G: sino ka? Bakit mo ba ko hinahatak? Saan mo ba ako dadalhin???
Teka, hindi ba siya yung guy last time na nag-iwan ng flowers sa may table? Medyo kahawig niya kasi yung tindig nung lalaki..
Dinala niya ako sa isang garden. Doon ulit sa dating Garden kami nagpunta. Bigla siyang umupo sa may table sa gitna. Hindi ko alam kung susunod ako sa kaniya o hindi eh. Medyo naguguluhan ako. Nandito na ako last time, pero bakit nandito na naman ulit ako? Paano ako nakarating dito? At sino ba itong Misteryosong lalaki na ito?
Halika dito sa tabi ko!
Bigla niya akong tinawag. Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang kaniyang boses. Pamilyar ito, pero hindi ko maalala kung saan ko narinig. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya.
Malapit na.. Malapit ko na siyang makita...
*BEEEP BEEEEP*Ugh.... ano ba yung ingay na yun?? Makikita ko na yung Mysterious guy of my dream e. Istorbo naman oh!
Kinuha ko yung nag-iingay kong cellphone para patayin yung alarm, ngunit bigla akong napatayo ng di oras ng makita ko yung oras.
7:45AM
First subject? Electronics. 9AM
SHOOOOOT LATE NA AKO!!!! Nang dahil sa panaginip na yun, napahaba tuloy ang tulog ko. Wah! Nagmadali akong tumayo, naligo at nagbihis. Hindi na din ako kumain dahil kulang na ako sa oras. Lahat na din ng dasal dinasal ko wag lang ako ma-late sa first subject ko!
-:-:-:-*FIRST BELL*
*HINGAL*
8:25am
TINGIN SA KANAN.
TINGIN SA KALIWA.
WALA PA SI SIR.
SAFE!
Grabeee ano na lang ang gagawin ko kung na-late ako? Buti na lang at wala pa si Sir. *hingaaaaaal* lagi akong late sa class, pero itong subject lang ni Sir Sadista ang hinding hindi ko pa nale-late-an T_T
Ms. Aguirre, you're late!
G: Sir, no sir! I just came in time lang po Sir! *hingal* Actually Sir, mas nauna pa nga po ako sa inyo.... ROT IN HELL!
Badtrip naman oh! Sa mga ganitong pagkakataon, ayoko sa lahat eh ginu-good time ako eh!
K: takot na takot ka ah. Wala si Sir. Free cut daw.
G: aaaaaaaaah~ nagmadali lang ako sa wala! At ikaw! Peste ka. Bakit mo na lang ako tinatakot ng ganun?!
K: eh kasi nakakatawa itsura mo pag gulat ka eh. HAHAHAHA
G: shut it up Pineapple.
Hindi ko na siya ulit pinansin. Badtrip eh! Sobrang nagmadali ka at kabang-kaba dahil baka mahuli ka ng Prof mo sabay may magbibiro sayo ng ganun? Sino ba naman hindi mababadtrip doon diba?
K: yung utang mo.
G: anong utang?
K: utang niyo sakin ni Trish. Hello?
G: ah.. ano ba gusto mo?
K: kayo. Kung anong naisip niyo Trish. Hindi naman ako demanding eh :D
G: hindi daw demanding.... :| Sige, kausapin ko si Trish.
K: mamaya ha.
G: hindi ba pwedeng ibang araw? Tinatamad kasi-
K: gusto ko mamaya na.
G: K.
May utang pa nga pala kami ni Trish kay Boss. Hindi daw demanding. Eh kung sapakin ko kaya yung lalaking yun? :|
Napansin ko si Trish na pumasok sa classroom. Agad ko siyang kinausap 8)
G: Trish! Pwede ka ba mamaya? May utang pa pala tayo kay Boss. Ngayon na niya hinihingi eh :| yung alam mo na..
T: ah.. oo naalala ko naman. Kaso Grace, hindi ako pwede ngayon eh :( Anniversary kasi namin ng boyfriend ko and we are going to celebrate it tonight.. Paki-sabi na lang sa kaniya na babawi na lang ako sa kaniya next time.
G: ah, ganun ba? O sige, ako na lang magsasabi kay Boss.
T: haha, ang kulit naman, bakit naman Boss tawag mo kay Ken? :)
G: ahh. Wala lang. sige Trish, congrats sa inyo ha? Happy Anniversary!
T: thanks Grace! :)
So ok. wala akong magagawa. Mag-isa kong babayaran yung utang namin ni Trish. AAAAH.TED HANNAH, I HATE YOU.
Break Time. As usual eh nakipagkita ako sa mga kaibigan ko. Grabe lang ang excitement namin nung nagkita-kita kami. Palibhasa matagal din kaming hindi nagkita-kita (2days? Haha)
C: GRACE! YOU'RE BACK!
G: YEZ. I IZ BACK! Wee!
M: wow, parang hindi ka nangaling sa sakit ah. :))
G: well. Nakapag-recharge ako sa dalawang araw na wala ako. So here I am, super lakas na! wee~
Maya maya pa ay dumating na ang grupo nina Ken. Nagtago agad ako. Mahirap na at baka makutusan na naman ako ng lalaking yan pag nakita niya ako. Tsk. Napansin din pala ng mga kaibigan ko na tinataguan ko si Boss.
M: alam mo ba nung absent ka, tinanong agad sa amin ni Ken kung anong nangyari sayo. May concern pa pala sayo yun?
G: haha, akala niyo lang yun. Kung hindi niyo lang alam kung ano yung dinanas ko nung dinalaw ako ng Ken na yan. Hai...
A: weeeh? Dinalaw ka niya? Yieee!!!
C: kilig naman! Isipin mo yun.. si Ken na super sikat at heartthrob sa school natin, dinalaw ka? Yeeees!
G: oi. Magsitigil nga kayo. Nag-papaimpress lang yun kay Claire kaya niya ako dinalaw ok? Wag niyo ng dagdagan ng malisya yun.
Hai.. bakit ba pare-pareho sila ng sinasabi ni Claire? Mga bulag ba sila? ;A;
A: kawawa naman pala si pinsan...
G: oh, bakit biglang nasingit si Jared?
A: eh kasi mukhang mahihirapan siya sa karibal niya eh :(
G: oh? May gusto na din siya kay Claire? O_O
A: tangiiii :(
G: sorry, di ko gets. :|
M: tsk tsk tsk Grace. Acting innocent ka pa jan
C: onga! Onga!
Ano ba? Hindi ko naman talaga gets :| Kayo ba gets niyo? Ang labo talaga @_@
A: you know what? Lagi ka sakin tinatanong ni Jared. Kung ano yung likes mo. Yung mga ayaw mo. At kung ano yung ayaw mo sa lalaki :3 And he's always asking me if how are you doing sa school. Kung nagkita ba tayo and stuff.
G: what the f*ck. Hindi nga? Ginugood-time mo na naman ako eeh :|
A: hindi nga, totoo nga yun. Tapos nung sinabi ko sa kaniya na mahilig ka sa singkit, ang sabi niya sakin madali na lang daw yun :D
G: ... *___*
A: at alam mo ba nung araw na umuwi siya galing sa inyo at nalaman niyang may Ken na umaaligid sa iyo, sinabi niya sakin : *imitate Jared's voice* "Mas hamak naman na gwapo ako doon sa Ken na yun no." haha! Benta nga niya eh.
G: Anna? Narininig mo ba yung mga sinasabi mo?
A: ano ba Graceee bakit ba ayaw mo maniwala sakin? Kung gusto mo eh itext ko pa si Jared para mapatunayan ko sayo eh. Teka.. *gets phone*
G: sige na sige na, naniniwala na. wag mo na siyang itext. At nakakahiya pa.
M: am I sensing love triangle here?
G: ulol.
Nakakaloka. Mukhang magkakasakit pa ulit ako dahil sa mga naririnig ko. :| Seriously, bakit ba pinipilit nila yung bagay na yun sakin? Err. As if naman totoo yun. -____-
Hai.. ang bilis ng oras. Tapos na agad yung Lunch time. At dahil magkakaiba kami ng schedule ng mga kaibigan ko, lahat sila eh pumasok na sa kani-kanilang mga klase samantalang ako eh ito.. nagpapaka-nomad sa school. FREE CUT nga eh. Hindi ko pala nasabi sa inyo, yung subject ko kay Sir Sadista eh Laboratory. Tumataginting na 5 hours. Oha.
*bzz*
---START OF TEXT---
Asan ka? Yung utang mo.
---END OF TEXT---
As expected kay "Hindi-ako-demanding-pero-akala-mo-lang-yun", naniningil na siya. Malas, wala pa akong pera ngayon.
Ni-meet ko siya sa tapat ng building. As expected, nandoon na siya at naghihintay. At as expected (ulit), late ako.
K: tagal mo naman! Kanina pa akong 5minutes dito!
G: wow. Oo nga. Tagal ko. Grabe. 5minutes.
K: oh ano na plano?
G: di ko alam. Wala akong pera eh :-/ di kita malilibre.
K: eh si Trish?
G: hindi daw siya makakasama.. anniversary kasi nila ngayon ng boyfriend niya eh. Next time na lang daw siya babawi sayo. Eh ayun..
K: oh eh pano na? wala ka palang pera ngayon.
G: eh.. hindi ba talaga pwede sa ibang araw?
K: hindi nga pwede. Busy na ako nun. Ngayon lang ako pwede.
Syets. Ang hirap naman mag-isip. Mahirap mag-isip kapag si "Hindi-ako-demanding-pero-akala-mo-lang-yun" yung kasama ko eh.. parang nakaka-presure. Wala nga kasi ako ngayong pera diba? :( poorita me. Kaya nga tatambay lang ako sa bahay after class at magmamarathon lang eh kasi wala ako pang-mall... AH. May naisip na ako. Sana pumayag siya :|
G: Gusto mo bang mag-marathon? Taya ko food. Doon tayo sa bahay.
K: hmm. Sounds fun. So what are we going to watch?
-----------
G: *sniff sniff* bakit kelangan niyang sabihin yun sa kaniya? *sniff*
K: :|
G: *sniff sniff*
K: alam mo, nawi-wirduhan ako sayo. Bakit ka naiiyak sa palabas na yan? Eh Movie lang naman yan. Tsaka ang weird! Nawawala na mga mata nila kapag umiiyak sila. Ganun din pag tumatawa. Tao pa ba mga yan?
G: *sniff* sorry na.. cry baby kasi ako kaya madali akong maiyak sa mga ganyang drama *sniff* at tsaka... look at yourself. Ganyan ka din naman ah. *sniff* nawawala din mata mo pag tumatawa ka *sniff* ayan na naman yung lalaki, pinapaiyak na naman niya yung babae! Huhuhu *sniff sniff*
K: weird :| o ito panyo. Kumakalat na yung uhog mo sa mukha mo eh.
G: tse!
At dahil wala akong pera, naisipan kong mag-marathon na lang kami sa bahay. Wala siya magagawa, eh sa ngayon lang din siya pwede at nagkataong poorita ako. Haha. Nanood kami nung isang sikat na Japanese Movie. Tada Kimi wo Aishiteru yung title at isa siyang Love Story. Wala siyang magagawa.. eh puro Korean and Japanese doramas itong dinownload ko eh. Fangirl eh! Haha :D
K: kaya naman napaka-drama mo eh. Puro ganyang palabas inaatupag mo.
G: shattap! Ay naku, kumain ka na nga lang jan ng chips nagcoconcentrate ako dito.. *sniff*
K: haha. Basta ha promise mo sakin after that, mag-horror na tayo.
G: oo na! kulet!
Aaah~ naiiyak na talaga ako. Bakit ba kasi pag Japanese and Korean movies, laging may namamatay? Huhu! Wag naman sana mangyari sa love life ko yan no? HUHUHU!
KEN's POV
Kita mo tong babaeng to. Ang bilis bilis palang maiyak kapag mga ganitong klaseng palabas ang pinapanood! Ang iyakin naman pala nito! Eh naghiwalay lang yung lalaki at babae, naiyak na siya agad. Anong nakaka-iyak doon?
Sinabi ko naman kasi sa kaniya eh. Dapat nag-horror movie na lang kami. O edi mas masaya diba? Kanina pa nga eh pinagtalunan pa namin kung anong movie ang panonoorin namin. Muntik na ngang hindi matuloy tong marathon eh.
---START OF FLASHBACK---
K: mag-HORROR tayo para masaya
G: hindi. Ayoko. Mag-Love Story tayo para mas masaya!
K: what?! Ako? Papanoorin mo ng ganyan? Hello? Ano ako, BABAE?
G: maganda naman tong napili kong movie eh! Ito na lang panoorin natin!
K: eh? Ang bading naman niyan!
G: bakit ba mapilit ka pa? eh kung ayaw mo, edi wag! Di naman kita pipilitin eh!
K: ano ba naman yan! Ikaw na nga tong may utang sa akin, ikaw pa tong galit
G: eh sa ayoko nga ng horror eh.
K: o sige, ganito na lang. Bato-bato pick tayo. Pag nanalo ako, uunahin natin yang GAY movie mo. Pero pag ako nanalo, uunahin natin yung Horror tapos saka natin panonoorin yan. Game?
G: ok. Game ako.
K, G: bato bato pick!
G: nanalo ako! Walang daya! Okaaay love story first!!!
K: fine fine. Basta after niyan, horror na tayo ah.
G: oo sige sige.
---END OF FLASHBACK---
At iyon nga ang dahilan kung bakit ito ang una naming pinanood. Nawala din kasi sa isip ko na minamalas pala ako pag dating sa larong jack-en-poy. Hai..
Nakakatawa ding panoorin tong si Grace habang nanonood eh. Nakatago kalahati ng mukha niya sa unan samantalang bumubuhos na ng luha yung mata niya dahil sa iyak. Hai.. ang cry baby talaga. Ganito pala yung mga hilig niyang palabas. Mga intsik na di mo maintindihan tapos madadrama. Hahaha.
Maya-maya pa eh natapos na yung movie. YES! HORROR NAMAN ANG NEXT!
G: hai.. nakaka-depress naman yung ending :(
K: gusto mo mawala yung pagka-depress mo?
G: paano?
K: *shows DVD* ito panoorin natin.
G: huhu sige pero bahala ka. Basta ako magtatago ako sa unan!
Isinalang ko na yung DVD. Sa wakas, makakanood na din ako ng tunay na MOVIE! Hindi pa nagsisimula yung movie, pero nagtatago na tong si Grace. Hmm.. mukhang alam ko na kung bakit ayaw niya mag-horror movie kanina ah. Muhaha >:)
K: BOO!
G: AAAAAAAAAAAAAAAH~!
K: HAHAHAHAHAHAHHA
G: KEN NAMAN EH! BAKIT KA BA NANGUGULAT?! :'(
K: ikaw naman jinojoke lang kita! Hindi ka na kasi gumagalaw eh.
G: eh paano naman kasi yung palabas nakaka-KYAAAAAAAAAAAA~!!!!
Biglang may tumili na babae sa TV. Dahil sa tili na yun, biglang natakot si Grace. Napayakap siya bigla sakin. Sa sobrang takot niya ay hindi na niya yun napansin. Well, medyo nagulat din ako.. Hindi sa tili nung babae ah. Pero doon sa ginawa niya... doon ako nagulat.
G: yun babae? Wala na ba yung babae? Waaah~
K: wala na Grace. Wala na yung babae. Nahulog na siya sa bangin.
G: *sumilip sa pillow*
Haha, ang cute niya nun. Para siyang bata! Akala mo eh aagawan ng candy kung makapag-tago. Saka lang niya napansin na naka-yakap na pala siya sakin..
G: ay, sorry. Hi-hindi ko namalayan. Sorry talaga.. uhh..
K: haha, ok lang. kaw naman kasi eh. Kung hindi sobrang madrama, sobrang matatakutin naman.
G: ah.. eh.. hehe.. oo nga. Hindi na mauulit yung kanina. Pramis.
K: haha
Nanood na ulit kami ng Movie. Napansin kong hindi na naman gumagalaw si Grace. Hala, ok lang kaya siya?
K: hui, ok ka lang?
G: hindi.
K: hindi pa naman nakakatakot yung part na yan ah.
G: miski na. Kaya nga horror eh diba? Lahat nakakatakot
Hindi pa din gumaalaw si Grace. What the hell? Paano ko naman ma-eenjoy to kung ganito tong kasama ko? Para na ring ako lang mag-isa yung nanonod. Err
Bigla na naman siyang nagtago sa unan at naririnig ko na naman yung "eeeeeeh" sounds niya. Haiii Grace, ano na lang ba gagawin ko sayo?
K: halika nga dito
G: waaaah~ saan mo ko dadalhin huhuhu?
K: dito lang. Baka sakaling mabawasan yung takot mo.
G: a- anong ginagawa mo?!
K: shut up ok? Hindi ko na maintindihan yung pinapanood ko dahil sayo eh. Puro tili mo na naririnig ko
G: a--
K: isipin mo na lang, ito yung bayad mo sa utang mo sakin. Let me watch a movie, ok?
G: *nods*
Ang ayoko ko kasi sa lahat pag nanonood ako eh may tumitili. Hindi kasi ako nakakaconcentrate eh. Bigla ng natahimik si Grace. Ewan ko, pero mukhang effective yata yung ginawa ko sa kaniya.
GRACE's POV
Hindi ko na talaga kaya yung movie! Horror siya pero gore. Eh ayoko ng mga ganun palabas. Nakakadiri na ewan. Feel ko yung pain nung pinapanood ko. Feeling ko, pati ako natatangalan ng balat sa katawan. Nakakapanghina T_T
Pero mas nakakapanghina yung ginawa sakin ni Ken eh.. Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Kulob na kulob ako sa mga braso niya. Sa sobrang higpit, hindi ko na nafi-feel yung takot. Infairness, medyo muscular yung braso niya 8) I feel safe. Feeling ko, hindi ako lalapitan nung mga monsters sa movie. Wait, those are not real, right? Nag-iilusyon na naman ako hahaha. Naamoy ko na din yung pabango niya. Ano kaya pabango niya? Kenneth Cole? Clinique Happy? uhh.. Bench? Ang bango kasi eh.. ang sarap amoyin :) Hai.. Itong si Ken, sumisimpleng tyansing pa eh.. gusto ko naman. WAIT. Sorry, wala na ako sa katinuan ng iniisip ko. Dala lang nun Horror Movie. Please dear readers, kalimutan niyo yung sinabi ko sa huli -__-
Pero infairness, ang sarap ng feeling. Ilang babae na kaya ang naganito ni Ken..? Ano naman kaya ang ibig sabihin ni Ken doon sa utang ko? Alin yung bayad? Yung pagnood ng Horror Movie? O yung pagtyansing niya sakin? Syempre joke lang yung pangalawa. Ken, ginugulo mo isip ko.. pati na rin yung puso ko.. At infairness din, nawala mo yung takot ko sa movie. Iyon nga lang hindi ko na na-gets yung movie. Napasarap na kasi yung pagakasandal ko sa braso niya eh.. Siguro naman mapapatawad ako ng mga Santo dahil sa iniisip ko diba? Hihi :)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...