CHAPTER 73: She's Mine. Only Mine.

9.8K 69 14
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakokonsensya kasi ako sa nangyari. Ang dami kong nabitawang salita sa kaniya. Kaso ayoko naman mag-sorry. Ugh! Badtrip lang.

B: hi Kenny!

Sh*t. After ko malaman yung totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Grace, parang medyo naiirita akong makita si Blue ngayon. Marahil siguro dahil nagsinungaling siya sakin. Bakit naman kasi niya nagawa yun? Nakakainis!

K: hey.
B: are you ok? Bakit ka badtrip?
K: im just thinking of something?
B: galit ka ba sakin?

"Well, sort of". Gusto ko sana sabihin sa kaniya, pero di ko magawa eh. Nakakainis! Baka kasi dahil may gusto ako sa kaniya kaya ganun? Pero hindi porket may gusto ako sa kaniya eh ito-tolerate ko yung ganun niyang ugali.

K: look Honey, alam ko na yung totoo.
B: huh? what are you talking about?
K: the truth about doon sa nangyari kay Grace.
B: truth? Eh yung sinabi ko naman yung totoo ah. Ano pa bang dapat mong malaman doon?

Ito na naman siya sa pagiging b*tchy mode niya. Ugh! Ito yung ugali niya na ayoko eh.

K: I found out from someone yung totoong nangyari. Hindi kayo binastos ni Grace. And.. I want you to say sorry to her.

Oo, tama. Dapat si Blue ang mag-sorry sa kaniya kasi siya naman talaga ang may kasalanan at wala akong kasalanan sa kaniya! Tama, tama!

B: what?! Why would I do that? Kami man ang nagsimula o siya, the fact is nabastos niya ako! Case closed. Hindi ako magsosorry sa kaniya ok?

Then she walked out. Bakit ba usong uso dito ang walk out? Langya.

Ugh. Ano na gagawin ko? Ayoko naman mag-sorry kay Grace, pero nakokonsensya ako sa ginawa ko. Nakakainis naman oh!!!!


GRACE's POV
Homeroom period namin ngayon. May quiz kami kay Sir Sadista kaya naman todo kayod kami sa pagrereview ngayon. Buti na lang nga at malelate daw ng 30 minutes si Sir kaya naman may oras pa para makapagreview kami.

DA: Grasya.
G: o baket Ernesto?
DA: tignan mo si Ken o. Di niya yata kasama ngayon si Blue.
G: eh ano bang pakialam ko kung hindi sila magkasama? Magreview ka na nga lang!
DA: foine foine. Sungit mo naman >_<
G: Ugh. Allergic kasi ako sa mga name na "Ken" at "Blue". Kinilabutan nga ako nung binangit mo mga pangalan nila eh. Eww kasi diba.
DA: sorry na sorry na ok?

Pasimple, tumingin ako sa side ni Ken. Oo nga. Hindi nga niya kasama ngayon si Blue. Kasama ngayon ni Ken yung iba namin mga kaklase. Himala! Nag-LQ na naman siguro yung dalawa.

Ugh! Bakit ko ba iniisip yun? Concentrate Grace, concentrate! Kelangan ko mag-concentrate sa pag-rereview at ayokong bumagsak sa quiz namin kay Sir Sadista no. Eeeeh~! >_<

G: Ernesto. Medyo di ko gets to. Paturo naman sakin oh.
DA: saan ba? Patingin nga.. Teka, di ko makita.

Mas lumapit pa siya sakin then hinawi niya yung buhok ko sabay nilagay niya sa gilid ng tenga ko. Shet, kelangan ko na nga atang magpagupit ng buhok. Humahaba na eh @_@


KEN'S POV
Hindi pumasok ngayon si Blue. Malamang nagtatampo pa din sakin yun. Busy-ing busy ang lahat sa pagrereview, maliban sakin. At dahil wala ngayon si Blue, kasama ko ngayon yung iba kong kaklase.

CLASSMATE1: Pre, pano ba tong formula na to? Di ko magets eh.
K: ganito lang yan.*nagturo ng formula*
CLASSMATE1: ah ok. Ganun lang pala yun.
CLASSMATE2: pre tignan mo si DA at Grace oh.
CLASSMATE3: bakit anong meron?
CLASSMATE2: parang nagkakamabutihan na ah.
CLASSMATE1: pansin ko nga madalas silang magkasama eh.
CLASSMATE3: sila na ba Ken? Diba close kayo ni Grace. Baka naman may balita ka?

Huh? Ano ba naman yan. Akala ko pa naman kaya lumapit sakin yung tatlong yun eh para magpaturo. Nilapitan lang pala ako para makipag-chismisan. And speaking of Grace, nakita ko nga silang dalawa na magkasama na naman. Hindi lang pala kami ni Blue nakakapansin na close sila. Kahit na din ng iba kong mga kaklase napapansin yun.

