako. Tinitigan. Tapos, tapos, tapos....... Ang lapit na ng mukha niya sakin. ACCCKKKK!
G: *blush*
Shet, shet shet shet! Ano ba to, bakit ba niya akong tinitignan ng ganun? Natutunaw ako okay! Alam na nga niyang crush ko siya, ginagawa pa niya akong tunawin sa titig na yun. Anubeeeeh. Di ko mapigilan kiligin! Mamamatay na yata ko nito ng maaga dahil sa dami ng beses na bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaniya!
Binabawi ko na yung sinabi ko kanina - MAS MABILIS ANG TIBOK NG PUSO KO PAG SI KENNETH ONG ANG LALAKING NASA HARAP KO.
G: *gulp*
Nalunok ko bigla yung natitirang creampuffs sa bibig ko sa sobrang kaba at kilig. Shet, ano ba yannnn nagiinit na yung tainga ko. Feeling ko namumula na din ako sa sobrang kilig. Ano ba naman yan oh! Anak ng palaka!
*BUUUUUUUUUURP*
!@#$. SINO YUN? SINO YUNG HALIMAW NA YUN?! ANG LAKAS NUN AH!
K: yuck! Ano ba yan! Ang lakas mong dumighay! Nakaka-turn off ka! Amoy creampuffs pa ung burp mo!!
G: sorry naman ha. Eh ikaw kasi eh!
K: oh. At kasalanan ko pa! Ayos ka din ah.
G: eh masarap kumain, bakit ba.
K: eww, turn off. -_-
G: at bakit, kelan ka ba-na-turn on sakin?
K: ack. Err. *blush* Wala. Ge. Alis na ko.
O, bakit biglang umiiwas sa topic yun? Ayaw pa niyang umamin eh, natuturn on na siya sakin. Nadedevelop na siya sakin. Ayieee! K. inaasar ko lang sarili ko. Pampalakas loob. Haha. T_T
G: oiii saan ka pupunta?
K: matutulog. Inaantok na ko.
G: ahh. Okay.
K: oi, after mo jan kumain, ikaw namaghugas ng pinagkainina mo ha. Tapos paguuwi ka na, ilock mo na lang yung bahay. Hindi na kita maihahatid kasi baka late na ako magising.
G: okay Boss.
Tapos ayun, umalis na siya. Mag-isa na lang ako. Tapos, tapos na.
Nagmadali akong mag-ligpit ng pinagkainan ko, tapos medyo naglinis na din ako ng bahay niya bago ako makauwi. After all the sadness that I had today, may magandang mangyayari pa pala sakin sa araw na ito.
Thank you, Ken.
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...