CHAPTER 82: Email

9.3K 71 27
                                    

A/N: I dedicate this chapter to choppychoppychicchic dahil isa siya sa avid fan din nitong story na ito. Salamat sa matyagang paghihintay ng aking super bagal na update! :) Hehe!

Para sa mga fans jan ni Jared, this update is all about Jared! Alam ko kasing miss niyo na siya, at miss na din niya kayo. Teehee! ;3

==========================

At dahil Sunday ngayon, pinagbigyan ako ni Boss na mag-"Day Off". Parang katulong lang eh no? Saya nga eh. May "Day Off" pa ako. Infairness naman nagkaroon pa ako ng benefit sa pagtira ko sa bahay niya. Dibale, last weekend ko naman to kasama siya dahil starting next week, sa bahay na ako mag-i-stay every weekends :>

Pero infairness, ang boring pala pag di ka nauutusan ni Boss. Di ako mapakali. Di ko alam kung anong gagawin ko kasi wala nga naman akong magawa. @_@ Bumaba ako para i-check kung anong ginagawa ni Boss. Busy siyang naglalaro ng Battlefield sa PS3 niya. Kaya naman pala ang tahimik niya.

G: Boss.
K: ano?
G: pahiram na ako ng laptop mo oh. Please?
K: hindi pwede.
G: eeeh~ hindi mo naman ginagamit eh! At tsaka busy ka naman maglaro ng PS3 eh..
K: basta hindi pwede. Wag ka ngang magulo! Kitang naglalaro ako eh.

Pfsssh. Ang damot talaga! >_< hindi naman niya kayang gamitin ng sabay yung PS3 at laptop niya eh! Bakit ba ang selfish nun?! Aha! Alam ko na >:3

G: *humarang sa tapat ng TV* Boss!
K: wag ka ngang humarang jan! *umiiwas sa nakaharang na si Grace*
G: *sinundan kung nasaan nakatingin si Ken* Booossss!
K: WAG KA SINABING HUMARANG EH!
G: BOSS BOSS BOSS BOSS!!!!
K: OO NA SIGE NA GAMITIN MO NA! ARGH!
G: YEHEY!
K: OH MEEEEN. KITA MO NANGYARI, NAMATAY TULOY AKO!
G: ok lang yan! Ulitin mo na lang ulit! :D

See! Effective ang pagharang ko sa kaniya! Hehehe. Sa wakas, may magagawa na din ako. Laptop-san, Internet-sama, you're mine!

K: wag ka ngang magulo! Wag mo akong istorbohin pag naglalaro ako! Ngayon na nga lang ulit nakakapaglaro eh. Mag-laptop ka lang jan! Wag kang lumapit sakin!

G: hehe yes Boss.

So the usual, magchecheck ako ng email. Then facebook time. Maglalaro na lang ako ng kung ano anong games na matripan ko sa Facebook. Hmm. Makapag-tanim nga sa Farmville ko. Maghaharvest pa pala ako. Nyehehe.

Pagka-open ko ng FB ko, meron akong SOBRAAANG DAMING NOTIFICATION na kailangan tignan. Mga 5 lang naman. Tapos puro invitation sa laro. ANG DAMI DIBA? Haha. Meron din akong super daming friend request like 0/zero lang naman. Pero infairness naman, may mga message ako. Sweet!

Sino naman kaya nag-message sakin?

*clik clik click*

Group message. Skip

Chain message. Skip

Random message from some Random dood (na mukhang goon). Skip

Message from Jared. Ski---

WAIT. MESSAGE? FROM JARED? OMG!

G: KEN KEN KEN KEN KEN!!!!
K: ano na naman ba?! Sinabing wag ka magulo diba!
G: ah. Sorry. Nevermind. May nag-message kasi sakin..
K: ano naman pakialam ko sa nagmessage sayo?! Wag ka ngang istorbo. Kita mong naglalaro ako eh.
G: sorry.. Sige na laro ka na. Nagmessage kasi sakin si Jared. Just so you know..

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon