GRACE's POV
O ano? Masakit pa din ba?
Nawala na naman ako sa ulirat ko. Oo nga pala, pauwi na kami ngayon. Ano nga ba ulit nangyari? Nawindang ako sa mga pangyayari.
G: masakit? Wala naman masakit sakin.
K: walang masakit, pero pulang pula yung pisngi mo.
Bigla kong hinawakan yung kanang pisngi ko. Saka ko lang naramdaman yung hapdi ng pagkakasampal sakin ni Blue. Pagka-check ko sa salamin, pulang pula nga. Bakat na bakat yung palad niya sa pisngi ko -_-
G: hehe. Oo nga masakit pala.
K: sorry. Nadamay ka pa sa away namin.
G: sorry din. Mukhang kasalanan ko pa kung bakit kayo nag-away ni Blue.
K: kalimutan mo na yung sinabi niya. Mali naman kasi talaga yung ginawa niya kaya ako nagalit sa kaniya.
G: pero kasi..
K: wag mo ngang isipin na ikaw may dahilan. Baka mamaya isipin ng mga tao na ikaw dahilan kung bakit kami nag-away. Pagkamalan pa nilang may gusto ako sayo kaya ko siya inaway.
G: err. Oo na!
Grabe naman tong lalaking to. Wala naman akong sinasabi na ganun. Kung maka-assume naman wagas :| Hindi ko tuloy alam kung sino ba ang maswerte sa kanila: kung si Ken ba dahil wala na si Blue. O kung si Blue ba dahil wala na sila ni Ken. Err.
Laboratory Class with Sir Sadista. Bakit ba kasi ngayon pa niyang naisipan magpa-Laboratory class kung kelan may awkwardness sa pagitan ng mga ka-grupo ko? Grabe din tumayming tong si Sir Sadista eh. :| Kung bakit napagdesisyunan na kung sino kagrupo mo sa Project last sem, sila din yung kagrupo mo sa Lab. Tsk. Jologs. :|
Habang hinihintay namin yung mga materials na madistribute samin, naka-upo lang kami sa table. Ayun, ang tahimik nung dalawa. Itong si DA naman as usual, hyper. Nakakain ata ng isang bag ng asukal tong batang to eh. -_-
DA: Grasya!
G: ano?
DA: may tanong ako :D
G: ano nga?
DA: ano sa English ang "Nasa Lab ako kasama ka."
G: hmm.. "I am in Lab with you"
DA: I am in "Lab" with you, too!
G: huh?!
DA: :D
Di ko gets yung joke niya. Napatingin na lang ako kina Ken at Blue na tahimik pa din. Blue just gave DA a weird look. Si Ken naman eh parang wala lang narinig. NR. K.
Dumating na din yung moment na nakuha na namin yung mga materials namin. Wire. Oscilloscope. Bread board. At as usual, taga-putol kami ni Blue ng wires. Sina DA at Ken naman eh busy maglagay ng wires sa bread board. Buti pala kung araw araw may ganito kaming activity ano. Magkasundo yung dalawa. Palibhasa, pareho kasi silang matatalino -_-
B: ouch!
G: anyare?
B: natusok ako ng wire.
G: patingin nga-
B: don't touch me!
Ay, ang taray -_- siya na nga tong tutulungan eeh siya pa tong naginarte. :| Parang tutulungan lang eeh. :|
B: look Kenny~ natusok ako ng wire oh. :'(
K: pumunta ka na lang ng clinic.
B: samahan mo ako please?
K: kaya mo na yan. Malaki ka na.
B: pero gusto kitang kasa-
K: wag ka ngang magulo! kita mong busy kami ni DA diba?
Siguro kung may subject na "Patweetums 101", top 1 sa si Blue. Sobrang galing niya magpa-cute eh. Inggit nga ako eh kasi hindi ako marunong magpa-cute. Magpaturo kaya ako sa kaniya baka sakaling matuto ako magpa-tweetums no? At baka ma-fall sa karisma koi yang si Pineapple King ko. Echos.
Kidding aside, biglang naging sulky yung mood ni Blue. Bumalik siya sa upuan niya and nagtuloy sa pag-cut ng wires. Not sure kung tama ako ng nakita, pero parang teary eyed siya habang nagpuputol ng wires. Kawawang Blue, nasigawan siya ni Boss. I know the feels kasi ganiyan din ako nung una pag sinisigawan niya ako. Feeling ako ako na ang pinaka-tangang tao sa balat ng lupa. Pero nung tumagal, namanhid na ako. Sanay na eh. Kahit pa na si Blue yung kontrabida sa kwento ng buhay ko, hindi ko magawang pigilan sarili ko na maawa sa kaniya. Ang bait ko kasi eh.
Natapos yung laboratory namin, pero hindi pa din nagpapansinan sina Ken at Blue. Hay naku, bahala sila sa buhay nila. Basta ang sakin lang, makapasa dapat ako sa Lab Class ni Sir Sadista.
Bumalik na kami sa kaniya-kaniyang classroom namin. Sobrang tagal ng oras. Ang haba ng lecture at ang boring. Yung tipong 1minute na lang bago mag-bell, feeling mo eternity na dahil sobrang tagal. *sigh*
PROF: Class, let's have a 1 hour break. May meeting lang akong pupuntahan. Then at around 2PM, resume ang class. Bawal mag-cut dahil pagbalik ko, mag-aattendance ulit ako.
CLASS: Yes Sir~~
Lupit din ng Professor namin sa Literature eh no. Ang higpit lang talaga sa attendance.
RANGEL: Guys, who wants some strawberries? Fresh from Baguio yan!
CLASSMATES: Penge~~!!
DA: wow! Galing kang Baguio?
RANGEL: yup! This weekend lang. :)
Then nagsimula na silang mag-usap about Baguio. Nagsimula sa Strawberry at ngayon ay nauwi sa Baguio ang usapan. What is OP. Out of Place. Ako lang naman. -_- Hindi pa kaya ako nakakapunta ng Baguio. At oo, ako na. Ako na ang loser. :|
K: oh. Bakit natahimik ka jan.
G: di ako maka-relate eh.
K: HAHAHA what? Don't tell me never ka pang nakapunta ng Baguio? HAHAHAH!
Nakakabwisit. Kung pwede lang sanang mag-lie at sabihin nakapunta na ako para tantanan ako ng Pinyang to eh. Pero obvious na obvious naman na magsisinungaling ako. Eh hindi ko nga alam yung mga sinasabi nila eh. Burnham Park, Session Road, Camp John Hay, Mines View Park, The Mansion, etcetera etcetera. Eh strawberries nga lang ang alam ko sa Baguio eh! T_T
G: oo hindi pa nga. Masaya ka na?
K: aw! Kawawa ka naman
G: tss. Whatever.
To be honest, mababaw man, pero pangarap ko talagang makapunta jan. Eh kasi naman, mga kapatid ko nakapunta na jan, ako hindi pa. Mga kaibigan ko nakapunta na, ako hindi pa. Masisisi niyo ba ako kung maging pangarap ko ang pumunta doon? Huhu!
G: dibale balang araw makakapunta din ako jan! A Prince will take me there at pag nangyari yun, iingitin kita!
K: kung makakapunta ka. Wala ka pa ngang "Prince" para pagdalhan ka doon eh. At sana kung meron man, iwan ka na niya forever sa Baguio. O baka ihulog ka niya sa may bangin. BWAHAHAHAHA!
G: *tumingin ng masama*
Nakakainis! Hmp! Pag ako nawala, mamimiss naman niya ako. Ayaw lang niya umamin eh! Ok. Wishful thinking. Hahahahuhuhu.
Pagkauwi ko ng bahay, biglang tumawag sakin si Xandy. Ano kayang meron at napatawag yun?
X: Ate! Malapit na birthday mo. Anong plano mo?
G: ay oo nga ano. Birthday ko na pala x.x
X: ano ba yan, ang makakalimutin mo naman! Umuwi ka daw sabi ni Lola. Maghahanda daw siya sa bahay tsaka bibisita mga relatives natin from province.
G: ah. Sige sige. Papaalam lang ako sa Boss ko.
X: Boss??
G: I mean, sa kasama ko dito sa bahay.
X: ah ok ok. See you this weekend Ate! I miss you. Mwah!
G: I miss you too. Byebye.
Oo nga pala. Birthday ko na pala this coming Saturday. Nawala sa isip ko. Masyado kasi akong naging busy. Na-pre-occupied ako ng school works. Sana payagan ako ni Boss pag nagpaalam ako na uuwi ako sa amin this weekend. Birthday ko naman eh.
K: Oi.
G: nanjan ka na pala.
K: kanina pa. May inayos lang ako sa kotse. Naabutan pa nga kitang may kausap sa phone eh.
G: ahh. Oo nga pala. Magpapaalam pala ako sayo. Pinapa-uwi kasi ako ng Lola ko sa amin this weekend. Ok lang ba na umuwi ako sa amin ng Friday?
K: sige lang. basta umuwi ka ng Sunday ha.
G: yes Boss.
K: bakit ka nga pala uuwi sa inyo? Anong meron?
G: ahh.. uuwi daw kasi relatives namin from province. Eh maghahanda daw si Lola.
K: ah okay. Sige lang.
Yes! Pinayagan ako! Excited na ako mag-Saturday. Weekend = free from stress = free from Boss = mamimiss ko si Boss.
Oo. Mamimiss ko din siya no. Kahit 2 days kaming di magkakasama. Kung pwede nga lang na makasama ko din siya sa birthday ko eh. Kaso imposible kasi.. alam niyo na. Imposible talaga. Isa sa mga wishful thinking ko na sana ma-spend ko yung Birthday ko sa mga taong special sa akin, yung taong nakakapag-tibok sa puso ko. Kilala niyo naman kung sino yun diba? Hindi ko na din sinabi na Birthday ko kasi hindi naman importanteng malaman niya yun eh. Hai.. Pero sana nga may magandang mangyari sa Birthday ko this year. :)
SATURDAY
G: anong ginagawa natin dito sa tambayan? Hindi ba may mga class pa kayo? At ang hassle niyo sa muscle. Pinagising niyo ako ng maaga para lang magpunta dito. Inaantok pa ako ~_~
Oo ghaiz. Sabado na sabado. Gumising ako ng maaga para tumambay sa tambayan namin. Ang saya diba. Inaantok pa talaga ako U_U
C: surprise!
A: Happy Birthday!
G: eeeh?!
M: pinaghanadaan nila yan kaya sana matuwa ka.
So kaya pala nila ako pinipilit na pumasok ng maaga dahil dito.. dahil may surprise sila sa akin. Dahil birthday ko nga pala!
G: oo nga pala. Birthday ko nga pala. Nakalimutan ko >_<
A: palibhasa kasi tumatanda ka na! :D
G: oo na!
CR: excited na excited nga tong si Darling sa pagpili ng cake na ibibigay sayo eh. Diba darling?
C: ehuh~ <3
Nandito din pala sina Cris and others. They brought a cake and gifts for me. How sweet! :">
Buti pa sila naalala birthday ko. Ako talaga hindi. :D
G: ay jusko, tumigil na kayo at baka sa iba pa mapunta yang paglalambingan niyo.
JS: Btw Grace, ito pala regalo namin sayo nina Cris and Crom. Napansin kasi namin na mahilig ka sa Pink stuff kaya ito naisipan namin ibigay sayo. Sana magustuhan mo.
CS: or should we say, sana kasya sayo.
*tawanan ang lahat*
G: wow~ new shoes! Ang tagal ko na kayang plano bumili new shoes! Hindi ko na ngayon poproblemahin kasi binigyan niyo na ako :D And no worries, kasya sakin to. You got the right size!
CR: and a bouquet of flowers for our celebrant.
G: wooow~ ang ganda ng flowers! Thank you!!! Thank you talaga!!!
Grabe naman, sobrang na-touch talaga ako sa kanila. Nag-effort pa talaga sila para sa birthday ko. I am so blessed to have friends like them. :)
CS: buti naman at nagustuhan mo. Oh eh ikaw Ken anong regalo mo kay Grace?
K: ha? Eh wala. Hindi ko naman alam na birthday niya. At kung alam ko man, wala din akong time bumili.
CR: grabe ka naman Ken! Nag-effort ka naman sana!
Ine-expect ko na talaga na mangyayari to. As If naman bibilhan ako ni Ken ng regalo noh. And besides, wala naman siyang pakialam kahit na birthday ko eh. Hindi ko pinaalam din dahil alam kong wala siyang pakialam kahit pa na birthday ko. Tulad nga ng sinabi niya, wala siyang time. Basta pag sa akin, wala siyang palaging time.
Pero bakit ganun, kahit expected ko na ganito ang mangyayari, ang lungkot pa din.. Deep inside me, umaasa ako na kahit hindi ko nasabi sa kaniya na birthday ko, at least may idea siya kung kelan ang birthday ko. Hai naku Grace, wag ka mag-expect at lalo ka lang madidisappoint. And disappointment will lead you to pain. Habang maaga pa, itigil mo na tong kahibangan mo sa kaka-asa sa kaniya.
G: ano ba kayo, ok lang yun no. Ineexpect ko na din naman na hindi magreregalo yang si Ken sakin no :D at isa pa, baka iba pa isipin ng mga babae niya jan pag nalaman nila yun. Haha!
CR: pero Grace birthday mo naman eh..
G: ano ka ba, ok lang yun :)
Tahimik lang si Ken. Hindi na siya ulit nagsalita. Weird niya. Galit na naman ba siya sakin? Wala naman akong sinabing masama ah.
*RING*
X: ate saan ka na? Hanap ka na ni Lola. Nandito na relatives natin.
G: oo sige pauwi na. See you! *hang phone* Mukhang kailangan ko ng umalis guys. Hinahanap na kasi ako sa bahay. May-dinner kasi. Salamat ulit sa regalo at surprise niyo ha? Sobrang na-touch ako! :)
Nagpaalam silang lahat sa akin, maliban kay Ken. Nakatingin lang siya sakin, pero wala siyang sinabi. Weird niya. Pero no, di ako magpapa-apekto sa kadramahan niya. Birthday ko ngayon kaya kailangan, maging masaya ako ngayon!
Habang nasa byahe na ako, nag-text bigla sakin si Boss. Galit kaya siya?
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...