GRACE's POV
Mag-iilang araw na since hindi kami nagpapansinan ni Ken. Hindi nga din siya pumapasok sa class eh. Balita ko, nag-si-sit in siya sa ibang section para lang maka-attand sa ibang klase. Ganun ba kalaki ang galit niya sa akin at di niya ako magawang makasabay sa klase niya?
G: *gloomy mood* *depressed* *emo* *suicidal*
Mas nakaka-emo pa dahil mag-isa lang ako ngayon sa pav. Wala man lang ako makausap, walang makasama. Nasaan na ba kasi sina Riko at Mako? Ang tagal tagal nilang bumaba. Usapan namin mag-ma-mall kami ngayon dahil may bibilhin daw sila. Isasama naman nila ako para daw hindi na ako madepressed. Eh kaso, wala naman sila. Kanina pa kaya tapos klase nila. T^T
Uhh.. excuse me..? Pwede bang magtanong?
G: ano yun?
Kita na ngang nag-eemote yung tao, sa akin pa talaga nagtanong. Huhu.
Dito ba yung building ng Engineering?
Duh! Hindi ba obvious?! May malaking tarpaulin kaya na nakalagay sa building namin: "Welcome, Engineering Students!". Lilingunin ko sana yung lalaking kumakausap sa akin para sigawan dahil naiirita ako sa tanong niya, pero biglang umurong ang dila ko ng makita ko ang lalaking kumakausap sa akin.
G: ikaw?! O_O
Ikaw din!
Si Mr. Ice Cream!
G: anong ginagawa mo dito? O_O
Dito ka din ba nag-aaral?
G: ah.. oo. Nagulat ako, hindi ko ine-expect na makikita kita dito sa school namin.
Ah.. ako nga din. Nagulat ako nung nakita kita.
Ngumiti naman siya sa akin. Shet, tila kukunin ang kaluluwa ko dahil sa ngiti niyang iyon. Ang ganda! Tapos ang lalalim pa ng dimples niya. @_@ Pero nung nakita ko siyang ngumiti, parang feeling ko nakita ko na siya somewhere, hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Malakas ang kutob ko na hindi ko siya unang nakita doon sa restaurant na pinagkainan namin.............
Actually, hinahanap ko yung sister ko kaya ako napunta dito.
G: ah, ganun ba? Ano bang course? Baka kakilala ko. Or kung hindi man, tutulungan kitang maghanap sa kaniya.
Ayos! Civil Engineer yung course niya eh.
G: cool. Ka-course ko pala yan! Ano naman pangalan niya? Malaki ang chance na kilala ko yan. Hindi man sa name, atleast sa mukha kilala ko siya.
Ang pangalan niya ay-
Gracie~
Wow after 10 years, ngayon lang dumating yung mga kasama ko. Kamusta naman yun. Sa sobrang tagal nila, pinagtagpo na kami ni Mr. Ice Cream ni Ted Hannah -_-
G: oi Rika, ang tagal niyo naman ni Mako! Kanina pa ako naghihintay dito.
M: sorry Gracie! Nagpa-extend pa kasi si Ms. V ng class niya. Alam mo naman yun, naghahabol ng missed classes niya.
R: Ahia?
G: Ahia????
Gulat na gulat ang reaction ni Rika ng makita niya si Mr. Ice Cream sa campus namin. At "Ahia" ang tawag niya dito... teka, anong "Ahia"? O_O Binabadmouth niya ba si Mr. Ice Cream?! O_O
R: anong ginagawa mo dito Ahia? Akala ko dumiretso ka na sa work?
G: Ahia??!!!
Teka naguguluhan ako @_@ kilala ni Rika si Mr. Ice Cream?! Parang ang casual lang kasi ng pagkakatanong niya dito. @____@ O_____O
M: ay, hindi mo ba alam Gracie? May Kuya si Rika. :P Hi Rico!
RICO: hello Mako!
G: @_@
Bigla ko naalala yung business card na binigay niya sa akin. Nilabas ko agad iyon sa wallet ko at dinouble check yung pangalang nakalagay sa business card.
G: Rico Calvin Chu?
RICO: ako nga!
G: ah! Kaya pala nung unang basa ko pa lang sa pangalan mo, parang pamilyar na! Ka-apelido mo si Rika!
M: baliw, malamang. Kapatid niya eh -_-"
G: eh pero nung time na yun, hindi ko pa naman alam na magkapatid sila no! At tsaka.. kaya pala medyo pamilyar ang mukha mo sa akin. Lalaking version ka ni Rika!
R: ehe! ^_~ kamukha ko Ahia ko no? Hehe! By the way Ahia, siya nga pala si Grace. Grace, meet my sweet Ahia, Ahia Rico.
RICO: hello, Grace! Nagkakilala din tayo finally. Hehe. You can just call me Rico.
R: eh? Akala ko magkakilala na talaga kayo?
G: well, it's a long story. Ikekwento ko sa inyo next time. -_-
Cool. May Kuya pala si Rika. Ang kulit nga dahil mukha silang kambal. Lalaking version lang ni Rika si Rico. Pero mas matanda nga lang itong si Rico kay Rika. Halata ngang ang sweet nila sa isa't-isa eh. Nakakapit pa si Rika sa braso ni Rico nung nakita niya ito.
R: ano pala ginagawa mo dito, Ahia?
RICO: hai nako Rika, sa kakamadali mong pumasok kanina naiwan mo yung wallet mo. Tinext ako ni Mommy na naiwan mo yung wallet mo. Nagmadali pa tuloy akong bumalik ng bahay.
M: girl, paano ka nakapag-commute ng hindi dala wallet mo?! O_O
R: ah. Hehe~ may barya barya kasi sa bag ko. Yun yung ipinambayad ko. Hindi ko nga napansin na naiwan ko yung wallet ko XD
G: baliw ka talaga. Tapos ikaw itong nagyaya sa akin mag-mall at ililibre mo. Wala pala yung wallet mo! -_-
R: meron ah! Eto o! Hawak ko na XD
RICO: eh kung di ko naman dinala yan sa school, wala ka sana ngayong pera. Manlilibre ka pa pala ng mga kaibigan mo.
R: hihi! ^_^
Medyo may pagka-clumsy din pala itong si Rika. Buti na lang pala at may responsable siyang Kuya na nagbabantay sa kaniya. Ano na lang kaya mangyayari kung hindi naiabot sa kaniya yung wallet niya? Baka mapa-hugas na ako niyan ng pingan for real! Bigla ko tuloy naalala yung napahiya kami ni Blue sa restaurant na pinuntahan namin noon. Ililibre niya din dapat ako noon eh. Kaso naiwan din niya wallet niya kaya muntik na kami maghugas ng mga plato noon. Mabuti na lang at tinulungan kami ni Ken nun. Keh. Si Ken na naman. Pfsh.
Rika, Mako, Grace~
And speaking of the devil, nandito na din sina DA kasama si Blue. Magkasama na naman silang dalawa! Hmm....
B: hoy. Bakit ganiyan ka makatingin sakin?
G: wala. *whistles*
B: hmp!
DA: hello guys! Balita ko magma-mall kayo? Sama kami!
M: surely!
RICO: Rika? Pakilala mo naman ako sa mga friends mo. Ngayon ko lang sila nakita.
R: ay oo nga pala! Ahia, meet my Bestie. Blue!
RICO: hi Blue.
B: hello po. Nice meeting you po.
Wow ang galang. Parang hindi si Blue ah. XD Nagkatinginan kaming tatlo nina Mako at DA. Sa eye contact na yun pa lang, nagkaintindihan na agad kami. Natawa kami ng palihim pero napansin din yun ni Blue. Tinignan niya kami ng masama kaya tumigil din kami agad sa pagtawa. XD
R: and this guy.. *blush*
Biglang namula si Rika nung si DA na ang ipapakilala niya. Hahahaha! Nakakatawa itsura niya XD Para siyang kamatis sa sobrang pula niya!
Si DA na ang kusang nagpakilala sa Kuya ni Rika.
DA: ay hello po! Ako po si Daniel Anthony Francis Ernesto Villadelgado. DA po in short! Nice meeting you po, Sir!
RICO: hmm...
Tila ine-examine ni Rico si DA. Hindi kaya may kutob na siya kung sino si DA sa buhay ni Rika? Napansin din kasi nito ang sobrang pamumula ni Rika eh. At mukhang sobrang close nilang dalawa kaya malamang ay kilala na din nito si Rika. Alam niya ang ibig sabihin ng pamba-blush ng pisngi nito.
DA: may problema po ba, Sir?
RICO: Rika, is he the one-
R: ahia! Ahia~~ diba sabi mo magma-mall ka after? Ihatid mo na din kami o? Please? Pleaseee??
DA: eh???? *confused*
Ay sus, nahiya pa tong si Rika. Eh alam naman ng buongmundo na may gusto siya kay DA! XD Natawa na lang ako sa naging expression ni DA eh. Confused na ewan.
RICO: ha? Eh pero may work pa ang Ahia mo..
R: sige na please, Ahia? *puppy eyes*
RICO: o sige na nga. Kung hindi lang kita favorite sister eh.
R: yehey! ^_^
Wow ang lakas sa Kuya. Kahit may trabaho pa, mas inuna pa niya ang kapatid. Halata ngang favorite sister nito si Rika. Oh well, okay na din yun. At least makakatipid na kami sa pamasahe.....
... at Lunch.
R: thank you sa libreng lunch, Ahia!
DA, B, M, G: thank you po!!
RICO: no problem! Masaya ako at nailibre ko kayo today. Think of it as my pa-thank you sa inyo dahil naging mabubuting kaibigan kayo ng sweet little sister ko.
R: ehe~ ^_^
Sweet. Hindi lang niya kami hinatid sa mall, nilibre niya din kami ng Lunch dito sa isang high class restaurant. Sila na ang big time O_O Nakakapanibago yung Restaurant, sobrang fine dining eh. Mukha ngang sanay na sila kumain sa ganitong klaseng kainan. Sorry naman ha, pinanganak lang kasi akong middle class XD
RICO: Grace?
G: po?
RICO: hindi ba kasama niyo din nung gabing iyon yung lalaking papasok ng restaurant?
Tumingin ako sa lalaking tinutukoy ni Rico. Para akong nakalunok ng sampung durian sa nakita. Of all places, of all people, and of all time, bakit dito pa sa restaurant na ito namin siya nakita?!
R: hi Ken!!!
G: Rika! Shhh~
Too late! Nakita na niya kami! At papalapit na siya sa table namin! Daaaaym! I am doomed! Nasaan na ba yung portal papunta sa "6 ft under the ground"? Kailangan ko ng bumalik doon!
K: hey guys!
M: hi Ken~~ ^_^
K: *coughs* yo.
DA: ui, dito din kayo mag-dedate? Hi Lea!
LEA: hi DA. :)
Kainin ka sana ng lupa. Kainin ka sana ng lupa. Kainin ka sana ng lupa. Kainin ka sana ng lupa. Kainin ka sana ng lupa. Repeat as many times as possible para mas maging effective yung chant. Kainin ka sana ng lupa. Kainin ka sana ng lupa. Kainin ka sana ng lupa!!!!!!
K: well. Yea. Dito sana.
LEA: hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa mga friends mo? :)
K: oh yea. By the way guys, this is Lea. Lea, they are my classmates. Kilala mo na yung weird na si DA right?
DA: weird ka jan :|
LEA: he's not weird kaya. Sweet nga niya kay Grace eh! Ideal Boyfriend!
Oh crap. Biglang tumingin sakin sina Rika at Blue. Kailangan talaga sabay silang tumingin sakin? >_< Oo nga pala, hindi nga pala alam ni Rika na nag-confess sakin si DA. Hindi ko na sinabi sa kaniya kasi.. hindi naman niya kailangan malaman eh. Siguro saka ko na lang i-e-explain sa kaniya pag nagtanong na siya. Pero yung kay Blue, di ko alam kung bakit ang sama ng tingin niya sakin. Wala naman akong ginagawa sa kaniya! :|
K: whatever. And over here, the guy wearing green polo, that's Mako.
LEA: hello, Mako!
M: hello.
Wow ang cold ng boses. Nagseselos ang peg?
K: yung katabi naman niya ay si Rika.
R: hello, Lea!
LEA: hi Rika =)
K: and she's Blue.
LEA: oh, I like your name. So unique! Hi Blue!
B: hmp.
At ito namang isa, maldita ang peg. Buti na lang at mabait itong si Lea. Instead na patulan, nginitian lang niya ito. Ay nako, kung ako yung nasa pwesto ni Lea, baka tinarayan ko din si Blue. XD
LEA: and the other guy? Hindi mo ba siya ipapakilala sa akin?
K: hindi ko siya kilala.
LEA: wait, you look familiar... hindi ba ikaw yung lalaki last time? Yung Ice Cream incident!
RICO: yes yes, that was me. Yung sister ko, friend pala nung friends mo. Small world, isn't it?
LEA: indeed!
RICO: by the way, my name's Rico.
LEA: Lea here.
RICO: and you are Ken, right? Nice meeting you Ken.
Nilahad ni Rico yung kamay niya, sign na makikipag-shake hands ito kay Ken. Pero hindi ito pinansin ni Ken. Wow ha. Umaatake na naman ang pagka-antipatiko ng lalaking ito. Buti nga at friendly pa sa kaniya si Rico eh.
RICO: anyway, kumain na ba kayo? Pwede kayong sumabay sa amin.
Tahimik pa din si Ken. Anong nangyari sa dila nun? Naurong? Hindi na siya nagsalita eh. -_-
LEA: ah, we made a reservation na eh. :) thanks for the invite, though.
RICO: I see. Have fun on your date!
LEA: will do, thanks!
Umalis na sila. Hindi man lang ako tinignan ni Ken. Wala man lang ni hi o ho. As in, totally ignored. Parang naging ghost nga lang ako eh. Walang pansinan ba ang labanan dito? Fine! Hindi ko din siya papansinin! Sana kayanin ko!
B: o. Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Ken? LQ na naman ba kayo?
G: LQ ka jan. Sinong Ken? Di ko nga kilala yun.
B: ah.. I knew it.
Hindi na ulit nagsalita si Blue. Sa tingin ko naman ay gets na niya kung anong nangyayari sa amin ngayon ni Ken. Hindi ko na naman kailangan pang ikwento sa kaniya yun eh.
Mayamaya ay dumating na yung mga inorder namin pagkain. Yay! Food! Yay! Cake! Yay! Creampuffs!
RICO: kung may gusto pa kayong kainin, sabihin niyo lang sa akin ha?
ALL: thank you po!!
Nagkaniya-kaniyang kuha na kami ng pagkain. Syempre as expected, una kong pinapak yung creampuffs. Desserts agad ako bago yung heavy meals. XD
Okay na sana yung mood ko eh. Kaso biglang may masamang espiritu na sumapi sa akin kaya napatingin ako doon sa area kung saan kumakain sina Ken at Lea.
Biglang nadurog ang puso ko sa nakita.
Nakita ko kung gaano kasaya si Ken habang kausap niya si Lea... habang hawak hawak nito ang kamay nito.
KEN's POV
Bakit kasama nila yung lalaking yun?! Stalker siguro ni Grace yun? Imposible namang hindi niya alam na kaibigan siya ni Rika no! At isa pa, bakit feeling close yun kay Grace? Akala mo kung sinong matagal ng magkakilala kung magusap!
LEA: Ken? Are you listening?
K: huh? What was it again?
LEA: ang sabi ko, for the nth time, hindi ka nanakikinig sa akin. Wala na sa akin yung atensyon mo.
K: ah.. oo nga. Ang galing nga nun.
LEA: see.
K: see what?
LEA: haha, nothing.
K: sorry.
Nagpatuloy lang siya ulit sa pagkain niya nung steak. Did I offend her? Bigla siyang natahimik eh.
K: Lea, I'm sorry. Medyo nawala lang ako sa sarili ko kanina. May iniisip lang kasi ako.
LEA: sino?
K: anong "sino"?
LEA: gets mo naman kung ano yung sinasabi ko eh :)
K: actually.. no. I don't get you.
LEA: nah. Don't mind me. Tulad mo, may iniiisip lang din ako kaya nawawala din ako sa sarili ko.
Hindi ako magpapa-apketo. Hindi ako magpapa-apketo. Hindi ako magpapa-apekto. Hindi ako magpapa-apekto.
LEA: matanong ko lang Ken. Nagaway ba kayo ni Grace?
K: *coughs*
LEA: are you okay?!
K: yes yes, I'm okay.
Bigla akong nabilaukan nung tinanong ni Lea yun. Sobrang observant naman ng babaeng yun! Paano niya nalamang hindi kami okay ngayon ni Grace? Ni hindi ko nga nabangit sa kaniya na nag-away kami.
LEA: so kamusta kayo ni Grace?
K: okay lang naman.
LEA: you're lying.
K: bakit mo naman nasabi?
LEA: dahil hindi mo ako magawang tignan sa mata ko. Ken, kilala na kita since bata pa tayo. You can't hide anything from me.
K: wag na natin yan pag-usapan please?
LEA: oh. Okay. Kayo po ang masusunod mahal na prinsipe.
Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain at nagusap na lang kami ng ibang topic. Pero kahit anong pilit ko ng iwas na pag-usapan, ay siya ding pilit na gustong pag-usapan namin ni Lea.
LEA: ang swerte ni Grace no? Kay DA pa lang ang swerte na ni Grace. Mukha naman din kasing hindi siya mahirap mahalin e.
Bigla akong napatingin sa area nina Grace. Ewan ko ba sa mga matang to, hindi mapakali. Ilang pilit ko man pigilan ang sarili ko na tumingin sa kaniya, pero tila na-mamagnet ang mata ko sa kaniya.. sa kanila.
Nang napansin kong papatingin din sa amin si Grace, biglang automatic na kumilos yung katawan ko. Hinawakan ko agad si Lea sa mga kamay niya, at mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya. Tumawa pa ako para lang magmukhang nag-eenjoy talaga ako sa conversation namin ni Lea. Pero ang totoo, hindi. Dahil ayokong pagusapan na sana pa si Grace.
K: alam mo Lea, bakit hindi na lang natin pagusapan yung trip mo sa Paris? Alam mo, sobrang ganda mo simula nung doon ka tumira.
LEA: Ken? Are you really okay? Bakit pabigla bigla ang mood mo? Kanina lang angt tahimik mo, ngayon naman parang sobrang saya mo.
K: masaya naman ako pag kasama kita eh.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin lang sa amin si Grace. Medyo masaya ako dahil alam kong nakikita niya kung gaano ako kasaya at kung gaano kami ka-sweet ni Lea.
LEA: ah, ah. Mukhang alam ko ng kung bakit.
K: what do you mean?
Ang bilis naman pumick up ng babaeng ito. Natahimik lang ako sa sinabi niya, pero ang mga ngiti ko ay nanatili pa din sa aking mga mukha.
Dahan dahang kumalas si Lea sa mga kamay ko.
K: what's wrong?
LEA: *smiles* nothing. Shall we continue with our food?
K: oh, sure.
Nagconcentrate na ulit kami sa pagkain. Hindi na din nakatingin sa amin si Grace. Nag-success kaya ang plano ko na pagselosin siya?
Sh*t, what the heck am I even thinking? Si Grace? Pinagseselos ko?!
LEA: don't worry Ken, nakita niya lahat. Success ang plano mo.
K: come again?
LEA: wala. :)
Ano ba tong si Lea? Nakapunta lang ng Paris, marunong ng magbasa ng isip ng ibang tao? Makapunta nga ng Paris ng matutunan ko din yan.
But seriously speaking, biglang nagkaroon ng lungkot sa mga mata ni Lea. Hindi ko naman sinasadyang gamitin siya para pagselosin si Grace eh. Wait, ako? Pinagseselos si Grace? For what?!
Shiz, ang pathetic ko.
RIKA's POV
Ang saya saya dahil nakasalo ng Ahia ko yung mga kaibigan ko today! Favorite ko yang Ahia ko kaya naman gusto ko din makilala niya yung mga friends ko. So far, okay naman sila ngayon. Nagkakasundo naman sila. Ang masaya pa dito, nilibre pa niya kami!
RICO: may gagawin ba kayo after Lunch?
R: sasamahan namin ni Grace si Maki bumili ng Ingredients. Diba Gracie??
G: ha?! Uuuh.. yup...
Anon nangyari kay Grace? Para siyang namatayan. Kanina lang naman ang saya saya namin. Parang wala pa siya sa sarili niya nung sumagot siya sa akin.
RICO: wow Mako, nagluluto ka pa din pala?
M: oo naman no. In fact, may bago akong imbentong receipe. Kaya nga kami bibili ni Rika ng ingredients dahil magluluto ako para dadalhin ko bukas sa school.
RICO: ayos yan Mako! Hindi ka na nga nagdadala ng pagkain mo sa bahay eh. Namimiss na namin nina Mommy yung luto mo. Magdala ka ulit next time ha?
M: oo naman! :D
Kilalang kilala na talaga sa bahay namin si Maki. Palagi kasi siyang tambay sa bahay namin. Sa tuwing nadadaan ng bahay namin si Maki, lagi siyang may dalang pagkain kaya naman tuwang tuwa sa kaniya ang famnily ko. Actually, nanghihinayang nga sina Mommy and Daddy sa kaniya dahil sayang naman daw si Maki. Ang gwapo daw niya kasi masyado para maging bading tapos ang galing pa niyang magluto. Kung naging straight na lalaki nga daw sana siya, gugustuhin ng parents ko si Maki para sakin. Kami naman ni Maki eh natatawa na lang sa sinasabi ng parents namin. Imposible naman kasing mangyari yung dahil pareho kasi kami ng hanap.
R: gusto niyo bang sumama Bestie?
B: pass ako Bestie. Medyo pagod kasi ako ngayon eh. Parang nanghihina ako. Rest na muna ako sa bahay.
R: aww ganun sayang naman.... DA gusto mo ba sumama sa amin?
DA: pass din ako Rika. Madami kasi akong hahabuling school work eh. Medyo busy na din kasi dahil sunod sunod ang meetings. Sensya na ha? Next time na lang.
R: oh..
Sayang naman. Akala ko pa naman makakasama ko sila TAT
G: Rika, mukhang hindi na din ako makakasama.
R: awwww pati ikaw din? ;( bakit naman?
G: may errand kasi akong gagawin eh. Biglang nagtext kasi kapatid ko. Nagpapa-canvass siya ng vase para sa project nila. Next time na lang ha?
R: sige na nga.
RICO: vase ba hanap mo? Samahan na kita! May alam akong brand na maganda at sure na matibay pag dating sa vase!
G: ay talaga? Sige sige!
Ang kanina lang na malungkot na Grace ay biglang naging Happy Grace na ulit. Ang bilis mag-iba ng mood @_@
O edi sila na may kaniya-kaniyang lakad. Oh well. Hindi din maiiwasan dahil busy din ang mga tao sa kaniya-kaniyang buhay.
I was observing people as we eat. Si Ahiya, busy kausapin si Grace tungkol sa vase. Paano kasi, business ni Ahia ang pag-gawa ng vase kaya naman madami talaga itong makekewnto kay Grace lalo pa at may balak itong bumili ng vase. Si Mako naman busy sa pagkain. Siguro inaaral niyang mabuti yung receipe nung mga pagkain na nakahain sa mesa. Mukhang nagbabalak na naman siya magimbento ng bago niyang pagkain by just using her tastebuds sa pagtikim tikim ng iba't-ibang pagkain.
Si DA at Blue. Ayun.. parang may sariling mundo na naman. Minsan nga gusto ko ng magselos kasi ang close nilang dalawa eh. Tapos napapansin ko pang ang kumportable ni DA kay Blue. Alam ko namang friendly si DA eh.. pero iba siya makitungo kay Blue. Mas lalo naman kay Grace. Pero alam naman ng lahat na kahit may gusto siya kay Grace, hindi naman siya ang gusto ni Grace. Pero yung sa kanila ni Blue.. parang nabobother ako.
Oh my Gad, what am I even thinking? Sarili kong bestfriend, pinagiisipan ko ng masama!
M: hui, okay ka lang?
R: huh?
M: tulala ka. Tinatanong ka ng Kuya mo kung may gusto ka pang ipabili kasi magbibill-out na siya.
R: ah wala naman.
Tumingin ulit ako kina DA at Blue. Nakita ko kung paano niya pagsilbihan si Blue nung humingi ito ng tubig. Iba din ang tawa niya pag siya ang kausap nito. Sobrang kumportable na nila sa isa't-isa....habang tumatagal na pinapanood ko sila, lalo lang sumasakit yung kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Fudge, nagseselos ako sa bestfriend ko.
Nasa labas na kami ng restaurant at nagkaniya-kaniya na kaming paalam sa isa't-isa.
RICO: so.. dito na tayo maghihiwalay. Mag-iingat kayo ha?
R: yes Ahia. Sabay naman kami ni Maki eh. Don't worry about me.
B: thank you po ulit sa lunch. Mauna na po ako sa inyo umuwi dahil masama na talaga pakiramdam ko.
G: bye Blue! Inom ka gamot ha!
B: yea, will do. Thanks.
RICO: magpahinga ka na at baka lumala pa ang sakit mo.
B: thank you po. Bye Bestie!
R: bye Bestie!
Paalis na si Blue ng bigla siyang hinabol ni DA. Don't tell me, ihahatid siya ni DA sa kanila?
M: DA! Saan ka pupunta?
DA: ihahatid ko lang si Blue sa kanila. Mahirap na at baka may masama pang mangyari sa kaniya eh.
R: ha? Kailangan ba talaga na ihatid mo siya? Kaya na niya yun..
DA: Rika, hindi mo ba nakitang namumutla na si Blue?
R: sorry..
DA: it's okay. Babantayan ko best friend mo. Wag ka na mag-alala sa kaniya. :)
R: hmm..
Hindi naman kasi talaga yun ang inaalala ko eh. Alam ko naman na kaya naman ni Blue ang sarili niya eh. Ang inaalala ko lang is.... fudge, hindi ko alam! May dapat ng ba akong ipagalala? Nagiging paranoid n ako over trivial things. Okay lang ba na ihatid ni DA si Blue? Okay lang ba na sila lang dalawa ang magkasama? Okay lang ba sa akin na sila lang dalawa ang magkasama?
Ang hirap pala talaga pag natamaan ka na ng selos. Hindi mo alam kung ano ang paniniwalaan mo.. kung ang nararamdaman ba ng puso mo, o kung ang ano ang sinasabi ng isip mo.=============
[A/N] Hello! Pumasok na ulit si Mr. Ice Cream sa eksena. Wuhoo! Hope you guys enjoyed this chapter. =)== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...