Hihi, ang ganda ng umaga ko. Dahil sa sobrang ganda ng mood ko, hindi ako makapaniwalang naging super emo these past few weeks. Ang sarap mabuhay pag masaya ka, at sa sobrang saya ko, hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng magpasira ng araw ko.
Hohoho~ Ngayon ko lang din ata na-appreciate ang maging servant ni Ken. Kung datirati ay ayokong magpaka-alila at naiirita ako sa bawat utos niya, ngayon hindi na. It made me realize na advantage ko pala ito dahil compared sa iba niyang fans (na mas maganda pa sa akin), ako ang pinaka-malapit sa kaniya (literal). Hihihihi! Tapos hindi pa natuloy ang alis niya, kaya sobrang saya ko lang. Balik sa dati ang normal school routine ko *u*
MK: o, sinapian ka ata ngayon. Last week lang nagluluksa ka ah.
G: aheheh~ hindi naman Mako. Grabe to.
R: oo kaya friend! Para ka kayang eyebags na tinubuan na ng katawan na naglalakad sa campus last week. Halos hindi ka makausap ng maayos. Tapos magang maga ang mga mata mo.
G: ganun ba kalala yung itsura ko last week? O_O
MK & R: oo, ganun ka kalala! At sobra din ang pag-aalala namin sayo!
Nyay, sa sobrang affected ko pala sa relasyon nina Ken at Lea, hindi ko sinasadyang mapag-alala ko mga kaibigan ko. Naalala ko din sina DA and Blue nung araw na pumunta kami ng airport.. hindi man aminin at sabihin sa akin ni Blue, alam kong nagaalala din siya sa akin.
MK: hay nako, nasaan na ba yung dalawa? Ang tagal naman!
G: susunod daw sila. May inabot lang si DA kay Sir Sadista, may binalik naman na book si Blue sa library.
MK: hmp, ang tagal nila. Ang pagkain hindi dapat pinaghihintay! Naghanda pa naman ako ng specialty ko ngayon dahil icecelebrate natin ang iyong love life.
G: ay grabe, one sided love lang naman yun. Ano bang kailangan nating icelebrate doon? -_-
Nakakatawa itong si Mako eh. Nung tumawag ako sa kaniya para ibalita na hindi natuloy ang alis ni Ken, sobrang nag-bunyi siya para sa akin. Tila pa nga siya pa ang mas masaya kesa sa akin! At dahil sa magandang balita na iyon, nagdecide siyang magluluto ng specialty niya at magcecelebrate daw kami ng bongang bonga.
R: miski na no! Isipin mo na lang, muntik na kayong magkahiwalay ni Ken. Milagro na lang na hindi siya sumama sa first love niya no. First Love! Hindi lang kaya ordinaryong babae si Lea sa buhay ni Ken.
G: hmm sa bagay, may point ka.
MK: ui, nanjan na pala sila eh.
Nandito na pala si DA at Blue at nagkasabay pa ata silang dalawa. Nakita ko kung paanong pinagbuksan ni DA ng pinto si Blue. Aww, so sweet and gentleman. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni DA nung isang araw. Nangiti tuloy ako dito mag-isa. Alam ko na kasi yung secret ni DA eh. :3
R: magkasama na naman sila..
MK: ha? May sinasabi ka Bestie?
R: wala. *smiles*
Nakita ko ang reaction ni Rika nung sinabi niya yun. Nakangiti siya, pero may mga lungkot sa mata niya. Nagseselos ata..... Oh patola, oo nga pala! Nawala sa isip ko... love life nga pala ni Rika si DA! Pero si DA, iba ang gusto eh.. isa itong issue. May love triangle! At ako pa lang ang nakakaalam!
Yay, para akong isang detective dahil sa natuklasan ko!
G: ahehe, baka nagkasalubong lang sila ^_^
R: hmm..
Wah. Confirmed, nagseselos nga si Rika!
Maya maya ay nakalapit na sa table namin sina DA at Blue. Magkatabi din silang umupo sa table. Ito ang mahirap kapag may alam ka na sikreto eh. Hindi mo maiwasang mapansin yung gestures nung dalawa.
DA: yo! Sorry nalate kami.
B: so nasaan na yung pinagmamayabang mong pagkain, Unicorn?
MK: be nice to me Leech at makakatikim ka ng niluto ko.
Ipinatong ni Mako ang isang malaking bento box sa gitna ng table namin at isa-isa nitong iniayos sa harap namin. Sobrang na-amaze kami kasi ang ganda ng pagkaka-prepare niya sa niluto niya! Variety of sushi rolls, California Maki, Sashimi, may Tempura, Karaage at Miso Soup pa! At syempre, hindi mawawala ang cake. Sagana kami ngayon sa Japanese food, at talaga namang mapapalaway ka! Itsura pa lang ng pagkain, ang sarap ng tignan.. matikman mo pa kaya?
ALL: woooahhhh~~~~
The food is inviting us.. it's tempting us.. waaah~
B: kyaaa~ parang nag-goglow yung pagkain!!!
MK: hohohohohoho!
B: okay fine, just for today magiging mabait ako sayo. Dahil tried and tested ko na naman yung pagkain mo, I will be your friend just for today.
DA: ngayon lang? *chuckles*
B: oo, ngayon lang! Look at those.... they're calling me!
G: waaah ang dami dami dami! Ang swerte ko at naging friend kita Mako!
R: ako din!!!
DA: ako din!!
B: no comment.
At dahil gutom na gutom na talaga kami (at mas lalo pang nagutom nang makita namin yung pagkain), sinimulan na naming papakin yung Sushi Rolls ni Macky. Hindi pala talagang nagbiro si Mako nung sinabi niyang magluluto siya ng madami. Sa sobrang dami, hindi namin alam kung paano namin to mauubos eh. :O
DA: ano ka ba Blue, bakit puro cake lang kinakain mo? Kumain ka din nung sashimi. Masarap!
B: eh hindi ako kumakain ng hilaw.
DA: subukan mo lang. Promise, masarap!!
B: uhh..
Nakita ko kung paanong pinagsilbihan ni DA si Blue ng Sashimi. Ang cute nilang panoorin actually. Sobrang alaga ni DA si Blue, how sweet of DA naman.
Pero napansin ko na nakatingin din sa kanila si Rika. Eto na naman yung malulungkot niyang mata.
G: wah! May pinya yung nakain kong California Maki! >_<
Halos iluwa ko yung buong Cali Makidahil sa nakain kong pinya. Blech! Siguro blessing in disguise na din yung nangyari dahil naagaw ko ang atensyon ni Rika.
R: okay ka lang friend? O, inom ka ng tubig.
MK: ay, friend sorry! Hindi ko kasi alam na hindi ka mahilig sa pineapple. Pag gumagawa kasi ako ng Cali Maki, lagi kong nilalagyan ng pine]apple.
Anong problema sa Cali Maki? Masarap naman ah. Ang tamis nung pineapple
Wah! Patola, si Ken! Nandito pala siya.. hindi ko napansin! At kasama din pala niya si Justin.
MK: masarap ba Ken? Ako may gawa niyan *u*
K: hmm, masarap nga. Penge pa ha.
MK: sure~~!!
Ay sus, nagdemure-demure-han pa sa harap ni Ken. Eh halata namang kinikilig ang loko *u*
Ako din kinikilig. Hihihi.
K: hoy Amazona. Hinay hinay lang sa pagtitig sakin, mahuhulog na sa chopsticks yung Sushi mo.
G: oi-! Hindi kita tinititigan ah! Ano.. iniimagine ko lang na yung Sushi Boy kumakain ng Sushi Rolls!
K: lame.
G: prfsssh.
Akala ko pa naman may magbabago samin after nung nangyari nung Monday. I guess masyado lang akong nag-expect. But ohwell, mas okay na yung ganito, kesa naman sa hindi ko siya makita!
G: ano pa lang ginagawa niyo dito ni Justin? Nasaan yung iba?
K: si Cris, absent. Si Crom as usual, kasama yung kaibigan mo.
JS: hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa mga kaibigan mo Ken?
K: guys, meet Justin. Justin, eto si Mako. Siya yung friend ni Grace na mahilig magluto. And the pretty girl sitting beside her is Rika, Mako's bestfriend.
Isa isang nakipag-hand shake si Justin habang pinapakilala siya nito sa mga kaibigan ko.
K: kilala mo na si Blue so hindi na kita kailangang pakilala. And the guy sitting beside her like a monkey is DA.
DA: hoy! Anong monkey ka jan! Bakit ang ganda nung pagpapakilala mo sa kanila, sabay sakin Monkey?!
K: walang pakelamanan ng trip.
JS: hi guys! It's so nice meeting you. Ako si Justin, kabarkada ni Ken. Kaibigan din ni Grace. Sa Law Department naman ako.
Ngumiti ito sa amin. At sa facial expression pa lang ni Mako, alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya: Crush niya na si Justin. Wow, finally. Nakamove on na siya kay Ken.
Lumapit ng konti si Justin kay Mako that made him blush.
JS: pwedeng makitikim ng luto mo? Mukhang nakakatakam kasi. *smiles*
MK: sure! Kuha ka lang. Madami akong niluto kasi :D Eheheheehe *blush*
JS: thanks! :)
JS: Kung gusto mo ipagluluto pa kita araw araw eh! *sparkle sparkle*
JS: uh.. thanks? Hehe
Ay, kinilig ang loka. Kitang kita ko kung paano siya mamula nang lumapit sa kaniya si Justin. Alembong! XD
K: anong meron at ang dami niyong pagkain? Sinong may birthday?
DA: actually, hindi kami nagcecelebrate. Nagluluksa kami kasi nandito ka ngayon.
B: DA~! Sira ulo ka!
K: wow, thanks ha.
Shet, biglang nagiba yung mood ni Ken dahil sa sinabi ni DA. Baka isipin niya na totoo nga yun! Waaah~~ @_@
G: hindi! Hindi totoo yun. Hindi ako nagluluksa!!!
K: kung hindi, eh ano?
G: ano.. uhh..
What the heckkkk anong gusot na naman bang itong pinasok ko?! Awkward! Kesa naman na sabihin kong nagcecelebrate kami para sa hindi niyang pagalis..
MK: nagcecelebrate kami para sa hindi mong pag-alis.
G: UWAAA >_<
JS: AHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA! WOW DOOD. NAGCECELEBRATE SILA. AHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!!!
Walang yang Mako naman yan eeeh~ Bakit kelangan niya akong ilaglag? Wah! Kakahiya tuloy. Itong si Justin naman wagas kung makatawa. Kaasar! :<
K: ohhhh... kay.....
G: ehe.
K: uhhmm sige, mauna na ako sa inyo. May gagawin pa kasi ako. Bye.
Aww aalis na agad si Ken. Saglit ko lang siya nakausap eeh~ :<
JS: ui Pre! Bakit nagmamadali kang umalis? Hintayin mo ko! Sensya na kayo guys ha? Nahihiya lang yun kaya biglang umalis. Sige next time ulit. Bye! *winks*
MK: omg omg omg hihimatayin ako sa kindat niya!!!!!!
Nakatingin lang ako sa naglalakad na Ken hanggang sa tuluyan ko ng hindi makita ang likod nito. Tsk. Dibale, come by weekend, mas makakasama ko naman siya ng matagal :>
MK: aww, umalis agad. Nahiya kasi nung sinabi nating nagcecelebrate tayo dahil sa kaniya.
B: duh, sinong hindi mahihiya dahil doon?
MK: duh, hindi ko hinihingi opinion mo.
R: ayan na naman kayong dalawa =_=
DA: wag na kayo mag-away, kumain na lang tayo! XD
G: tama si DA. Kain na lang tayo!
Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain namin... peacefully.
B: Grace, since malapit ka naman sa water dispenser, pwede ba akong makisuyo sayo ng tubig?
At dahil I am in a good mood, walang pagdadalawang isip ko namang ginawa ang pakiusap niya.
G: surely, akin na baso-
DA: ako na, ako na lang kukuha ng tubig. :)
G: ok.
Wow, asikasong asikaso si Blue ah. Wala na akong masabi sa ginagawa ni DA.
DA: here, water.
B: thank you..
Feeling ko talaga may something sa kanilang dalawa. Kahit si Blue ay nahihiya din kay DA eh. Iba ang kilos niya kapag kasama namin si DA. At hindi din ito yung ikinikilos niya tulad ng dati. Basta, may iba!
RIKA's POV
Kanina ko pa napapansin yung pagiging maasikaso ni DA kay Blue, at mas naging close pa sila ngayon.. It's bothering me. Hindi ako mapakali dahil sa mga na-o-obserbahan ko. I am not sure kung paranoid lang ba ako, o talagang meron. Basta hindi ako mapakali.
MK: ahh~ busog!!!
G: oo nga eh. Salamat ulit sa food, Mako!
DA: thanks Mako!
B: thank you, Unicorn.
MK: dou itashi mashite! (you're welcome)
*DING DONG*
MK: crap, bell na!
G: see you later friends! Una na ako sa inyo at Electronics pa next subject ko. Alam niyo naman si Sir Sadista -_-
DA: hahaha, I feel for you! Sabay na tayo nina Blue.
MK: jaa ne! (See you later!)
B: ei Bestie, hindi ka pa ba aakyat?
Fudge, wala na naman ako sa sarili ko! Hindi ko man lang napansin na nagbell na at umalis na ang mga kaibigan ko.
DA: tara sabay sabay na tayong umakyat!
B: oi DA! Bakit nandito ka pa?!
DA: bakit? Hinihintay kita. Para sabay na tayong umakyat. Halika na kayong dalawa!
B: hmp!
DA: sungit~~ T^T
Akala ko kami lang dalawa ni Blue ang nandito. Kasama pa pala namin si DA. Pero dahil tungkol sa kanilang dalawa ang itatanong ko, ayokong marinig ito ni DA.
I think this is now the right time para iconfront ko si Blue regarding sa mga observation ko. Dahil hangga't hindi ko alam ang totoo, hindi ako mapapanatag.
R: uhm, Bestie, pwede ba kitang makausap saglit?
B: sure!
R: yung tayo lang dalawa sana..
B: narinig mo DA? Kami lang dalawa. So shoo!
DA: foine. Wag kayong magpapalate ha. At Blue, papaalala ko sayo, si Sir Sadista prof natin.
B: oo na, oo na! Sige na shoo!
Umalis na si DA kaya naman kami na lang ni Blue ang magkasama. Bigla akong kinabahan. Pinagpapawisan ako ng malamig, nanginginig din pati ang katawan ko.
R: may itatanong sana ako sayo Blue..
B: oh, what is it Bestie?
Kinakabahan ako sa itatanong ko. Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Blue. Pero mas kinakabahan ako sa magiging sagot niya sa katanungan ko.
R: Bestie, wag mo sanang mamasamain ang tanong ko ha? Anong meron sa inyo ni DA? Kayo na bang dalawa? May gusto ka ba sa kaniya? Yung totoo Bestie, sabihin mo sa akin. Sa totoo lang, nababagabag ako dahil pag nakikita ko kayong dalawa, sobrang close ninyo. Para kayong may mga sariling mundo. At sobrang maasikaso at sweet sayo si DA. Dahil kung may something man sa inyong dalawa, sasabihan ko na sina Maki at Grace na tantanan na ako sa panloloko kay DA dahil ayokong masira ko ang relasyon ninyong dalawa..
Diresdiretso akong nakapagsalita! Hindi ko akalaing lalabas lahat ng iyon sa bibig ko. Pero dahil sa mga sinabi ko, gumaan ang loob ko. Para akong natangalan ng bigat sa dibdib dahil finally, nailabas ko din yung bagay na nakakapagpabagabag sa akin.
All I need to do now is to wait for her answer.
Nakita ko kung paanong nagiba ang expression ng mukha ni Blue. Naging seryoso ang mukha nito. Pero napalitan din agad ng ngiti.
B: Bestie, ano ka ba! Hindi kami ni DA okay? At lalong lalo naman na wala akong gusto sa kaniya! Hello, never akong magkakagusto sa kaniya no! Ang taas kaya ng standards ko sa lalaki. Kaya siya malapit at maasikaso sa akin kasi ganun talaga ang personality niya, peronsality ng parang isang babae. Hindi ba ganun din naman si Mako sa inyo ni Grace? Maasikaso, sweet at sobrang bait?
R: hmm..
B: see? Kaya wala lang yung nakikita mong gestures ni DA. At isa pa, no offense lang kasi alam kong may gusto ka kay DA, pero nababadingan ako kay DA. I am not saying na bading si DA okay? Nalalambutan lang ako sa personality niya. Kaya Rika, please, wag ka ng mabagabag. Wala talagang something sa amin ni DA. And I'm sorry kung nabother ka dahil doon.
So iyon pala yun. Ganun pala yun. Pero bakit parang hindi pa din ako nakuntento sa mga narinig ko? May pakiramdam ako na hindi iyon totoo. Woman's intuition ika nga nila.
R: okay. Sorry Bestie kung napagisipan ko kayo ng masama ni DA. Nagseselos lang siguro ako kaya ganun..
B: haha, silly girl! There's nothing to worry about! Sayong sayo na yang si DA no! Hehe.
R: hindi din.. ang dami ko kayang karibal doon. Hindi lang ako ang fangirls niya eh.
B: well, boo them. Mas lamang ka naman sa kanila! And hello, close kayo ni DA, sila hindi!
R: thanks Bestie. Salamat at lagi kang nanjan sa tabi ko.
B: oo naman Bestie! Tara akyat na tayo at baka malate pa tayo.
R: hmm. :)
There's no way na magsisinungaling siya sa akin. Si Blue iyan, at bestfriend ko siya. Siguro nga ako na ang may problema. Ang kailangan ko lang namang gawin ay magtiwala eh, hindi ba?
== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
Roman d'amourSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...