CHAPTER 57: Ken Likes Grace: TRUTH OR LIE?

10.2K 72 1
                                    

Towel - check!
5shirts and shorts - check!
Undies - check!
Toiletries - check!
Sunblock - check!
Slippers - check!
Wallet - check!

WOOT! Naka-ready na yung stuff ko. Lahat nagkasya sila sa iisang bag pack B) Pwedeng pwede na akong sumabak bukas. Shet naeexcite na talaga ako. Baka hindi ako makatulog nito~~

PUERTO GALERA, HERE I COMEEE!!!!!! :)




*alarm clock* RIING

G: ugh... anong oras na ba... extend pa...

*phone ring* KRING KRING

G: sinabing extend pa eh...

KRING KRING KRIIIIING

G: ugh. Hello? Ano ba? Kaaga-aga nambubulabog ka. Istorbo ka naman sa tulog ko eh..

OI MS. AGUIRRE, FYI 9AM NA NG UMAGA. AT ISA PANG FYI, KANINA KA PA NAMIN KINOKONTAK. KUNG AYAW MONG SUMAMA, SABIHIN MO SA AMIN PARA MAKAALIS NA KAMI!

Putek, sino ba tong tumatawag sakin at tinataasan ako ng boses?! Kaaga-aga sinisigawan ako...

Mayamaya biglang may pumasok sa kwarto ko. (wala nga pala ako sa boarding house ngayon. Every vacation kasi umuuwi ako sa bahay namin)

LOLA: hindi ka pa ba gigising? Akala ko ba may lakad ka ngayon?

Lakad? Anong lakad.... AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.

Tinignan ko yung phone ko at ngayon ko lang napansin na si Anna pala yung tumawag. Shet. Bumabalik na yung diwa ko. Bakit nga ba nakalimutan ko na ngayon pala kami aalis. And to add to that, late pa ako nagising!

G: HELLO ANNA JOKE LANG YUNG SINABI KO NA ISTORBO KA. SALAMAT AT TINAWAGAN MO AKO. PAPUNTA NA AKO. PRAMIS.
A: ah. Papunta ka na? mukha ngang kakagising mo lang eh. ok. Dalian mo. Pag after 1hour wala ka pa, iiwan ka na namin!
G: roger that!

PANIC MODE PANIC MODE. SHET. KELANGAN KONG MAGMADALI AT BAKA MAIWAN NILA AKO. PAANO NA LANG ANG PANGARAP KO PARA MAGKA-TAN THIS SUMMER? NOOOO~ WAIT FOR ME, PUERTO GALERAAAAA!!!



A: after 10 years ah.
C: buti na lang sinagot mo yung pang-13th call ni Anna! Kung hindi, iiwan ka na talaga namin.
G: sorryyyyyy -___-
K: pfsh. Kahit kelan talaga palpak ka.

Ay. Oo nga pala. Kasama pala tong epal na to sa outing namin. Ay naku, wag sana niya sirain yung maganda kong mood sa outing na to! Hindi ko na lang siya papansinin :|

After namin makapag-ayos ng gamit eh nagumpisa na kaming bumiyahe. Convoy kami. Yung barkada ni Ken, sumabay sa auto niya. Samantalang kaming mga girls eh sumabay sa van ni Jared. Medyo maluwag pa nga sa loob eh kaya nakakapaglaro kami sa loob. Buti na lang at may-driver kaming kasama kaya naman kahit anong gulo pa namin sa loob, nakakayanan pa mag-drive ni manong. Professional driver eh B)

Mga almost 3pm na ng makarating kami sa resort. Sheeeet, ang ganda! White beach! Tapos ang gaganda pa nung mga decorations sa paligid ng resort. Sa likod nung resort eh mga pools naman. Tapos ang haba ng slide, exciting! Sorry na kung parang ang ignorante ko. First time eh! haha :D shems, naeexcite na tuloy akong lumangoy!

A: guys, mag-ayos na muna tayo ng stuff natin sa mga rooms natin then after that, lunch muna tayo since hindi pa tayo nakakapag-lunch mula kanina. Then after that, pwede na tayong magswimming.
JS: roger that.
CM: by the way, is it ok kung yung foods sa inyo na namin ilagay? Mas marami kasi kami sa room so baka hindi na siya kasya.
A: sure sige.

Kaniya-kaniyang buhat na kami ng gamit namin. Naeexcite na nga akong ilapag yung bag ko eh! Haha!

K: psst. Saan ka pupunta?
G: edi sa room ko. Bakit?
K: tulungan mo kong bitbitin yung gamit ko sa room.
G: ha?! Bakit ko naman gagawin yun?
K: kasi yun ang utos ko.
G: kaya mo na yan.
K: nasa contract natin na dapat susunod ka sa utos ko diba? Kaya sumunod ka.
G: contract? Bakit? May bisa pa ba un? At hindi ba good for one year lang yun? At isa pa, hindi mo na ako matatakot kasi graduate na si Paul. So wala ka ng pang-blackmail sakin!

Oo nga naman. Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Ngayong wala na si Paul, Malaya na ako sa mga kamay ni ken! So..... pwede na akong magsaya!

Pero hindi ibig sabihin na wala na si Paul, masaya ako ah? Ayan, naalala ko na naman siya. Naeemo na tuloy ako. Huhuhu.

Biglang may kinuha si Ken sa bag niya na isang papel. Tinapat niya yun sa mukha ko. Halos mahalikan ko na nga yung papel sa sobrang lapit eh.

K: nababasa mo ba yung nasa papel? Ang sabi dito "Ang Contract na ito ay magtatagal hanggang magkasama pa si Grace Aguirre at Kenneth Ong sa iisang eskwelahan." meaning, kahit na grumaduate na si Paul, may bisa pa din tong kotrata natin. Magbasa kasi bago pumirma diba?

Hof*ck. HOF*CK. BAKIT BA--- ARGH!

C: Grace? Hindi ka pa ba aakyat?
G: oo sige susunod ako!
K: so? Ano pang ginagawa mo? Bitbitin mo na gamit ko.
G: epal.

Kukunin ko na sana yung bagpack niya dahil mukhang yun yung pinakamagaan sa dala niya pero bigla niya yun inagaw sakin at may tinuro siya sakin na isang bag. Wtf. Don't tell me ako magbubuhat nung malaking gym bag na yun?!

G: shet. Papabuhat mo sakin yan?
K: bakit hindi?
G: EPAL!

Malas naman oh. Ako na nga nagbuhat nung "bahay" niya, ang taas pa ng room namin. Bakit kasi sira ang elevator at pinili nila sa 4th floor mag-stay eh! pero buti na lang magkatapat yung room namin sa room nila. Kung may emergency or may kailangan man kami, isang katok lang.

Nakarating na kami ng room. Napansin kong halos nakapag-ayos na sina Collin! Samantalang ako, alalay pa din ni Ken. Huhu! Kahit yung mga boys nakapang-summer outfit na! ako na lang pala yung naka-pants samin ;A;

CS: oh bakit ngayon ka lang?
K: eh ang bagal kasi nung kasama ko eh.
JS: magbihis ka na. mayamaya magla-lunch na daw tayo sabi ni Anna.

Ugh. Mga busy sa pagbibihis. Taena, hindi man lang ako tulungan sa pasanin ko T___T

J: akin na yan, ako na magbibitbit.
G: ui Jared, salamat.
J: kanino ba to?
G: doon sa Pinyang yun.
J: ah..

Bigla na lang kinuha sakin ni Jared yung "bahay" ni Ken at saka niya ito pinatong sa bed ni Ken... ng padabog. Biglang naptingin sa kaniya si Ken. Nagtataka siguro kung bakit si Jared may dala ng bag niya.

J: oh. Bag mo. Ang gaan gaan, sa ibang tao mo pinapabuhat.

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Jared. Kahit sina Justine, Crom at Cris na busy sa pag-aayos ng bag eh napatigil din sa ginagawa. Intense ang feeling. Parang nakakakaba!

Sasagot pa sana si Ken kay Jared pero bigla siya nitong tinalikuran. HAHAHA. BUTI NGA SA KANIYA. PAHIYA!

J: tara.

Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinatak palabas ng kwarto.. narinig ko naman na napa-"woah" sina Justine. I wonder kung ano naging reaction ni Ken sa nangyari.. asa naman ako na magrereact yun diba? Err.




KEN's POV
WHAT THE--- problema ng lalaking yun?! Bakit kelangan niyang idabog yung gamit ko sa bed? Eh paano kung mabasag yung pabango ko sa loob? Ang mahal mahal nung bili ko doon ah! At first of all, bakit siya may bitbit ng bag ko?! Eh kay Grace ko pinabuhat yun!

J: tara.

Aba. At talagang hinatak pa niya si Grace. Hindi pa nga ako tapos utusan yun eh. Nakakairita. At ang mas nakakairita, kelangan holding hands pa sila lumabas ng kwarto? So anong feeling nila? Sila si Romeo and Juliet? Pfsh.

JS: woaaah.
CS: ooh pare, nakita mo yun?
CM: he's messing with you Ken. Angas niya ah. Pero I admire him. Ang tapang :D
K: Sus. Messing with me? Ni hindi nga ako naasar sa ginawa niya eh. nagpapa-impress na naman yun. Mayabang kasi.
CS: pero infairness ah, para siyang naging knight in shining armor ni Grace kanina. Holding hands pa silang umalis ng kwarto.
JS: sila na ba?

Knight in Shining armor? Sino? Si Jared? Ha. So kelan ba nag-iba ang definition ng "Knight in Shining Armor"?

CM: oo nga pre. Sila na ba ni Jared?

Natawa ako sa mga tanong nila. Obvious naman ang sagot diba?

K: Hindi. Hindi magiging sila. *evil smile*



Lumipas ang gabi at naisipan naming maglaro ng spin the bottle sa tabi ng dagat. Nagdala kami ng mat and foods para naman makapaglaro kami doon ng maayos. May bonfire naman sa bandang tabi namna kaya naman medyo maliwa-liwanag sa paligid namin. Medyo madami-dami pa din ang tao sa paligid. Pero hindi na namin sila pinansin. May mga sarili kaming mundo dito, hehe.

CM: so ang rule dito sa game na ito ay simple lang: the "it" will spin the bottle. Pag natapat ito sa isang tao, may sasabihin siyang line or lines sa person na yun. Then huhulaan nung natutukan nung bottle if that person is lying or not. Pag nasagot niya yun ng tama, safe siya from being an "It". Gets gets?
M: so hindi siya yung "truth or dare" na spin the bottle?
CM: nope! Pero dahil nabangit mo na din, let's add some thrill. Pag hindi nahulaan ng tama, that person will have to do a dare!
JS: wow, parang ang saya niyan ah!
CM: so ano? Game kayo?
ALL: GAME!

Nag-start na kaming maglaro. Nakakatuwa din pala laruin to. I usually don't join this kind of games. Feeling ko kasi ang boring. Pero ngayon eh medyo enjoy ko naman. Nakakatawa pa nga yung mga reactions nila eh. talo pa yung mga kaibigan ko sa mga kaibigan ni Grace. Ang galing mag-lie eh. haha.

C: Crom darling, I think I found someone better than you. I want a break up.
CM: what? Break up?
C: *nods* yea..
CM: you're lying.
C: I'm not.

Maya-mnaya biglang tumayo si Crom at kumaripas ng takbo. Teka, anong nangyari doon? Parang chix lang biglang tumakbo amp.

M: hui Collin! Seryoso ka ba jan sa sinabi mo?
C: syempre hinde! Eh diba ganun naman yung game? Huhulaan mo kung joke o hindi yung sasabihin mo. Eh naniwala naman siya agad! Weird, siya pa nga nagsabi nung mechanics tapos siya pa tong biglang nagseryoso sa laro natin..
J: naku Collin, hindi magandang biro yan. Kahit naman sinong tao magiging emosyonal kapag nasabihan ng ganung joke.
C: waaah~ anong gagawin ko?? *sobs*
CS: habulin mo siya then explain mo sa kaniya na hindi totoo yung joke mo.
G: oo nga. Habulin mo na siya habang di pa yun nakakalayo. Hindi masaya ang game pag wala si Crom!
A: oo nga! Dali habulin mo na siya!
C: sige sige..

Hindi ko akalaing may pagka-chix din pala yung kabarkada kong yun. Napaka-emosyonal pala pag nagka-girlfriend. Hindi ko pa malalaman kung hindi pa kami naglaro ng Spin the Bottle na to.

Mayamaya eh bumalik na yung dalawa. Parang medyo naiiyak pa si Crom pero medyo nakasmile na siya. Ang chix talaga.

JS: oh game game game! Spin the bottle na. Dahil naniwala ka sa joke ni Collin, ikaw ngayon ang taya Crom!
CM: ok, humanda kayong lahat! Lagot sakin ang matatapatan ng bote na to. Muhahaha!

Sobrang lakas ng pagkakaikot ni Crom sa bote. Feeling ko nga mababasag eh! Ang g@go talaga nun. Ayan, medyo bumabagal na yung ikot ng bote. Pabagal ng pabagal ng pabagal hangang sa huminto na ito...... sa tapat ko. WTF?!

CM: Ken. Hindi mo ba alam na nag-indirect kiss na tayo?
K: WHAT?!
C: oh my God, Crom! You gay?!

Takte, ano ba to. Bakit naman sa dinamidaming statement, yun pa! Putek nakakahiya. Yung mga reaction nila nung narinig nila yung sinabi ni Crom hindi maipinta. Putek dyahe. Kasama pa namin si Jared. Ano na lang iisipin sakin ng epal na yun?!

CM: what? You don't believe me? Actually, kaka-indirect kiss lang natin kanina.
K: the hell! Pre, bading ka ba? Type mo ko? Nakakahiya sa girlfriend mo! Sinasabi mo pa sa harap niya!

Seryoso. Ayoko ng ganong klaseng joke. It gives me creeps. Hindi naman dahil sa anti ako sa kanila or something, pero nakakatrauma lang! Ikaw ba naman eh habulin noon ng mga bading tapos pagtangkaan ka pang halikan! Sa sobrang desperado eh pati yung towel na pinagpunasan mo eh sambahin na nila.. nakakatakot diba? Ang gwapo ko kasi eh. Kaya naman kung ano anong kasalanan na naiisip nilang gawin.

CM: PRE. JOKE LANG. KAW NAMAN. HAHAHAHA. SYEMPRE HINDI AKO BAKLA NO. AT WE NEVER HAD INDIRECT KISS. HAHAHAH! YOU'RE IT!
K: WHAT?!?!?!
JS: ok Ken, spin the bottle. Ikaw na taya!
K: g@go ka pre ah. Nabiktima mo ko doon!
A: haha, parang ayaw mo pa yata ng nalaman mong joke yun eh. haha!
K: hindi naman.. nakakabigla lang kasi talaga yung sinabi niya.
CM: pero pre, minsan yung ini-inom mong baso, ini-inom ko na din eh. Diba indirect kiss na din yun?
K: put---
JS: tama na yan baka mamaya may sumunod na naman na iiyak kay Crom eh. HAHA! Spin the bottle na Ken.
K: Sakit ka talaga sa ulo ko Crom.
CM: hehehehehe

Mula ngayon, hindi na ako magpapa-inom ng kahit sino sa iinuman ko. Putek, nakakatrauma yung joke ni Crom eh. Kulang na lang pati siya pagisipan ko na bading eh. Kung hindi ko lang yan kilala ng matagal, talaga pagiisipan ko siya ng masama.

Lagot sakin matatapatan ng bote na to. Nilakasan ko yung pag-ikot para dagdag intense diba.

Ayan, pahina na ng pahina yung pagikot niya. Bumabagal na din siya.. hangang sa natapat na siya sa taong malas na mabibiktima ko.

Lumapit pa ako sa kaniya ng konti, sa sobrang lapit eh halos magkadikit na mga mukha namin. Hinawakan ko siya sa mukha niya hangang sa nakarating ang mga kamay ko sa baba niya. Itinaas ko ng konti ang mukha niya at sinabi:





I think I'm starting to fall in love with you.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon