CHAPTER 11: Mr. Bear and Creampuffs

11.8K 93 2
                                    

One fine day, masaya akong tumatambay sa walang kamatayang cafeteria with my friends. Tawa kami ng tawa at parang walang katapusan yung tawanan namin. Namiss ko na din yung ganito eh. Yung tumawa ng walang humpay kasama yung mga kaibigan ko. Sana hindi na matapos tong kasiyahang to...

*RING*

Sabi ko nga eh. Tapos na agad kaligayahan ko. Si Kataas-taasang Pinya tumatawag. Mula talaga ng nakilala ko yang lalaking yan, never ko na na-experience ang salitang "HAPPINESS", "KALIGAYAHAN", "SAYA", at lalo na sa lahat... "FREEDOM".

Bakit naman kaya tumatawag tong Pinyang to???

G: oh. Problema mo?
K: asan ka?
G: nasa cafeteria. Bakit na naman ba?
K: hintayin mo ko jan.

Wow. Demanding ha.

G: pwedeng mag-CR?
K: hindi pwede.

Bigla niya na lang ako binabaan ng telepono. Sarap turuan ng MANNERS no? Bwisit.

G: tss. EPAL.
A: oh. Highblood ka na naman.
M: sino yung kausap mo? Bigla kang nabadtrip jan.
G: eh sino pa nga ba?
A: bakit ka naman tinawagan nun?
G: ewan ko sa Pinyang yun. Hinahanap niya kung nasaan ako eh. Mukhang may iuutos na naman sakin.
C: ano ka niya, katulong? O_O
G: huhuhuhuhuhu

Huhu, oo nga ano. Kung hindi pa nasabi ni Collin yun, hindi ko pa marerealize yun. ANO AKO NI KEN, KATULONG?! Hindi ako pinanganak ng mga magulang ko para magpaka-alila sa kaniya no! PRINSESA KAYA AKO.

M: nanjan na si Ken.

Pero ano nga bang magagawa ko.. para lang maitago tong one sided feelings ko para kay Paul eh kelangan kong magtiis magpaka-alila sa Pinyang to. Hai...

K: halika na.
G: ha?! Saan???

Ok. MANNERS PLEASE. Talagang wala siya nun no? Bigla na lang niya ako hinatak ng hindi pa ako nakakapag-paalam ng maayos sa mga kaibigan ko. Saan ba nabibili yang manners na yan?

Ok. Nasa loob na kami ng kotse pero hindi ko pa din alam kung saan kami pupunta at kung ano na ang nangyayari. Siguro kung tunay na kidnapper itong si Ken, nakidnap na agad ako.

G: err. Saan ba tayo pupunta?
K: tulungan mo ko bumili ng regalo ko para sa date namin mamaya ni Claire.
G: ano?! Parang yun lang? Bakit kelangan mo pa akong isama? Eh ang dali dali lang nun!
K: tanga ka ba? Malamang ang sagot eh OO diba?

Nakaka-quota na sakin tong lalaking to ah! Quotang-quota na siya sa pagsabi sakin na tanga ako! Hindi na talaga ako natutuwa!!!

K: wala akong masyadong alam sa mga gusto ni Claire kaya naisip kong magpasama sayo. Gets mo na?
G: ......
K: oh. Natahimik ka ata jan? Eh ang ingay ingay mo palagi.

Ako talaga.. napupuno na talaga ako sa lalaking to. Ako na nga tong inuutusan niya, ako pa tong sinabihan niya ng tanga. Sumosobra na siya ah.. pag ako hindi nakapagtimpi talaga.. isang banat pa mula sa Ken na yan.. maka-isa pa yan...

K: oi. Ano na naman bang proble-
G: bakit ba palagi mo na lang akong sinasabihan ng tanga?! Ikaw na nga itong may kailangan at nagdedemand sa akin, ako pa tong sinasabihan mo nun. Nakaka-personal ka na ah!

Hindi ko napigilan sarili ko. Bigla na lang tumulo mga luha ko sa sobrang kabadtripan ko sa kaniya. Nakakaines na kasi siya eh! Sumosobra na talaga yang Ken Ong na yan! Sino ba namang hindi mababadtrip doon diba?

G: sumosobra ka na Ken. *sniff* minsan nakaka-personal na mga sinasabi mo sa akin.. alam kong hindi ako katalinuhan and madalas nakakabagsak ako ng quizzes ko *sniff* pero wala kang karapatan para sabihan mo ako ng tanga **sniff* hindi ako pinag-aral ng mga magulang ko para pagsabihan lang ako ng ganun! *sniff* *sniff*

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon