//---- AUTHOR'S NOTE: Wow. Antagal ko na din hindi nakaka-update dito. And nakakatuwa kasi nung chineck ko number of reads ng story, umabot na siya sa 11K. O_O haha. And thank you din sa mga comments, nag-fan and nag-add ng story ko sa Library nila :) Comment lang kayo sa story ko ha. Heehee :) And to my readers, Mwaaah! *group hug* haha :)
PS: walang role dito si Ken. magpapamiss daw muna siya sa inyo. :P ----//
Ayun, dumating din ung oras ng deadline. Naireport naman namin kay Sir Sadista ng maayos yung project namin though medyo sumablay pa ako kanina kasi nagkamali ako ng intindi sa tanong ni Sir -___- Pero at least ok na kami diba! Sure pass na kami nito for sure!
DA: oi Grasya! May gagawin ka ba this Saturday?
G: wala naman Ernesto. Baket?
Sa tuwing tinatawag niya akong Grasya, tinatawag ko naman siyang Ernesto. Gantihan lang!
DA: tara sama ka samin. May imimeet akong fangirls and fanboys kasi magcecelebrate kami ng birthday nung isa kong "tomodachi". Masaya yun! XD
G: oo ba! Wala naman na din tayong gagawin eh. Tapos na di naman tayo sa project. XD
So ayun. Saturday it is. May raket kami ni DA. Shet naexcite ako tuloy. Ngayon ko lang kasi maeexperience ang fumangirl kasama yung ibang fangirl (and fanboys) eh. Wahahaha. Annnd makakapag-fangirl na ulit ako dahil tapos na kami sa project namin. Yay!
DA: sama mo na din si Jared hehe :D
Ay. Ansabi? Sasama ko daw si Jared. Hala ka! O_O
G: tuwang tuwa ka masyado kay Jared ah. Type mo yata eh -___-
DA: hindi ah! Kaw naman selos ka na agad. Dali isama mo siya ha.
G: oo na kulet.
Feeling ko talaga type niya si Jared. Kasi lagi niyang hinahanap tsaka kinakamusta sakin ever since na nagkakilala sila eh. Feeling ko talaga half-half tong si DA eh. Half Boy, Half Girl. :|
--------------------
Araw ng Sabado. Usapan namin na magkikita-kita kami sa tapat ng isang Japanese Restaurant kasi doon daw yung "gathering" nila. Kasama ko na si Jared tapos si DA na lang hinihintay namin. Late na siya sa usapan namin ng 15 minutes. Tss.
J: ano naman gagawin niyo sa gathering? Para ba yang children's party??
G: to be honest, hindi ko din alam. First time ko lang umattend sa mga ganito eh. Buti nga at pumayag kang sumama. Kinukulit kasi ako ni DA na isama ka eh. Type ka niya ata >_<
J: haha, loko ka. :P o eh nanjan na pala siya eh.
Nagmamadaling tumakbo palapit samin si DA. Grabe lang pagod namin sa paghihintay niya infairness ah. Sarap kutusan ang tagal kasi!
DA: sorry na-late ako! Traffic kasi eh!
G: traffic your face. 15minutes kang late. Dapat ilibre mo kami ni Jared!
DA: oo sige libre ko na kayo. Sorry na -_____-
G: well, dahil ililibre mo kami, you're forgiven na!
Ganun lang naman ako kadaling kausap eh. Basta ba sulsulan niyo ako ng pagkain lalo na kung libre, forgiven ka na sa mga kasalanan mo sakin. Muhehe! :D
So dinala na ni DA sa Japanese Restaurant na tinutukoy niya. Actually, cake shop siya tapos yung may nagseserve sa loob eh mga cute na maids. Naka-black dress sila na may malalaking ruffles. Maid Café yata tawag sa kanila. Akala ko sa anime lang ako makakakita ng ganun. Ngayon mismong nasa harap ko na sila ngayon at pwede ko silang hawakan. Ang cute nila!!! Tapos ang sasarap pa nung desserts na sine-sell nila. Ang kukulay at parang ang sasarap pa. Weee~ Kahit yung ambiance mismo nung Cake Shop ang ganda. Japanese na Japanese ang dating plus decorated siya with some "kawaii" stuff. :P
Doon kami umupo sa may bandang dulong part ng shop. Napansin namin ang daming nagkukumpulang mga tao. I guess sila yung mga friends ni DA. Ang ingay nila :O
DA: ui! Sorry late ako. Pakilala ko pala sa inyo friends ko. Siya si Grace tapos yung katabi niyang gwapo ay si Jared.
Biglang nag-flail yung ibang fangirls nung napakilala ni DA si Jared sa kanila. O_O shet. May fangirls na agad si Jared. Bilis ah =))
Edi ayun, ginawa namin yung "ginagawa" din nila. Nag-flail. Kumanta. Nagkwentuhan. May isa pa nga sa sa kanila nagdala ng laptop eh. Nanood kami ng ibang mga palabas doon.
J: so ito pala tinatawag nilang "fangirls" and ganito din ginagawa ninyo.
G: hehe oo. Bored ka na ba? >_<
J: haha nope. Enjoy naman eh. Nakakatuwa kayong panoorin :P
G: ay hehe pasensya na. Ganun talaga kami. Nagfe-flail kami pag yung idols na namin napaguusapan.
J: pansin ko nga eh. Pero mas gwapo naman ako sa kanila no B)
G: haha! Ewan ko sayo! May mga fangirls ka na nga eh XD
J: haha ikaw may fanboy.
G: fanboy? Ako? Sino?
J: edi ako! :P
G: hahaha baliw!
Ui pero inaamin ko. Kinilig ako doon sa sinabi niya. Hahaha :D landi ng lola mo haha. Baket ba! Eh sa nakakakileg yun sinabi niya eh >_<
FANGIRL1: Kuya mukha kang anime. Fanboy ka ba?
J: ha? Hahaha hindi eh
FANGIRL2: pero mukha kang anime! Parang kang anime na lumabas sa TV!!!
J: ah ganun ba? Hehe, thanks!
O diba. Dami na niyang fangirls. At pinagkaguluhan na siya. Haha. Pero ok lang. Ang mga Dyosa hindi yan madamot. Bagkus, mapagbigay pa sila. So ok lang SAKIN. Ay. Ano daw? Inangkin? Haha!
DA: oiii tantanan niyo na si Jared. May GF na yan no!
FANGIRLS: eeeeh?!
Biglang ngumuso si DA pa-direksyon sakin. Napatingin naman lahat sakin yung fangirls ni Jared and in synchronization, sinabi nila:
FANGIRLS: WEEEEEEH DI NGAAAAAA?!
J: hindi ko pa siya girlfriend, pero doon na din yun mapupunta. :P
FANGIRLS: WEEEEEEH DI NGAAAAAA?!
At inulit pa nila. Ay sorry naman no? Sorry kung nakaka-disappoint yung narinig nila. Sorry kung hindi ko na-meet yung standard nila para doon sa "sinasamba" nilang si Jared. Sorry naman. Hahaha. Natawa na lang ako sa reactions nila eh. Pero di naman sila naging harsh sakin kahit nalaman nilang you know ako ni Jared. Kinakausap and kinukulit nga lang nila ako lalo. =____=
Mga bandang 6pm na nung natapos yung gathering. Ang saya lang ng event eh. Paano, nakakilala ako ng new friends. Tapos for the first time na-experience ko din yung ganitong mga gaths. Ang sarap pala ng feeling pag fumafangirl ka ng may kasama XD Ang mas masaya pa sa araw na ito eh nilibre ako nina Jared at DA. Sino ba namang hindi sasaya pag nilibre diba? Hehe --, Nilibre nila ako nung cake. Ang cute talaga, parang nakakahinayang kainin >_<
DA: ang saya dibaaa?
G: oo nga eh! Next time sama ulit ako ah!
DA: sure!
G: kaw din Jared sama ka ulit ha?
DA: oo nga! Para matuwa yung mga tomodachi ko. Hehehehe.
J: hmm.. kung may next time pa :)
G: eh? Bakit naman? Meron pa yan for sure!
J: *smiles*
Ito na naman yung weird aura ni Jared. He just smiled at us, pero parang pilit. Ewan ko ba. Parang napapadalas na ganun yung aura niya kapag nakakasama ko siya. Feeling ko talaga may something siya na hindi niya sinasabi sa akin..
Hindi kaya nadedevelop na din siya kay DA? O_O ay shet, joke lang. >_<
DA: hatid na kita Grace.
G: ha?
DA: ay sorry hahatid ka nga pala ni Jared. Wah~ sorry sorry! *bows head*
J: haha, ok lang. Hmm, may lakad din kasi ako after. Ikaw na lang din maghatid kay Grace sa kanila.
DA: eeeh? Talaga ok lang sayo? Wow, great!
Hyper na naman tong si DA. -___- kanina pa siya maingay eh, pansin niyo? Hahaha.
G: eh? Saan ka punta?
J: hmm, may aasikasuhin lang akong papers. :)
G: papers? Sa gabi? Diba sarado na mga office?
J: kamaganak ko naman yung nag-aayos ng papers kaya pwede kong iabot sa kaniya directly
G: ah.. ok.
J: DA, kaw na bahala kay Grace ha? Una na ako sa inyo.
DA: ok ingat!
G: ingat ka!
Tapos ayun, umalis na si Jared. Papers? Anong papers kaya yun? Papers kaya sa kasal namin yun?? Ay, joke lang HAHA.
DA: ang aga pa, wag muna tayo umuwi!
G: o eh saan naman tayo?
DA: wala lang. Gala lang muna tayo sa mall XD
G: ah ok. Medyo tinatamad pa naman ako umuwi.
So ayun, inikot namin yung buong mall. We talked about fandom, how and when he and I started liking Korean and Japanese music. Kung sino bias namin and stuff related to fandom nga. Walang tigil kami sa kakatawa, eh kasi naman ang bebenta nung mga jokes niya.
Then bigla naming napagusapan si Jared. Intrigero talaga tong lalaking to. Palibhasa type niya (ata) si Jared kaya kinukulit ako eh. -_____-
DA: matanong ko lang, kelan ka pa nililigawan ni Jared?
G: Hmm.. di ko alam eh. Basta bago magtapos yung school year last year nanliligaw na siya
DA: ah.. eh bakit di mo pa siya sinasagot?
G: ha? Eh di ko alam eh..
DA: bakit? Eh diba mafifeel mo naman kung mahal mo na yung isang tao?
G: hindi ko alam eh. Kasi to be honest, hindi pa ako naiinlove. Kaya di ko alam talaga..
Shet parang ang awkward ng topic namin. Love stuff eklavoo. Eh wala naman talaga akong alam sa mga ganyan >_< Itong si DA lang mapilit pagusapan yung topic na yun. T_T Well since napagusapan na din namin, bakit nga ba hindi ko na lang siya tanungin. Like you know, tips on how to know if you are really in love with that person.
G: eh ikaw? Paano mo naman masasabi pag inlove ka na?
DA: well, I am not sure kung LOVE nga ba ang tawag doon. Pero that time, I was the happiest person when I'm with this girl. Every little thing she does makes my heart go flutter. I had butterflies in my tummy without knowing kung bakit. Alam mo yun, parang kinakabahan ka kapag kasama mo siya. Kinakabahan in a sense na hindi mo alam ang gagawin mo kapag kasama mo siya. Tapos gusto mo siyang makita everyday... gusto mo siyang makausap. Kinikilig ka kapag nakakausap mo lang siya. Miss mo na agad siya at as much as possible, gusto mo siya makasama ng mas matagal sa isang araw.
G: ah..
DA: pero kaniya kaniyang perception naman kasi ng pag-ibig yan. Maaring iba yung ibig sabihin ng salitang "pag-ibig" sayo. Basta ang sakin lang, hindi mo kailangan ng dahilan para magmahal at mahalin ka ng isang tao. Kasi ano na lang mangyayari kung nawala yung "dahilan" diba? Edi ibig sabihin hindi mo na mahal yung isang tao? Mali naman yun diba? At dumadating si "pag-ibig" sa mga unexpected situations. So minsan, mabibigla ka na lang "Shet, inlove na pala ako sa kaniya!". Ayun. And wala din yan sa tagal ng pagkakakilala mo sa tao. Hindi ako naniniwala sa mga ganun :P Basta once na tumibok ang puso ko, wala na. It's over na. Inlababo na ako doon sa taong yun hehe
G: ah... so ganun pala yung "Pag-ibig"...
Pag talaga pag-ibig na ang pinaguusapan, napapa-seryoso mo ang isang tao ano? Tulad na lang nitong si DA. Lagi kasi siyang hypher at puro kalokohan yung mga sinasabi niya pero nung napagusapan namin yung tungkol kay "Pag-ibig", bigla na lang siya naging seryoso and yea, sentimental. O_O Feeling ko tuloy hindi si DA yung kausap ko -____________-
DA: ikaw ba,nafeel mo na din ba yun?
G: oo. Kaso...
DA: kaso ano?
G: kaso parang may kulang?
DA: paanong kulang?
G: Si Jared, lagi niya akong pinapasaya. May mga times na kinikilig ako pag kasama ko siya. Pero pakiramdam ko parang may kulang pa eh. Oo, kinikilig ako pero parang iba... Di ko maexplain eh waaah @_@
DA: ahh. Naku mahirap yan. Maaring mamisinterpret mo ang LOVE sa LIKE.
G: eh anong gagawin ko?? Di ko nga alam kung ano tong lintek na nararamdaman ko eh! At isa pa..
DA: ano naman yun?
G: ano eh..
Ehhh. Paano ko ba sasabihin? Nahihiya kasi ako eh. Parang nadidiri din ako sa sarili ko kapag naiisip ko yung "bagay" na yun. Pero kasi namaaaaan waaaaaaaaah asjkghkfg
DA: ano nga yun?
G: eh ano kasi. Ganito yun. Wag kang tumawa ha? Kung hindi ihuhulog kita sa bangin. T___T
DA: oo pramis. O game. Ano yun?
G: minsan may weird feeling din ako kapag kasama ko yung isang tao.
DA: oh tapos?
G: tapos ano eh.. ewan ko di ko maintindihan pero lagi kaming nagtatalo. Hindi talaga kami magkasundo! Pero may mga times na pag nakakasama ko siya, I feel heartburn in my chest? Parang bigla na lang kakabog yung puso ko pero hindi ko naman siya gusto! Ewan ko naguguluhan ako!
DA: so yung nafifeel mo kay Jared, nafifeel mo din doon sa isang tao?
G: oo parang ganun na nga. Gets mo ba? Kasi naguguluhan ako sa sarili ko eh. Waaaah @_@
Tengene kinikilabutan ako sa mga nirereveal ko kay DA. Nakakakilabot parang gusto kong isuka yung mga sinasabi ko T____T
DA: so you're confused, eeeeh.
G: confused your face! Hindi ako nacoconfuse sa kanila. Nacoconfuse ako sa nararamdaman ko. Kasi ang labo nila. Mas Malabo pa sila sa mata ko. Pakshet.
DA: and do I know this other person who makes your heart race?
G: race mo mukha mo. At paalala ko lang sayo, di ko siya gusto ok? And secret ko na yun kung kilala mo siya o hinde!
DA: eeeh. Ikaw ha, may sinisikreto ka na sakin. --,
G: tse! Ewan ko sayo.
Dapat talaga hindi ko na lang inopen-up sa kaniya yun eh. Ay naku, nakakainis lang! And kahit kulitin pa niya ako, di ko sasabihin sa kaniya kung sino!
Kayo ba kilala niyo kung sino yung tinutukoy ko? Hindi diba? Please say No!!! >_<
DA: total naman may sinabi ka saking sikreto, ako naman may sasabihin sayo.
G: o ano yun?
DA: may crush ako ngayon.
G: weeeh di ngaaaa at sino naman yan ha?! Pakilala mo naman sakin!
Hulaan ko. Si Jared crush niya. Heheheeh --, Joke!
DA: teka nga! Patapusin mo muna kasi ako! Ayun nga. Tapos pag kasama ko siya ang saya ko. Ang kwela niya kasing tao tapos ang cool cool niya! Ang funny niyang kasama actually. Tapos parang ayokong maghiwalay kami kasi feeling ko mamimiss ko siya agad. Kaya nga kung pwede lang, pinapatagal ko yung oras pag magkasama kami eh. At pag kausap ko siya, malakas kabog ng puso ko.
G: oh tapos? Anong nangyari?
DA: tapos, tapos na!
G: eh?! Ano ba naman klaseng kwento yan, tapos na agad?!
DA: oo. Eh kasi meron na siyang someone eh.
G: eh? Naunahan ka? Sayang naman!
DA: hindi naman.. basta as long na nakikita ko siyang masaya, masaya na din ako. Tsaka crush ko lang naman siya eh. Hanggang doon lang naman yun. Hehehe.
G: ah.. ok. Labo nun ah. Crush mo pero yung symptoms of being inlove, nafifeel mo sa kaniya. Sino ba yung crush mo?? Kakilala ko ba yan?
DA: hehe secret din!
G: daya!!!
Natawa ako doon. For the first time kasi nag-open up ng secret sakin si DA. At yung topic namin ngayon eh di related sa fandom ha. Infairness naman :D
DA: Grace
G: ow?
Bigla niyang kinuha yung kamay ko tapos nilapat niya sa puso niya. Hala, anong nangyari doon? O_O Maglu-Lupang Hinirang ba siya at bakit kamay ko pa yung ginamit niya? Labo amp!
DA: nafifeel mo ba?
G: ang alin??
Imbes na sumagot siya, nginitian lang niya ako. Ano ba gusto niyang mafeel ko?? Yung puso niya? Eh may puso din naman ako ah, bakit kelangan hawakan ko pa yung puso niya? O_O
Dug dug. Dug dug. Dug dug.
G: ang lakas ng kabog ng puso mo! O_O Anyare sayo?
DA: hahaha
Hindi na naman niya sinagot yung tanong ko. Hala eh bakit ang lakas ng kabog ng puso nun? May sakit ba yun sa puso? Eh kung meron dapat kanina pa nangisay yun. Ah. Baka kaya ganun kasi kinakabahan siya kanina nung kinukwento niya yung secret niya sakin O_O Ah. Ganun ba kalupit yung sikreto niyang yun at para kabahan siya ng ganun? O_O
DA: tara na nga ihatid na kita sa inyo at medyo late na din
G: oo nga eh. Napasarap masyado kwentuhan natin haha! Oi sikreto lang yung mga napagusapan natin ah!
DA: ni hindi ko pa nga kilala yung tinutukoy mo kanina eh..
G: eh naku. Wag mo ng alamin at hindi mo naman ikamamatay pag nalaman mo yun. Hahaha
Mga 10pm nung umalis kami ng mall. Iniisip ko kung sino yung crush ni DA. Hindi kaya si Jared yun? Eh kaso kakakilala lang naman niya kay Jared eh.. OH NOES. DON'T TELL ME SI KEN YUNG.... O_O
G: DA may tanong ako pero wag mong mamasamain ha?
DA: ano yun?
G: are you Gay? :|
DA: HAHAHAHAHA WHAT?!
G: just answer me!
DA: of course not!
G: eh semi-gay?
DA: hahaha! May ganun ba?!
G: oo. Ikaw. -_____-
DA: ay naku Grasya ewan ko sayo. Hahahahaha
G: ewan ko din sayo Ernesto. -_____-
Aba. Malay ko ba kung semi-gay siya ngayong nalaman kong si Ken pala yung crush niya..... -_____- No wonder kung bakit ganun na lang kalakas tibok ng puso niya. -_____-
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...