K: aba malay ko sa dalawang yun. Wala akong pakialam sa kanila. At FYI, hindi kami close ni Grace.
CLASSMATE1: oooh....tignan niyo o. napaka-close nilang dalawa. Literal ah.

Ayoko na sana silang tignan, pero ewan ko ba kung bakit pa ako tumingin sa kanila. Yung mga mata ko pasaway eh! Nakita kong lumapit pa si DA sa kaniya, sabay hinawi niya yung buhok ni Grace. Nilagay niya yung buhok ni Grace sa tenga nito tapos mas lumapit pa siya ng konti sa kaniya.





T*NGINA. BADTRIP.

*BOOOOOG*
CLASSMATE3: anonng nangyari doon?
CLASSMATE1: aba malay! Biglang na lang nagdabog sa table then umalis eh.
CLASSMATE1, 2, 3: ?? O_O


GRACE's POV
G: ah.. ganun lang pala yun.
DA: yup! So pag nilipat mo si x dito sa tabi ni y-
G: aray! Ano bang problema mo?
K: sumama ka sakin.

Teka, problema nun?! Nagpapaturo ako kay DA eh! Bakit bigla na lang niya ako hinahatak?! May nagawa na naman ba akong mali?! Nananahimik lang naman ako ah!

G: ha? teka, nagrereview pa kami ni DA!

Bigla niyang kinuha yung notebook ko na hawak-hawak ni DA then hinatak na ulit ako ni Ken. Anong nangyayari? Wala talaga akong idea @_@ Wala din akong maisip na dahilan para magalit siya. Ni di ko na nga siya kinakausap eh!

Dinala niya ako sa rooftop then tumayo lang siya sa harap ko. Weird. Ano bang problema nun? At anong meron sa rooftop at madalas dito ako dinadala ng mga tao??? O_O

G: hoy. Kung may sasabihin ka, pwede bang sabihin mo na sakin agad. Mag-aaral pa kasi ako eh. Ok?

Tahimik lang siya. Hindi pa din siya nagsasalita. Ay naku, baliw yata. Badtirp sinayang oras ko!

G: kung wala kang sasabihin, mauna na ako sa classroom ha. Ikaw kasi hindi mo na kelangan mag-review dahil matalino ka na eh. Ako kasi kelangan ko pa. So if you'll excuse me, akin na yun notebook ko at babalik na ako ng classroom.
K: ano ba yung hindi mo maintindihan dito?
G: ay ayun, nagsalita ka din sa wakas! Akala ko nakain mo na yung dila mo eh.
K: alin ba dito yung di mo maintindihan? Ako na magtuturo sayo.
G: sige, ok lang. Sa iba na lang ako magpapaturo. Ayokong sayangin oras mo sa mga tulad ko-
K: akala ko ba nagmamadali ka? ang dami mo pang sinasabi eh. Ano ba kasi dito at ituturo ko sayo.

Ay, may PMS ka kuya? Sungit ah! Ang abnormal talaga nun! Ang weird niya talaga forever. Sa huli ko kasing pagkakatanda, galit siya sakin eh. Sinigawan pa nga niya ako diba? Pero biglang ngayon ang bait niya. What kind of sorcery is this? O_O Eh total naman mukhang willing siyang turuan ako, sa kaniya na din ako nagpaturo.

G: ahh.. ganun lang pala yun.
K: madali lang diba? Yung tinuturo kasi satin ni Sadista eh yung long cut. Hindi niya tinuturo satin yung shortcut dahil ayaw niya tayong magtatamad-tamad sa pagsosolve ng problems niya. So if ever na lumabas yung mga ganitong klaseng problems, ganiyan yung gawin mong pagsosolve. Ok?
G: ok. Thanks boss.

Tuloy tuloy pa din ako sa pagsosolve. Grabe, ganun lang pala kadali isolve si "x". Langya yang si Sir Sadista. May shortcut naman pala, pero hindi niya tinuturo samin!

K: ang bango ng buhok mo....
G: huh?!
K: wala.

Naghahallucinate na naman siguro ako. Narinig ko kasi siya magsalita eh. Parang ang pagkakarinig ko na sinabi niya eh ang bango daw ng buhok ko. Anyway, imposible naman na sabihin niyas akin yun. Kelan ba ako napuri nun? Minsan lang naman. Suntok sa buwan.

G: tapos na ako mag-solve! Tama naman sagot ko doon sa Answer key. Yey!
K: good good. Ayan. Nakabawi na ako sayo ah.
G: huh?
K: wala. Never mind.
G: thanks sa biglaang libreng tutor. Balik na ako ah baka dumating na si Sir eh.

Bubuksan ko na yung pinto ng biglang tinawag ako ni Ken. Hala ka, wala pa bang balak bumaba yun? =___=

K: Grace.
G: ow.
K: kung... kung may di ka ma-gets sa subject.. ahmm.. sakin ka na lang lumapit.
G: huh?
K: sakin ka lumapit.
G: eh?
K: TANGA KA BA! Ang sabi ko, pag umiral na naman ang katangahan mo at di mo nagets yung subject, sakin ka magpaturo! Wag sa iba ok? Sa akin. SA AKIN LANG!

Ha? ano daw? Ano na naman bang pinagsasasabi nun? Ito na naman siya sa pagka-weird niya. Di yata nakainom ng gamot kaya kung ano-ano na naman sinasabi niya eh. =__=

G: ay boss sorry kung tanga ako ah. Pero bakit naman ako magpapaturo sayo? Err. Si Blue turuan mo. Kelangan mo siyang turuan ng GMRC. Para matuto na yan di magsinungaling.

UGH. Nag-slip sa mouth ko! Dapat di ko na lang sinabi yun! Patay na. Baka magalit na naman sakin yun dahil sinabihan ko ng masama yung Love-of-His-Life na Soon-to-be-GF niya!

Tahimik na naman siya. Shet, sabi ko na nga ba eh. Dapat hindi ko na lang brinought up yung topic!

G: ugh. Nevermind. Kalimutan mo na sinabi ko. Sorry. Hindi nga pala siya Sinungaling. Hindi mo na kelangan turuan ng GMRC yung Royce Lover Soon to be GF mo.

Then I started to walk towards the door. When suddenly....

K: sorry..

Ano daw?

G: huh?
K: I said I'm sorry!

Teka nag-hahallucinate na naman yata ako. Or not? Uhh. Dreaming? @_@ kinurot ko sarili ko. Infairness ang sakit nung pagkakakurot ko ah! Sinugurado kong gising ako eh. At oo nga, gising ako!

K: I'm sorry at sinabi ko lahat ng mga yun. Sorry kung hindi ako nakinig sayo. Ako na din ang magso-sorry in behalf of Blue. Sorry na ok?
G: wow. And what made you say that? Sa dinami-daming beses na nag-away tayo, ngayon ka lang yata nagsorry sakin ng ganyan.
K: ano ba, tatangapin mo ba yung sorry ko o hindi?
G: pag-iisipan ko.
K: whut?! After kitang turuan para sa exam, pag-iisipan mo pa?!
G: ah. So kaya mo pala ako tinuruan dahil doon. Ngayon alam ko na kung bakit. Hindi ka sincere! Tsss.
K: huh? hindi ah! Sorry na kasi pwede?
G: oo na sige na sige na. Pwede na bang bumalik sa classroom?

Pumayag na lang ako. Eh hahaba pa kasi tong usapan na to kung hihindi pa ako eh. Hello, baka dumating na si Sir Sadista anytime. Tapos nandito pa ako sa rooftop nakikipagtalo sa Pinyang yun.

K: and one more thing..
G: ano na naman ba?
K: gusto ko pag may hindi ka naintindihan, sakin ka magpaturo. I mean it. Wag ka kay DA magpaturo, kundi sakin.
G: bakit? Ano naman kung si DA magtuturo sakin?
K: basta ayoko lang. Di hamak naman na mas matalino ako doon kaya wag ka na doon magpaturo. At utos yun, kaya kelangan mong sumunod
G: oo na! Tss. Bumalik na tayo sa classroom please?
K: fine fine.

At sa wakas timigil na din siya sa kaweirduhan niya...

K: akin ka lang!
G: ha?!

NOT. Ano daw?? Anong sa kaniya lang ako?! Ano ako, gamit?!

K: i mean, Personal Assistant kita kaya akin ka lang!
G: right.
K: akin ka lang...

Right. Hindi nga pala ako gamit. PA nga niya pala ako. Ok lang, at least tao pa din ako sa paningin niya. Heh.

K: next time magtali ka ng buhok ah.
G: ano na naman ba problema mo at pati buhok ko pinapansin mo?!
K: wala lang. Para lang hindi magulo tignan and... para hindi hawakan ng kung sino-sinong lalaki.
G: huh?
K: wala. Nevermind. Basta itali mo na lang palagi para malinis tignan. Ang pangit mo na nga, papabayaan mo pa bang magmukha kang dugyot?
G: oo na!

At officialy, bati na kami ni Ken. Ewan ko na lang kung anong magiging reaction ni Blue. Kung anong magiging reaction niya pag nalaman niyang bati na kami ni Ken at alam na niya yung katotohanan. See. The truth always win, and I just won! Ahuh!

At dahil bati na kami ni Ken.... Mauutusan na naman niya ulit ako. Oh noes!

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon