GRACE's POV
MONDAY
Nakakahiya talaga yung ginawang eksena ni Ken nung isang araw! It has been 2 days since that incident happened, pero sobrang hiyang hiya pa din ako sa mga nangyari. Parang gusto ko lang ibaon ang mukha ko sa notebook ko. Hindi ako maka-concentrate sa tinuturo ng Prof namin sa Lit dahil iniisip ko pa din yung mga kabaliwan na nangyari nung Weekend. Nakakahiya talaga! Kahit anong pilit kong ibaon sa limot yung mga pangyayari, para siyang pirated DVD na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko!
Oh Lard, bakit hindi pa nahati sa dalawa ang mundo ng higupin ako hanggang sa inner core ng Planet Earth?
Tinext ko si Rika dahil hindi man lang niya sinabi sa akin na sila pala ang may-ari nung Vase Company na pinagbilhan ko ng vase. At never din niyang sinabi sa akin na may asawa na pala si Rico! Kung ano ano tuloy ang mga pinagsasasabi at pinag-gagagawa ni Ken. Nakakahiya talaga sobra ~_~
Hindi din naman nagtagal at nakatangap din ako ng reply mula kay Rika.
/--- START OF TEXT ---/
From: Rika Mari Chu
Okay lang yun friend. Nakakatawa nga daw kayo ang sabi ni Ate Madz e. ^_^v naging kakaiba and memorable daw ang pag-celebrate nila ng Anniversary dahil sa inyong dalawa. ^_^
/--- END OF TEXT ---/
Taena, nagmukha pa kaming clown sa harap nung mag-asawang yun =_=
Hindi pa nakakatagal ng mag-text si Rika ng bigla akong makareceive ng text from Collin.
Bigla akong napabitaw sa cellphone ko sa nabasa kong text. Para akong nawalan ng gana.. nanghina ang buong sistema ko. At parang nawalan ng saysay ang buhay ko dahil sa nabasa ko.
/--- START OF TEXT ---/
From: Collin
Friend!!! Where are you?! I just got this information from Darling... ngayon ang flight ni Lea. Supposedly sa Wednesday pa ang uwi niya, pero napa-aga ang flight niya! And hindi lang iyon. She wants to make up with Ken. Friend. Makikipagbalikan na si Lea kay Ken. At pag nakipagbalikan si Ken sa kaniya, isasama na daw ito ni Lea sa Paris. Friend, we have to do something! Pag sumama si Ken kay Lea, we will never ever see Ken ever again!
/--- END OF TEXT ---/
I just want to hibernate. No, not hibernate. Gusto kong mag-shutdown, Ayokong kumilos, ayokong mag-isip.
Ayoko na.
*
*
*
*
*
*
23 Missed Calls
16 text messages
All from Collin and Crom.
Simula ng nabasa ko ung huling text ni Collin, I didn't dare myself to check on my phone. Ayokong mabasa yung text na "Nagkabalikan na si Lea at Ken", or yung "Nakaalis na si Ken.". Tama na yung isang text na nareceive ko from Collin. Tama na yung sakit na naramdaman ko after ko mabasa yun. Dahil pag nabasa ko pa yung iba nilang mga texts, baka hindi ko kayanin.
Ngayon pa nga lang, hirap na hirap na ako eh.
At para makaiwas ako sa mataong lugar, tumambay ako dito sa roof top, right after ng klase ko. Hindi ko na nga pinasukan yung iba kong subjects dahil sobrang wala na ako sa mood. Sobrang gusto ko lang ang mapag-isa ngayon.
Sobrang loser ko no? Nag-dadrama ako dito, pero wala naman akong ginagawa para pigilan yung Mahal ko sa pag-alis niya. Minsan nga, iniisip ko na wala akong karapatan na mag-drama at umiyak eh. Dahil never naman ako in the first place na nag-effort para ma-inlove sa akin si Ken. Kung may ginawa man ako, kulang pa.
As usual, umiral na naman ang pagka-low self-confidence ko. Isa isang lumalabas ang mga insecurities ko kapag naihahambing ko ang sarili ko kay Lea.
Si Lea na maganda; Ako na hindi kagandahan
Si Lea na sexy; Ako na hindi ka-sexy-han
Si Lea na may features ng isang model; Ako na isang ordinaryong tao lang.
Si Lea na matalino; Ako na hirap na hirap ipasa ang Electronics ni Sir Sadista.
Si Lea na sobrang bait; Ako na najujudge muna dahil hindi ako maganda.
Si Lea na ideal girlfriend ni Ken; Ako na malayo sa ideal girlfriend ni Ken.
Si Lea na pinsan ng barkada ni Ken; Ako na kaklase lang niya sa iilang subjects.
Si Lea na best friend ni Ken; Ako na Personal Servant lang ni Ken.
Si Lea na first love ni Ken; Ako na walang special place sa puso ni Ken.
Kung bakit kasi naranasan ko pang umibig eh, Nagkanda-letse letse tuloy tong pagiisip at nararamdaman ko!
Grace!
Bigla akong napatayo sa pagkakahiga ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
G: oh, DA. Ikaw lang pala.
Nakita ko si DA na nakatayo sa may paanan ko. Kasama din niya si Blue. Medyo nadisappoint ako ng makita kong si DA ang taong nakatayo sa harap ko. Hindi kasi siya ng gusto kong makita... si Ken.
DA: anong ginawa mo dito? Bakit hindi ka pa umaalis?
B: oo nga. Halika na! Makakahabol pa tayo!
G: ah. Blue, nandito ka din pala.
Napapansin ko na napapadalas na din ang pagsasama nilang dalawa. It's a good thing dahil simula ng maging close sila ni DA, nag-improve ang personality ni Blue. Bithcy pa din siya, pero nabawasan na. And nagiging mas mabait na siya samin.
Parehong lumapit sa akin sina DA at Blue, at sabay nila akong hinatak patayo sa kinahihigaan ko. Ano bang problema ng dalawang to? Kita nilang nag-eemo ako dito eh.
B: ano ba Grace ang bigat mo! Tumayo ka na nga jan!
DA: halika na Grasya! Bakit ayaw mo pang umalis?
Kusa na akong umupo at hinarap ang dalawa. Kawawa naman kasi dahil hirap na hirap na silang patayuin ako. Kelangan ko na nga yatang mag-diet!
G: ano ba kasing meron?
B: anong "anong meron"?! Grace! Of all people, don't tell me ikaw lang ang hindi nakakaalam?
G: nang alin ba?
B: my Gad Grace!
Pinanlakihan ako ng mga mata ni Blue at habang tumatagal, tumataas na din pati ang boses niya. Bakit ba nagpapanic ang babaeng to? Si DA naman ay tahimik lang na nanonood sa amin.
B: today ang flight ni Lea! And she's planning to get back with Ken!
G: oh.
B: ugh!!! Don't "oh" me! Kakainis ka talaga kahit kailan. Bahala ka nga sa buhay mo!
Sa sobrang pagkabadtrip niya, nag-walk out ito at padabog na sinara ni Blue yung pinto sa rooftop bago ito bumaba. Kami na lang ni DA ang naiwan ngayon sa roof top.
Tahimik lang itong nakatingin sa akin. Hindi siya nagsasalita. So ano ito, staring game? Dahil kung oo, wala ako sa mood para makipagtitigan.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga ko at nakipagtitigan sa mga ulap. Pero hindi pa din natatangal ang tingin sa akin ni DA. Medyo naiilang na din ako dahil sa ginagawa niya.
G: what?! Kanina ka pa nakatingin sakin. Kung may sasabihin ka, magsalita ka nga!
Nakatitig pa din sa akin si DA. Hindi pa din siya nagsasalita. Fudge, naurong na ba dila nun?!
G: DA!!! Magsalita ka! Ano ba!!! Naiirita ako sa ginagawa mo!
DA: ako ang naiirita sa ginagawa mo!
G: eh??!!
Bigla akong natameme sa ginawa niya. Sigawan daw ba ako ni DA! Ngayon lang siyang sumigaw sa akin ng ganun! Never uminit ang ulo niya sa akin kaya.. kaya naman talagang nabigla ako sa ginawa niyang yun!
G: DA??
DA: kanina sinasabi mo sakin na magsalita ako diba? O eto, magsasalita na ako. At makinig kang mabuti sa sasabihin ko!
Agad niya akong hinatak mula sa pagkakahiga ko at hinawakan niya ako sa braso ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya sakin. Nasasaktan ako sa ginagawa niya!
DA: naiirita ako sa ginagawa mo, alam mo ba yun?!
G: tss. Sinabi mo na kanina yan.
DA: diba sinabi ko sayong makinig ka lang sa sasabihin ko? Wag kang sumabat!
G: ano ba kasi yun?! At tsaka pwede ba, wag bitiwan mo ko. Masakit na yung ginagawa mo eh!
Imbes na bitiwan ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin. Natatakot na ako dahil sa ginagawa niya! Waah!!
DA: bakit ba ang tanga tanga mo?!
G: a-
Hindi pa ako tapos magsalita ng muling nagsalita si DA. Wala talaga siyang balak na pagsalitain ako.
DA: ang tanga mo! Ang tanga mo dahil nagkagusto ka sa maling lalaki. Nanjan si Jared, nandito ako, pero si Ken pa din ang pinili mong mahalin. Ang tanga mo dahil minahal mo ang taong hindi worth it ng isang tulad mo. Ang tulad mo, dapat inaalagaan, minamahal. Pinapahalagahan. Hindi iniiwan, hindi inaabuso ang kabutihan, hindi ini-ignore, at lalong lalo na ang hindi sinasaktan. Itinanong ko sa sarili ko ang mga yan nung mga panahong heart broken pa ako sayo. Bakit hindi ako, bakit siya? Bakit siya na lagi ka namang sinasaktan? Bakit hindi ako na wagas na nagmamahal sayo?
Hindi ako makapagsalita dahil sa mga naririnig ko. Ngayon ko lang narinig ang mga ito mula kay DA. All this time, ito pala ang iniisip niya sa akin at kay Ken. Nakaramdam ako ng sobrang kirot sa dibdib dahil sa mga tanong niya. Bakit hindi siya? Bakit kay Ken pa?
Alam ko, isa akong tanga. Sobrang laking tanga.
DA: pero alam mo Grace,
Biglang kumalma ang expression sa mukha ni DA at lumuwag na ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ngayon ay hawak hawak na niya ang pisngi ko na kanina pa basa sa luha.
DA: simula ng umibig ulit ako sa isang katulad ni Ken, narealize ko na wala naman talagang mali sa ginawa mo. Narealize ko na pag umibig ka, kahit ano pa ang hindi maganda sa taong yun, as long as mahal mo siya, tangap mo iyon ng walang pag-aalinlangan. It doesn't matter if this person has a lot of flaws, as long as you love this person, this person will always be special in your heart. Nang nagising ako sa katotohanan at narealize ang mga bagay na iyon, nagawa ko din ikaw intindihin. Yung pagmamahal mo kay Ken, wala ng iba pang makakahigit doon. Ikaw lang ang taong makakapag-bigay sa kaniya ng ganoong klaseng pagmamahal, an unconditional love. Ikaw lang at wala ng iba.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit at sinumulan niyang himasin ang buhok ko. Hanggang ngayon ay wala pa ding tigil ang mga mata ko sa pagiyak. Humahagulgol na din ako dahil sa mga sinabi ni DA. Tagos kasi eh.. tagos na tagos.
DA: Grace, this is your chance. Your final chance. It's now or never. Kung ayaw mong mawala sayo si Ken, gawin mo ang lahat lahat lahat para hindi siya maagaw sayo. Ito na ang chance mo, palalagpasin mo pa ba? Nandito kami ni Blue para suportahan ka. Wag kang matakot. Kaming mga kaibigan mo, suportado kami sayo. Kaya kahit ano mang mangyari, wag kang sumuko.
Dahil sa mga sinabi ni DA, nagkaroon ako ng lakas ng loob. This is it, my final chance!
Kenneth Michael Ong, humanda ka sakin. Pagkakita ko sayo, sisiguraduhin kong hindi mo makikita ang Eiffel Tower!
*
*
*
Hinihingal ako ng makarating ako sa airport. Hanap dito, hanap doon. Buong sulok ng airport, pinuntahan ko na.. Pero walang akong Ken na nakita.Tinatawagan ko ang cellphone niya, pero cannot be reach na ito.
B: Grace~!!!
G: Blue! Nakita mo na ba si Ken?
B: wala, hindi ko siya nakita. But look at the sign..
Tinuro niya sakin yung sign board ng mga flights. Nanghina bigla ang mga tuhod sa nakita..
Departing to: PARIS
Status: DEPARTED
Bigla akong napanghinaan ng loob. Nanlambot ang mga tuhod ko at napabagsak mula sa kinatatayuan ko. Mabuti na lamang at nasalo agad ako ni DA.
DA: Grace, you tried.
G: but it's too late... wala na si Ken. Wala na. Sumama na siya kay Lea....
At sa isang iglap, bigla na namang bumuhos ang luha ko. Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang mapag-isa at umiyak. Naiinis ako sa sarili ko. Sobrang naiinis ako! Dahil sa katangahan ko, dahil sa sobrang hina ko, kaya nangyari ito.
Wala na si Ken, wala na ang mahal ko.. wala na siya.
DA and Blue were trying to console me. I know, and I'm glad dahil kasama ko sila sa biggest downfall ko. Niyaya nila akong kumain sa cake shop to ease the pain, and to cheer me up. Pero sa ngayon, gusto ko lang talaga ang mapag-isa.
Bumalik ulit ako sa rooftop. Tumambay. Nakatulala lang ako sa kalangitan, hanggang sa hindi ko na napansin ang oras. Mag-gagabi na pala.
Unti unti na ding dumadami ang mg bituin sa langit. Full moon ngayon kaya naman sobrang liwanag ngayong gabi.. at madami ding mga stars. Nakatitig lang ako sa mga bituin.. Bigla ko na namang naalala si Ken. Naiiyak na naman ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Kung may shooting star lang, hihilingin ko na sana magpakita sa harap ko ngayon si Ken. Okay lang sa akin kung hindi niya marereciprocate ang feelings ko sa kaniya, ang gusto ko lang ay makasama ko siya.. ang makita.. ang makausap.
Iiiyak ko na ang lahat ngayong gabi. Ilalabas ko na ang lahat ng kalungkutan ko. Ngayong gabi ang huling beses na iiyak ako para kay Ken.. para sa unrequited love ko. Dahil sa ayaw ko man at sa gusto, kailangan kong mag-move on. The faster I move on, the better.
Iyon ay kung makakayanan kong gawin iyon.
Mahirap ang masaktan. Pero mas mahirap ang mag-move on at kalimutan ang taong minahal mo ng ilang taon, lalong lalo na kung sobra mo itong minahal.=======
[A/N] Hello readers! Uiii summer vacation na nila. Kakainggit naman. Haha! :D Kung meron man akong reader dito na graduating, congratulations sa inyo! =)
Madrama tong chapter na ito. Medyo nadala sa pag-update eh. Dibale, sa mga susunod na chapters hindi na ganito kadrama ang buhay ni Grasya. Dahil ako mismo, hindi mahilig sa drama. Kaya kung mapapansin niyo wala masyadong madrama tong story na to. Purong kalokohan lang hehe. Kung meron man, medyo lame, corny at pilit ang update. Haha!Please vote and comment! :)
== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
Storie d'amoreSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...