CHAPTER 54: Goodbye... First Love?!

9.9K 65 1
                                    

Natapos na ang February. Susunod naman ang March. Tapos bakasyon na ulit! Excited na ako! Madalas kasi pag summer, madami kaming mga plano sa buhay like mag-outing, swimming at magliwaliw! Kailangan na naming magplano ng mga kaibigan ko! Sheeet this is so exciting!

G: Ghaizzz. Malapit na yung summer! Anong balak niyo?
C: Outing! Outing! Swimming sa beach!
A: oo nga tama! Sakto, may family friend kami na super close ni Dad. Pwede natin pakiusapan yun for discounts XD
G: wow sakto! Hulog ka talaga ng langit Anna XD
M: out ako jan. ayokong mangitim.
G: grabe ka ang KJ mo naman!

Palibhasa sa aming apat, si Mae yung pinaka-maputi. Akala mo eh anak ng foreigner dahil sobrang puti niya.feeling ko nga may tinatago siyang freckles eh. Haha.

C: hui Mae, minsan lang naman to eh. Sumama ka na!
A: bawal KJ dito. Lahat sasama!
M: eeeargh. Sige. Pagiisipan ko.
G: ano ba naman yaaaan sumama ka na. Ok. Counted ka na.
M: teka, nag-hehead count na kayo? Hindi pa nga sure kung tuloy yang balak niyo!
C: akala mo lang yun!
A: ... ok Dad. Thanks Dad! *drop phone* ok na daw sabi ni Dad. Mag-set na lang tayo ng date then super tuloy na tayo :D
G: oraaaaayt!
M: grabe. Ang bilis niyo -____-
G: bawal ng bumack-out Mae. Ok?
M: fine fine.

Astig talaga tong mga kaibigan ko eh no. Kung yung iba, matagal magplano bago matuloy ang lakad (tapos minsan pa nga sa sobrang tagal ng paghahanda eh hindi na natutuloy yung lakad). Kami eh instant plano, instant lakad! Imba diba? Haha!

C: ahm... gusto niyo bang magyaya pa ng iba? Alam niyo yun... the more the merrier.. ahihihi :>
M: at sino na naman ba naisip mong isama ha?
C: eeeh~ gusto ko kasi sana isama si Darling ko~
M: oooohkaaaaay. -____-
A: hmm.. may point ka Collin. Bakit nga ba hindi na lang natin isama yung barkada ng boypren mo?
C: tomooooo~

Barkada? Ni Crom? Teka, parang hindi ko yata gusto yung mga binabalak nila ah...

G: barkada ni Crom? You mean, sina Justine, Cris and Boss kasama sa outing this summer?
A: exactly!
G: nooooooooo~ kenat biiiiiiiii!
C: bakit naman ayaw mo? Diba mas masaya yun. Madami tayo!
G: kayo lang mag-eenjoy. Ako hindi! Hindi ba pwedeng yung tatlo na lang imbitahin niyo tapos hindi na kasama si Ken? Masisira lang yung outing natin no. At hindi enjoy kasama yun! Ang epal much din ng lalaking yun. At baka maginarte din yun kasi ayaw din niyang mangitim. May pagka-maarte pa naman yung Pinyang yun! Oh? Anyare sa inyo? Ok lang kayo? Anon problema niyo? Bakit ganyan yung mga mukha ninyo? Para kayong nakakita ng multo.

Ang weird ng expression ng mukha nila. Anyare sa kanila? Biglang nag-iba yung timpla nung mga mukha nila. Akala mo nakakita ng multo.

M: Grace. Ahm. Tingin ka sa likod mo.
G: bakit? Anong meron? *lingon sa likod* *natulala*

GOODBYE WORLD------

K: ano ulit yung sinabi mo? Ako? Epal? Maarte?
G: ha? Wala ah. Wala akong sinabi.
K: ah. Talaga lang ah. Alam mo Amazona, bago ka ma-excite jan sa outing niyo, baka gusto mo muna ipasa yung mga exams mo sa Electronics. Dahil pag ikaw bumagsak, guguho yang pangarap mong outing at imbes na kasama mo KAMI sa beach, eh nasa loob ka lang ng classroom nakikipag-one-on-one kay Sir Sadista.

Crap. May point siya. Shet. May pagsubok pa pala akong dapat pagdaanan bago ako magasaya! Sheeeeet. Wala na. sira na yung pangarap ko!

C: Darling~ I missed you!
CM: I missed you to darling~~ mwah mwah!
M: oh God, ito na naman po sila -____-
A: ano nga pala meron at naligaw kayo dito sa tambayan namin?
JS: ito kasing si Crom namiss si Collin kaya nagpasama siya sa amin pumunta dito. Eh sakto din naman na break namin kaya sumama na kami.
K: ano nga pala ulit meron sa outing NATIN?

Kainis. Talagang diniin pa yung "NATIN" eh. Epal talaga! Humanda sakin yang pinyang yan. PAPASA AKO KAY SIR SADISTA AT MAKAKASAMA NILA AKO SA BEACH! BOO!

A: ah. Nagplano kasi kami kanina ng outing this summer. May kakilala kasi si Dad na may-ari ng isang resort sa Puerto Galera. Eh naisip ni Collin na isama kayong lahat para naman mas masaya. The more the merrier.
K: oh. I see. Sure, game kami jan!
A: by the way, confirmed na yun ah. Tuloy na tuloy na yan.
JS: oh? Ang bilis naman! Kanina niyo lang pinagplanuhan yan diba?
A: syempre, ako pa! B)

Shemay nakaka-emo naman. Buti pa sila sure na sure na sure ng makakapag-outing. Ako lang pala ang hindi sure samin. Huhu! Itaga ninyo sa bato, papasa ako sa Electronics at makakapag-pa-tan ako sa Beach! Tandaan niyo yan!

ELECTRONICS TIME
Prof: Ok. Na-announce na sa website ng school natin yung schedule ng final exams niyo. Ang masasabi ko lang sa inyo ay pag-aralan niyo ng maigi yung mga topics na naituro ko sa inyo. Kung hindi ninyo maipapasa yung exam niyo sa akin, well, we have to see each other this summer then.
CLASSMATES: Yes Sir.
PROF: class dismissed.

*Bell rings*

Hooofuuuucccckkkkk. Electronics. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?

K: sa last day pala exam natin kay Sir eh. Pwede pang pumetiks.
G: o sige. Ikaw na pumepetiks jan. Hai, laki ng problema ko.
K: Haha well. Iba talaga ang genius. Petiks lang ng petiks.
G: oo na. Ikaw na. Ikaw na matalino.

Hai. Mukhang kailangan kong pagpuyatan ng ilang araw to ah. Kailangan kong galingan para makasama ako sa outing. Ok. Serious mode na ako. Aja!

Sa Library
G: uwaaaa~ kahit ilang beses ko na siyang sinolve, di ko pa din ma-gets!!!!!! Paano ba lumabas tong 'X' na to? Huhuhu..

Tengeneng 'X' ka. Lagi mo na lang akong pinahihirapan. Dapat kasi sa mga 'X', kinakalimutan eh! Bakit kasi kelangan pang hanapin yung mga lintek na 'X' na yan? Eh hindi naman sila importante sa buhay natin. Grrrrrr.

Hey

Huh? At sino naman yung tumapik sa likod ko?

G: Yes?

OMG. Si Paul my labidabs! Ay shet, kinilig ako. Parang gustong bumalik ng panty ko sa closet HAHA.

P: is this sit taken? Pwedeng tumabi? :)
G: Sure sure! Walang nakaupo jan.

OMG kinikilig ako! Si Paul na mismo lumapit sakin para magkatabi kami. Ayieee ♥

P: anong nirereview mo? Exams?
G: yup. Exam na namin next week. Eh medyo hirap ako sa subject na to kaya maaga pa lang, inaaral ko na siya.
P: oh I see. Buti pa kayo next week pa exam niyo.
G: bakit? Kayo ba kelan?
P: this week na. sa Wednesday yung start.
G: bakit ang aga ng exam niyo?
P: well, ganun talaga pag graduating. Ahead kami sa inyo ng 1 week. Then next week, graduation na namin.
G: ga-graduation?

Graduation? Meaning, aalis na si Paul? Gagraduate na siya sa school namin? Hindi ko na siya makikita sa school namin? As in.. GOOD BYE PAUL NA???

P: yup! Next week Saturday. Kung papalarin pumasa sa exams namin. Haha :)
G: ah.. ah.....
P: goodluck sa exams mo ah. Kaya yan!
G: ah.. thanks... sayo din goodluck...

Parang nanghina ako doon sa nalaman ko ah.. Next week na pala graduation ni Paul. Ibig sabihin, dalawang lingo ko na lang siya makikita.. dalawang lingo ko na lang siya makakusap.. dalawang lingo makakasama. Yung first love ko, gagraduate na next week. Pati ba yung pag-ibig ko sa kaniya, gagraduate na din ba? Nakakapanlumo naman. Parang nawalan na ako ng gana mag-review..

G: ahm Paul, mauna na ako sayo ah. May gagawin pa kasi ako.
P: sure sure, go ahead. Ingat ka!
G: uhm yea thanks. Ikaw din ingat. Bye..

Parang nakakapanlambot naman. Nakakapanlambot isipin yung fact na yung first love mo, hindi mo na makikita, makakasama at makakausap. Na yung first love mo, iiwan ka na pala at walang kasuguraduhan kung makikita mo pa ba siya ulit.

Yung first love ko, gagraduate na. Iiwan na ako.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon