CHAPTER 52: Pre-Valentine Surprise

10.4K 75 0
                                    

GRACE's POV

Nakalipas ang ilang linggo, bumalik din sa dati yung paguusap namin ni Ken. Hindi na namin pinagusapan yung mga nangyari sa amin nuong Christmas Break. Pagkapasok niya galing sa kaniyang mahabang "break" (akala mo artista eh no), medyo hindi pa kami nagpapansinan. Alam niyo yun, ilang. Pero habang tumatagal, bumabalik din kami sa dati. Ewan ko. Siguro para sa kaniya, hindi big deal yung nangyari. Pero para sakin... Haaaaai naku, hayaan ko na nga yun! Kesa naman sa problemahin ko pa yun diba? Magugunaw na ang mundo (wag naman sana), at ayokong sayangin yung oras ko sa pag-eemoooow. Emo are for losers ok? Haha.

M: Hui Grace. Ang lalim na naman ng iniisip mo.
G: ha?
M: tinatanong ka nung dalawa. Pansinin mo naman daw sila
G: ano ba yung tanong niyo?
A: for the nth time, anong balak mo sa Sunday?
G: Sunday? Anong meron sa Sunday??
C: OMG Grace! Tao ka ba or whaaaat?
G: teka teka, ano ba kasing meron? Ang OA mo naman.
C: it's valentines next week!
G: oh. Ngayon?

Kita mo tong mga to, akala mo naman katapusan na ng mundo! (ok. Parang ang ironic sa sinabi ko kanina). Parang Valentines lang eeh..

A: pupunta si Collin sa bahay para magbake. Gusto mo bang sumama?
G: bake? Di ako marunong eh
A: pare-pareho lang naman tayong di marunong eh. Kaya nga sabay sabay tayo nina Collin sa Monday gagawa para naman matuto tayong tatlo.
G: tatlo? Bakit si Mae ba di sasama?
M: hmm. Hinde. Nagyaya si Ate maglagalag sa araw na yun. Ganun din sa mismong araw ng Valentines. Alam mo namna yun, emo every Valentines. Sasamahan ko lang.
G: ahh..
A: bale dalawang beses kang ililibre ng big time mong ate?
M: parang ganun na nga. Mwahaha
C: so ano Grace? Sasali ka na samin ni Anna? :3
G: ewan. Haha
C: ano ka baa! Exciting kaya yun! Alam mo yung feeling na pinaghirapan mo gawin yung something tapos after nun, ibibigay mo siya sa special someone mo? Ang sweet dibaaa?
G: special someone? Wala ako nun.

Ginagago ata ako ng mga to eh. Wala nga akong special someone, sinasali pa nila ako sa kalokohan nila. Eh in the end, ako lang din naman kakain ng pinaghirapan kong i-bake eh. Eh kung bumili na lang ako sa labas diba? Mas masarap pa yun kesa sa gawa ko for sure!

M: edi bigay mo kay Ken.
A: oo nga naman! Nanjan naman si Ken para tangapin yung gagawin mo eh!
G: lul.
C: sumama ka na please?
G: secret.
A: pa-hard to get ka naman oh! Sumama ka na!
G: pag-iisipan ko
C: pleaseee?
G: pag naging pink na ang buwan
A, C: Grace naman eeeh!!!!



Ok. In the end, napasama din ako sa kalokohan nila.

SUNDAY. Naabutan kong nakahanda na yung mga utensils and recipes na gagamitin nila.. err-NAMIN. Ewan ko ba kung anong napasok sa isip ko at pumayag naman akong sumama sa kanila. -____-

C: we decided to make chocolates since mas madali siyang gawin compared sa pag-bake ng cake.
A: all we have to do is to melt this bar of chocolate, add the ingredients and *poof* may home made chocolate na tayo!
G: *clap* *clap* *clap* astig. Ang dali lang pala eh. Pwedeng gawin ko na lang sa bahay yan mag-isa?
A, C: Grace naman eeeh!!!!
G: fine, fine!

AFTER 1 AND A HALF HOURS...

C: yay! Tapos na natin!!!
A: ang cute naman ng sayo Collin!
G: waw. Bakit ang ganda ng sa inyo? Yung sakin ang weird ng kinalabasan. :|
A: ikaw kasi pasaway ka. Sinabing tunawin mo pa yung bar, eh nilagay mo agad sa molder. Ayan tuloy kinalabasan. Pero *tinikman* masarap siya ah. May nilagay ka ba dito? Bakit iba sa lasa nung samin ni Collin?
C: patikim nga! *tikim* oo nga ano! Bakit iba yung lasa ng sayo?
G: ahh. Nilagyan ko ng special recipe kasi yan
C: special recipe? Ano yun?? Bakit wala naman akong nabasa dito sa baking book.
A: oo nga, ano yung special recipe??
G: ang special recipe ay...
A, C: ay...?
G: WAGAS NA PAGMAMAHAL.
A, C: Grace naman eeeh!!!!
G: heeheehee JOKE LANG :>

Natapos na namin gawin yung chocolates namin. Ang cucute nung gawa nina Anna at Collin! Pero yung sa akin, hindi maintinidhan yung itsura! Pero infairness sa gawa ko ah, sabi nila eh mas masarap yun lasa nung sakin. Aba naman syempre, ginawa ko yun dahil may "wagas na pagmamahal" doon no. loljk. HAHAHAHA.

A: ito, para kay Cedric my loves. For sure matutuwa siya ♥
C: ito naman para kay Crom my honey~ ♥
G: ito naman ay para kay...
A, C: kay...?
G: kay...
A, C: kanino??
G: kay Grace. :3
A, C: ayan ka na naman eeeh -___-
G: eh ano?! Wala naman talaga akong pagbibigyan nito eh! Edi sa sarili ko na lang! "To Me, From Me." happy valentines to me! Woo!
C: baket hindi mo bigyan si Jared?
G: hmm.. oo nga ano! Tama si Jared! :)
A: Si Jared lang ba? Eh paano naman si Ken?
G:excuse me? Kay Ken?
C: oo nga naman! Bakit hindi mo na lang ibigay kay Ken! For sure matutuwa siya!
G: excuse me sa inyo? Kahit kailan hindi ko siya bibigyan ng chocolate ko no! after all those things na ginawa niya sakin? At baka mag-feeling pa siya na may gusto ako doon no!

And for sure, madami din magbibigay sa kaniya ng chocolate sa Valentines... so bakit ko pa pagsisiksikan yung sakin diba?

A: ano ka ba. Edi sabihin mo sa kaniya na kaya mo siya binigyan nun kasi nagte-thank you ka sa kaniya.
G: thank you para saan?
A: alam mo ikaw, masyado kang nega kay Ken eh. Kahit naman ganun siya sayo, mabait pa yun no. isipin mo kaya yung mga magagandang ginagawa niya sayo. Tulad ng...
G: tulad ng ano?
A: tulad ng.... uhhh... hmmmmm... ahhhhh....
G: kita mo, pati ikaw walang maisip.

Oo nga. Ano nga ba yung mga magagandang bagay na ginawa sakin ni Ken? Parang wala naman akong maalala! Puro mga pambubully lang naiisip ko sa tuwing naririnig ko yung pangalan na "Ken Ong" eh.

C: diba tinutulungan ka niya sa pag may Exam or project kayo sa E-Electric something subject niyo?
G: hmm.. Oo. Pero..
C: iyon naman pala eh. Kung hindi naman dahil sa tulong ni Ken, hindi ka makaka-survive diba? So grab this chance to thank him diba?

Ah. Bigla ko naalala yung Dance. Yung night na dinala niya ako sa rooftop para ipakita sa akin yung mga fireflies. Yung moment na halos nakalimutan ko na galit pala ako kay Ken nun dahil sobrang na-enjoy ko yung moment na yun.. Nakalimutan ko siyang pasalamatan nun gabing yun. Gusto kong mag-thank you dahil sobrang na-enjoy ko talaga yung gabing yun.

G: hmm.. sa bagay. AH. Meron pa ba kayong extra bar jan? may gagawin lang ako.
A: meron pa ako dito. Bakit, kulang pa ba yung chocolates na ginawa mo??
G: hindi. May balak lang ako.. >:)

Heeheeeheeee homemade chocolate pala ha? Humanda si Ken. Sisiguraduhin kong sasakit mga ngipin niya dahil tong homemade choco na ibibigay ko sa kaniya ay gawa sa wagas na.... PAGHIHIGANTI! Heeehehehehehehe >:)



Monday. 2 days bago ang Valentine's. pero excited pa sa mga excited itong sina Anna at Collin. :|

A: excited na akong ibigay kay Cedric yung homemade chocolate ko!
C: ako din~~
G: kayo lang na-excite.
A: oi. Ikaw jan. wag ka nga KJ! Bakit hindi mo ikwento kay Mae kung paano mo pinaghirapan yung chocolate mo para kay Ken no!
M: oh? Talaga? Ginawan mo si Ken?
G: ha? Wag ka ngang magpapaniwalan sa mga yan.
C: totoo Mae! Ang cute nga nung isang chocolate na ginawa ni Grace eh!
A: syempre! Special yun no! Para kay Ken yun eh ahihi! :>
G: pwede ba, tigilan niyo na ako. Kahapon pa kayo eh.
M: pero hindi nga, seryoso? Ginawan mo ng chocolate si Ken?
G: ha? Uhh-
K: anong meron? Narinig ko yung pangalan ko.

Anak ng tinola naman oh! Bigla bigla na lang sumusulpot eh! Bakit ba kasi ang iingay ng mga kaibigan ko eeh. Balak pa akong ipahamak! Huhu

G: wala. Namamali ka lang ng rinig.
K: narinig ko clearly yung name ko. Anong meron??

Tinignan ko ng masama mga kaibigan ko. Kapag sila, nag-"trash-talk" sa harap ko, mananagot talaga sila sa akin!

K: ano nga??
G: wala nga! Ang kulit mo naman eh! Iwan ko na nga kayo jan!*walkout*
K: problema nun??
M, A, C: *kibit balikat* ewan.


Ay naku, mabuti na lang effective yung pagtataray ko. Nakatakas na nga ako sa panlalaglag ng mga kaibigan ko, nakatakas pa ako sa utos ni Ken! Nyahaha!
*Ring*
Eh? Si Jared? Bakit naman kaya siya napatawag??

G: Ui Jared, napatawag ka?
J: asan ka?
G: ako? Hmm.. naglalakad ako sa tabi ng fountain..
J: ahh.. teka lang. Tayo ka lang jan. Wag kang umalis jan ah.
G: bakit? Anong meron?

Ok. Biglang hindi na nagsalita si Jared sa phone. Binaba na kaya niya yung phone?

Nang napansin kong tahimik na yung kabilang linya, naisipan kong ibaba na yung phone. Ilalayo ko na yung phone sa tenga ko ng narinig kong may muling nagsalita sa kabilang linya.

J: tingin ka sa likod.

Lumingon naman ako. Wala akong nakitang Jared, pero may napansin akong something sa gitna..

J: kunin mo yung bear sa gitna.

Para naman akong bata na sumunod naman sa boses na naririnig ko sa telepono.

J: hanapin mo yung heart shape sa bear, tapos basahin mo.

Heart shape? Hindi kaya itong papel na hugis heart yung tinutukoy niya? Kinuha ko ito at dahan-dahang binasa..

G: "minsan, sa kakahanap mo sa kaniya, hindi mo napapansin na ang taong nagmamahal sayo ay nasa tabi mo lang pala..."

Weird, ano naman meron sa quote na to? After ko yun basahin, biglang may rosas na dumampi sa pisngi ko. Pagka-lingon ko, si Jared na pala yun! OMG!

J: Happy Valentine's Day, Princess. :)

Binigay niya sakin yung long stem Rose at bigla niya akong niyakap. Ang sweet niya! Inaamin ko, kinlig talaga ako sa ginawa niya! I mean, GAD. Di ko alam kung paano ko i-eexplain tong nararamdaman ko! Speechless ako 'teh! Kinikilig ako na ewan! Sa 17 years na existence ko sa mundong ito, first time ko lang na-experience ang ma-"Valentine's mode"! I mean, pre-"Valentine's mode" pala dahil in 2 days pa yung Valentine's hehe! Excited? wahaha

G: Jared! Ginulat mo naman ako doon!
J: haha syempre. Para exciting diba? :)
G: thank you nga pala dito..
J: you're welcome :)
G: ah! Meron din pala akong ibibigay sayo.

Buti na lang at dala ko yung chocolates na dapat ibibigay ko sa kanilang dalawa ni Ken.. dalawa yung ginawa ko dahil gusto ko silang pasalamatang pareho. Dinala ko din dahil balak ko sana ibigay ng maaga yung chocolate sa kanila. Ayoko na kasing makipag-siksikan sa mga fans nila na magbibigay ng chocolates sa kanila sa araw ng mga puso eh.. Kaso wala, badtrip na ako kay Ken. Ang epal kasi eh! Kaya hindi ko na ibibigay yung chocolate niya.. yung kay Jared na lang. hmp!

J: wow, ikaw may gawa?
G: oo. Sabay namin ginawa ni Anna yan. First time ko so baka fail yun lasa..
J: *tinikman* masarap siya! Wow naman, marunong na gumawa ng chocolate yung Princess ko!
G: hehe, hindi naman. Nga pala, anong ginagawa mo dito?

Tumambay kami ni Jared sa pav malapit sa fountain. Napansin kong nakatingin sa kaniya yung mga babae sa katabi naming pav. Nakakatawa lang. Ganyan din kasi gawain namin ng barkada ko kapag may nakikita kaming pogi eh. Hehe! Pero this time, ako yung may kasamang pogi. O sige na, ako na may long hair. Talo ko pa si Rapunzel.

J: baka kasi hindi ako makapunta sa mismong Valentine's dahil may overnight project kami ng mga kagrupo ko. Eh hindi naman ako pwedeng humindi dahil sa Friday na deadline nun.
G: ay naku, hindi ka na sana nag-abala pa! Busy ka pa naman ngayon..
J: ano ka ba no, basta para sayo, gagawa ako ng paraan. :)
G: ah.. hehe.. nga pala, salamat dito..
J: wala yun :)
G: pasensya ka na kung homemade chocolate lang yung nabigay ko sa iyo ah? T_T ang fail pa kasi ang weird nung itsura nung mga chocolates..
J: ano ka ba! Ok lang sakin no! ang cute kaya!
G: weh. Pampalubag loob T_T
J: oo no, ano ka ba. At tsaka, parang hindi mo naman ako kilala.. hindi naman ako tumitingin sa pisikal na anyo eh... :) kahit ano pa hugis niyan, masarap pa din yan dahil gawa mo yan eh.

Shems. Parang gusto kong kiligin doon sa sinabi niya. OMG. Pwede bang tumalon sa kilig??

G: ah.. hehe.. sa bagay, lasang chocolate naman yan kahit anong shape niyan eh. Hehe..
J: haha. Alam mo, makita lang kitang masaya, masaya na din ako..

Pigilan niyo ako. Pigilan niyo ako! Konti na lang, magtatatalon na ako sa kilig! Doon pa sa gitna ng fountain. Sasabayan ko yung mga tubig! SHEEEEEEEEET!

*ring bell*

J: hala, bell niyo na ata.
G: ah. Oo. Tapos na yung break namin. Babalik na ako sa klase ko :)
J: ah.. sige sige. Ingat ka! Happy Valentine's.. in advance!
G: happy Valentine's din sayo.. thanks nga pala :)
J: wala yun, basta makita ko lang yang mga ngiting yan, solb na solb na ako.
G: bolero!
J: hindi ah! Haha :)
G: sige una na ako. Byebye!
J: byebye :)



Haiii. Akala ko naman matatapos tong araw ko ng hindi maganda. Nagkakamali pala ako. Haii~ nakakakilig naman!

K: oi. Tulala ka na naman.
G: ha? May sinasabi ka?
K: sabi ko, free cut ngayon. Wala si Maam, nasa seminar.
G: hmm..

Free cut. Badtrip naman. Kung alam ko lang na free cut ngayon, edi sana hindi na lang ako pumasok at mas matagal ko pang nakasama si Jared. Haiii...

K: hui Grace!
G: ano na naman?!
K: kanina pa ako nagsasalita dito, hindi mo na naman ako pinapansin!
G: ano nga ba ulit sinasabi mo??
K: wala. Sabi ko, ang pangit mo.
G: ok.
K: saan galing yan?

Hawak-hawak ko pa pala yung stuffed toy tsaka rose! Shet nakita kaya ako ni Ken na nag-de-day dream? Nakakahiya!

G: ito? Wala.. napulot ko lang
K: napulot? Wow ha. Kaninong bata mo naman inagaw yang mga yan?
G: excuse me? Hindi ko to inagaw ok? At isa pa, wag mo na ngang sirain yung araw ko! Ang ganda ganda na, sisirain mo pa eh
K: ano na naman bang problema mo? May period ka ba ngayon??
G: jkfhgdfvsdjkfshdkgj WHAT THE HELL. Ano ba yang sinasabi mo?! Pati ba naman yang "bagay" na yan, pinapakelaman mo?!
K: eh ang sunget mo eh! Wala naman akong ginagawa sayo!
G: ang kulit mo kasi eh! Naiirita ako sayo!
K: eh kung sinagot mo kasi agad yung tanong ko, edi sana hindi ka na nakulitan sakin diba? Gamitin mo nga common sense mo.
G: EPAL.
K: SUNGIT.

Di ko na nga ulit pinansin. Pag pinatulan ko pa kasi, lalo lang mang-aasar eh. Mukha pa naman nasa mood mang-asar yung tao. Nasa "epal" mode siya eh! Sorry siya dahil wala ako sa mood para saluhin yung mood niyang yan.

At wala akong oras patulan pa siya dahil kinikilig pa din ako. Ahihihi!

K: so, kanino nangaling yang mga yan?
G: kay Jared. Ok? Pwede? Tahimik ka na?

Pagkasabi ko nun, biglang natahimik si Ken at umupo sa table niya. Lol, weird. Usually pag sinabihan ko siya nun eh mas lalo niya akong aasarin. Pero ngayon, ang weird lang talaga. Bigla siyang natahimik at umupo sa table niya.. ng walang sinasabi O_O

Ok lang siya? O narealize niya kung gaano na siya ka-epal sa buhay ko? Haha.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon