CHAPTER 13: Playboy's Heart

11.1K 72 4
                                    

After around 40minutes, bigla kong narinig yung auto ni Ken. Mukhang nakarating na sila. At dahil bawal ako magpakita, sinisilip ko na lang sila sa may bintana. Dumiretso silang dalawa sa garden. Mukha namang natuwa si Claire sa naging set up ng date nila. Pagka-upo ni Claire, agad na binigay ni Ken yung pink Tulips na binili namin kanina.

K: flowers to the beautiful lady *winks*
CL: thanks sa flowers :) wow, ang ganda naman ng pagkaka-ayos dito. Ikaw lahat may gawa nito?

Subukan lang ni Ken sabihin na siya ang nag-ayos nung setup, sasapakin ko siya! Grabe, kung pwede lang sana lumabas eh. Isisigaw ko na ako LAHAT nag-ayos.. Pati yung mga binigbigay ni Ken, ako din ang nag-suggest!

K: uhmm.. A good friend of mine helped me to set this up :)

Ay buti naman at hindi niya inako lahat. Kung hindi talaga, mananagot sakin yang pinyang yan!

CL: wow ang galing niyo naman.. Thanks pala ulit sa flowers ha? I like it.
K: sure thing. Basta ikaw! Lahat ng ito pinaghandaan ko talaga para sayo. Mabuti at nagustuhan mo.
CL: naku, tiyak ako na pag si Grace yung nandito, matutuwa yun.
K: ha? Si Grace?

Ok, parang nagulat pa si Ken sa narinig. Ako din nagulat e. Bakit naman kaya ako nabangit ni Claire? O_O

CL: wala lang naman. Hopeless romantic kasi yung kaibigan kong iyon. At ang alam ko, ganito yung setup na gusto niya sa magiging first date niya.
K: ha? First date? You mean, never pa niya naexperience ang makipag-date?
CL: hmm.. Nung huli ko siyang nakausap about sa love life niya, wala pa. Pero ewan ko lang ngayon..
K: *chuckles*

WALANG HIYA NAMAN OH. BAKIT NAMAN KELANGAN PA AKONG ILAGLAG NI CLAIRE?! Naman oh.. Akala ko ba date nilang dalawa to? Bakit pati ako nadamay?! At.. Nilaglag pa niya ako! Walang hiyang Ken to, nagpipigil pa ng tawa eh. Ha! Sige, tumawa ka pa. KAININ KA SANA NG LUPA!

CL: bakit ka naman natatawa?
K: ha? Haha wala naman. Hopeless romantic pala si Grace *pigil tawa* hehehehe
CL: wag mo na lang sabihin sa kaniya na sinabi ko ha? For sure, lagot ako ako doon haha
K: oo naman. This will be a secret between us *pigil tawa*

Secret secret pa sila eh alam ko na! Huhu!

K: by the way, shall we start eating? I prepared Sinigang since it's my favorite food and also my specialty.
CL: mukhang masarap nga! Ikaw talaga nagluto ng lahat ng ito?
K: oo naman no :)

Nag-start na din silang kumain. At dahil nga medyo may pagka-chismosa ako, nag-eavesdrop ako sa pinaguusapan nila.

K: by the way Claire, may ibibigay pala ako sayo.

Biglang may kinuha si Ken sa tabi ng table. Mukhang ibibigay na niya si Mr. Bear...

CL: oooh. Wow. Hehe thanks Ken! Pero sa totoo lang, hindi ako ganun kahilig sa stuffed toy eh..
K: urgh, sinasabi ko na nga ba eh.. Lagot sakin mamaya yang Grace na yan.... Ah ganun ba?

Shet, patay ako nito ako kay Pinya mamaya for sure!!!! >_<

CL: pero ok lang naman. Cute naman eh ^^ for sure, may matutuwa pag inuwi ko to sa bahay.
K: si Grace na naman ba?
CL: paano mo nalaman?
K: kanina kasi yan din yung sinabi mo..
CL: ah... hehe. Naku, pasensya ka na ha? Alam mo, si Grace dapat ang dinadate mo sa ganito kasi siya ang mahilig dito. And for sure, matutuwa at kikiligin talaga yun!

Wow naman tong si Claire. Todo endorse sakin! Date nilang dalawa ni Ken to kaya dapat hindi ako pinaguusapan nila.. Nakuuu lagot na talaga ako for real, 100%, kay Ken!!!

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon