CHAPTER 83: Lover's Quarrel -- The End of Ken and Blue Love Team?

9.2K 74 19
                                    

Monday again. Haiiii. Parang kinuhanan na agad ako ng lakas dahil sobrang wala ako sa mood. Hinang hina ako. Marahil dahil sa pagod. Hello, hindi kaya ako nakatulog ng maaga kagabi! Magdamag ba naman kaming maglaro ng PS3 eh! Palibhasa nakakita na ng pwede niyang makalaro. Huhu.

DA: Grasya~ anong nangyari sayo? Bakit parang sabog ka na agad?
G: paanong hindi magiging sabog, ikaw ba naman walang ginawa kundi magpaka-slave sa Boss mo.....
DA: slave?! Bakit? Anong ginawa sayo ni Ken? Minolestya ka ba niya?! Minanyak?! Ni-rape?!
G: shhh~~!!!!! Wag kang maingay!!! Baka may makarinig at akalain pa na ganyan nga yung narinig! Ano ba kasing klaseng "Slave" yang nasa isip mo?! Sex Slave?! Baliw!
DA: eeeh sorry. Ano ba kasi nangyari? Nag-woworry lang naman ako sayo. T_T
G: simple lang. inutusan lang niya ako ng inutusan ng kung ano anong Gawain bahay ok? At naglaro lang kami magdamag kagabi..
DA: NAGLARO? NAGLARO?!
G: nagalaro ng PS3, ok? Yun lang yun. Wag mo ng dagdagan pa ng ibang kwento.
DA: oh. Okay. Akala ko naman kung ano...

Mayamaya, nakita ko si Blue at papalapit siya sa amin. Weird though dahil hindi niya kasama si Ken. LQ na naman ba sila? Pagkalapit niya, tinapik niya si DA sa likod.

B: thank you nga pala nung isang araw.

Pagkasabi niyang yun, umalis na siya agad. At kelan pa sila naging close ni DA huh?! O_O

G: anong.. anong nangyari? Thank you saan? At kelan pa kayo naging close nun? Akala ko ba ayaw mo sa kaniya?
DA: Grasya~ wag kang magalit sakin please? Loyal pa din ako sayo!!!
G: ano bang pinagsasasabi mo? Seryoso yung tanong ko ano ba -_-
DA: eeh. Kasi ano eh... shet, pag sinabi ko kasi sayo mag mumukhang hindi ako loyal sayo... :'(
G: Ernesto. Kwento. Dali.
DA: okay.. basta i-promise mo sakin na maniniwala ka pa din na loyal ako sayo ah.
G: oo na! dali na ikwento mo na kasi!!!!

After 10 years of pagda-drama, naikwento din niya sakin ng buo yung pangyayari. Hindi ko akalain na may ganun na side pala si Blue. Parang kasing pag nakikita ko siya, strong person siya. Iyon pala, may weakness din siya. Anyway, lahat naman tayo may weakness. Hehe. At meron din pala silang problema ni Ken. Hindi halata kasi... hindi sila madalas magkasama. Lol.

G: at dahil doon, close na kayo?
DA: hindi kami close >_<
G: wushu! If I know kayo talaga yung meant to be eh!
DA: oi hindi ah! Ayoko sa kaniya!
G: asus kunwari ka pa eh!!
DA: ayoko nga kasi sa kaniya!!
G: hahahahahahaha eh sino gusto mo? Si Ken? Hahahaha!
DA: hindi! Ikaw kasiiii!
G: hahahahahahahahahha ha? anong ako?

Anong ako? Ako? Anong meron sa akin? Ha?!

DA: ikaw!
G: ano ngang ako?
DA: eeeh uhhhh. Ikaw gusto kong friend! Hindi siya!
G: aaaah. Linawin mo kasi! Ito naman. Kahit naman maging close kayo ni Blue, hindi naman mag-iiba yung friendship natin eh!
DA: mmm...
G: ok ka lang? Biglang natahimik ka jan?
DA: wala.
G: ok. Sabi mo eh.

Weird nun. Biglang nag-iba yung mood. May dalaw ka 'te? Este, Kuya? May mood swing ata eh -_-

DA: tara na nga kain na lang tayo! Gutom na ako eh. Gusto ko ng cake! May bagong cake ngayon sa canteen. Libre kita.
G: yey sige!

Excited naming pinuntahan yung canteen dahil sa bagong cake. Alam niyo naman kaming dalawa ni DA, parehong sweet tooth. Malapit na kami sa may canteen ng napansin naming parang may nagsisigawan sa gilid. Tagong lugar siya kaya naman di mo mamamalayan na may tao doon..

G: ui Ernesto. Narinig mo yun?
DA: oo. May nag-aaway yata.
G: tara tignan natin!

Pinuntahan naman namin kung saan namin narinig yung sigawan. Nang nakalapit, nakita namin na si Ken at Blue pala yung nagsisigawan. LQ nga. At kami naman itong chismoso, nakinig naman sa usapan nila. Heh.

B: bakit ba hindi ka na nagpaparamdam? Ni isang text wala akong nakuha. Ni isang hi o hello wala na akong naririnig sayo. Ano bang problema? Hindi naman tayo ganito dati ah.
K: hindi ko alam.
B: anong hindi mo alam?
K: look. Ayoko na palakihin to. Hindi ba pwedeng ipagpa-bukas na lang natin yung usapan?
B: bakit bukas pa? Bakit hindi ngayon na lang?
K: pagod ako at wala ako sa mood makipag-usap ok?

Ay ang taray. Si Boss gumaganun? Pero ano kayang pinagtatalunan nila? Mukhang ang laki ng problema nila ngayon. O_O

B: ano ba Ken! Maguusap lang naman eh, Kelangan ba nasa mood pag mag-uusap? Nakakapagod ba mag-usap? Mag-uusap lang naman ah. Bibig lang gagalawin mo para magusap tayo!
K: ok fine! You know what? Napapagod na ako sa ugali mo na pagiging brat! Brat nga ako tulad ng sinasabi ni Grace, pero mas brat ka pa sa akin! And it annoys me that much already! Pero to be honest, matitiis ko pa yung pagiging brat mo eh. Pero alam mo ung mas nakakakainis sayo? Yung pagiging sinungaling mo! Yung ginawa mo kay Grace last time. Bakit kailangan mo magsinungaling? Alam mo, maganda ka sana eh. Kaso sinungaling ka. Nakakadismaya.

Uh oh. Did I just heard my name? Shet! Ano na naman bang nagawa ko at bakit ako nadamay sa away nilang dalawa?! Patay na naman ako niyan!

B: ano ba? Bakit ba napunta na naman sa usapan natin yang pangit na yan?! So siya pala kinakampihan mo! Don't tell me may gusto ka sa taong yun?!
K: ofcourse not! Hindi ako magkakagusto doon.

Wow ha. Ouch. Busina muna. :|

K: pero kasi mali talaga yung ginawa mo. And that made me think kung tama ba na i-pursue ko pa itong ralasyon natin. Actually, I am not even sure kung may matatawag ba tayong "Relationship" dahil in the first place, magulo na tayong dalawa. Ni hindi ko nga alam kung ano ako sayo. Lagi na lang ako sumusunod sa mga gusto mo. Ni wala man lang confirmation kung ano na ba status natin.
B: Ken..
K: napapagod na ako dahil lagi na lang tayo ganito. Wala naman nangyayari satin. It's as if nag-gagamitan lang tayong dalawa. Ginawagawa lang natin "trophy" tong relasyon natin dahil alam nating tayo din ang makikinabang.

May point nga naman. Actually kahit kami hindi namin alam kung ano na status nung dalawa. Magulo nga kasi -_-

A- a--- Achoooooo~!

G: SH*T. BAKIT KA BUMAHING NG MALAKAS?!
DA: eeeh kasi pumasok yung alikabok sa ilong ko eh. >_<
K: sinong nanjan?

Oh noes. Ohhh noes. Narinig nila kami! Err. Wala na. It's over. Nabuking na din naman kami. No choice kundi magpakita.

G: eh. Hehe. Hello.
DA: yo!

Biglang natahimik yung dalawa. Uhh. Naistorbo namin yung paguusap nila. Ito kasing si DA eh kung makabahing wagas! >_<

G: sige. Usap na ulit kayo. Aalis na kami. Bye!
DA: oo nga alis na kami. Bye!

Hindi pa din sila umiimik. So dahan dahan na kaming umalis ni DA. Nakakahiya naman kasi sa kanila diba? Kaso di pa kami nakakalayo ng narinig namin na nagbabangayan na naman yung dalawa. Natakot naman kaming iwan yung dalawa kasi baka kung saan mahantong yung away nila.

K: let's just talk tomorrow ok? Pagod na talaga ako.
B: no. We'll do it right now!
K: pwede ba Blue? Nakakapagod kang kausap. Ang tigas ng ulo mo eh! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko na? Sawa na ako sayo ok? Nang matapos na! Hindi na kita gusto at hindi na kita gugustuhin makasama!
B: how could you~! I hate you! I hate you I hate you I hate you!!!!!!!

Nakita namin na pinapalo na ni Blue si Ken sa dibdib niya. At dahil sa takot na din namin na baka kung saan pa mapunta yung away, lumapit kami para pigilan silang dalawa.

G: Blue tama na! tigil niyo na yung pag-aaway niyo!!
DA: bitaw na Blue. Tama na!!
B: PWEDE BA! WAG KAYONG MANGEALAM! I HATE YOU KEN! I HATE YOU I HATE YOU I HATE YOU!!!

Hindi pa din tumitigil si Blue sa paghampas niya sa dibdib ni Ken. Jusko, ke-payat na tao pero ang lakas niya @_@

G: Ken! Ano ba! Pigilan mo si Blue! Baka masaktan siya sa ginagawa niya!!

Wala! Walang respond galing kay Ken. Napaka-heartless talaga!

DA: tama na Blue! Bukas niyo na lang pag-usapan yan ni Ken pag kalmado ka na!!
B: no! hindi pwede!!!
G: itigil mo na yan Blue! Ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh! Please, stop!

Biglang huminto si Blue sa paghampas niya kay Ken. Thank Gad. Pero binaling naman niya yung atensyon niya sakin. NOT GOOD.

B: pwede ba? Wag kang magpangap na mabait sa harap nila! Ikaw naman ang puno't dulo ng lahat kung bakit kami naging ganito eh! THIS IS ALL YOUR FAULT! Ikaw may kasalanan! Ikaw!

PAK.

Teka, kamay ba niya yung dumikit sa pisngi ko? Parang ang hapdi ah. Teka. Ang bilis ng pangyayari. Anong nangyari???

K: Blue! I SAID STOP DIBA? Bakit mo pa dinadamay Grace sa issue nating dalawa?!
B: o ano? Kinakampihan mo na yang babaeng yan?! Sige! Magsama-sama kayo! Iwan niyo na akong lahat! Ganun naman palagi eh. Iniiwan ako! Naiiwan ako! Sanay na din naman ako eh!
K: tara na nga.

Hinawakan ako ng mahigpit ni Ken sa braso ko at naglakad papalayo kung saan nakatayo sina Blue at DA. Hindi ko na nagegets yung nangyayari. Basta ang huli ko na lang na natatandaan.. nasampal ako ni Blue ng malupit sa pisngi ko.



DA's POV
Umalis na sina Ken at Grace. Kami na lang ni Blue naiwan dito. Wala pa din siyang tigil sa pag-iyak niya.

B: sabi ko sayo diba. Hindi ako nagkamali. Iniwan ako ni Ken. Iniwan na naman ako. *sniff* habang buhay na yata talaga akong mag-iisa.
DA: wag mo na kasing ipilit sarili mo sa kaniya. Ikaw lang eh. Panay ang pilit mo. Alam mo namang ayaw na sayo ng tao, pinipilit mo pa din sarili mo. Sinisiksik mo. Anong ineexpect mo na magiging reaction ni Ken diba?
B: pero kasi siya gusto ko..
DA: pero hindi ka na niya gusto eh. Gusto mo nga siya. Pero hindi ibig sabihin na gusto mo, makukuha mo na agad. Kung magkakagusto ka, wag na kay Ken. Playboy yun eh. At isa pa, sasaktan at sasakatan ka din nun sa huli. Mahahanap mo din naman yung guy na magmamahal sayo eh. Maganda ka, sexy, kung aayusin mo lang ang sarili mo at medyo magpapakabait ka, magkakandarapa ang mga lalaki sayo. Hindi mo siya kawalan, Blue. Ikaw ang kawalan niya dahil pinakawalan niya ang isang babae na tulad mo.

Medyo napatahan si Blue sa sinabi ko. Sinabi ko na lahat ng kasinungalingan sa mundo. Sana nga napatahan ko na talaga. Eh hindi ko kasi alam kung paano ihandle yung mga taong umiiyak. >_< Lahat na ng kaisnungalingan, sinabi ko na sa kaniya para tumigil na siya sa pag-eemo. Siya? Kawalan ni Ken? Masaya pa nga ako kay Ken dahil nakawala na siya sa mga kamay ni Blue. Okay, ang sama ko. Ang purpose ko nga pala dito is patahanin si Blue. Tsk.

DA: tahan ka na ok? Tara, kain na lang tayo cake. May masarap na cake daw ngayon sa canteen pero hindi kita pwedeng dalhin doon dahil baka intrigahin ka pa nila kung bakit ka umiyak. Dadalhin kita sa cake shop na madalas kong puntahan. Hopefuly, that cake can cheer you up. Libre ko! So wag ka na umiyak please?
B: *sniff*
DA: o ito panyo. Wag ka na umiyak. Ang ganda ganda mo, tapos umiiyak ka. Hindi bagay sayo ang umiyak. Kaya tahan ka na ok?

Not my best banat, but I hope that helped to cheer her up!

B: nasaan ba yang cake na sinasabi mo? Dalhin mo na nga ako doon at ng makakain na ako.

Dinala ko siya sa cake shop na madalas kong puntahan at umorder nung best seller cake nila! Sana mabawasan yung sadness niya after niya kainin yung cake. Cakes can help you feel happy too ha!

DA: masarap ba?
B: mmm.. masarap nga!

Then she showed me her smile. Not the sweetest though, but not the !@#$ one. It was a genuine smile. Yung smile na hindi mo aakalain na may "b*tchy" image yung kasama ko. Haha.

Tahimik na siya ulit. Siguro iniisip pa din niya yung mga nangyari kanina. Pero hindi na siya umiiyak. Naku, wag na talaga siya umiyak. Hirap i-handle ng babaeng umiiyak >_<

DA: Kung magkakagusto ka, siguraduhin mong doon ka sa tapat. Yung hindi ka lolokohin. Yung alam mong wagas ang pagmamahal sayo, at hindi dahil maganda at sexy ka lang. Yung alam mo na sasaya ka. Yung hindi ka sasaktan. Yung tangap niya kung ano ka. At hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari. Wag ka na kay Ken kasi hindi ka naman sasaya sa kaniya.

Shet, random thought ko lang yun pero biglang nag-slip sa mouth ko yung random thought na yun! Ughh. What to do? What to do? Napatahan ko na eh, baka mapa-iyak ko n anaman dahil sa mga sinabi ko. >_<

Tahimik pa din siya. Hindi siya nag-react. Patuloy pa din siya sa pagkain niya ng cake. Narinig kaya niya ako? Katapat ko lang naman siya eh kaya imposibleng hindi niya ako narinig. Gaaah ano ba to nakaka-praning naman!

B: thanks.
DA: huh?
B: I said thanks.
DA: oh. Wala yun.
B: this is the second time na nag-rant ako sayo.
DA: and the second time that I saw you crying.
B: haha, yeah I know.
DA: basta kung malungkot ka and you feel like crying, kain ka lang ng cake para sumigla and sumaya ka na ulit ok?
B: ok. Will do that. It really works. Medyo gumaan nga yung pakiramdam ko.
DA: o diba effective!
B: yup. *smile*

Ayun na ulit yung genuine smile niya. Buti na lang talaga at effective yung powers ng cake sa kaniya! Hehe.

B: really, thank you.
DA: no problem!
B: *smile*

And then she gave me that genuine smile again.. That smile na hindi ko pa nakikita na ginawa niya sa school. Na kahit sa harap ni Ken, hindi pa niya napapakita. I wonder, ilang tao na kaya ang nakakakita sa maganda niyang smile na yun? Those smile are precious. Mas maganda sana kung araw-araw ngumiti siya ng ganun. Nakakagaan ng pakiramdam eh. Hehe.

Ok. Nawawala na naman yung pagka-Loyal k okay Grasya. Err. >_<

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon