Another Update! :D Heehee. :3 Dedicated to AnonymousXXIX dahil ilang beses na pala niyang paulit ulit na binabasa yung Story na to habang nag-aabang ng update. About 4 times na? Haha. Ang awwwsm! Nakaka-touch :)
Anyway, napakaineeet~ Tara lez Halohalo! :D
======================================
Sir Sadista: ilang linggo na lang at malapit na ang finals niyo. Maghanda-handa na kayong mag-review para makapasa kayo sa subject ko. Paano kayo makakapasa ng 3rd year niyan kung babagsak kayo sa finals ko.
Oooh, we have a bad ass over here. Este, si Sir Sadista nananakot na naman! Shizz. Oo nga. Malapit na na naman yung finals namin. >_< Biglang nagpanic yung ibang kaklase ko nung nabangit ni sir yung exam niya. Eh hello, alam na namin kung pano magpa-exam si Sir. BLOODY.
Sir Sadista: And before that, mag-gegeneral cleaning kayong lahat. Yung mga nakatambak na props, yung mga stuff niyo na nasa locker, yung mga nakatambak na basurahan, and yung iba pang gamit na pwedeng itapon, itapon niyo na. Tignan niyo naman tong classroom niyo, napakadumi. Parang dinaanan ng Bagyong Ondoy.
CLASSMATES: awwwwwwww. Sir nakakatamad naman~
Sir Sadista: aba, wala kayong choice. Announcement yan ng Dean natin. Magbasabasa kasi kayo ng announcements pag nadadaan kayo sa Daily Board ng maging updated kayo sa school niyo.
To be honest, nakakatamad ngang magligpit. Isang taon ba naman namin ginamit tong classroom eh.. imagine-nin niyo na lang kung gaano kadaming kalat meron dito sa classroom namin na nakatambak. Isama niyo pa yung fair nitong Month. Hindi lang mukhang nadaanan ni Ondoy yung classroom namin, para na din siyang Payatas na dinaana ni Ondoy. =___= At wala kaming no choice dahil si Dean na mismo ang nagsabi. Haits.
Pagkaalis ni Sir Sadista, nagdiscuss na si DA nung mga gagawin namin for this month. Hai. Pinoproblema ko pa yung exam ni Sir. T_T
DA: Classmates, mas maganda sana kung ngayon pa lang magligpit na tayo para hindi na yun abala sa pagrereview natin. Ang sabi nga ni Sir, mas magandang maaga tayo magrereview. Kilala niyo naman si Sir, mahirap mapa-exam yan.
CLASSMATES: tama tama!
DA: mamayang dismissal mag-start na tayo ha. Ok ba yun? Kahit yung mga available na lang muna. Biglaan din kasi itong announcement ni Sir kaya baka yung iba, hindi din pwede ngayon. So kung sino man ang available, sana makapagstart na sila mamayang dismissal.
CLASSMATES: Yes Mr. President!
Akalain mong napakabait ng mga kaklase ko. Nakikinig sa Presidente namin. Heh. Sa bagay, magaling naman kasi na leader si DA. Kahit sinong magiging kaklase niya, matutuwang sumunod sa kaniya.
Hmm. Wala naman akong gagawin mamaya.Baka mamaya na din akong tutulong sa kanila magligpit. Sipag mode on! Heeh.
DISMISSAL TIME
Ang konti lang pala namin ngayon na cleaners >_< mukha ngang madaming may mga hindi pwede today. Around 6 people lang kami nandito, including myself and DA.
DA: Grace, mukhang hindi ako makakasama magki-cleaners ngayon. BIglang nagtext yung student council eh, may meeting daw yung mga president.
G: ah ganun ba, sige ok lang. Kami ng bahala dito.
And now that makes us 5. Huhu.
DA: pasensya na talaga ha T_T huhu.
G: sige ok lang :) punta ka na sa meeting niyo at baka ma-late ka na.
DA: sige. Kayo na muna bahala ha. Kung maaga man matapos yung meeting, susunod agad ako.
G: ok!
DA: and..
G: hmm?
DA: wag ka magpakapagod masyado ha?
G: ok Mr. President.
DA: mamimiss kita..
G: ha?!
Ano daw? O_O
DA: wala! Sabi ko una na ko.
G: ah. Ok? Heh. Sige na umalis ka na at baka start na ng meeting niyo.
Nagpunta na si DA sa meeting nila. Kami na lang lima dito ang naiwan. Buhat dito, buhat doon. Jusko. Pinagpawisan ako ng bongang bonga. Naiimagine ko tuloy si Ken at Blue na naglilinis din. Ay. Parang medyo imposible yata. Magbuhat nga lang ng bag si Ken, sakin pa pinapaubaya eh. Tapos maarte pa yung kasama niya =___=
Classmate 1: tara break muna tayo!
Classmate 2: oo nga. 15 minutes lang.
Classmate 3: ang dami pa pala nating lilinisin sa classroom natin. Mukhang bodega na sa sobrang daming nakatambak na gamit >_<
G: haha kaya nga eh. Mabuti na din at nasimulan na natin ngayon para wala na tayong poproblemahin bago mag-exam.
Classmate 4: bili na muna tayo food.
Classmate 2: may papabili k aba Grace?
G: tubig na lang ako. Kahit ako na lang muna mag-isa mag-stay dito. Bili na lang kayo ng food niyo.
Classmate 2: ah sige sige. Bili lang muna kami.
Classmate 1: babalik din kami agad!!
G: ok. :)
At ayun nga, break time daw muna. Umalis silang lahat samantalang ako naman eh nagpaiwan dito. Habang hinihintay sila, nagbuhat muna ako ng ilang stuff para naman mabawasan na yung mga liligpitin namin. Infairness, feeling ko nabawasan ako ng fats sa katawan kakabuhat at kakalakad =__= sobrang nakakapagod, pero worth it naman. Exercise na din eh haha.
*slam door*
Huh? Parang ang ang bilis naman yata nilang nakabalik O_O
May tao ba dito?
Teka parang familiar sakin yung boses na yun ah :|
G: walang tao.
Ay oo nga wala ngang tao. Amazona lang pala nandito. Amazona na nagfi-feeling tao.
Oh. It's Ken. Malas. :|
G: anong ginagawa mo dito Pinya?
K: naiwan ko yung notebook ko sa table ko. Kukunin ko lang.
G: ah. Baket mag-isa ka lang? Nasaan yung bitbit mo?
K: anong bitbit?
G: este, yung kasama mo. Si Blue.
K: may lakad siya ng friends niya. Umalis na kanina pa yun. Eh ikaw. Akala ko ba may kasama kang maglilinis dito? Asan na yung DA na yan? Bakit ikaw lang mag-isa dito?
G: nasa meeting si DA. Yung iba naman bumili ng food sa labas. Nagpa-iwan ako dito.
K: ah ok. Meeting ba talaga? Baka naman dahilan lang yun para makatakas siya sa responsibility niya.
Kainis. Ito na naman siya. Ang sama na na man ng tingin niya kay DA. Akala naman ng Pinyang to napaka-bait niya :| At syempre dahil kaibigan ako ni DA, ipagtatangol ko siya!
G: pwede ba, wag mo siyang itulad sayo. Mabait si DA.
K: hoy. Mabait din naman ako ah! Mas mabait pa nga ako eh. Mas matalino pa! At mas gwapo.
G: pinuri mo na naman sarili mo.
K: totoo naman ah!
G: tss. Wag ka na ngang maingay. Nag-iilusyon ka na naman eh. Kahit paikutin mo pa ang mundo, mas mabait pa din sayo si DA.
K: bakit ba panay kampi mo jan sa lalaking yan?
G: eh kasi kaibigan ko siya!
Ay naku ito na naman kami. Mag-aaway na naman ba kami? Bakit ba kasi hindi pa siya umalis pagkakuha niya nung notebook niya?!
K: kaibigan? Baka naman dahil crush mo?
G: hindi ko siya crush ok? Wag mo nga bahiran ng malisya yung pagkakaibigan namin.
K: tss. Hindi ako naniniwala. Akala ko ba ako yung crush mo?
G: @_@ O_O >_< >///< *blush*
ANO DAAAAAAAAAAAAAW? G@GO DIN TO AH! Badtrip! Bakit na naman niya naalala yun?! Ugh!
G: ha?! e-excuse me?! Hi-hindi kita crush ah! Hi-hindi!
K: ah. Talaga lang ah.
Badtrip. Bakit ba niya pinaalala sakin yun? Ugh. Alam na niya kung anong weakness ko. Nakakainis. Oo na. Sige na. Inaamin ko na. Semi-crush ko siya! SLIGHT. Ok? SLIGHT! Pero.. pero hindi ko sasabihin sa kaniya yun. NEVER! Idedeny ko lang ng idedeny. Dahil pag nalaman niyang totoo, panigurado, lalala yung sitwasyon! UGH! Kainis!
Bigla siyang umupo sa tabi ko, tapos lumapit pa siya sakin.
K: o? Don't tell me wala kang nararamdamang something special pag magkasama tayo? Tulad ngayon, tayong dalawa lang nandito sa room na to.
G: a-asa ka naman. Feeling mo naman. Kahit kelan, wala akong nararamdamang kakaiba kahit pa na tayong dalawa lang magkasama.
K: oh? Talaga? Kahit lumapit pa ako sayo ng ganito?
Sh*t na Pinya to. MAS LUMAPIT PA SIYA SAKIN. Ano bang problema ng lalaking to? Talagang prinoprovoke niya ako. Gusto ba niyang... HALIKAN KO SIYA?! Ay, joke lang. Waaah~ Napakalapit na niya sakin. >_<
G: *natulala* a-anong ginagawa mo? Bakit ka lumalapit sakin?!?!?!
K: o ano? Wala ka pa ding nararamdaman?
Shet ang gwapo niya. Feeling ko namumula na ako. Natulala na ako sa kagwapuhan niya. Nagiinit yung tenga ko....
G: Ken pwede bang medyo lumayo ka ng konti? Ang inet kasi..
Nakatingin pa din sa akin si Ken. Nakaka-mesmerize yung mga mata niya. Parang anytime, matutunaw na ako sa pagkakatitig niyang yun sakin. Ugh. Hindi... hindi tama itong nnararamdaman ko. Alam kong crush ko siya, pero hindi naman super crush yun..hindi siya yung type of crush na... na magpapakabog sa puso ko ng ganito.
Kabog. Kabog. Kabog.
KEN's POV
Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at inasar ko ng ganito si Grace. Pero one thing's for sure, nag-eenjoy ako sa ginagawa kong pang-aasar sa kaniya. Nakakatawa kasi yung reaction niya sa tuwing inaasar ko siya ng ganito. Hindi mapakali na ewan. Cute.
Wait, did I just said CUTE? Erase erase erase!
K: o ano? Wala ka pa ding nararamdaman?
Mas lumapit pa ako ng konti sa kaniya. Sa sobrang lapit ko sa kaniya, halos makita ko yung biglang pag-iba ng expression ni Grace. Hindi ko sure kung dahil ba pagod siya o dahil inaasar ko siya, pero nakita ko kung paano siya namula. Pulang pula ng mga pisngi niya.
G: Ken pwede bang medyo lumayo ka ng konti? Ang inet kasi..
Our eyes met. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko magawang tangalin yung pagkakatitig ko sa kaniya. Ang alam ko, joke lang tong ginagawa ko. Pang-aasar. For fun dahil nag-eenjoy akong asarin siya. Pero bakit biglang nag-iba yung pakiramdam ko? Biglang bumilis tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan na ewan. Sh*t. Parang nakakaramdam ako ng kabog sa puso ko.
Kabog. Kabog. Kabog.
GRACE's POV
Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito Ken? Ginagawa ko na nga lahat para mapigilan tong nararamdaman ko, pero ikaw itong lumalapit sakin. Anong gagawin ko kung lumalim pa tong "crush" feeling ko sayo? Alam kong mali pero.... anong magagawa ko kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit ako lalong nahuhulog sayo?
Maya-maya pa, biglang lumayo si Ken. Parang di siya mapakali. Anyare doon? O_O
K: o ano? May naramdaman ka ano? Sabi ko sayo eh. Sige tapusin mo na yang ginagawa mo. Uhh. Aalis na ako. Yosi lang.
Tumayo siya agad at nagmamadali siyang lumabas ng classroom. Parang biglang nag-iba mood niya. Magjojoke siya sakin ng ganun sabay siya din bibigay sa huli. Ang weird talaga nun.
Pero inaamin ko. Bigla nga akong nakaramdam ng kakaiba. Kaba na di mo maintindihan. Kilig? Shet. Ayoko ng ganito, naguguluhan ako!!!!
*slam door*
Classmate 4: Grace nandito na kami.
Classmate 2: o anyare sayo? Bakit namumula ka?
G: ha? Eh? Namumula ako?
Classmate 1: oo. Anyare sayo? Ok ka lang ba?
Classmate 3: nung iniwan ka naman namin kanina, ok ka naman..
G: ah. Oo. ok lang ako. Uhh. Pwede bang mauna na ako sa inyo umuwi? Parang di ko na kasi kayang magbuhat pa eh.
Classmate 2: sige ok lang. Kami ng bahala dito. Mukhang nagbuhat ka na din pala kanina habang wala kami.
G: salamat.. pakisabihan na lang si DA na nauna na ako ah. Susunod daw kasi siya dito kung maaga daw matatapos yung meeting nila.
Classmate 1: sige sabihan na lang namin siya.
Shet, bakit ganito. Di pa din ako mapakali. Ayoko talaga ng magulo. Ayoko ng nagiisip. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yung di mapakali na di mo maintindihan. Shet, bakit ba kasi naging semi-crush ko si Ken? Ano bang nakita ko sa kaniya at naging semi-crush ko siya? Wala naman maganda sa ugali niya ah. Ugh!
Wala talagang magandang maidudulot ang pagka-semi-crush ko sa lalaking ito. Waaah~
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...