Ah. Live In mode na naman kami ni Boss. Infairness namiss ko yung bahay niya, yung kama ni Ate Sam na tinutulugan ko, at yung malawak nilang garden. Ngayon lang ulit ako mag-i-stay dito. Kung hindi naman dahil sa thesis, hindi ako makikitira dito eh. Kaso wala din naman akong choice dahil yun din ang hagdan ko para sa pangarap kong maging future Engineer.
Matapos kong ayusin ang gamit ko sa kwarto ay bumaba na ako sa sala para manood ng TV sana. Kaso naabutan kong busy na nag-aaral si Ken. Nakakalat ang mga libro niro sa sahig samantalang ang ibang notebook niya ay nasa lamesa. Busy siya sa pagcocompute sa calculator kaya hindi niya napansin ang pagbaba ko.
Is this a dream, or is this just a fantasy? For the first time nakita kong nag-aaral si Ken! Mukhang seryoso talaga siyang manalo sa pustahan nila ni Melo. O_O
G: oi Boss. Busy-ing busy ka jan ah,
K: wag ka ngang maingay. Kita mong busy ako sa pag-aaral eh.
G: woaaaaaah, himala at nag-aaral ka ngayon! Infairness, first time lang kitang nakitangmag-seryoso sa pagrereview ha.
K: wag ka ngang maingay!
G: fine fine.
K: wag mo akong kausapin not unless kung importante yan.
G: oo na! Sunget nito T^T
K: shhh!!!
*gururururururu*
Ugh, nagmamaktol na naman yung tyan ko. Wala bang makakain dito? Malamang wala. Busy si Ken sa pagrereview eh. Simula ng umuwi kami, notebook, ballpen, calculator at libro ang hawak niya. Hindi pa nga siya tumatayo para magluto ng dinner namin eh. Hinayaan ko na lang dahil minsan lang siya magseryoso sa pag-aaral.
Makakain na nga lang ng noodles.
THE NEXT DAY: SCHOOL
Weird, pagka-gising ko kaninang umaga ay wala yung kotse ni Ken. Maaga siyang pumasok? Eh late pa naman yung start ng class namin.
Pagpasok ko ng classroom ay naabutan ko si Ken sa table niya. Subsob pa din siya sa pagaaral at parang may sariling mundo. Tambak na naman siya ng libro sa table niya. So pumasok siya ng maaga para mag-review? Wow. Just wow.
G: Ken, nakasalubong ko pala si Crom kanina. Pinapasabi niya na-
K: ano ba, ang ingay mo! Hindi mo ba nakikitang busy ako?!
G: hala, eh kakalapit ko lang sayo.
K: lumayo ka nga sakin at ang ingay mo. Nakakairita!
G: tse! Kainin ka sana ng mga libro mo. Bwiset!
Ang walang hiyang yun! Kaaga-aga ang init na naman ng ulo. At ako na naman pinagbuhusan niya ng init ng ulo niya! Makalabas na nga lang muna ng classroom at baka pati ako mahawa sa init ng ulo niya!
Hui, nakasimangot ka na naman.
G: hi Melo
Lumapit sakin si Melo. Mukhang papasok pa lang siya ng klase niya dahil may suot suot pa itong bag. As usual, ang saya na naman niya. Ang laki ng mga ngiti niya eh. Mabuti pa siya may nakikitang dahilan para maging masaya. Eh yung source of happines ko, ayun, pinagtatabuyan ako. Sinong matutuwa doon? T_T
MELO: so anong problema natin? Libre lang ang mag-rant.
G: ah.. eh kasi si Boss ang init na naman ng ulo. Kakarating ko lang, sinigawan agad ako. Talo pa ang Menauposal sa sobrang sungit!!!!
MELO: hahahaha hayaan mo na. Hindi ka na nasanay sa kaniya.
G: eh ano pa nga bang magagawa ko? T^T
Nagpunta si Melo sa bench sa tapat ng classroom namin. Sumunod naman ako sa kaniya at umupo din sa tabi niya. Dito na muna ako tatambay hangga't wala pa yung prof namin. Ayoko na din kasing makipagtalo kay Ken. Tulad nga ng sinabi ni Melo, seryoso si Ken sa pag-aaral niya at minsan lang mangyari yun. Ayoko nmang dahil sa akin, masisira yung concentration niya.
MELO: ang lalim na naman ng iniisip mo.
G: hindi naman.. hehe.
MELO: pansin ko lang, sobrang close niyo ni Ken. Madalas kasi kayong magkasama and mag-usap
G: yun? Kami? Close? Sus, hanggang kasama lang naman ang tingin nun sakin! Minsan nga hindi ko ramdam na kaibigan ang turing niya sakin eh.
MELO: oh, kalma lang. Galit ka na naman :P
G: eh nakakainis kasi siya eh!!
MELO: paanong nakakainis?
G: nakakainis dahil lagi niya akong inaasar at inaaway. Nakakainis kasi lagi na lang niya ako sinusungitan. Nakakainis kasi lagi na lang niya ako pinagtitripan. Nakakainis dahil minsan sa sobrang bait niya, pakiramdam ko may chance na ako sa kaniya. Nakakainis dahil..... *sigh* dahil nainlove ako sa kaniya kahit na nakakainis siya. Nakakainis no?
MELO: hahahaha, ganiyan ba talaga yang si Ken? Dinadaan sa pang-aalaska at asar yung feelings niya?
G: huh? What do you mean?
*DING DONG*
Damn, bell na. Magsisimula na naman ang klase at makakatabi ko na naman si Ken. Susungitan na naman niya ako T^T
MELO: bell na. Pasok ka na at baka ma-mark ka pang absent ni Sir. Oh, speaking of Sir Sadista, nanjan na siya oh.
G: sige papasok na ako. Thanks sa pakikinig ng rants ko ha?
MELO: sure, no biggie. :)
SIR SADISTA: o Ms. Aguirre, hindi ka pa ba papasok? I see, nagliligawan pa kayo ni Mr. Marasigan.
G: Sir hindi po! Grabe naman kayo mag-imbento ng chismis >_<
Ano ba naman tong si Sir Sadista! Mangiintriga pa. Eh wala namang something samin ni Melo! >_< Chismosong matanda to. -_-
MELO: Sir walang issue dito. Friends lang kami. Hehehe.
SIR SADISTA: hmm. Jan nagsisimula ang lahat Mr. Marasigan. "Friends".
G: Sir talaga oh....
SIR SADISTA: ah pero Mr. Marasigan, kay Mr. Ong na yang si Ms. Aguirre and everyone in the campus knows that. Pero I am not discouraging you ha. Sinasabi ko lang, medyo mahirap yung karibal mo jan kay Ms. Aguirre.
MELO: hahahahahahahahahahahahaha!!!!!
G: Sir naman eh!!!!! Pumasok ka na nga Sir! Magtuturo ka pa! Bye Melo!
SIR SADISTA: *laughs*
Kakahiya naman kay Melo! Kung ano ano pinagsasasabi ni Sir! Anong kay Ken na ako? Never naman akong naging kaniya eh! Pero hindi yun ang kinaiinisan ko. Well, slight lang. Naiinis lang ako dahil ang tingin ng mga tao ay may something na samin ni Ken dahil lagi kaming magkasama. Pero hindi naman kasi totoo yun. Nakaka-frustrate dahil hindi totoo yun. Hangang chismis lang. Chismis!
Ken, bakit kasi di na natin totohanin ang lahat? Bakit ba hindi mo pa ako mahalin? Ajuju.
SIR SADISTA: ah, I see. Busy pala si Mr. Ong kaya pala hindi niya kasama ang girlfriend niya.
K: come again sir?
SIR SADISTA: sa sobrang busy mo jan sa pag-aaral mo, hindi mo napansin na naaagaw na sayo ni Mr. Marasigan si Ms. Aguirre. Magkasama sila kanina sa labas ng classroom at nagliligawan pa yata sila.
K: huh?
G: Sir naman eh!!!!! Nagiimbento na naman kayo! *blush*
SIR SADISTA: nataasan ka na ni Mr. Marasigan sa exams, maaagawan ka pa ng girlfriend? Matinik din pala talaga itong si Marasigan huh.
Tinapunan ako ni Ken ng masamang tingin. As in yung tingin na hoy-anong-kalokohan-ang-ginawa-mo-habang-wala-ako-humanda-ka-sakin-mamayang-Amazona-ka look! Eh wala naman akong ginagawang mali. Si Sir lang itong chismoso na nagiimbento ng kwento!
CLASS: awwwwwwww
RANGEL: awtsu may Lover's Quarel!
AKI: noooo~ KenRace forever tayo! Hashtag KenRace!
TRISH: pero may itsura si Melo ha.....
Hai nako nagkagulo na ang mga tao dahil sa sinabi ni Sir Sadista. Dapat ata dito hindi na "Sadista" ang tawag e. Sir "Cheesy". Cheesy as in "Chismoso"!
K: Sir, FYI, hindi ko girlfriend ang Amazonang yan.
G: hoy! Sinong sinasabi mong Amazona?!
K: see, para siyang Amazona kung magsalita. So there's no way na mai-inlove ako sa kaniya.
Ouch. Ouch ha. As in OUCH! At talagang sinabi niya yun sa harap ng madaming tao. Oo na, hindi na niya ako girlfriend at lalong lalo na hindi din siya magkakagusto sakin. Salamat sa pagpapamukha sakin nun. Ouch eh.
SIR SADISTA: ah, I see. So kung hindi mo naman pal girlfriend si Ms. Aguirre, then okay lang pala kung manligaw si Mr. Marasigan sa kaniya.
Ah... hindi talaga tatantanan ni Sir Sadista to? Ugh. Gusto ko ng magtago sa ilalim ng lamesa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Napahiya na ako e. So please, stop na!
K: wala naman kaso sakin kung ligawan siya ni Marasigan eh. Wala din ako pake kung magkagusto siya kay Marasigan..
Oo na, alam ko. Wala naman siyang pakealam sakin kung sino pang lalaki ang lumapit sakin. Hindi siya magseselos or maiinis man lang. Pero yung sabihin niya ito sa harap ng mga kaklase namin, at ni Sir Sadista? Sobrang sakit lang e.
K: Pero one thing's for sure, dadaan muna sa mga kamay ko yang si Marasigan bago niya pormahan tong Servant ko. Because there is no way I am gonna let him steal her from me. And I know ngayon pa lang, talo na si Marasigan dahil etong babaeng to *points at Grace*, she's deeply in love with me.
After niyang sabihin yun ay umupo na siya at nagpatuloy na sa pagbabasa ng mga librong hawak niya. Natahimik din ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Ken. Speechless. Pero maya maya, after milang maka-recover sa mga sinabi ni Ken, ay puro hiyawan at pang-aasar na mula sa kanila ang naririnig ko. ......
ANG SWEEEET!!!!!!
RANGELO: NAKS NAMAN!!! Ayaw ka pakawalan ni Ken o! Ayieee!!
DA: Ang cheesy naman!!!
AKI: TEAM KENRACE! HASHTAG KENRACE! WOOOO!!
......Samantalang ako, eto, naiwang nakabukas pa din ang bibig dahil sa mga narinig ko kay Ken.
Hindi ko na talaga maintindihan tong lalaking to.
Pinagtatabuyan ba niya ako? O ayaw niya akong mawala?
May pakealam ba siya sa akin, o wala?
Importante ba ako sa kaniya, o hindi?
Special na ba ako sa kaniya? O Servant pa din ang tingin niya sa akin?
Nagkakaroon na ba ako ng pag-asa sa ka niya? O sadyang paasa lang siya?
Kanina lang, sinabi niyang hindi niya ako girlfriend at wala siyang pakealam sakin kung magkagusto man ako kay Melo o hindi.. sabay sasasbihin niya sa huli na hindi niya ako hahayaang mawala sa kaniya.
Ang gulo niya talaga!
-:-:-:-
Hanggang bahay ba naman, busy pa din siya mag-aral? Nakalimutan na naman niyang magluto. Kung hindi siya nakakapagluto ng matinong pagkain, eh ano ang kinakain ng lalaking to?
*gurururururu*
Ayan na naman ang nagmamaktol kong alaga >_<
G: Ken.. gutom na ako
K: kumain ka muna ng noodles jan
G: noodles? Noodles na naman? Eh noodles na kinakain ko nitong magkasunod na gabi!
K: edi wag kang kumain! Ano ba naman yan. Sinabing lapitan mo lang ako kung importante sasabihin mo eh. Pati ba naman yang pagkatakaw mo sakin mo pa sinasabi!!!
G: hindi naman kasi ako matakaw eh.. hindi pa ako kumakain at gutom na ako.. *pabulong*
K: may sinasabi ka?
G: wala..
K: layo layo ka nga muna at naiirita ako sayo.
G: ...
O ngayon pinagtatabuyan na niya ako. Hai, gulong gulo na nga ang isip ko, nagugutom pa pati ako!
Habang nakatitig lang ako sa super busy na si Ken, bigla kong naramdamang nag-vibrate ang phone ko. Pagcheck ko, si Melo lang pala ang nag-text.
----- S T A R T of T E X T -----
FROM: Melo
Musta? Kumain ka na madam?
FROM: GRACE
Hindi pa huhu.
FROM: MELO
Ako din eh. Tara sabay tayo kain!
FROM: GRACE
Good idea, gutom na talaga ako >_<
----- E N D of T E X T -----
Mabuti na lang at nagparamdam si Melo. Iniisip ko kasi kanina lang kung paano ako kakain. Ayoko namang kumain ng noodles. Noodles na naman. Eh sunod sunod na araw na akong kumakain ng noodles. At ayoko ding kumain ng mag-isa :/
G: oi Boss alis lang ako ha.
K: ge.
Grabe, hindi man lang siya nagtaka kung saan ako pupupunta.. tss. Fine. Bahala siya sa buhay niya kung nagutom siya. Hindi ako mag-aalala sa kaniya kung gutumin man siya!
-:-:-:-
G: dito na ako.
K: hmm
Grabe, umalis na ako't nakabalik, di pa din siya tapos sa pag-aaral niya. Talagang ganun siya kaseryoso sa pakikipag-kompitensya niya kay Melo?! Hindi man lang niya ako tinanong kung saan ako nagpunta at bakit ngayon lang ako nakauwi? Kamusta naman o. Late na kaya ako nakauwi. Napasarap kasi usapan namin ni Melo kanina.
G: kumain ka na?
K: di pa.
G: kumain ka na kaya muna?
K: diba sinabi ko sayong-
G: Ano ba ang purpose mo at pumayag ka sa pustahan na to? Dahil ba ayaw mo akong mawala? O dahil ayaw mong matapakan ang pride mo?
K: ...
G: ah, nevermind. Di mo na kailangang sagutin yung tanong ko. Alam ko na naman yung sagot e. Di ko na kailangan malaman pa. *may inilapag sa table* kumain ka muna. Ge, matutulog na ako.
PRIDE. Yan ang sagot. Kilala ko si Ken. Siya yung tipo ng tao na ayaw niyang nagpapatalo kaya naman ng malaman niyang kaya siyang higitan ni Melo, walang pagdadalawang isip na pumayag siya sa pustahan which is nataong involved ako.
Ako? Ayaw niyang mawala? Pfsh. Nasabi lang naman niya kanina ang mga yun para tantanan na siya ni Sir Sadista sa pangaasar nito sa kaniya eh. Pero alam kong hindi totoo yun dahil... dahil never naman akong naging special kay Ken eh.
Pagkalapag ko nung paperbag ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Sobrang pagod na ako kaya wala ako sa mood makipagtalo kay Ken.
Oo na, hindi ko din natiis na mag-alala kaya binilhan ko siya ng take out sa kinainan namin ni Melo. Hai, kelan ba kasi matatapos tong pustahan na to? Hindi ko na makausap si Ken ng maayos dahil puro pag-aaral na lang ang inaatupag niya.
Ken... walang kaso ang pag-aaral. Pero pwede ba, wag mo pabayaan angn sarili mo na magutom? *sigh*
-:-:-:-
Ilang araw ko ng hindi nakakausap ng maayos tong si Ken. "He's so near, yet so far" lang ang peg. Puro kasi libro, notebook at calculator na lang ang hawak niya. Hindi ba pwedeng next time, kamay ko naman ang hawakan niya?
G: Ken, pasabay naman ako sayo pauwi. Kailangan ko na kasing umuwi dahil madami akong assignment.
K: ha? Eh mauna ka na.
G: sige na pasabay na ako please??
K: ang kulit mo! Mauna ka na sabi eh. Hindi pa ako uuwi. Tatambay pa ako sa Library!
G: okay..
Tapos ngayon ayaw niya pa akong kasabay umuwi. Hai. This is so sad. Eh wala naman akong choice kaya umuwi na lang ako ng mag-isa. Natapos ko na gawin yung mga homeworks ko, pero hindi pa din nakakauwi si Ken. Late na din ah...
Biglang nagising ang diwa ko ng marinig ko yung kotse niya nag-park sa labas. Nakauwi na si Ken!
G: ui, nakauwi ka na pala.
K: hmm.
G: kumain ka na ba? Nagluto ako ng dinner.
K: ano yan?
G: ahm. Hotdog and Egg. Hehe.
Proud pa akong pinakita sa kaniya yung niluto ko. Aba naman, pinaghirapan ko kayang lutuin yung fried hotdog and egg! Ehe!
K: bakit sunog?! Tsaka bakit pang-breakfast? Eh dinner na!
G: eh kasi di naman ako marunong magluto.. tsaka kasi yan lang available sa fridge na madaling lutuin eh.
K: di na ako kakain. Kumain na din ako sa labas.
G: eh? Ganun? Sayang naman..
K: anong sayang? Eh kita mong sunog yang niluto mo. Tignan mo yung itlog, basag. Yung hotdog, nangingitim sa sunog. Sa tingin mo ba kakainin ko yan?!
O, wala na akong ibang narinig sa kaniya kundi puro reklamo. Nagrereklamo pa siya eh kumain na naman daw siya sa labas. Nyemnas, nagpipigil lang ako dito eh. Ayoko ng patungan pa ng init ng ulo yung init ng ulo niya at baka pareho lang kami sumabog.
G: sorry na ha. Concerned lang naman kasi ako dahil akala ko di ka pa nakakakain. Di ko naman po alam na nakakain ka na.
K: right. At kahit gutom ako, hindi ko pa din kakainin yang niluto mo. Tanga lang ang kakain niyan.
Grabe din tong lalaking to, ako na nga ang concerned, ako pa itong nalait. O edi ako na ang hindi marunong magluto. Nakakahiya naman sa kaniya. Di ko na nga lang pinatulan at ayoko lang magtapos tong araw na ito ng sira.
-:-:-:-
Merong homework na naman na binigay si Sir Sadista sa amin. Naisipan kong magpunta sa Library para doon gawin yung homework ko pero hindi ko din inaasahan na nasa library din pala si Melo kaya heto, sabay naming ginagawa yung homework namin. This time, pareho na kami ng set of questions na ginagawa.
MELO: Grace, diba si Ken yung lalaking naka-red doon sa may table sa dulo?
Tinignan ko yung lalaking tinuturo ni Melo. Confirmed, si Ken nga! At may kausap pa siyang babae. Ughhhh.......... Biglang nandilim yung paningin ko dahil sa nakita.
G: akalain mo yun. Akala mo nag-aaral, naglulumande lang pala sa Library. Kakainis!
MELO: selos ka naman.
G: hmp. Hindi ah.
MELO: okay, sabi mo eh. Psst!
G: hui, anong ginagawa mo??
MELO: edi kinukuha atensyon ni Ken. Ano pa nga ba? :D
Walangyang Melo yan o. Gustong gusto talaga niyang ginugulo ang buhay ni Ken. Sana hindi na lang niya tinawag. Ugh. =_= Napansin pa tuloy kami ni Ken at nung kasama niyang...... espasol. Pero mukhang hindi niya ako nakita dahil nagtago agad ako sa ilalim ng librong hawak ko.
G: hai naku, baka mapa-away ka na naman sa kaniya. Alam mo namang mainit dugo nun sayo!
MELO: wag ka mag-alala, alam kong nasa Library tayo kaya hindi ko papatulan yung Lalaki mo.
G: lalaki ko?? Ui, teka! Saan ka pupunta?!
At hindi na siya nakuntentong sutsutan ito, nilapitan pa niya si Ken! Hai Melo, siguro nung umulan ng tapang, nasalo mo na lahat.
MELO: yo!
K: anong ginagawa mo dito?
MELO: ah, wala naman. Busy masyado ah. Akala ko nag-rereview ka? Bakit mukhang hindi naman.
K: wag ka ngang mangealam. Wala ka na doon kung anong ginagawa ko.
MELO: ito naman highblood ka na naman. Nga pala, kasama ko si Grace.
K: ha?!
MELO: Grace! Lika nga dito. Wag kang magtago.
Grr. Nilaglag na ako ni Melo. Ang pathetic ko naman kung magtatago lang ako dito samantalang alam niya ng kasama niya ako diba? Wala akong choice kundi lumapit sa kanila.
Ugh pigilan niyo ako. Pigilan niyo ako na wag pagtawanan yung babaeng kasama ni Ken na mukhang epsasol!
G: yo.
Bigla akong nagitla ng walang pasabing umakbay sa akin si Melo. Pero hinayaan ko na lang dahil baka kung di niya ginawa yun, hindi ko mapigilan ang sarili ko na awayin tong Pinyang nasa harap ko.
K: anong ginagawa mo dito?!
G: gumagawa kami ng homework ni Melo. Eh ikaw? Anong ginagawa mo?
K: nagrereview. Obvious ba? Tanga din ng tanong mo eh no. Wag ka ngang magtatanong ng na may sagot na obvious.
G: nagrereview daw..
K: may sinasabi ka?
G: wala po Boss.
Review? Review habang nambababae? Wow. Ngayon idadahilan pa niya yung pagrereview para mambabae siya. Akala ko pa naman nagbago na siya dahil hindi ko na siya ulit nakitang nambababae. Ni hindi nga niya pinansin si Nikki na mas hamak naman na mas maganda at disente sa kasama niyang espasol! Tapos sasabihin niya sakin, nagrereview lang siya? Pisti lang?
Ken, pakilala mo naman ako sa friends mo!
K: hindi ko sila friends.
RANDOM GIRL: oh. *nabigla sa attitude ni Ken*
Halata naman sa reaction nung babae na nabigla siya sa attitude na pinakita ni Ken. Hah, nabibigla pa siya sa ganun? Eh normal na ni Ken yun. Palibhasa kasi hindi pa niya nakikilala si Ken ng matagal, unlike me na mas kilala ko pa si Ken kesa sa kaniya.
K: yung babaeng mukhang Amazona, siya si Grace.
G: *stare ng masama kay Ken*
K: at yung kasama naman niyang mukhang negneg na higante, siya si Melo.
MELO: hi!First of all, I don't feel offended pag sinasabihan niya akong "Higante" dahil asset ko yun. Pangalawa, matangkad man ako, gwapo din naman. Mas gwapo pa kay Ken, and soon na magiging No. 1. Hi, I'm Melo and it's nice meeting you.
Nakita ko kung paano mag-iba yung expression sa mukha ni Ken. Ayan kasi, aasar-asarin niya si Melo, pero pag bumack fire naman yung pang-aasar niya, napipikon naman siya. Tumingin ako kay Melo at kumindat siya sakin. Sign na nagtagumpay siya dahil naasar na naman niya si Ken.
Favorite talaga niyang ibully yun no?
Ooh~ Hi Melo, hi Grace! *shake hands* My name's Kisha! :P
Kisha mo mukha mo. Kunwari ka pang mabait. If I know, pakitang tao lang yan para makuha niya loob ni Ken! Hmp. Hypocrite! At talaga namang kitang kita ko kung paano niya i-jigglewiggle yung "watermelons" niya nung kinausap niya si Melo. Flirt! Alembong! Haliparot! Malandi! Shrimp! Tempura!!!!!
MELO: siya, aalis na kami at may gagawin pa kasi kami. Goodluck sa pag-rereview *emphasize on "Review"* mo Ken ha. Let's go Grace?
G: hmm.
Sabay naming tinalikuran sina Ken at Espasol. Umakbay pa ito sa akin habang naglalakad kami palayo sa kanila. Nakita ko pa nga yung reaction niya nung ginawa sakin yun ni Melo. Sobrang sama ng tingin nito samin at as usual, yung mga kilay ay salubong na naman.
Pagkaupo namin ay nagkatitigan muna kami ni Melo, sabay apir. Nagpipigil pa nga kami tumawa dahil baka masita na naman kami nung librarian. Suki na nga yata kami sa listahan niya ng maiingay eh.
G: the best ka talaga Melo! Nakita mo ba yung itsura niya kanina? Pikon na pikon na naman siya sayo. ikaw lang talaga ang nakakagawa nun kay Ken. XD
MELO: hehe ako pa!
Wala kaming ibang ginawa ni Melo kundi magtawanan at magtsismisan. Nakatitig na nga sa amin yung Librarian eh. At the end of the day, as usual, hindi din naman nagawa yung mga homework namin. Pero sabi naman ni Melo na tutulungan niya na lang daw ako sa homework namin. Pambawi niya dahil na-BI niya ako kanina na makipagdaldalan.
Pagkauwi ko ng bahay, wala pa din si Ken. As usual, wala na namang pagkain sa bahay. Pag-open ko ng ref, wala itong ibang laman kundi puro itlog. At dahil gutom na ako, naisipan kong magluto na lang ng omelette.
Nakakain na kaya si Ken? Sana hindi siya nalipasan ng gutom. Sa sobrang subsob niya kasi sa pag-aaral these past few days, it's either late na siya kumakain, or hindi na kumakain at all. Nagaalala nga ako dahil baka sa pagiging pabaya niya sa health niya ay magkasakit siya.. Nagluto na lang ako ng isa pang omelette para incase na pag-uwi niya, may makakain siya.Baka kasi gutom yun pag-uwi niya.
Nang narinig ko yung kotse niya sa garahe, agad akong tumakbo sa may pinto para salubungin siya. Kinuha ko pa nga yung bag niya eh. Parang mag-asawa lang ang peg :3 Infairness, ang bigat ng bag niya. Mabigat dahil sa mga librong dala niya.
G: kumain ka na? Meron akong niluto na Omelette.
K: ano ba yan. Pang-breakfast na naman niluto mo. Palpak ka talaga.
G: sorry na ha. Yun lang nga kasi laman ng fridge mo eh. May magagawa ba ako?
K: wala. Kasi tanga ka.
G: *shock*
K: and besides, nakakain na ako. Kumain na ako kina Kisha. Unlike you, masarap siyang magluto. Lutong bahay at hindi puro prito lang ang alam niya. Hindi siya nagluluto ng kung ano anong pagkain na parang pang-alien. Bakit di mo siya tularan? Para naman ganahan akong kumain. Hindi yung puro sunog na hotdog at puro prito ang ipapakain mo sakin.
Ang antipatikong lalaking to! Nasbaihan na akong palpak, nasundan pa ng tanga! Eh ako na nga itong nag-aalala dahil baka hindi pa siya kumakain, ako pa tong nalait niya. At talagang ikinumpara pa niya ako kay Kisha?! Sa Kisha na yun na walang ginawa kundi magpa-cute at ipangalandakan yung dalawang malalaking watermelons niya! Talaga namang nakakapikon na ang lalaking to ah!
G: well, I'm so sorry kung nag-exert pa ako ng effort na paglutuan ka. Akala ko kasi di ka pa nakakakain dahil late ka na nakauwi. And I'm sorry dahil nag-aalala lang naman ako sayo.
K: ano ba?! Hindi mo naman kailangan mag-alala dahil kaya ko sarili ko at hindi ako tulad mong tanga na palagi na lang humihingi ng tulong sa iba.
G: well, sorry din kung loser ako dahil tanga ako at lagi ako humihingi ng tulong. Next time, hindi na kita iistorbohin kapag kailangan ko ng tulong.
K: mabuti naman at napagnilay-nilayan mo yan.
Imbes na makipag-sagutan pa ako sa immatiure na imbecile na to, mas mabuti pang itulog ko na lang to. Wala na naman akong mapapala kung papatulan ko pa tong Pinyang to eh.
G: ah by the way Ken bago ako matulog, may sasabihin nga pala ako sayo.
K: ano?! *iritado ang boses*
G: GO DIE YOU IMBECILE SPINELESS GUTLESS TEMPURA LOVER FREAK! *sabay karipas ng takbo sa kwarto*
Magsama sila ng hipon na yun! Pineapple Tempura! Arghhhh!!!!
-:-:-:-
Friday comes, hindi ko pa din masyadong nakakausap ng maayos si Ken. Nakatunganga lang ako sa TV at bored na sa pinapanood ko samantalang tutok pa din si Boss sa mga libro niya. Hindi ba siya nagsasawang mag-aral? Eh matalino na naman siya.. bakit kailangan pa niya kasing mag-aral?! Kayang kaya naman niya mag-No. 1 kahit na hindi siya mag-aral eh.
G: grabe, nagrereview ka pa din? Friday na Friday o. The next day wala namang pasok.
K: hindi pwede. Sayang oras kung hindi ako magrereview.
G: nye. Weekend naman bukas. Pumetiks ka muna!
K: pwede ba. Wag mo akong itulad sayo. Tanga ka kasi kaya kaya mong pumetiks-petiks jan. Buti sana kung katulad mo ako na matalino kaya okay lang ang pumetiks. Pero kasi ikaw hindi eh. Kasi nga, tanga ka.
Ang balasubas na to?! Ilang beses na niya akong nasabihang "tanga" sa linggo an to?! Countless na!!!
G: wow. Sorry naman Boss kung tanga ako ha? Sorry kung hindi ako kasing talino mo. Matalino ka kasi, tanga lang ako.
K: mabuti at alam mo. Umalis ka nga sa paligid ko. Hindi ako makapag-concentrate dahil sayo!
G: oo, aalis na ako. Hindi mo na ako kelangan pagtabuyan dahil aalis ako! Bwiset!
Tinawagan ko si Melo dahil gusto ko ng kasama at isa pa, hindi ko na kayang mag-stay pa dito sa bahay na to dahil sa lalaking to. Lagi na lang niya akong inaaway, wala naman akong ginawa kundi ipakita yung concern ko sa kaniya. Pero siya itong patuloy lang na tumataboy sakin.
Pwes, ako na mismo ang aalis. Bahala siya sa buhay niya at hinding hindi ko na talaga siya papansinin!
G: Melo, busy ka? Pwede mo ba akong samahan ngayon? Oo. Ngayon na. Sige. Doon na lang tayo magkita. Oo. Sige. Thank you. See you. *hangs off phone*
K: hoy. Bakit magkikita kayo ni Negneg??
G: tinatanong mo ako kung bakit? Bakit ka nagtatanong ng mga tanong na may obvious naman na sagot? Akala ko ba matalino ka Ken?
Binato ko sa kaniya yung linyang binanat niya sa akin dati. Ano ngayon ang pakiramdam ng nababara huh, Kenneth Ong?
K: hoy! Di mo pa sinasagot tanong ko. Ako ang unang nagtanong kaya ikaw ang unang sumagot! Bakit kayo magkikita ni Negneg?!
G: dahil mas gusto ko siyang kasama kesa sayo!
May sinasabi pa si Ken na iba pang masasakit na bagay, pero hindi ko na lang ito inintindi. Labas lang sa kabilang tenga ko yung mga masasakit na sinasabi niya. Ayoko na din kasi makipagtalo sa kaniya. Nakakapgod...
Nakakapagod din pala.
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...