[ KEN's POV ]
Maaga pa lang, pero nandito na ako sa gate ng campus namin para abangan si Claire. Na-eexcite na nga akong makita siya eh! And for sure, kasama na naman niya yung Amazonang yun. Muli na namang magiging maingay ang umaga ko dahil sa kaniya.Hi Ken!
Agad ko nilingon ang pinangalingan ng boses. Isang magandang babae na nakangiti ang papalapit sa akin.
Pero parang may kulang yata?
K: Hi Claire!
Wala si Grace...?
K: mag-isa ka yata ngayon? May sakit pa din ba si Grace?
CL: wala na siyang lagnat niya pero hindi ko muna siya pinapasok para hindi siya mabinat. By tomorrow papasok na siya.
K: ah.. mabuti naman.Parang medyo na-disappoint ako. Akala ko kasi makikita ko na ngayon si Grace eh. Nakakalungkot din na wala kang mautus-utusan at ma-asar sa school no. Ang boring kaya ng ganun.
CL: miss mo na? *smiles*
K: pinagsasabi mo? Natanong ko lang, miss na agad? Concern ko lang yung mga mamimissed niyang subjects okay?
CL:. okay, sabi mo eh. *chuckles* Anyway Ken, mauna na ako sayo ha? Malapit na kasi mag-start yung first subject ko.
K: right-o. Ingat!Masyado pang maaga para sa first subject ko kaya nagpunta muna ako sa auto ko para umidlip. Meron pa akong 4 hours bago mag-start ang klase (pang hapon pa ang schedule ko). Gigising na lang ako 30 minutes before the class start...
Scumbag brain. Ayaw akong patulugin!
Kanina pa ako nakatitig sa bubong ng auto ko at hindi talaga ako madalaw dalaw ng antok! Ughhhhhhh.
Ano bang magandang gawin kapag ganitong mahaba pa ang bakanteng sched ko? Kung bisitahin ko kaya ulit si Amazona? Kaso baka isipin niya nagaalala ako sa kaniya eh. O kaya baka mamaya nandoon na naman yung asungot na yun. Epal yun eh!
Pero pag dinalaw ko si Amazona ngayon, pwede maging pogi points yung sakin. Makakatulong pa iyon para sa panliligaw ko kay Claire.
Ok. Nakapag-desisyon na ako. Bibisitahin ko si Grace. Pampalipas oras lang at para pampa-pogi points din kay Claire. Tama, ganun na nga!
-:-:-:-
[ GRACE's POV ]
Ahh~ medyo nahihilo pa din ako. @_@ buti na lang at tumatalab na sakin yung gamot na binigay ni Claire. Magdamag din akong nakahiga sa kama ko kaya ang sakit ng likod ko! Ano kayang magandang gawin kapag mag-isa ka lang sa bahay?*BZZ*
--- START OF TEXT ---
Kamusta na pakiramdam mo? Magaling ka na ba?
--- END OF TEXT ---Ah~ cellphone, you saved me! Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Kaya ka nga ginawa para mapaglaruan kapag walang magawa ang isang tao diba?
Mabuti na lang at nag-text si Jared. At least may makakausap na ako kahit papaano. Nakakabaliw kaya ang walang makausap sa bahay!
--- START OF TEXT ---
FROM: Me
Hi Hared! Medyo ok na ako at mababa na yung lagnat ko. Paano mo pala nalaman na may sakit ako?FROM: Jared
Naikwento sa akin ni Anna. Buti nga at nasabi niya pa sakin eh. Kung hindi, hindi ko pa pala malalaman na may sakit ka..FROM: Me
Maliit na bagay lana naman itong sakit ko. Pasensya ka na kung napag-alala kita..FROM: Jared
Ok lang yun no! Nung sinabi nga iyon sakin ni Anna, agad akong sumugod jan sa boarding house na tinutuluyan mo.FROM: Me
Pumunta ka pala dito? :O
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...