CHAPTER 138: Drink, Dare and Kiss!

5K 112 27
                                    

Thank Lard at nagawa ko namang sagutan lahat ng tanong sa exams. Hindi man ako sobrang nadalian, pero atleast kampante akong papasa ako kasi kahit papaano ay madami din akong nasagutan. At malabong bumagsak ulit ako dahil tinuruan ako ni Ken.

Speaking of Ken.... naging talk of the town siya sa school dahil sa Facebook niya. Lagi siyang pinauulanan ng asar at tinatawag na din siyang "Pineapple King" ng mga kaklase namin. Sa tuwing inaasar nga siya, tinitignan ako ni Pinya ng masama. Binebelatan ko na lang siya pag tinitignan niya ako ng masama.

At dahil sembreak na, as usual, meron na naman kaming planned outing. Every Year naman namin to ginagawa eh. At dahil huling sembreak na namin ito, mas matagal yung outing namin at mas pinaghandaan. Kaya nga feeling ko pag-graduate namin, sobrang isa ito sa mga mamimiss ko. Hai. Isang sem na lang at gagraduate na kami.

Kamusta na love life ko?

Ayun, hindi pa din umuusad. Unrequited. One sided pa din. Official couple na sina DA at Blue, pero wala pa ding KenRace huhubels. Pero wala akong regrets, at hindi din akong nagsisising minahal ko si Ken. Kahit na alam kong wala akong chance sa puso niya, masaya at kuntento na ako na nakakasama, nakakausap at nakikita ko si Ken. Wala na akong mahihiling pa na iba.

Anyway, nag-stay kami sa resort ng isa sa mga kaklase namin sa Ilocos. Infairness, ang ganda ng resort nila. May mga grupo ng barkada at pamilya din na nagbabakasyon doon nung nakarating kami. Sa resort, meron malaking private villa yung kaklase namin kaya doon kami pinag-stay. Isa siyang malaking Private Villa na may malaking pool at garden sa loob. May touch ng vintage ang villa at talaga namang ma-eenganyo kang magbakasyond ito dahil sobrang ganda ang at ang presko ng hangin dito! Sa labas naman ng resort ay matatanaw mo ang beach. Kaya kung nagsawa ka sa pool, pwedeng pwede din kayong mag-beach. 4 Days and 3 Nights din ang stay namin dito. Syempre, susulitin na namin kasi huling sembreak at bakasyon na namin ito eh!

Nagsimula na sila mag-setup ng table sa gilid ng pool para sa inuman fest. At dahil yung iba sa amin ay hindi umiinom, nandoon lang sila sa may rooftop naglalaro ng billiards at darts. Yung iba naman at nag-swimming na lang sa beach at pool. Gusto ko din sana mag-swimming sa beach, pero itong Boss ko mapilit. Kesyo wala daw siyang mauutusan kapag wala ako sa tabi niya. Pwe. -_-

RANGEL: oi Blue! Hindi ka ba sasali samin?
B: pass. Umiiwas na kasi ako uminom eh.
RANGEL: ang KJ naman nito! Bantay sarado ba si Boyfriend? DA painumin mo naman girlfriend mo!
DA: hindi ko siya pinipigilan ha! Grabe kayo *laughs* Ayaw mo bang uminom Blue?
B: hmm. *shakes head* sorry Rangel! Maybe next time?
RANGEL: fineee. Simula nung naging kayo na ni DA, hindi ka na madalas na sumasama samin uminom. Bagong buhay ka na talaga!

Bigla namang namula si Blue dahil sa sinabi ni Rangel. Ay sus! Nahiya pa siya. Samantalang kalat na naman sa buong batch na sila na ni DA.

DA: okay lang naman kung uminom ka. Wag lang sobra.
B: nah. Wala lang talaga ako sa mood uminom.
DA: sure ka ha?
B: uhm.. *smile*
AKI: ay, ang sweet niyo masyadong dalawa. Lumayo nga kayo dito!

This time, pareho na silang nagblush dahil sa pantutukso ng kaklase namin sa kanila. Siguro kung meron mang contest na "Couple of the Year", sila na ang panalo. Ang sweet kasi nilang dalawa eh! At bagay talaga sila. Infairness naman kay Blue, ang laki talaga ng pinagbago niya simula ng maging sila ni DA. Mali, simula ng naging close sila ni DA! Nandoon pa din yung pagiging mataray niya, pero hindi na siya yung nakakainis na pagtataray niya. And mas naging cheerful na din siya. Sobrang saya nga namin ni Mako at Rika para sa kanila eh.

And speaking of Rika, nabalitaan ko kay DA na nag-dadate sila ni Justin. Mukha namang masaya si Rika kay Justin eh. At seryoso talaga si Justin kay Rika. Buti nga yun eh, atleast alam naming sa matinong lalaki napunta si Rika.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon