CHAPTER 114: Origami

6.9K 73 30
                                    

Hi Ate Princess!

G: oh Sophie! Anong ginagawa mo dito?

Nagulat ako ng makita ko si Sophie sa tapat ng building namin. Nakasuot na naman siya ng cute na dress. Hihi ang cute! Pati yung mga classmates ko na napapadaan, nacucute-an sa kaniya. Napagkamalan pa ngang kapatid ko. XD

Kasama din pala ni Sophie yung parents niya. Bakit naman kaya sila nandito?

G: good afternoon po Tito Ferdie. Hi Nicole!
MN: hi! Ang laki pala talaga nitong school niyo no? Napagod kaming ikutin to kanina.
G: ay hehe, hindi naman. Sakto lang :) bakit nga pala kayo nandito?
DF: iha, hihingi sana kami ng pabor sa iyo.

Pabor? Ano naman kayang pabor yun? Nasaan ba si Ken? Dapat magpunta siya dito ngayon kasi nandito Dad niya eh. Nawawala na naman siya -_-

G: ano po iyon Tito?
DF: Nicole and I will be out of Manila this weekend. Wala kasing magbabantay kay Sophie. Since ikaw at si Ken lang ang kilala namin dito, nakikiusap sana kami na kung sana eh pakibantayan si Sophie for 2 days lang naman. Medyo busy kasi ata si Ken kaya hindi ko pwedeng sa kaniya lang ipaubaya si Sophie. At mukha namang attached na sayo si Sophie.
G: ah.. okay po. Wala pong problema Tito. :)
SOPHIE: yay! Can Ate Princess sleep over, too?

Ay, kamusta naman yun. Sleep over daw. -_- Ang alam ko mag-ba-baby sit lang ako eeh. -_- At tsaka, ano na lang magiging reaction ni Ken pag nalaman niyang aalis ang parents niya at iiwan sa amin yung anak nila? -_-

DF: if Ate Princess wants to go, she can also stay over while Mommy and Daddy is away.
SOPHIE: yehey!!! Ate Princess! Overnight ka na please? Please? Please? Pretty please??
G: uhh..
MN: please Grace? For 2 days only. :)
G: okay po. Ayos lang po sa akin.

Eh bahala na! Parang naman hindi na ako sanay na natutulog sa bahay nina Ken. Kung ang ilang buwan nga na pagpapaka-nomad ko sa bahay niya, nakayanan ko eeh.. yung 2 days pa kaya?

SOPHIE: yehey!!!
DF: maraming salamat talaga Iha, ha?
G: wala pong anuman Tito Ferdie. Have fun po kayo sa bakasyon niyo ni Nicole.
MN: thanks, Grace! :)

Nagiwan ng mga habilin sina Tito Ferdie at Nicole ng mga DOs and DONTs kay Sophie. Ayos, madali lang naman. Basta lang daw hindi mabored si Sophie, walang problema. Kung ganun, maglalaro kaming magdamag sa araw na ito XD Sakto, tapos na din ang klase ko kaya naman pwede na akong makipaglaro kay Sophie!

G: Sophie, anong gusto mong gawin natin?
SOPHIE: let's play! Let's play! Isama natin si Kuya Prince!!
G: uhh. Okay. Try ko siyang tawagan ha?

Wish ko lang pumayag si Ken pag sinabi kong gusto siyang makalaro ni Sophie. Tinawagan ko siya, and on the 4th ring, nasagot na niya yung call ko.

/--- START OF PHONE CONVO----/
K: ow.
G: may class ka pa?
K: wala na. Bakit?
G: gusto sanang maglaro ni Sophie. Sumama ka na!
K: ha? Ano ako, bata?! Bakit mo ko dinadamay sa laro niyo? Pakealam ko naman sa kaniya? Kaw na bahala jan sa batang yan! Sige na, busy ako. *binabaan ng telepono*

*TOOT *TOOT*
/--- END OF PHONE CONVO----/

Amp. Bastos na bata! Tama ba namang babaan ako ng telepono?! Pwede namang sabihin sakin ng maayos na hindi siya pwede at ayaw niyang sumama. Bakit kelangan bagsakan ako ng telepono?! Bastos na bata talaga!!! Hmppp!!!

SOPHIE: Ate Princess, ano sabi ni Kuya Prince?
G: ah eh..

Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na ayaw siyang makasama ni Ken at wala siyang pake.. baka masaktan lang siya at malungkot. Magtantrums pa. Ayoko din na makita ko siyang malungkot pag sinabi ko yun.

G: busy siya ngayon eh. Tayo na lang muna maglaro Sophie ha?
SOPHIE: aw.. that's sad.. pero okay lang kasi ikaw naman kasama ko eh!

Buti na lang at mabait na bata itong si Sophie. Hindi mahirap kausap. Mas maayos pang kausap kesa sa kuya niyang retarded!

Dumiretso kami sa bahay ni Ken at doon na lang namin naisipan na tumambay. She suggested na gumawa daw kami ng Origami dahil mahilig daw siyang mag-origami. Ang dami niyang nilabas na Origami books and colored papers.

SOPHIE: Ate Princess, can you make me a rose? Kanina ko pa kasi ginagawa.. nahihirapan na ako kasi lagi na lang nasisira!!! Nakakainis!!!

Mangiyak-ngiyak na iniabot sa akin ni Sophie yung ginawa niyang Origami Rose. Pero kahit naiinis na siya, ang cute cute niya pa rin! Namumula kasi pisngi niya hihi!

G: okay okay. Ako na gagawa ng sa rose, ikaw naman gumawa nitong Dog.
SOPHIE: okay!!!

Sa sobrang haba ng oras na pagtambay sa bahay ni Ken, madami na din kaming nagawang mga Origami. May flowers, may mga iba't-ibang animals, tapos may mga heart pa na Origami! Ang saya saya palang gumawa ng Origami no? Sa una, mafufrustrate ka kasi nasisira yung papel sa kaka-fold mo. Pero once na nagawa mo na yung tamang fold, tapos natapos mo na siya, ang sarap sa pakiramdam. Parang naka-"Achievement Unlock" ka lang XD At kung dati rati, eroplano lang at bangka ang kaya kong gawin na origami, ngayon marunong na din ako gumawa ng crane, dog at cat! Hehehe XD And guess what, nakagawa din ako ng Pineapple Origami! Bwahahaha!

Hindi lang kami nagpakabusy sa Origami making na yan. Naglaro din kami na kunwari mga Prinsesa kami. Si Sophie nag-suggest nun ha! Hindi ako -_- Siya daw yung "Queen", tapos ako naman yung "Princess". Na-eenjoy ko din itong ginagawa namin. Nakakamiss din kasi yung feeling maging bata. Yung naglalaro ka lang sa bahay magdamag, walang problema. Walang inaalala. Hindi mo pa problema noon ang pag-ibig.. chos.

SOPHIE: Ate Princess, kunwari nasa Palace tayo! Ako yung Queen, at ikaw yung Princess!
G: ahaha okay... pero Sophie, kelangan ba talaga may kasama pang makeup? Hindi ba pwedeng kunwari na lang naka-gown tayo gamit yung mga kumot?
SOPHIE: hindi pwede! Paanong tayo magiging maganda kung walang make-up? Tsaka okay lang yun! Tayong dalawa lang naman makakakita. :D
G: okay, sabi mo eh. Basta pag ikaw napagalitan ng Mommy mo dahil ginalaw mo make up kit niya, bahala ka sa buhay mo ha. -_-
SOPHIE: oo!! Akong bahala. Sagot kita! :D

Ang lakas din ng trip ng batang ito eh no. At saan naman niya kaya nakuha yung idea ng pag-memake up? -_- Goodluck na lang sa magiging kalalabasan ng make up sa mukha namin. Eh pareho kaming mga hindi marunong eh. Bwahahaha.

SOPHIE: tara Ate Princess, picture tayo para remembrance!
G: kelangan ba talaga Sophie, may picture?! Hindi ba pwedeng wala na lang?
SOPHIE: meron dapat! Kasi minsan lang naman natin gawin to!
G: fine fine. -__-

Pagbigyan na ang bata. Mahirap na at baka mag-tantrums siya. At tsaka sobrang enjoy na enjoy at ang saya niya sa ginagawa niya eh. Ayoko namang magpaka-KJ at sirain yun no.

Kinuha ni Sophie yung Polaroid Camera sa bag niya then nag-start na kaming mag-picture. Nakakatawa yung mga itsura namin nung nakita na namin yung mga developed pictures. Tila pala kaming mga tanga sa make up namin. XD

After namin maglaro ng Pala-Palasyo-han, balik Origami mode na naman kami. Sobrang hilig lang talaga ng batang ito sa Origami. Ang tyaga niyang magtupi!

SOPHIE: look Ate Princess! Cute ba yung nagawa akong Heart Origami? I am planning to give this to Kuya DA because he's my future boyfriend...

Wow ha. Talagang nagdecide na siya na gawing boyfriend si DA! Hahahaha nakaka-aliw talaga tong batang ito!

SOPHIE: then this one, I am giving it to you because you are my favorite Ate..
G: awww, thank you Sophie!

Ang sweet naman ng batang ito talaga. Meron din akong Heart Origami oh! Tapos sabi niya, favorite Ate daw niya ako. Awww, ang sweet talaga!

SOPHIE: then this one's for Kuya Prince. I hope when he receives this Origami and my letter, this will cheer him up! Isasama ko dito yung picture natin para matuwa siya!
G: don't worry Sophie, I am sure he will. :)

Sa sobrang busy namin ni Sophie sa Origami Making, hindi na namin namalayan ang oras. Gabi na pala. At nakauwi na din ang Boss.

K: anong ginagawa niyo sa bahay ko?!
SOPHIE: Kuya Prince!!!! Welcome back!! Look oh, we made you some Origamis!!!

Excited na bati ni Sophie kay Ken at ipinakita niya dito yung mga Origamis na ginawa namin. Pero mukhang hindi masaya si Ken sa nakita niya. Mukha siyang badtrip at hindi maipinta ang expression kaniyang mukha. Ni hindi nga niya pinansin yung mga Origami na pinaghirapan gawin ni Sophie eh.

G: ui Ken! Nandito ka na pala.
K: oo. Bakit naman hindi? Eh pamamahay ko to. At isa pa, bakit nandito kayo? Bakit ang kalat ng bahay ko?!?!?!?! Anong ginawa niyo?!?!?!!!!

CRAP. Ngayon ko lang napansin, ang dami nga namin kalat nina Sophie. Ang daming mga gupit at crumpled na papel na nakakalat sa bahay niya. Ang dami ding tissue na ipinambura namin ng make-up sa mukha ang nakakalat ngayon sa sahig. At yung kumot na ginamit namin na hindi ko pa naililigpit, nakakalat lang din sa may sahig. Nawala sa isip ko na Clean Freak at OC itong si Boss... PATAY.

G: ah eh kasi ano... wala kaming maisip na ibang matambayan ni Sophie kaya dito na lang kami sa bahay mo nag-stay.
K: bakit dito pa kayo nagkalat sa bahay ko?! Nasaan ba magulang niyan? Bakit ba iniwan-iwan nila yan dito sa bahay ko?! Ano bang klaseng magulang meron yan? Napaka-iresponsable!
G: ui Ken, hinay hinay lang. Nandito yung bata.. maririnig niya lahat ng sinasabi mo.

Naku, pumutok na ang bulkan! Mainit na mainit na naman ang ulo ni Boss. Walang tigil na naman ang pagsasalita, kahit nakakasakit na siya, wala na siyang pakialam. Basta masabi niya lahat ng gusto niyang sabihin.

K: o eh ano naman pakialam ko? Totoo naman lahat ng sinasabi ko ah! Maliban na sa manloloko at mangiiwan, mahilig pang magpasa ng responsibilidad sa iba yung magaling NIYANG tatay! Anong tawag mo doon?!
G: Ken, tama na. Awat na! Walang kasalanan ang bata kaya wag mong ibuhos yung init ng ulo mo sa kaniya! Kasalanan ko, okay? Ako ang nag-suggest sa kaniya na dito kami tumambay. Kaya wag kang magalit sa kaniya, sa akin ka magalit!
K: wala akong pakealam. Pareho kayong may kasalanan! At ikaw naman, kinukunsinte mo yung anak ng kabit ng tatay ko! Kaya lumalaki ang ulo ng batang iyan eh!

Ayos lang naman sana kung ganun siya pag ako ang kausap niya eh, pero wag sana sa harap ng bata! At tsaka, hindi ko na gusto yung mga salitang lumalabas sa bibig niya. Nakakasakit na siya! Kahit hindi ako yung pinatatamaan niya, alam kong masakit iyon!

Mayamaya pa ay nakita kong kumaripas ng takbo papunta ng kwarto niya si Sophie. Nakita ko itong umiiyak habang tumatakbo palayo sa amin. Gusto ko sana siyang habulin dahil gusto ko siyang i-comfort, pero hindi ko naman din magawa dahil gusto kong pagalitan tong Pinyang nasa harap ko. Sumosobra na kasi siya! Pati bata, pinapatulan!

G: Ken! Tignan mong ginawa mo sa kapatid mo. Pinaiyak mo! Sobra ka na ha!
K: yan? Kapatid? Si Ate Sam lang kapatid ko, wala ng iba!

Nakakapikon talaga! Eto na yata yung pinaka-away na sobrang kinaiinisan ko. Sobrang conceited, arrogant, selfish, shallow minded talaga ng lalaking ito! NAKAKAINIS TALAGA!!!!!! SOBRANG NAIINIS AKO SA KANIYA! Nakaka-turn off yung ugali niyang yun!

G: Ken, kahit balik-baliktarin mo pa ang mundo, KAPATID mo pa din si Sophie, at TATAY mo pa din si TITO FERDIE! At kahit ano pang pagdadrama ang gawin mo, NANGYARI NA ANG DAPAT NANGYARI. May iba ng pamilya ang Daddy mo, naka-move on na sina Tita Anna at Ate Sam! Kaya ikaw naman ang dapat mag-move on! Dahil kahit ano pang init ng ulo at masasamang bagay ang ibato mo, HINDING HINDI NA MAGBABAGO KUNG ANO NA ANG NANGYARI! At isa pa, bakit ba galit na galit ka kay Sophie? Hindi naman niya kasalanan kung bakit iniwan kayo ng Daddy niyo! Inosente siya! At pwede ba? Mag-move on ka naman. Yung Mommy at Ate mo nakapag-move on na, ikaw na lang ang hindi eh! Matuto kang magpatawad. Palibhasa kasi ikaw, sobrang taas ng pride mo! Gusto mo laging perpekto, gusto mo walang nagkakamali! Yan ang problema sayo eh. Di ka marunong magpatawad, hindi ka din marunong tumangap ng pagkakamali! Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sayo, samantalang sobrang sama sama sama as in soooooooooobraaaaaang sama naman ng ugali mo! SOBRANG HEARTLESS MO! You just gave me a reason para marealize ko na hindi okay ang magkagusto sayo because you are just too heartless!!

Hindi na nakapagsalita si Ken after niyang marinig lahat ng sinabi ko. Sa sobrang init ng ulo ko dahil sa ginawa niya kay Sophie, ang dami ko ding nasabi sa kaniya. As in wala na akong pakealam kahit pa na magalit siya sakin dahil doon sa mga sinabi ko. Nakakainis kasi eh. Sumosobra na siya!

G: at siya nga pala. Hindi mo pinansin yung mga Origami na kanina lang eh masaya niyang ginagawa para sayo. Meron kasi siyang letter para sayo. Baka lang gusto mong basahin ng makonsensya ka. Iyon ay kung meron kang puso para mangyari yun.

Kinuha ko yung Heart Origami na may letter ni Sophie at malakas na inihampas ko ito sa dibdib niya.

G: O. Bahala ka na kung anong gagawin mo sa picture na yan! Gusto ka lang naman pasayahin ng kapatid mo dahil akala niya sobrang pagod ka lang naman dahil sa school. Hindi mo kasi siya inaaksayahan ng panahon. Hindi din pinapansin. Ang gusto lang naman niya eh ang pansinin mo siya at makitang kang masaya din. Ginagawa na ng bata ang lahat ng effort para mapansin mo siya. Pero ikaw lang naman tong ma-pride! Bilib nga ako sa bata na yun eh. Kahit bata pa lang, marunong ng umintindi. Ikaw pa ang inintindi! Eh ikaw? Matanda ka na, pero hindi ka marunong umintindi sa pakiramdam nung bata! Aiiish! Sana talaga hindi na lang ikaw naging Kuya ni Sophie! AAAAAAAAAHHH!!!! NAKAKAINIT KA NG ULO!

Pagkabigay ko sa kaniya nung Origami, nag-walk out na ako. Hindi ko na matiis yung presensya niya eh. Sobrang galit talaga ako sa kaniya.

Dumiretso ako sa kwarto ni Sophie. Narinig kong umiiyak siya.. kumatok ako ng ilang beses, pero hindi niya ako pinapansin.

G: Sophie, it's me, Ate Grace. Can you open the door please?

Pagkarinig niya sa boses ko, agad niyang binuksan yung pinto ng kaniyang kwarto. Sobrang magang maga ang mga mata ni Sophie kakaiyak.

G: Sophie, wag ka na umiyak.. Pinagalitan na ni Ate Princess si Kuya Prince mo, okay? Tahan ka na..
SOPHIE: have I done something wrong Ate Princess? Does he really hate me?
G: oh no, you didn't do anything wrong Sweetie. Si Kuya Prince mo na ang may problem. Kaya mainit ulo niya kasi sobrang busy lang talaga niya sa school and nasaktong nakita niyang makalat yung house niya kaya siya nagalit.
SOPHIE: maybe I should have said "Sorry" instead of walking out. Baka lalong magalit sa akin si Kuya Prince.. :(

Naawa ako kay Sophie. Sobrang inosente kasi siya dito.. wala siyang kasalanan. Pero sa kanilang lahat, si Sophie ang pinakanagdudusa. Sinasalo niya yung inis at galit ni Ken. Pero ang nakakabilib kay Sophie, kahit alam niyang hindi sila okay ni Ken, gumagawa siya ng paraan para maging close sila. At kahit na si Ken ang may kasalanan, inaako pa din ni Sophie yung kasalanan. Iniisip niya na siya ang mali sa kanilang dalawa. Pero itong si Pinya lang talaga ang problema. Sobrang shallow minded. Nakakahiya sa bata dahil mas mature pa mag-isip si Sophie.

G: Sophie, pagpasensyahan mo na din si Kuya Ken mo ha? Madami lang kasi siya iniisip, and medyo confused pa din kasi siya sa mga pangyayari. Mabait naman yung damuho mong Kuya eh. Pero minsan lang talaga pag uminit ang ulo nun at nainis, madami siyang masamang sinasabi. Ilang taong na ba kaming magkakilala? Almost 4 years na. Lagi kami nag-tatalo niyan. Madami na din siyang nasabing masama at nakakasakit sa akin. Cycle na yun. Pero at the end of the day, nagkakaayos din kami. Kasi halos yung iba naman doon sa mga sinasabi niya eh hindi naman talaga niya sadya. Ika nga, nadala lang ng buhos ng damdamin. And look, magkaibigan pa din kami. Kaya wag ka na mag-alala sa Kuya mo, okay? Mahal ka naman nun eh. Hindi lang niya maipakita kasi siya mismo, hindi alam kung paanong ipaparamdam sa iyo. Just be patient with him, okay? Wag ka na sad.. Nandito naman si Ate Princess mo eh. :)
SOPHIE: thank you, Ate Princess.. Ate Grace.

For the first time, nabangit din niya yung first name ko. Kakatawag niya sa akin ng "Ate Princess", medyo hindi ako sanay nung tinawag niya ako sa first nameko. Medyo kumalma na din siya. Salamat naman kay Lard..

G: rest ka na Sophie okay? Sleep early ka na today. Promise, bukas lalaro ulit tayo.
SOPHIE: but Ate Princess, can't you stay with me tonight? Dito ka na lang matulog please? I am afraid na baka pag iniwan mo na ako, maiiyak ulit ako kasi maaalala ko yung mga nangyari kanina..

Naawa naman ako sa bata. Sobrang sama ng nangyari sa kaniya today. Siguro hindi naman ganun kalaki at kahirap yung hinihiling niya na samahan ko siya. Weekend naman bukas at walang pasok kaya pwede ko siyang samahan ngayong gabi. Kung makakatulong ang presence ko para kumalma siya, then I'll stay.

G: okay. :)
SOPHIE: tabi tayo tulog tapos kantahan mo ako lullaby ha? Para makatulog ako.
G: eh? Kelangan ba talaga may lullaby bago ka matulog?
SOPHIE: yup! Mommy always sings me a lullaby before I go to sleep!
G: okay fine. Pero pagtyagaan mo na lang yung boses ko ha. Pangit kasi eh.
SOPHIE: it's okay Ate Princess. I just wanted to hear you sing my Lullaby. :)
G: ok then. Here we go..

I started to sing. Medyo nahihiya pa nga ako kasi hindi naman kagandahan talaga ang boses ko. Yata. Hehe. Wala pa naman kasi akong naririnig na nagcocomment sa boses ko eh. Kinanta ko sa kaniya yung Song na laging kinakanta sa akin ng Mommy ko nung mga bata pa kami.

Moon river wider than a mile
I'm crossing you in style someday
You dream maker, you heartbreaker
Wherever you're going I'm going your way


While singing, hinahawi ko yung buhok ni Sophie. Ang lambot at ang haba ng buhok niya. Nakakatuwang laruin.

Two drifters off to see the world
There's such a lot of world to see
We're after the same rainbow's end
Waiting 'round the bend
My huckleberry friend, moon river and me


Sana dumating ang araw na magkasundo na si Ken at nung Dad and family nito. Kung tutuusin, maswerte na nga si Ken dahil ang nahanap na bagong asawa ni Tito Ferdie ay matino at mabait. Kahit naman si Sophie mabait din. Sana marealize iyon ni Ken bago man lang bumalik ng States ang Dad and family niya.

Moon river, wider than a mile
I'm crossin' you in style some day
Oh dream maker, you heart breaker
Wherever you're going, I'm going your way


Mukhang nakatulog na din si Sophie. Sana maging mahimbing tulog nito at managinip siya ng maganda, despite sa mga masamang nangyari kanina. Para naman atleast kahit man lang sa panaginip niya, may masaya pa ding nangyari sa araw niya. Kahit temporary happiness lang iyon..

Two drifters off to see the world
There's such a lot of world to see
We're after the same rainbow's end,
Waiting 'round the bend
My huckleberry friend, moon river, and me


Ahh~ pati tuloy ako inantok na din dahil kinanta ko. >_< Sobrang napagod din ako dahil sa mga nangyari sa araw na ito. Actually, medyo kumakalma na din ang kaninang highblood kong puso. Malinaw na ang aking pagiisip at hindi na din ako galit.

Naalala ko tuloy yung nga nasabi ko kanina kay Boss. Medyo madami din akong nasabi kanina! Nakuuuu, ngayong nasa katinuan na yung pag-iisip ko, bigla akong nahiya! Tandang tanda ko lahat ng mga masasamang sinabi ko kanina kay Ken. At hindi ko alam kung paano ko siya haharapin bukas!

Shet, nakakahiya talaga! >_<


KEN's POV
G: NAKAKAINIT KA NG ULO!

After magwala ni Amazona, may kinuha ito sa lamesa at patulak na inilagay sa dibdib ko. Umalis na si Grace sa harap ko ng wala man lang sinasabi. Aanhin ko naman tong makulay na papel na to?! Pagtingin ko sa likod, may naka-fold pala na letter. Letter from Sophie. Tapos may naka-attach pa na picture nilang dalawa.

Dahan dahan kong binuklat mula sa pagkakafold ang letter, at binasa.

Dear Kuya Prince,

I know that you are always busy at school that's why you don't have the time to play with me. It's okay, I understand! Daddy and Mommy often tell me that it is very important to study than to play, so it's really okay for me!

I hope that this picture will cheer you up. Am I beautiful? Ate Princess did my make-up! I am pretty like Mommy, Tita Anna, Ate Sam and Ate Princess.

I hope someday we can play together.

I love you Kuya Prince.

Love,
Queen Sophie


Bigla akong nakaramdam ng konsensya after kong basahin yung letter ni Sophie. Oo nga, wala naman siyang ibang hinangad kundi ang maparamdam ko sa kaniya na may Kuya siya. Pero ako itong kusang lumalayo sa kaniya.

After ko marinig lahat ng mga sinabi sa akin ni Grace, natauhan ako sa mga pinag-gagagawa ko. Mali nga ako. Maling mali! Kung hindi pa kami nag-away ni Grace, hindi pa ako magigising sa katotohanan. Gusto kong itama ang mga maling ginawa ko, pero paano?

Muli kong tinignan yung picture nila. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kumakalma na din ako.

Hinid pa naman siguro huli ang lahat para magbago, diba?

========
A/N: Hello readers! Sa tingin niyo ba, magiging close na din si Ken at Sophie? Hihi ;) At isa kayang mabuting Kuya si Ken? Whaddya think? :P

Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon