(A/N: I'm dedicating this chapter to her kasi sobrang natouch ako sa comment niya :) MARAMING SALAMAT! :) )
So today, we are going to make our project and we're staying at Ken's house. Balak nilang overnight na lang para matapos namin ng isang paspasan yung project. Pabor yung overnight kay Blue, pero samin ni DA, hindi. :|
Nauna na si Blue kina Ken. As usual. Di mapaghiwalay yung dalawa. Paghiwalayin mo man, hindi mo magawa kasi grabe nga makakapit sa kaniya si Blue. Linta nga eh diba. Tapos kami naman ni DA eh sabay nagpunta. Since hindi alam ni DA papunta kina Ken, sabay na lang kami.
DA: ayoko mag-overnight. Paano ako makakapag-fanboy mode nito, nawalay ako sa laptop ko huhu
G: akala mo ikaw lang? Ayoko din mag-overnight no. Baka utusan lang ako ni Boss :|
DA: utusan?
G: ah wala, nevermind.
DA: ang dami mo masyadong bitbit, akin na yung bag mo at ako na magbubuhat.
G: di, ok lang kaya ko-
Bigla niyang nahatak yung gym bag na dala ko. Eh di ko din nakuha agad sa kaniya kasi nga masyado ngang mabigat. -_____-
DA: o ikaw magdala ng bag ko, tshirt lang naman laman niya kaya di mabigat. Magpalit tayo ng bag. Cool cool? Wag ka ng umangal ha.
G: ok. Fine.
So siya nagdala ng bag ko, at ako naman nagdala ng bag niya. Grabe, overnight pero napaka-gaan ng bag niya O_O Parang hindi magoovernight lang eh. Haha.
Mag-10am na ng nakarating kami kina Ken. Naabutan ko pa nang naglalandian yung dalawa eh. Project making tong ipinunta namin, pero kung makapag-suot ng dami si Blue, akala mo eh sa bar pupunta. -______-
K: o, bakit ngayon lang kayo? Kanina pa kayo late ah
G: sus. Rerekla-reklamo ka jan. eh pabor naman sayo yun. Nagawa mo nga makipaglandian sa Blue na yan eh...
K: may sinasabi ka?
G: wala.
B: ang bagal niyong dalawa! Kanina pa namin kayo hinihintay!
DA: sorry po boss. Ang traffic kasi papunta dito eh. Hehehe
B: excuses. Whatever
ANG BEYOTCH TALAGA! Ay naku buti na lang kasama ko si DA. May kakampi ako!
DA: o Grasya, yung bag mo nga pala.
G: ay thank you sa pagbuhat pala.
DA: bilisan natin at baka pagalitan na naman tayo nung dalawang yun. Mga monster pa naman yung dalawang yun pag nagagalit
G: fwahaha oo nga!
So nagstart na kami gumawa ng project namin. Well, comapared sa last time, mas madami kaming nagawa ngayon. Matalino din naman kasi itong si DA kaya ang laking tulong din ngayong nakasama namin siya ngayon.
DA: oi Grasya! Anong ginagawa mo?
G: ito as usual, nagpuputol ng wires gamit yung mapurol na kutsilyo. Ito lang kasi kaya kong contribution dito eh wahahaha
DA: hala, eh diba yan yung nagpasugat sayo?
G: ah oo. Kaya nga medyo ingat na ako ngayon.
DA: akin na at ako na gagawa niyan.
G: hindi, ok lang. Ako na dito
DA: I insist. Let me do that
G: eh pero-
Bigla niyang inagaw yung kutsilyo sa kamay ko tapos hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Hala anong nangyayari? O_O
DA: ayokong masugatan ulit yang kamay mo dahil sa kutsilyo na to. Baka masira yung kamay mo eh. At isa pa, hindi maganda sa isang babae ang nasusugatan. Yung kamay, dapat magagandang bagay nahahawakan niyan, hindi tulad ng mga ganitong klaseng bagay na nakakasakit.
G: ah. Ok. O_O
DA: alam mo bang lahat ng hinahawakan ko, para sa akin eh magaganda?
G: ah... ok? O_O
So maganda yung mapurol na kutsilyo kasi hinahawakan niya? Yun ba ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya? Huh? Ano daw? Naguluhan ako @_@ Ang random naman kasi ng sinabi niya at di ko pa gets. :|
Nakatingin lang sakin si DA. Weird biglang naging seryoso yung facial expression niya. Then saka ko lang narealize na nakahawak pala yung kamay niya sa mga kamay ko....
K: oi Grace pengeng wire.
G: ha?
K: wire!
B: wire! Ang bingi mo!
Biglang lumapit samin si Ken tapos kinuha niya yung kutsilyo kay DA. Napabitaw agad si DA sa pagkakahawak niya sakin. At ito namang si Boss, Badtrip na naman siya. -______-
K: Oi DA dito ka nga at ikaw mag-simulate. Ang tagal niyong gumupit ng wire.
DA: sorry naman po boss.
Natawa ako, "Boss" din kasi tawag niya kay Ken. Eh diba nga, "Boss" din tawag ko sa kaniya? Hahaha :))
K: oi. Ang tagal mong gumupit ng wire. Ano bang ginagawa mo kasi?
G: ha? Eh bakit hindi mo itanong jan sa kutsilyong yan? Ang tanga tanga eh.
K: tss. Hihiwahin mo lang naman yung wire eh. Natanga pa yung kutsilyo?
G: ewan ko sayo.
Ayan na naman siya. Mang-aaway na naman. Kabadtrip! Kaya nga ba ayoko mag-overnight dito eh. Ibig lang sabihin, magaaway lang kami magdamag ni Ken. Eh nakakapagod lang. Nagsasawa na ako.
K: so.. bakit kelangan sabay kayong pumunta dito ni DA?
G: eh kasi di niya alam papunta dito eh. Malamang sasabay yun sakin.
K: eh bakit kelangan siya pa magbuhat ng bag mo?
DA: eh kasi gentleman siya eh. Ay wait, gentleman? Babae nga ata yun eh..
K: lol.
G: lol mo din mukha mo.
Wirdo talaga kausap nun. Parang gusto na naman maghanap ng away. Eh ako, ayoko. Pagod na akong makipagtalo sa kaniya eh. Palagi na lang kasi. Tapos paulit ulit tapos ang bababaw pa nung pinag-aawaya namin.
K: Iwasan mo na ngang yung pagsama mo kay DA.
G: at bakit ko gagawin yun?
K: eh basta. Iwasan mong sumama sa kaniya. Palagi na lang kayong magkasama.
G: bakit ba? And who are you to decide kung sinong pwede kong samahan ba ha?
Nakakapikon! Pati ba naman pakikipag-kaibigan ko kay DA pinapakelaman niya. Nakakainis lang eh. Ayoko kasi sa lahat yung pinagdedesisyonan yung buhay ko. Badtrip lang eh! Ano ko siya, magulang?! Magulang ko nga hindi ako pinapakilaman sa buhay eh. Siya pa kaya?!
K: alam mo bang dahil sa lagi niyong pagsasama eh napagkakamalan kayong dalawa na "KAYO"?
G: o? eh ano naman? Eh sila lang naman nagiisip nun eh! Hindi naman totoo yun.
K: well, chismis is chismis. Eh ano na lang gagawin mo kung kumalat yun?
G: edi wala. Eh hindi naman totoo yun eh. Bakit, wag mo sabihing naniniwala ka doon?
K: of course not! As if naman magugustuhan ka nung tao no. Si Jared lang naman yatang nagkamaling nagkagusto sayo eh.
G: ewan ko sayo!
O eh ayan na naman siya. Inopen-up na naman niya yung tungkol kay Jared. Masokista ata to eh. Gusto niyang nasasaktan at nababadtrip siya -____-
K: o eh ano naman naging reaction ni Jared nung nakilala niya si DA?
G: wala. Ok naman. Bakit, ano naman ba dapat na maging reaction niya kay DA? :|
K: ah.. wala naman. Natanong ko lang naman. Malay ko bang kung seloso yung tao.
G: seloso? Eh ano naman ba dapat ikakaselos nun?
K: aba malay ko ba kung pagselosan niya si DA.
G: nye. Eh ikaw lang naman pinagseselosan nun eh..
K: ha?
G: wala. Ewan ko sayo!
Putek nadulas ako sa sinabi ko >_< dapat dapat dapaaaaaaaat di ko sinabi yun! Baka kung ano na naman isipin nung Ken na yun! Waaah paker naman oh! >_< Tapos yung facial expression niya biglang nag-iba. Biglang nangiti. Yung ngiting parang gustong mang-asar. Argh naman oh!
K: o? Si Jared? Nagseselos sakin? Hahahaha
G: tse! Ewan ko sayo. Bahala ka na nga jan!
Iniwan ko nga siya mag-isa. Sumama ako kina DA at Blue (kahit allergic ako sa kaniya). Eh paano kasi nakakainis siya. Tapos aasarin na naman ako nun tapos di na naman niya ako tatantanan tapos lalaki na naman ulo nun. Badtrip naman kasing tong bibig na to oh. Pinapahamak na lang ako. Daldal ko naman kasi eh. Kainis!
Madaling araw na nung natapos namin yung project. Hai buti na lang. Ibig sabihin eh ito na yung last na overnight project making namin. Di ko na ulit makakasama sina Ken at Blue sa buong araw. Feeling ko nasa Reality Game Show ako eh. Pagsubok yung makasama ko sa buong araw si Ken at Blue. -_____-
B: Kenny, saan naman ako mag-i-sleep?
K: doon ka na lang sa room ko. Doon na lang ako sa sofa bed ko matutulog.
B: aww~ bakit kelangan pang doon ka sa sofa bed matutulog kung pwede namang magkatabi tayo?
K: haha, kung magiging behave ka, bakit hindi.
B: ok :> behave ako ok?
Kairita talaga =____= Napansin kong nagpipigil ng tawa na naman si DA. Parang baliw! Nabaliw na yata dahil sa project namin. Eh magdamag ba naman niyang kapiling amplifier (na hiniram lang namin sa isang shop) tapos puro waves lang nakita mo buong mag-araw eh.. sino nga ba naman di mababaliw doon =____=
Biglang lumapit sakin si DA tapos may binulong siya. Pigil pa din tawa niya. Freak =____=
DA: nakita mo yung itsura ni Blue? Nakakatawa siya magpacute heeheehee
G: baliw ka! Wag ka ngang maingay, baka marinig tayo nung dalawa
DA: eh totoo naman eh. Heeheeheehee mukha siyang monkeyyy heeeeeehehehehe
Pati tuloy ako nahawa sa tawa niya. Napapatawa na din ako eh. Shet, ang contagious naman ng tawa niya :| Eh kasi di ko ma-imagine na mukhang monkey na nakasabit si Blue kay Ken eh. Monkey na nakasabit sa Pinya. Eh ang funny lang diba? Ok. Di kayo natawa? KJ niyo :|
B: hoy kayong dalawa, anong tinatawa-tawa niyo jan?
G: ha? Hahaha wala naman.
B: tss.
G: tss ka din. Oi Ken. Saan pala kami matutulog ni DA?
DA: oo nga! Saan mo naman kami patutulugin ni Grasya?
Teka napapansin kong "Grasya" na madalas na tawag sakin ni DA ah. Ang sagwa eh. Feeling ko parang ang laswa sa personality ko??? Hahaha :|
K: dito na lang kayo sa salas. Bahala kayo kung paano kayo magkakasya jan.
G: EH?! Dito mo kami patutulugin? Eh ang lamig lamig dito sa labas!
Kita mo tong lalaking to, walang pakialam pag dating samin. Pero kung ituring si Blue, parang Prinsesa. Sa kama pa niya patutulugin ha? Kainis! ARGH.
K: oh eh bakit? Bibigyan ko naman kayo ng kumot ah.
G: eh bakit-
DA: seryoso ka? Hahayaan mong iwan si Grace matulog mag-isa kasama ko?
Biglang nag-butt in sa usapan namin si DA tapos nag-smile siya na parang nakikipag-hamon kay Ken. Amp weird. Epekto yata ng waves, pati yung pagiisip niya nagwe-waves na din O_O
Yung expression naman ni Ken parang bigla ding nag-iba. May sasabihin siya, pero parang di niya na matuloy. Isa pa yata tong tinamaan ng wave sa utak eh :|
K: err.
B: ano ka ba Kenny, yaan mo silang magsama. As if naman may mangyayari sa kanilang dalawa pag iniwan mo sila no.
DA: well, pabor sakin kung patutulugin mo kaming dalawa dito sa salas. Diba Grasya?
G: ha?!
Bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya tapos pinatong niya yung braso niya sa balikat ko. Yung parang medyo sinasakal pero hindi. Parang tanga lang. -____-
DA: seryoso ka na ba jan Ken?
Lol weird. What's with Ken's expression. Di maipinta -____- parang ewan lang eh. Parang hirap siyang magdecide? Eh bakit naman siya mahihirapan mag-decide, eh parang matutulog lang naman kami ni DA dito sa salas nila. Amp.
K: fine. Whatever. Bahala kayo kung tumambling kayo o magsitalon kayo jan.
Then he walked away. Ang weird niyaaaa. Anyare doon? Di ko ma-eksplika :|
DA: hahaha.
G: tumatawa ka na naman jan mag-isa.
DA: ah. Wala naman. Gusto ko lang yung feeling ng nakaka-discover ako ng isang bagay na hindi pa nadidiscover ng isang tao.
G: discover? Bagay? Tao?
DA: haha wala. Tara tulog na tayo!
Magkasama ngayon sina Ken at Blue. Nasa iisang kwarto lang sila ngayon. Madaming pwedeng mangyari. Pwedeng bukas pag-gising ko sa umaga mabalitaan ko na lang na ikakasal na silang dalawa dahil buntis na si....
DA: let me guess. Iniisip mo ngayon na magkasama sa iisang kwarto si Ken at Blue ano?
G: ha? What made you think that? Hindi no!
DA: wushu. Hindi daw. Oh eh bakit di ka makatulog?
G: ha? Wala lang.. tinatamad lang kasi ako matulog.
Ano ba naman tong si DA. Parang other self ko ata to eh. Halos lahat ng naiisip ko, naiiisip din niya. Minsan tuloy nakakatakot mag-isip lalo na kung tungkol sa love life ko. Eh baka mabasa niya eh. Manghuhula ata siya eh. :|
DA: gusto mo ba si Ken?
G: pfshhhhh WHAT?!
Out of the err "Blue" eh bigla natanong ni DA yun. The heck. Parang gusto ko ng lubayan tong lalaking to. Hindi na naman ako tatantanan nito eh! Ang kulit pa naman niyang specie. :|
DA: eh. Bakit ganyan reaction mo? Tinanong ko lang naman kung gusto mo si Ken tapos bigla ka nag-react ng ganyan.
G: eh ano ba dapat kong i-react? :|
DA: kung wala ka namang gusto sa kaniya, kalmado mo lang namang sasabihin sakin na wala eh, diba?
G: alam mo, ang weird mo. Fine. WALA. Ok na?
DA: pero di ka naman mapakali kasi iniisip mo sila. Hahaha
G: ay naku ewan ko sayo! Puro naman nonsense yang mga sinasabi mo.
Grabe, ano ba namang klaseng tao to? Esper ba to? Magician? Manghuhula? Paano niya nahuhulaan yung mga iniisip ko. O_O Kung manghuhula siya, sana hulaan na din niya kung ano yung mga sagot sa tanong niya, at hindi yung ako pa yung tinatanong niya. Ang awkward naman kasing sagutin. Err.
DA: alam mo feeling ko, hindi din makatulog ngayon si Ken.
G: malamang. Eh katabi niya si Blue. Malamang may milagro ng nagaganap sa kwarto ngayon.
DA: haha, sa tingin mo ganun nga nangyayari ngayon sa loob?
G: oo. Yata.
DA: gusto mo silipin natin sila? Tapos kunan natin ng video tapos ibenta natin sa campus?
G: baliw! Ano ba yang pinagsasasabi mo. :|
Parang !@#$ naman kausap tong si DA.
DA: kidding aside. Sa tingin ko hindi din makatulog si Ken eh.
G: oh eh bakit naman.
DA: kasi pareho kayo ng iniisip.
G: anong iniisip? -____-
DA: hindi din mapakali yun kasi alam niyang tayo lang dalawa magkasama dito. Tsaka iniisip din nun kung baka may kakaiba nang nangyayari satin ngayon. Hahaha
G: alam mo DA, may pagka-weird ka ding tao eh. Kung ano ano na yang sinasabi mo. Matulog ka na nga! Matutulog na ako kaya wag kang maingay! Daldal mo eh.
After nun, di na ulit nagsalita si DA. Nakatulog na ata. Nakakainis, bakit ba tugmang tugma yung mga sinasabi niya sa iniisip ko? Oo na sige na aaminin ko na. Hindi ako mapakali kasi nga alam kong si Blue tsaka Ken lang yung magkasama sa loob. Bakit ganun? Bakit ko ba iniisip yun? Eh ano naman kung sila lang dalawa magkasama sa iisang kwarto. Wala naman akong pakiaalam doon. Kahit pa mag-tumbling sila sa loob, anong pakiaalam ko?
Pero bakit ganun, apektado ako? Nabobother ako?
Nakakainis. Buti pa tong si DA ang sarap ng tulog. Lakas ng hilik eh. Nakakaingit. Tumayo ako at nagpunta ng kitchen para uminom ng gatas. Palapit na ako ng Kitchen ng biglang may bumulagang unidentified entity sa harap ko!
G: HESUSMARYOSEP!
K: oi. Amazona. Baket gising ka pa?
G: ano ka ba! Bakit ba bigla bigla ka na lang nangugulat?!
K: oh eh bakit di ka ba nasanay jan sa mukha mo?
G: tse. Ewan ko sayo!
Ay naku, di ko na nga lang siya pinansin. Kakabadtrip eh. Ay. Mali. Bahay nga pala niya to amp. >_<
G: oi Boss. May gatas ka ba jan? Painom naman.
K: may fresh milk sa fridge kuha ka na lang.
G: K. thanks.
Hindi pa din naalis si Ken sa pagkaka-sandal niya sa lababo. Nandoon lang siya habang umiinom ng tubig. Ang akwarad lang kasi feeling ko inoobserve niya ako. Tapos ang tahimik pa ng paligid namin kasi gabi na. Err. Buti na lang at madilim na. >_<
K: bakit di ka pa natutulog?
G: ha? ah eh.. di ako makatulog. Lakas kasi humilik ni DA eh.
K: gusto mo bang lumipat sa room ni Ate? Doon ka na lang sa bed niya matulog.
G: di. Ok na ako doon. Baka kasi magulat na lang si DA pag gising niya pag wala ako sa tabi niya.
K: bakit, kelangan ba nasa tabi ka niya pag matutulog kayo?
G: hui! Hinaan mo nga yang boses mo. Ang lakas. Baka magising yung dalawa!
Kita mo tong lalaking to. Di marunong bumulong. Palagi na lang pasigaw kasi kung makipag-usap eh kaya tuloy ayan, di marunong makipag-usap ng mahinahon. :| kainis!
K: tss. O ano. Doon ka na lang matulog. Hahanda ko yung kama niya.
G: wag na. ok na ako sa salas.
K: ha? Doon ka na lang sa kwarto ni Ate. Mas malambot yung kama doon kesa sa sofa. Makakatulog ka ng mahimbing doon.
G: bakit mo ba ako pinipilit matulog doon?
K: hindi naman sa pinipilit. Nag-sa-suggest lang naman ako.
G: oh eh bakit hindi mo doon pinatulog yung Prinsesa mo kung ganun?
Biglang natameme si Ken sa sinabi eh. Eh kasi totoo naman diba? Pinipilit niya akong matulog sa kwarto ni Ate Sam pero yung babae niya sa kwarto niya natutulog. :| Eh anong ibig sabihin nun diba? Amp.
K: gusto ko sanang gawin kaso tulog na si Blue so di ko na siya madistorbo...
G: fine. Sige matutulog na ako. Antok na ako eh. Goodnight.
Medyo tumatalab na sakin yung gatas. Inaantok na din ako sa wakas. Di ko na ulit pinansin si Ken. For sure kukulitin na naman ako nun eh.
Bumalik na ako sa sofa at medyo bumabagsak-bagsak na din yung mga mata ko. Bigla ko na-feel yung super pagod from work kanina. Ang sarap humiga. Ang sarap sumiksik sa corner nung sofa. Ang lambot lambot kasi tapos ang bango pa nung throw pillow. Sa sobrang kumportable ng posisyon ko, tinatamad na akong kumilos. Tinatamad na akong gumalaw. Ang sarap matulog. Unit-unti na akong tinatangay ng antok. Tapos yung mata ko dahan-dahan na siyang bumibigay. Dahan-dahang sumasara...
Nang biglang naramdaman kong may dumamping kumot sa katawan ko. Sa sobrang antok ko na din, hindi ko na nagawang buksan yung mata ko para tignan kung sino naglagay ng kumot sa akin. Half open yung mata ko nung nakita kong palayo na sakin yung taong yun. Pero kahit na hindi ko clearly nakita kung sino yung taong yun, sa tindig pa lang niya, alam ko na kung sino siya.
Teka, ang bilis ko naman yatang managinip. O_O
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...