CHAPTER 110: Kenneth Michael Ong

7K 62 4
                                    

GRACE's POV
Hanggang ngayon hindi pa din nagrereply si Ken sa mga text ko. Sobrang nagalit nga talaga siya kanina dahil doon sa ginawa ko. Malay ko bang sobrang sensitive niya pag-dating sa 2nd name niya.... At ngayon ko lang siya nakitang magalit ng sobra. Nakakatakot..

JS: hey Grace!
G: ui Justin! Saan ka galing?
JS: ah.. galing akong Library. May binalik lang akong libro. Ikaw? Saan ka pupunta?
G: *sigh* ewan. Di ko alam. Di nga ako mapakali eh.
JS: bakit naman? May nangyari ba?

May alam kaya si Justin tungkol sa "don't-call-me-Michael-or-else-I'll-kill-you" syndrome ni Ken? Hai. Hindi ko alam gagawin ko talaga. T__T Nagsosorry ako kay Ken, pero di naman niya ako pinapansin. Huhuhu.

G: Justin, diba matagal na kayong magkaibigan ni Ken?
JS: oh, yes. What about it? : )
G: may idea ka ba kung bakit ayaw niyang tinatawag siyang "Michael"?
JS: oh. Lemme guess, you called him with his 2nd name, and nagalit siya. Tama ba?
G: oo! Tama! Natumbok mo! Ganiyan nga ang nangyari!! I was just actually teasing him kaya tinatawag ko siyang "Michael". Eh hindi ko naman alam na sobrang hate niya yung name na yun, to the point na mananakit na siya ng tao. Ano bang meron at galit na galit siya sa pangalan na yun?

Buti na lang at nakasalubong ko si Justin. At least may idea ako kung bakit nagkaka-ganun si Ken pag tinatawag siya sa last name niya. And besides, wala din ako masyadong alam sa past niya.. at mas gusto ko pang makilala si Ken.

JS: the reason why he hated that name the most is because it's his father's name.
G: ano naman kung father's name niya yun? Diba dapat matuwa siya kasi ipinangalan sa kaniya yung name ng dad niya?
JS: well, iba sa case niya. Itawag mo na sa kaniya lahat ng pangalan, wag lang yung 2nd name niya na "Michael".




[[ KEN, 15 YEARS AGO
AGE: 5 years old
]]

K: Mommy? Bakit ka umiiyak?
KEN's MOM: Wala anak.. napuwing lang mata ko.
K: napuwing mata mo? Eh bakit po namumula pisngi niyo? Diba po pag napuwing, mata ang namumula at hindi ang pisngi?
KM: *sob* Oo anak. Nadulas din kasi si Mommy kaya namumula pisngi ko..
K: Mommy, next time mag-ingat ka ha? Tignan mo, nasasaktan ka tuloy. Kiss ko na lang cheeks mo para mawala na yung pain!
KM: *cries* Oh Ken, my Son! *hugs Ken* Huhuhuhuhu *cries*
K: wag ka na umiyak Mommy. Mamaya hindi na sasakit yung cheeks mo kasi nag-kiss na ako..
KM: Yes anak. Thank you. Mommy's feeling better now. So stop worrying about me, okay?
K: okay Mommy! Hi Daddy!!! Look, Mom's crying. Kiss mo cheeks niya para mag-stop na siya mag-cry!
KEN'S DAD: labas ka na muna anak. Kumain ka na ng dinner mo. Kausapin ko ang Mommy mo, okay?
K: okay Dad. Basta kiss mo cheeks niya ha!
KD: *smiles*

Bago pa makalabas ng kwarto si Ken, narinig niya ulit ang Mommy niya na umiyak. Nakita niyang niyayakap ito ng Dad niya kaya hindi na niya ito nilapitan pa ulit.

KD: I'm so sorry kung nasaktan kita. Hindi na mauulit. Tahan na. Baka makita ka pa ng mga anak mo na umiiyak ka.
KM: *sobs* ikaw kasi eh..
KD: hush hush, sorry na okay? Sorry na.

Pagkarating sa dinning room, naabutan ni Ken ang ate niyang si Sam. Hindi sumabay ang parents nila kaya naman sila lang dalawa ni Sam ang sabay na kumakain ng dinner.

K: ate, umiiyak si Mommy.
S: oo. Nakita ko siya kanina na sinampal ni Daddy.. nag-away sila kanina. Sa sobrang takot ko, hindi na ako nakalabas ng kwarto ko..
K: ginawa ba talaga ni Daddy yun?
S: oo.. ilang beses na niyang ginagawa kay Mommy yun. Palagi sila nag-aaway lalo na sa gabi.. Hindi mo napapansin kasi mahimbing tulog mo eh.
K: hindi ba Ate, normal lang naman sa Mommy and Daddy ang nag-aaway?
S: oo....
K: edi wala tayong dapat ikabahala! Kasi after naman nilang mag-away, kinikiss naman siya ni Daddy sa cheeks eh. Tsaka niyayakap..
S: oo nga....
YAYA: o kayong dalawa, tama na ang kwentuhan. Bilisan niyo ang kumain at ng makatulog na kayo ng maaga. May pasok pa kayo bukas.
K & S: yes Ate!!

ONE NIGHT...
S: Ken! Si Mommy at Daddy nag-aaway ulit!!! Umiiyak si Mommy...
K: pigilan natin sila Ate!!!
S: pero... pero natatakot ako..
K: halika, sabay tayong dalawa pumasok sa room nila. Wag kang matakot!!

Papalapit pa lang sila ng kwarto, pero rinig na rinig na ang sigawan ng kanilang mga magulang. Panay ang iyak ng Mommy nila samantalang tumataas naman ang boses ng kanilang Tatay. Napansin din nila na sobrang daming gamit ang nakakalat sa loob ng kwarto. Meron pang bag na may laman na mga damit ng Tatay nila ang nakapatong sa kama.

KM: akala ko ba tumigil ka na sa pagpunta sa lugar na yun?! Nangako ka sa akin noon na di ka na babalik doon!
KD: ilang beses ko bang paulit-ulit na sasabihin sayo na naaya lang ako ng mga kaibigan ko? Ha? Bakit ba hindi mo maintindihan yun!
KM: oo! Hindi ko talaga maintindihan! Hindi ko maintindihan takbo ng utak mo! Alam mo na ngang pamilyado ka ng tao, may asawa at dalawang anak, pero nagawa mo pang magpunta sa ganoon lugar! Tapos kakausapin mo na naman yung babaeng yun! Alam mo namang may gusto sayo ang babaeng yun, pero panay pa din ang punta mo!
KD: ikaw ang may problema at hindi ako. Bakit ba hindi mo kayang magtiwala sa akin?
KM: hindi ko kaya dahil hindi ito ang unang beses na niloko mo ako... pinagsisisihan ko kung bakit ikaw pa ang pinakasalan ko!
KD: *PAK!*
S: MOMMY!!!!!
K: DADDY!!!! Bakit mo ginawa yun kay Mommy? Bakit mo siya sinasaktan!!!
KM: Ken, Sam! Anong ginagawa niyo dito? Matulog na kayo. *pinipigilan ang sarili na wag maiyak*
S: but Mom....
KD: matulog na kayong dalawa.
K: Dad! Bakit mo pinalo si Mommy? Bad ka! Bad ka!!!

Dahil sa sobrang inis at galit, pinalo-palo niya ito sa mga binti nito. Pinilit itong buhatin ng Tatay nila, pero masyadong malikot si Ken kaya hindi ito nagawang pigilan ng tatay niya sa pamamalo nito sa kaniya. Patuloy pa din ito sa pagpalo sa tatay niya. Samantalang si Sam naman ay nakayakap lang sa Mommy nito at pati siya ay naiyak na din dahil sa mga pangyayari.

KM: anak, tama na yan. Hindi ako sinaktan ng Daddy mo. Hindi niya yun sinasadya....

In the end, wala din nagawa sina Sam and Ken. Bumalik na sila sa kanilang kwarto, ngunit hindi agad makatulog ang dalawa dahil sa kakaisip sa nangyari sa kanilang magulang. Ito din ang first time na nakita ni Ken na sinaktan ng Daddy ang Mommy niya kaya hindi ito agad makatulog.

The next day, nakita nilang magkasama ang parents nila. Masaya na ulit ang dalawa at tila parang walang awayan na nangyari sa kanila nung isang gabi.

S: Dad, bati na kayo ni Mom?
KD: ofcourse Darling. Love ko Mommy niyo, kaya bakit ko naman siya aawayin pa?
K: Daddy, wag mo na ulitin kay Mommy yun ha... Wag mo na siya papaluin. Kung hindi, ako papalo sayo!
KM: hahahaha, you little boy. Kita mo Dad. Meron na akong tagapagtangol oh.
KD: haha! Matapang, manang mana sa Dad nila eh.
S & K: *giggles*


[[ KEN, 10 YEARS AGO
AGE: 10 years old
]]

K: Dad! Uwi ka maaga today ha? Sabi ni Mommy magcecelebrate daw tayo tonight kasi naka-perfect ako sa Exams namin sa school!
KD: Wow, good job anak. Manang mana mo talaga katalinuhan ng Dad mo. Anong gusto mong prize?
K: wala po Dad. Basta gusto ko lang, kumpleto tayo mamaya ha? Yun lang po ang hinihiling ko. Promise mo yan Dad ha?
KD: I Promise.

That night, napansin ni Ken na hindi pa din umuuwi ang Daddy nila. Naisipan nitong puntahan ang Mommy niya sa kwarto nito para hanapin ang Dad niya. Pagpasok niya sa kwarto, naabutan niya ang kaniyang Mommy at Ate Sam na umiiyak. Naguguluhan siya sa mga pangyayari.

K: Mom? Where's Dad? Late na ah.. wala pa din siya. He promised me na maaga siya uuwi ngayon eh.
KM: *sobs*
K: Mom? Why are you crying? Napuwing po ulit mata niyo?
KM: Ken...
K: Ate Sam? Anong nangyayari? Bakit kayo umiiyak ni Mommy?
S: Ken.. read this...

Kinuha ni Ken ang papel at ikinagulat niya ang nilalaman ng sulat. Manginig-nginig pa ang mga kamay nito habang binabasa niya ang sulat ng kanilang Ama.

Isang liham ng pamamaalam.

Dear Anna,

Alam kong alam mo na kung ano ang laman ng liham ko na ito. Yes, I am leaving this family. I am leaving you, not because I don't love this family. I just don't feel na babalik na tayo sa dati. I love our kids. I love Sam and Ken. Pero ang problema ay sa ating dalawa. Sa tingin ko, hindi na natin maibabalik kung ano ang meron sa atin dati. Tama ka nga. Hindi ako mabuting asawa. Lagi kitang niloloko, lagi din kitang sinasaktan. Sa tingin ko, ito na ang pinakamabuting paraan para maayos na ang problema natin. Ipapaubaya ko sayo sina Sam and Ken. Wag ka mag-alala, may Ama pa din sila na tatawagin. Wala nga lang ako sa piling nila tulad ng dati, pero may Ama pa din sila na pwede nilang lapitan.

Please tell Ken na I am sorry kung hindi ako nakatupad sa pangako ko sa kaniya. I am sorry kung naging masamang ama ako sa mga anak natin. Pero wag na wag nilang kalilimutan ito: MAHAL NA MAHAL KO SILA.

Thank you for everything Anna. Thank you for understanding me. Thank you and, I AM SORRY.

Ferdie


Sa sobrang inis, galit at pighati, napatakbo si Ken sa kaniyang kwarto. Sinuntok-suntok niya ang pader ng kwarto niya hanggang sa mamaga ang mga kamay nito. Simula sa araw na iyon, patay na para sa kaniya ang kaniyang Ama.




-----------
RANDOM STUDENT1: *pabulong* diba sila yung anak nung Daddy na may dalawang asawa??
RANDOM STUDENT2: oo sila nga yun. Balita nga eh iniwan na sila nung Daddy nila. Baka sumama na doon sa isa niyang asawa.
RANDOM STUDENT1: baka nga!
RANDOM STUDENT2: hikhikhik! Ang dami naman asawa ng Daddy nila. Edi ang dami din nilang kapatid!
RANDOM STUDENT1: bwahahaha oo nga! Parang aso lang, nagkakalat ng lahi!

Sa sobrang inis ni Ken, bigla niyang sinugod ang dalawang estudyante na kanina pa silang pinaguusapan. Pipigilan pa sana ito ni Sam, pero sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, wala na ang kapatid niya sa kaniyang tabi. Nakita na niya itong may sinisigawan na, na lalaki.

K: hoy! Kung magbubulungan kayo, siguraduhin niyong hindi namin naririnig!
RANDOM STUDENT2: hui tara na..
RANDOM STUDENT1: o eh bakit? Ano naman masama sa pinaguusapan namin? Hindi ba totoo naman? Madaming asawa tatay mo? Anong breed ka ba? HAHAHAHAHAHA!!
S: Ken tama na yan, pabayaan mo na sila..
RANDOM STUDENT2: hui tama na yan..

Biglang nandilim ang paningin ni Ken. Ang estudyante na kanina lang niya kausap, ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Nasuntok ito ni Ken, at madaming mga estudyante ang nakakita sa ginawa niya. Pagkasuntok, inupuan niya ang lalaki sa dibdib at sinigawan niya ito.

K: HOY. DIBA IKAW YUNG LALAKING GALING SA PINAKAMABABANG SECTION? YUNG SECTION NA PARA SA MGA BOBO? KUNG AKO SAYO, SIGURADUHIN MO MUNA NA IPASA MO YUNG MGA SUBJECTS MO BAGO MO ATUPAGIN ANG CHISMISAN. SA SOBRANG BOBO MO, HINDI KO ALAM KUNG MASAYA PA SAYO MGA MAGULANG MO EH.
S: Ken, tama na yan please! Itigil mo na yan!
K: teka lang Ate, hindi pa ako tapos! Hayaan mong matuto ng leksyon itong inutil na to!

Halos lahat ng estudyante ay nanonood na sa kanila. Napapaligiran na sila ng mga estudyante, pero tuloy tuloy pa din si Ken sa kaniyang pagsasalita.

K: ANG MAGULANG, HINDI MO MAPIPILI YAN. WALA KANG CHOICE KUNG HINDI TANGAPIN NA LANG NA SILA ANG MGA MAGULANG MO. PERO ANG MAGULANG, MAY CHOICE SILA KUNG IIWAN BA NILA ANG PAMILYA NILA O HINDI. MAY CHOICE SILA MAMILI KUNG SINO ANG PAMILYANG LILIPATAN, AT KUNG SINONG ANAK ANG AALAGAAN NILA. SIGURO SA KALAGAYAN MO, DAHIL SOBRANG BOBO'T INUTIL MO, GUSTO KA NG IWAN NG MGA MAGULANG MO. MAS NAKAKAHIYA KA. AT OO NGA PALA, TATAY? WALA KAMING TATAY. DAHIL MATAGAL NG PATAY TATAY NAMIN!

Mayamaya ay dumating na din ang Principal ng school nila. Sa takot na madamay sa gulo, biglang nagsialisan ang mga kanina lang na nakiki-usi na mga estudyante. Tumayo si Ken mula sa pagkakaupo nito sa biktima. Wala nga itong galos sa mukha, puno naman ng dumi ang uniform nito dahil sa pagkakaupo nito sa sahig.

PRINCIPAL: MR. ONG, TO THE OFFICE. NOW!

Simula ng insidente na iyon, naging laughing stock sila ng school. Isang taong nilang tiniis ang kutyain, pagtawanan at pagchismisan ng mga tao. Ngunit hindi din nagtagal, nakalimutan din ng mga tao ang nangyari sa kanila. Napatungan na ito ng ibang chismis, at ibang bagay na pwedeng pag-usapan.

Simula sa araw na iyon, nag-iba din ang pagkatao ni Ken. Nag-iba ang pananaw niya pag dating sa pag-ibig, sa pakikipag-relasyon, at sa babae. Tumatak na sa isip niya na ang babae ang dahilan kung bakit nasisira ang isang pamilya. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sila iiwan ng tatay nila. Kaya simula ng pumasok siya sa mundo ng pag-ibig, hindi niya sineseryoso ang mga babaeng kaniyang nakaka-relasyon.

Ito din ang araw na kinamuhian niya ang pangalang "Michael" dahil sa pangalang ito, naaalala niya ang kaniyang Ama na nantaksil, nangiwan, at sumira ng pangako sa kanila.






Si Ken? Hot topic pa din siya. Pero nag- iba na ang image niya nung nag-highschool na siya. Hindi na siya pinaguusapan dahil sa tatay niya. Naging hot topic na siya dahil isa siya sa mga lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae noon. Nagawa niyang maging playboy nung HS pa lang kami para ma-divert sa ibang bagay yung chismis sa school. Ayun, effective naman. And dahilan na din ng pagiging babaero niya yung dahil sa ginawa ng Dad niya.

Buti na lang at nakasalubong ko talaga si Justin. Ngayon alam ko na kung anong nangyari sa past ni Ken. Hindi ko ine-expect na ganun pala ka-drama buhay nun =_= Ano bang malay ko na may sad past siya : | Kaya siguro retarded pagiisip nun..

G: ahh.. kaya pala...
JS: yeah. So thank you dahil kahit lagi ka niyang pinag-iinitan, hindi mo siya pinapabayaan. Tyina-tyaga mo siyang intindihin at lagi ka pa din nasa tabi niya. Na-inlove ka pa nga eh despite na inaaway away ka niya lagi : P
G: oi! Anong inlove ka jan. HINDI AH! Prffttt~
JS: hahahaha.

Kung highschool pa lang naging playboy na siya, ibig sabihin sa dinami-dami ng mga naging babae niya, ni isa doon hindi niya sineryoso. Eh teka, diba may naging ex siya? Si LEA!

G: eh teka? Diba may ex siya? Si Lea! Yung kinukwento niyo..
JS: ah.. si Lea? Eh hindi naman niya naging girl friend yun nung Highschool kami eh. : P Kilala na niya si Lea, even before pa. Hindi pa playboy si Ken nung nagkakilala sila.
G: eh? So ibig sabihin, bata pa lang siya, nagka-GF na siya agad O_O
JS: haha, hindi din.
G: eh ano?
JS: si Lea, dating-wait, sagutin ko lang ung call ha?
G: err, oki.

Kakainis naman! Epal nung caller eh. Kung kelan malalaman ko na yung past love ni Prince Ken ko, saka naman naudlot >_<

JS: sorry Grace, kailangan ko na palang umalis. Hinahanap na ako ng mga imeemeet ko eh.
G: ha? teka hindi pa tapos kwento mo...........
JS: next time na lang oki? Bye!
G: foine. Bye~ T^T

Kakainis naman! Nabitin talaga ako!!!! Gusto ko ng malaman kung anong meron sa kanila nung Lea eeh. >_<

Kung hindi ex ni Ken si Lea, eh ano niya? O_O ang gulo naman!! Akala ko talaga ex niya yun eeh..

Bigla akong napaisip sa mga nakwento ni Justin. Never naging seryoso si Ken sa mga nagiging babae niya... so ibig sabihin, Malabo talagang magkaroon ng pag-asa itong unrequited feelings ko sa kaniya. Kung yung mga babaeng mas maayos pa sa akin, hindi niya sineseryoso eh.. ako pa kaya na isang no one kumpara sa kanila?

Parang gusto kong isuko yung feelings ko dahil nawalan na ako ng pag-asa. Pero mayroon pa rin sa akin na nagsasabing "Wag!". Ewan ko ba. Naguguluhan ako. Teka, bakit pa ba ako nagdadalawang isip? Alam naman nating lahat na sa huli eh wala ding mapapala tong unrequited feelings ko kay Ken eh. Ineexpect ko na din naman yun para hindi ako masaktan sa huli.

After hearing his sad past story, I really wanted to help Ken. I want to hug him.. kung pwede lang na sa pagyakap ko na yun, makalimutan niya lahat ng sad memories niya eh..

I wanted to help him.. but I just don't know how....

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon