Ilang araw na ang nakalipas mula nung birthday ni Ken. After nun, hindi siya nagparamdam. Walang text o tawag. Usually, magte-text sa akin yun para utusan ako eh. Hindi kaya... umiiwas siya sakin?
Ilang araw na akong ganito. Wala sa sarili, tulala. Ang daming nangyari sakin at sunod sunod pa. Unang una, yung proposal ni Jared. Ngayon naman eh itong... itong nangyari samin nung party niya. Aaah~ ang sakit sa ulo!
CL: Grace. Tulala ka na naman.
G: ha? Ah.. sorry. May sinasabi ka ba?
CL: tinatanong kita kung saan yung lakad mo. Nakabihis ka kasi. At kanina ka pa nanjan sa tapat ng salamin. Ilang oras mo bang balak suklayan yang buhok mo?
G: eh? Gaano katagal na ba ako dito?
CL: 45 minutes?
G: shets.
45 minutes? Parang 5minutes lang akong nakatayo dito eh. Bigla akong napatingin sa labi ko.. yung mga labing hinalikan ni Ken. SYET. PARANG KINIKILIG NA NAMAN AKO NA EWAN.
G: jhafgsjfkgsghakjsff
CL: HUI GRACE! ANONG NANGYAYARI SAYO!
G: ha?!?! Wala! Wala..
WAH. AYOKO NG GANITONG FEELING. :'( Nakakabaliw naman oh!
Biglang nagyaya ng mag-mall ung mga kaklase ko.. Sila yung mga kaklase ko sa Electronics subject ko. Siguro sa lahat ng sections, itong class namin yung pinaka-bonded. Siguro epekto na din ni Sir Sadista. Eh sino-sino pa nga bang magtutulungan sa mahihirap niyang homeworks, quizzes, seatworks and projects kundi kami kami lang din diba? Ayun nga. Nagyaya silang gumala sa mall. Buti na rin yun.. at least papano, makakapag-unwind ako. Makakalimot ako sa mga problema ko..
Ang tagal naman niya!
G: baket, sino pa ba yung hinihintay?
EH sino pa nga ba? Edi yung magaling mong kaibigan. Hai naku.
G: kaibigan?
Oh, ayan na pala siya eh.
Guys sorry na-late ako. Traffic eh.
AH. OO NGA PALA. KAKLASE KO NGA PALA SI KEN. SA ELECTRONICS. AT KASAMA SIYA. Haiiiiii bakit nga ba nawala sa isip ko yun?! Hindi pa din pala ako makakapag-unwind. Ang masaklap pa nito, kasama siya sa lakad namin. Takte. Sana pala hindi na lang ako sumama.
G: haaaaiiiiiiiiiiiiiii
K: oi Amazona! Kasama ka din pala!
G: eh? Oo. Hehe..
K: ok ka lang? Ang weird mo na naman.
Wow, parang walang nangyari samin ah. Tinapik pa niya ako ng ubod ng lakas. Parang the usual lang niya akong kausapin. Sarap sigawan sa mukha niya ng "HOY PINYA PARANG WALANG NANGYARI SATIN AH. PARANG HINDI MO AKO HINALIKAN LAST TIME AH!" Baka gusto niyang mag-explain kung bakit niya ginawa sakin yun. Hindi yung ganitong kakausapin niya ako ng parang walang nangyari!
G: ahm, Ken?
K: oh.
G: ah.. ano..
K: ano ba yan uutal-utal ka na naman magsalita
G: may tatanong lang kasi ako. Argh.
K: oh ano yun?
G: ah.. eh-
I O U. sh*t. Bakit walang lumalabas sa bibig ko!
Tara guys mag-gala muna tayo.
K: ano na??
G: ah.. wala. Kalimutan mo na yun. Tara, tawag na nila tayo
K: ??
AAAH. Sh*t hindi ko masabi yung gusto kong sabihin, nakakainis! Ay naku.. bahala na nga mamaya :'( kakalimutan ko na lang muna yung nangyari sa amin para ma-enjoy ko itong gala namin. Minsan ko na nga lang makakasama mga kaklase ko, masisira pa dahil sa Ken na yun.
Guys, tara skatting tayo! Para sakto, pasko tapos malamig :D
Oo nga tara ng maiba naman!
G: ok sakin yan!
K: ooows. Bakit, magaling ka ba mag-skatting?
G: hindi.
K: HAHAHA. Hindi ka naman pala magaling eh!
G: yabang mo ah. O sige ikaw na magaling! Epal!
Ayan na naman kayo. Nag-aaway na naman kayo. Tama na yan. Paskong pasko oh.
Give love guys, not war. Magmahalan nga kayong dalawa!
Nakakakilabot sinasabi nila. I swear. Gusto ko silang paguuntugin!
So napag-desisyonan na. SKATTING TAYO!
WOOO!
G: yay!
K: ...
Ok. excited much ang mga kaklase ko. Hindi na nila hinintay ang iba samin. Yung iba sa kanila kahit hindi marunong eh sumugod na agad sa rink. Ayun, nadulas agad sila. Ang cute nila, mukha silang mga penguin hehehe
WOOO~ ang sarap!
Ang lamiiiig!
Aray~ natumba ako. Ryan patulong naman!
HAHAHAHA~
Oi Ken ano pang ginagawa mo jan? Tara na!
K: ha? Ah oo. Sige. Hehe.
Hindi pa pala nags-skate si Ken. Akala ko kasama na nila eh. Kanina pa siya nandoon ah. Bakit hindi pa siya umaalis?
Ang tagal mo naman!
K: oo anjan na!
Maya-maya pa eh biglang lumapit sa kaniya si Ryan at hinatak si Ken sa gitna ng Ken. HAHAH ang benta ng itsura ni Ken!
K: wooooooaaaaahhhh :-s
Dude! Don't tell me, hindi ka marunong?
K: err- *defensive* matagal na akong hindi nag-skate. Malamang siyempre hindi na ako sanay!
Ows!
K: oo nga! *pissed off* pwede ba, wag niyo akong guluhin! Marunong ako, ok? Layo nga kayo sakin! Ang laki laki ng rink, bakit dito kayo sa tabi ko nagi-skate?
Kita mo tong lalaking to, siya na nga tinutulungan ng mga kaklase namin, siya pa itong galit. Narinig ko na lang na nagtatawanan sila. Teka, ang tagal naman ng sapatos ko. Mukhang nahirapan silang maghanap ng size ko ah -____-
KEN's POV
Ano ba naman to. Bakit ba kasi naisipan pa nilang mag-skatting? Mukhang magsasayang pa ako ng pagod dito. Ay naku, 1hr lang ako dito. After nito, OUT NA AKO!
Maglalakad-lakad na nga lang ako para hindi ako matum-AAH! Araaay. Ang sakit naman sa pwet! Ang lamig pa. Argh!
Oh, anong nangyayari sayo? Bakit naka-upo ka jan?
Ano ba yan nakakahiya natumba pa ako. Sino ba tong kumakausap sakin? Imbes na tanungin ako, baka naman sana gusto niyang tulungan na lang ako ano?
K: IKAW?!
G: bakit ka umuupo jan? Ano bang trip mo sa buhay huh? Gusto mo maging living snowman?
K: a- akala ko ba hindi ka marunong?
G: huh? Ang tanong mo sakin eh kung magaling ba ako mag-skate. Hindi ako magaling, pero marunong ako.
Bigla niyang inabot sakin yung kamay niya. Nakakahiya naman oh! Sa dinami-dami ng makakakita, si Grace pa!
K: tss. Wag mo akong tulungan. Kaya kong tumayo mag-isa! *tumatayo* Ouch!
G: well, ok. Sabi mo eh
K: wa-wait!
G: what?
K: tulungan mo nga ako dito.
G: sabi mo kaya mo?
K: uh.. well... binabawi ko sinabi ko. |: tulungan mo na ako dito.
Ang hirap mag-balance at sobrang dulas pa ng rink. Aish. Sinusumpa ko tong Skatting na to. Promise, SINUSUMPA KO TO!
G: OUCH!
Ang bilis ata ng karma. Once again, natumba na naman ako. Hindi pa nakakatagal mula nung nakatayo ako. Ah, KAINIS.
G: Ken, ang bigat mo..
Ay sh*t. Nadaganan ko pala si Grace!
Medyo napahiga kami sa pagkakatumba naming yun. Sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Bawat hininga niya, nararamdaman ng mukha ko. Pati yung smoke na lumalabas sa bibig niya, nakikita ko. Sa sobrang lapit ko sa kaniya parang gusto ko siyang..
G: Ken naiipit ako
K: ay Sorry.
WTH. Anong nangyari sakin? Bakit bigla ko naisip yung mga bagay na yun? Umiwas ng tingin sa akin si Grace. Hindi ko sure kung tama yung nakita ko.. pero parang nag-blush siya..? Bigla niya akong tinulak palayo sa kaniya. F*ck. For the 3rd time, natumba na naman ako.
G: ano ba! Bakit ba kasi ang likot likot mo nung hinahatak kita patayo?!
K: ako? Malikot? Hello! Ang dulas kaya sa rink. Malamang dudulas ako diba? Argh!
G: ah ganun? Ok. Sige. Kaya mo naman pala mag-skate ng mag-isa eh. Iwan na kita.
Ahh~ iiwan na naman niya ako. Ano na lang gagawin ko kung matutumba ulit ako? Sobrang nakakahiya na!
K: teka Grace, wag mo kong iwan! *grabs hand*
G: *nagulat*
K: please? Hindi kasi ako marunong. I mean, matagal na kasi akong hindi nag-skatting kaya medyo hindi na ako sanay.
G: ...
K: what?
G: ahm.. o-ok..
K: YES! Tara, doon tayo sa mga kasama natin
G: ...
K: hui! Anong ginagawa mo? Tara na!
G: oh~ uhh.. o- ok..
Sa totoo lang, napapansin kong napapadalas yung pagiging tulala ni Grace. Ano na bang nangyayari sa babaeng to? O_O
G: Ang bagal mo naman!
K: ha? Ang yabang mo ah! Porket marunong ka lang ha.
G: aish. Eh totoo naman eh. Bago pa tayo makarating sa kanila, nakalayo na yung mga yun!
K: eh ano bang magagawa mo? Eh sa hindi na ako marunong eh!
Hinatak niya ako bigla papunta doon sa mga kasama namin. Sa sobrang bilis namin eh medyo nahirapan akong mag-balance. Loko yun ah. Pag ako nadulas ulit, malilintikan siya sakin!
Habang tumatagal kami sa pags-skate, mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko. Feeling ko, hindi niya ako bibitawan kahit anong mangyari. Hindi niya ako iiwan.. pababayaan.. At habang tumatagal, lalo pa itong umiinit. Ang warm sa kamay. Saktong sakto yung mga kamay niya sa kamay ko. Ngayon ko lang din narealize na napaka-lambot pala ng kamay niya. Ang sarap hawakan..
GRACE's POV
Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Sobrang higpit. Sabayan mo pa ng ganung titig. Shems. Na-mesmerize ako.
Ang tagal niyo naman. Naka-ilang ikot na kami sa rink oh.
G: pasensya na. Ito kasing bitbit ko, ang bagal!
Hahaha himalang ang ating prodigy student and almost perfect na si Ken eh hindi pala marunong mag-skate!
Oo nga eh
Nagtawanan kaming lahat. May point nga naman kasi sila.
Oii Ken! Ayos ka lang?
K: ...
Hui! *poke*
K: oh!
Yung titig mo kay Grace, iba ah :D
K: ha?
G: hmm? Tawag niyo ako?
Wala hehe :D *whistle*
Tara guys let's skate! Sayang binayaran natin. 500 din to no!
LET'S GO!
At sa isang iglap, nawala na naman mga kasama namin. Parang saglit lang din namin sila nakasama. And you know what guys? Imbes na nagsasaya ako kasama sila mag-skate, ito ako. Nagbabantay ng "bata".
K: kita mo tong mga to. Bigla na lang mang-iiwan.:|
G: haha yaan mo na sila. Nag-eenjoy kasi sila eh. Palibhasa kasi ikaw-
K: subukan mong humirit, kakaltukan kita!
G: hahahaha =))
Nakakatawa itsura ni Ken. Parang bata na hindi malaman kung anong gagawin. Kulang na lang eh umiyak siya sa isang sulok. ANG CUTE LANG. :>
G: tara!
K: huh?
G: tara na.
K: bakit?
G: anong bakit? Balak mong bang tumambay dito? Nakuuu balak mo talagang maging living snowman ano?
K: oh.
G: tara na! *held hands*
K: ... *kinuha ang kamay niya*
Isang oras, puro tumba, semplang at dapa ang dinanas ko kasama si Ken. Basang basa na nga yung pantalon ko eh.
Maya-maya ay lumapit na samin mga kaklase namin. Naawa na siguro sa akin dahil isang oras ko ng kasama si Ken.
Oh. Akala ko ba after 1hr aalis ka na? Tapos na yung 1hr ah.
K: eh? Tapos na ba? *check watch* oo nga ano.
Wag ka muna umalis! Mukhang nag-eenjoy na rin naman kayong dalawa ni Grace eh :D
Oo nga naman Ken. Mukhang nag-eenjoy na kayo. Mag-stay ka muna!
Kita mo tong mga to. Akala ko pa naman eh kaya lumapit tong mga to eh para tulungan ako. Mang-aasar lang naman pala. Amf.
G: Sinong nag-eenjoy? Hindi na nga ako nakakapag-skate eh! Enjoy ba yung mag-tutor sa isang taong ubod ng laki pero hindi naman marunong magskate. Sa tinign niyo ba, enjoy yun ha?
K: ang yabang mo ah. Akala mo ba enjoy din yung tinuturuan ng isang taong tulad mo? Akala mo naman napaka-galing mong tutor. Hindi naman!
AH. Grabe. As expected from Mr. Perfect. Ikaw na nga itong tumulong, ikaw pa tong sinabihan ng masama. Aba! Nasayang isang oras ko sa kaniya tapos yun lang sasabihin niya sakin?!
G: kung ayaw mo naman pala, edi sana sinabi mo nung una pa lang!
K: a-! *speechless*
Oi oi oi, tama na yan. Nag-aaway na naman kayo.
Well at least, alam nating nasa katinuan pa itong dalawa. Pag hindi sila nag-aaway, kakaiba din ang aura sa paligid natin.
Haha, tama ka jan Shaine!
Hindi ko na lang sila pinansin. Nakakabadtrip kasi tong Ken na to. Eh. May kasalanan na nga siya sakin, ginatungan pa niya. Bwiset! Pineapple Snowman! Manigas ka sana sa gitna ng rink!
So ano, aalis ka na ba?
G: kung ayaw na nung tao, wag niyong pilitin. Hayaan niyo na siyang umalis ng matahimik na tayo.
K: hmm.. dahil gustong gustong gusto na akong paalisin ni Grace..I'LL STAY :D
YAHOO!
G: WHAT?!
Ok napagdesisyunan na! Tara, skate na ulit tayo!
WOO~
Talagang gusto kong pinahihirapan nitong Ken na to eh. TALAGANG GUSTO NIYA. Pwes, patitikim ko sa kaniya ang HELL sa gitna ng malamig na rink na to!
G: ARGH! Bakit ba kasi nag-stay ka pa?
K: kasi isa akong CURSE ng buhay mo na hindi mo matatangal forever. Ayaw mo nun? Mas matagal pa tayong magsasama?
G: ARGH.
K: JOKE LANG. Ayoko ngang sumama sayo. Magiging impyerno ung rink pag kasama kita.
G: BUTI ALAM MO. Yun kasi balak kong gawin sayo.
K: wag ka mag-alala. Hindi ako magpapaturo sayo. I can manage my self.
G: buti naman. Ayokong turuan ang mga brat na tulad mo.
K: BRAT?! Who are you calling BRAT? ME?
G: sino pa nga ba?
K: aba.. ANG YABANG MO AH! Ha! Tignan mo, mamaya. Marunong na ako mag-skate!
G: ok, sinabi mo yan ha.
Eh total naman sinabi niya na ayaw niya akong kasama, iniwan ko na siya. May kalayaan din naman ako mag-enjoy ah. At isa pa, nagbayad ako para mag-enjoy at hindi para magturo. Tss.
Sumama muna ako sa mga kaklase namin. Pero kahit kasama ko na sila, hindi ko pa din matangal yung mga mata ko kay Ken. Napapansin ko na lagi pa din siyang natutumba at nadudulas. Pero kahit ilang tumba na siya, tumatayo pa din siya. Oo na, ako na ang may concern. Ako na ang nag-alalala. Hai, kung hindi lang talaga ako mabait eh!
G: tayo.
K: hindi mo din ako natiis ano?
G: feeling mo naman. Hindi ko lang kasi kayang tignan ka ng nadadapa sa gitna ng rink at pinagtatawanan ng mga bata.
K: tss *grabs hand*
Ang bait ko no? Kahit pinagtatabuyan na niya ako, pinagsigawan, pinagtulakan, ito ako, lumapit ulit sa kaniya para tulungan siya. Hai Grace. Ikaw na ang pinaka-mabait na tao sa mundong ito. Alam ko namang agree kayo jan eh. Hehe XD
2hours din ang itinagal namin. At dahil sa sobrang pagod eh naisipan namin kumain. Ahh grabe talaga pag pasko, sobrang lamig lalo na pag nasa loob ng mall.
Speaking of lamig. Mukhang naiwan ko yata yung jacket ko. Malas. Ang layo na din ng nalakad namin at gutom na din kami. Ayyy, fail.
G: may mga extra Jacket ba kayo?
Naku Grace wala eh. Bakit?
G: naiwan ko yata jacket ko eh.
Aw malas. Ngayon ko pa naiwan kung kelan sobrang lamig. *brr* kelangan kong tiisin hanggat hindi pa namin nababalikan yung jacket ko. T_T
Maya-maya pa ay biglang may nagpatong ng jacket sa likod ko. Wow. Jacket ni Ken. At sinuot niya pa sakin.
G: eh?
K: sayo muna. Naaawa kasi akong makakita ng taong nangingisay habang naglalakad eh.
G: :|
K: ano?
G: kung hindi naman taos sa puso mo yung ginagawa mo, *tanggal jacket* mabuti pang wag mo na sakin pahiramin to.
K: ano ba. Minsan mo lang ako makikitang mabait, palalagpasin mo pa ba?
G: ha! At least inamin mong masama ka!
K: masama? Ako? Hindi kaya. Sayo lang.
G: :|
Hula ko, may kapalit to. Feeling ko, may masama siyang gagawin sakin mamaya. Si Ken? Mabait? Kelan pa???
K: isuot mo na. Bakit? Balak mo bang maging living snowman?
G: teka... linya ko yan ah!
K: :D
G: :|
K: isipin mo na lang, yan yung kapalit dun sa kanina.
G: kanina? Anong kanina?
K: nung tinulungan mo ako nung nag-skating tayo.
G: oh. Ok. Thanks.
K: sure.
Kapalit.. ok. Sabi niya eh. Ibig sabihin, kung hindi ko siya tinulungan kanina, hindi din niya ako papahiramin ng jacket niya. Ganun naman eh. Pag sa akin, may kapalit. Pero pag sa mga kaibigan at babae niya, libre.
G: Ako din ba, pwedeng maningil sayo?
K: ha? May sinasabi ka?
G: ah. Wala. Kalimutan mo na yun.
"Ano yung bayad mo sa akin nung kinuha mo yung First Kiss ko...?" gusto kong itanong sa kaniya. Pero wala akong courage para sabihin iyon sa kaniya..
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...