Hindi pa din nawawala ang kaba ko hanggang ngayon. Ang sabi ni Anna ay siya na daw bahala sa problema ko. Hindi naman saw ala akong tiwala sa kaibigan ko, pero feeling ko may hindi magandang mangyayari sa pustahan na to.
*BZZ BZZ*
----- START OF TEXT -----
From: Anna Cruz
Friend, wala ka ng dapat pang ipag-alala. Ok na yung drawing mo! Sure win na to. Bukas iaabot ko sayo. Hehe :3
----- END OF TEXT -----Sure win na yung drawing? Eh paano kung hindi? Wala silang idea kung gaano kaganda yung gawa ni Ken dahil hindi pa nila ito nakikitang mag-drawing. Lalo lang tuloy akong kinakabahan.
Nakalimutan kong itanong kay Anna kung kanino siya nagpa-drawing. Nakakahiya din dahil nakaabala pa ako ng ibang tao para sa pustahan na ito.
----- START OF TEXT -----
From: Me
Thanks Anna! Kanino ka pala nagpa-drawing?
----- END OF TEXT -----Lumipas ang 15 minutes, pero walang Anna na nag-reply. Mukhang nakatulog na yata siya *yawn* pati ako dinadalaw na din ng antok. Sana sa pag-gising ko bukas, medyo mabawasan na itong kabang nararamdaman ko..
-:-:-:-
Saturday. Wala kaming mga pasok pero dahil sa sunod-sunod na projects at nagkataon pang sabay-sabay kaming meron nun, naisipan naming ng barkada ko na gumawa sa Library. Masyado akong focused sa ginagawa ko kaya nawala sa isip ko yung tungkol sa pustahan namin ni Ken. Karir Woman mode ako ngayon eh.
A: bago tayo magkalimutan, Grace, ito nga pala yung drawing.
Crap, biglang bumalik yung kaba feeling ko!
Tinigan ko yung drawing na ginawa ng kakilala ni Anna and wow... na-amaze ako sa drawing! Hindi lang ito basta-bastang sketch lang. Naka-drawing pa ito gamit pastel crayons. Ang ganda! Mas maganda pa sa drawing na pinakita sa akin ni Pinya!!
G: ang ganda naman nito Anna! Sino naman may gawa nito? Don't tell me, ikaw nag-drawing nito O_O
A: syempre hindi! Si Jared may gawa niyan
G: si Jared?!
C: DI NGA? SI JARED?! Aww~ kaya naman pala ang ganda ♥ Ang galing niya palang drawer!
A: drawer...? -_-
M: hudas. May Crom ka na. Umayos ka nga
C: ahihi ♥Si Jared pala may gawa nito.... Nakakahiya naman sa kaniya. Naabala ko pa siya para sa mababaw na bagay na ito. Pero salamat na din dahil tinulungan niya ako sa problema ko.
Ang ganda talaga ng gawa ni Jared. No doubt. Kaya naman pala kampanteng kampante si Anna na ako ang mananalo. Kahit ako ay nabigyan ng pag-asa na matatalo ko si Ken sa pustahan namin. Pero hindi pa din nawawala yun pagaalala ko.
C: guys, naisip ko lang jan sa pustahan ha.. Ano na lang kaya mangyayari kung natalo si Grace?
A: Collin! Wag mo sabihin yan. Baka mag-dilang anghel ka!
C: hindi.. hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang, kung sakaling matalo ka, edi ibig sabihin mas mapapadalas na magkasama na kayo ni Ken diba?And that's why desperado akong manalo sa pustahan na ito. Dahil ayokong makasama palagi si Ken! Kaya ganito na lang ako kadesperado manalo sa pustahan na ito. Gusto ko pang tumagal at maenjoy ang buhay ko!
G: wala din namang pinagkaiba dahil kaklase ko siya sa ibang subjects kaya araw-araw ko din siyang nakakasama.
C: ano ba, syempre mas mapapadalas pa doon ang pagsasama niyo!
G: and..?
C: edi magiging masaya yun!
A: paanong magiging masaya yun? Lagi siyang uutusan at pahihirapan ni Ken pag nangyari yun!
M: whatta friend. Tsk tsk.
C: di niyo naman ako gets eh :(Oo. Hindi ko talaga siya gets. At ayokong i-Gets. Ano bang nakain nitong babaeng to at kung ano-ano na ang nasasabi niya?!
M: ano ba kasi yun? Explain mo kaya.
C: ganito lang kasi yun. Pag madalas kayong magkasama ni Ken, may possibility na ma-develop kayo sa isa't-isa. Alam niyo naman siguro yung kasabihan na "The more you hate, the more you love" and "Opposites attract" diba? Edi masaya yun kapag na-inlove sa iyo si Ken!
M, A: HELL YEA!!
G: HELL NO!EWW. Patagal ng patagal, naririndi na ako sa mga sinasabi ni Collin! Anong more you hate more you hate? Hindi totoo yan! Maisip ko pa lang na mai-inlove ako sa ganung klaseng lalaki, nagu-goosebumps na ako eh. Eww kaya!
G: hindi mangyayari yan over my dead body!!! Alam niyo ba yang mga pinagasasabi niyo? Nakakadiri ha.
C: well, intuitions ko lang naman ang mga yun... na feeling ko ay soon na mangyayari. At masaya din kasi pag nangyari yun, mas mapapadalas na yung pagkikita namin ni Crom Darling ko~ ♥ kasi magkasama na kayo ni Ken palagi eh. Yay~
G: kita mo to. At ako pa ginamit mo -_-
A: kaso pag nangyari yan, may magseselos.Isa pa tong si Anna eh. Gagatungan pa yung sinabi ni Collin.
G: ano na naman ba yan?
A: dude, I'm serious here.Lahat ng nangyayari dito, lahat kalokohan! Anong serious-serious? Shet. Gusto ko ng mag-vanish. Di ko na ma-take yung mga sinsabi nila.
A: tulad nga ng sinabi ko, baka may magselos. May pusong masasaktan.. may pusong mawawarak.
M: what the hell. Akala ko ba serious ka?
A: I'm talking about my dear cousin Jared, guys!
C: OH MY JARED!Sinasabi ko na nga ba eh. Ay naku, bahala na nga sila sa buhay nila. Hindi ko na papansinin yung mga nonsense talking nila.
G: BLABLABLA WALA AKONG NARIRINIG LALALALALALA
M: hmm.. mukhang magiging masaya nga itong pustahan na to ah :D
G: sayo oo, sa akin hindi! Oh Gahd.Minsan, napapaisip ako kung tunay na kaibigan ko ba itong mga ito eh. Sinong kaibigan ang matutuwa pag natalo ang kaibigan nila sa pustahan? Sila. Sila lang at wala ng iba.
G: ewan ko sa inyo. Anna, pakisabi naman kay Jared na thank you ha?
A: oh, bakit ako pa? Bakit hindi na lang ikaw? Ayan cellphone mo oh. Text mo kaya :3
G: err. Fine.Uhh.. magsasabi lang naman ako ng "Thank you", pero bakit hirap na hirap ako? Para akong napepressure. 2 words, 8 letters lang ang itatype ko, pero di ko pa magawa.
Shiz Grace, umayos ka nga!
I took my phone and started to type a text message.
----- START OF TEXT -----
Thank You! :)
----- END OF TEXT -----MESSAGE SENT.
Phew. Para akong pagpapawisan ng malamig dahil sa text na yun >_<
Sa totoo lang, sobrang na-touch ako kay Jared. Hindi ko din inaasahan na tutulungan niya ako. Syempre busy din naman siya, pero naglaan pa talaga siya ng oras para dito. Sino ba naman ako para paglaanan niya ng oras, diba? At talagang ginandahan niya yung drawing na kahit sina Collin at Mae ay namangha din.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa gawa ni Jared, pero hindi pa din nawawala yung kaba sa dibdib ko. Oo, sobrang ganda talaga yung gawa ni Jared. Promise! Pero hindi pa din talaga ako mapanatag.. mapakali. I should be optimistic in times like this pero di ko magawa.
I'm really having this bad feeling na may hindi magandang mangyayari sa akin.
== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story by clicking the external link. Or by just typing this URL: https://goo.gl/YdEsjNSalamat! =)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomantikSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...