CHAPTER 128: Candy

6K 85 20
                                    

Salamat sa napaka-hard mong comment, sehun_exo! Tawang tawa ako eh. XD At dahil jan, sayo naka-dedi tong chapter na to. =)

=============/

♪♪ I'll say good bye for the two of us
Tonight while you sleep
I'll kiss you softly one last time
And say good-bye

Like I know we must
There's just no other way
And I couldn't bear to see your heart break
So I'll wait till your asleep to say good-bye
♪♪

Nakakainis, kanina pa naka-loop yung kanta na to sa ipod ko. Gustong gusto ko talagang sinasaktan ang sarili ko no? Nasaktan na nga ako dahil sa mga pangyayari, nakinig pa ako sa song na nakakarelate sa moment ko ng paulit ulit.

Tinangal ko yung headset sa tenga ko at pinatay ang music player ng ipod ko. I just stared at the sky at nag-abang ng mga shooting stars.

Please lang kung may mahuhulog, sana tumama sakin ng matapos na tong paghihirap na nararamdaman ko.

Grace

Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ko dahil sa narinig kong pamilyar na boses.

G: *bumangon* Ken? Ah, I must be dreaming. *higa*

Bumalik ako sa pagkakahiga ako at nakipagtitigan ulit sa kalangitan. Ang bilis ko namang managinip. Posible ba yun? Nananaginip ka ng gising? Nakita ko si Ken na nakatayo sa harap ng pintuan ng rooftop. Ang galing panaginip naman to, parang totoo!

Grace,

This time, lumapit sa akin yung Hologram ni Ken. Shet, hindi nga yata ako nananaginip. Naghahallucinate na yata ako! Sa sobrang gusto ko siyang makita, nakikita ko siya ngayon sa harap ko!

Hinawakan ko ang kamay ni Ken, at talaga namang nahahawakan ko nga yung hologram sa harap ko. O_O

G: ang galing, parang totoo. Nahahawakan ko si Ken. Kakaibang panaginip to ah.. o di kaya nag-hahalucinate na ako? Wait, MULTO!!! Waaah!
K: HOY! ANONG SINASABI MO JAN?! AKO TO, SI KEN! SIRAULONG AMAZONA TO!

Bigla akong sinapok nung "Hologram ni Ken" sa ulo.

G: gya! Ken! Ikaw nga! Nasa Real World pa pala ako!

Hindi nga talaga hologram to, neither panaginip. At lalong lalo na hindi din multo! Ang sakit ng pagkaka-sapak niya eh!

K: late na ah. Bakit nandito ka pa?
G: hindi ba talaga ako namamalik mata? Hindi ka ba talaga multo??
K: hoy! pinatay mo na agad ako! Loko ka ah!

Si Ken nga yung lalaking nakatayo sa harap ko... I wanna cry... not because I'm sad. I wanna cry because I am happy.. so much happy! Kanina lang ako humiling sa shooting star, hindi ko naman inaasahan na agad itong matutupad.

G: Ken!! Ikaw nga talaga yan!!!!
K: ako nga! Ano ba sa tingin mo?!
G: bakit ka nandito?!
K: malamang. Dito ako nag-aaral sa school na to. Tanga ka ba? *naglabas ng yosi*
G: bakit nandito ka pa? Diba pupunta kang Paris?
K: bakit ako pupunta ng Paris? Eh dito ako nakatira. Baliw ka pala eh.
G: *naiiyak*

Waah~ hindi ko mapigilan sarili ko. Naluluha na naman ako~~ T^T

K: oi oi oi oi! Bakit umiiyak ka?!
G: wala lang.. masaya lang ako kasi makikita pa pala kita. Akala ko kasi hindi na kita makikita habang buhay eh...
K: a- anong sinasabi mo jan?! *blush* Anong hindi mo ako makikita habang buhay? Eh dito ako nakatira. At isa pa, wala akong balak-

Sa sobrang daming feels kong nadarama, hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin si Ken. Wala na akong pakealam kung itaboy niya ako o itulak, ang gusto ko lang ay mayakap ko si Ken. Si Ken na akala ko ay wala na. Si Ken na akala ko ay hindi ko na makikita habang buhay. Si Ken na sobrang mahal ko.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit, animoy ayoko siyang pakawalan dahil sa takot na pag kumalas ako, baka mawala siya ulit sa harap ko. Na-amoy ko yung scent niya, yung scent niya na natural, pero mabango. Kahit hindi pa siya maglagay ng pabango, mabango pa din siya dahil sa natural scent niya. Yung dibdib niyang makisig, masarap sandalan dahil sa lapad nito.

Si Ken nga talaga ang lalaking nakatayo sa harap ko... ang lalaking yakap yakap ko.

G: Ken, wag ka ng umalis ha? Wag ka ng lalayo. Ayos lang sa akin kahit lagi mo akong awayin, utusan, laitin, asarin, inisin, barahin, sapakin, kulitin, o sigawan. Kakayanin ko, wag ka lang umalis. Ayokong..... ayokong mawalay ka sakin.
K: hmm..
G: alam mo bang sobra ang takot na naramdaman ko kanina? Natakot ako kasi akala ko huli na ang lahat. Madali kong pinuntahan ang airport, umikot at pinuntahan ko ang bawat sulok, pero wala ka na...
K: nagutom ako eh. Hindi ba pwedeng kumain lang ako sa labas?
G: tinatawagan kita sa phone mo, pero cannot be reached ka.
K: hindi ba pwedeng empty batt lang ako? *pinakita ang cellphone*
G: nanlumo ako ng makita ko sa Flight Board na "Departed" na ang status ng flight ni Lea...
K: as you can see, kasama mo ako ngayon. And there's no way na sasama ako kay Lea ng biglaan okay? Wala akong balak magibang bansa. Well, for now.
G: hmm...

Surprisingly, hindi ako itinulak ni Ken papalayo sa kaniya. Hinayaan niya lang akong nakayakap sa kaniya. At ang tono ng boses niya, sobrang lambing. Sobrang sarap pakingan.. it's pleasing to my ears. Kung araw araw sana ganito kami palagi ni Ken..

K: Teka, bakit ko nga ba ine-explain sayo tong mga to?! Amp.
G: ewan ko sayo, sinagot mo naman.. *sniff*
K: yeah yeah.

Hindi pa din niya ako kinakalas sa pagkakayakap ko sa kaniya. At ako naman ay walang tigil pa din sa pag-iyak. Sa sobrang saya ko, hindi ako makapaniwala sa pangyayari. Ayoko na sanang matapos tong gabi na to. Sa sobrang saya ko, natatakot ako na baka bukas, sobrang lungkot ko na naman..

K: tahan na. Wag ka ng umiyak. There's no point of crying anymore dahil hindi naman ako umalis eh.. nandito lang ako. Hindi naman ako nawala.
G: hindi naman ako umiiyak sa lungkot eh. Umiiyak ako kasi sobrang saya ko..

Kusa ng kumalas si Ken sa pagkakayakap ko (aww~ tapos na :<), sabay pinisil nito ang pisngi ko. Sa sobrang sakit, gusto ko siyang sapakin!!!

K: *pinisil ang pisngi ni Grace*
G: ARAY ARAY ARAY!!!! BAKIT MO GINAWA YUN?!??! ANG SAKIT!!!!
K: wala lang, trip ko lang. Bwahahaha.
G: ARGH BWISIT!!!! *pouts*
K: *blush* wag ka sinabing mag-pout eh.
G: *pout* *pout* *pout*
K: arghhh! *pinisil ulit sa pisngi si Grace*
G: ARAY!!!!! MASAKIT!!!! HUHUHU!!!! BWISIT KANG PINEAPPLE SUSHIBOY!
K: anong sinasabi mo Amazona?
G: WALA! Hmp!

Lech. Ang ganda na sana kanina ng eksena eh. Medyo romantic na. Kaso sabay pisil ba naman sa pisngi ko?! Kainis!

K: hahaha, grabe buti na lang at hindi ako umalis. Paano na lang pala kung umalis ako, edi ang daming fans na magluluksa sa pagkawala ko. Sayo pa lang eh. Bwahahahaha!
G: tse! Ewan ko sayo!
K: sus, nahiya ka pa. Eh nagconfess ka na din naman sakin. At ang dami mo na ngang cheesy lines na sinabi kanina eh.
G: argh. Screw you Kenneth Michael Ong, screw you! *blush*
K: hahahahahaha! Pikon ka na naman!
G: whatever.

Kainis na lalaking to. Mananahimik na nga lang ako ng wala na siyang masabi. Kakabwisit! Seryoso naman kasi ako doon sa "cheesy lines" ko. Epal niya~ :<

K: akin na kamay mo.
G: bakit? Anong gagawin mo sa kamay ko?
K: basta akin na.

Ako naman itong si uto uto, nagpauto sa kaniya. Iniabot ko naman sa kaniya yung kamay ko. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na may ipinatong ito sa kamay ko.

G: ah. Yung pasalubong mo...
K: hmm. Bawal mo ng ibalik sakin yan. Kung ayaw mo, itapon mo na lang.
G: nope! I will keep this. Thank you!! And sorry din nung nakaraan. Uhh.. hindi ko sinasadyang ibato sayo to. So ayun, sorry..
K: hmm..

Kinuha ko ulit yung keychainna pasalubong niya sa akin nung nag-Vigan sila ni Lea at tinignan. Ang cute ng effect ng stars sa keychain kasi nagrereflect yung liwanag! Kinabit ko ito sa cellphone ko at ginawang keychain. Ang cuteeeee~ Bagay sa phone ko!!! ^_^

G: ei! Look, look! Ang cute nung keychain! Bagay sa phone ko~ thank you talaga Ken! ^_^
K: you- you're welcome. *blush*

Masyado akong na-amaze sa keychain. Kanina ko pa itong pinaglalaruan. Kakatuwa kasi eh. Buti na lang at hindi siya nasira nung hinagis ko to kay Ken. Sa pagkakaalala ko kasi ay dahil sa sobrang inis, badtrip, at galit ko sa kaniya, sobrang lakas ng pagkakabato ko nito sa kaniya.

K: kaya din siguro ako nahirapang magdesisyon na umalis dahil sayo..
G: ha? May sinasabi ka?
K: wala. Ang sabi ko, mukha kang Amazonang nagwawala kanina. Mehehehe.
G: hmp!

Bastos. Okay na yung mood eh. Sinira na naman niya T_T

K: halika na, umuwi na tayo at late na. Hatid na kita sa inyo.
G: yehey! Libreng hatid!
K: anong libre ka jan. Dahil ihahatid kita, double work ka sa weekend.
G: yezzir!

Mabuti na lang at nakinig ako kay DA dahil kung hindi, ano na lang kaya ang mangyayari sa amin ni Ken? Baka hindi ko pa marerealize yung importansya niya sa buhay ko. Baka hindi sa ganito matatapos ang gabi namin. Patuloy pa din kami sa pag-iwas sa isa't-isa at hindi pa din kami magkakabati.

Hindi ko ine-expect na magiging malakas ang impact nung sinabi sa akin ni DA. Who would have thought na maiintindihan niya ang isang maiden na katulad ko? Ah~ iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Lalo na at kung sobrang mahal mo yung tao.

Simula ng umibig ulit ako sa isang katulad ni Ken, narealize ko na wala naman talagang mali sa ginawa mo.

Teka, bigla akong napaisip doon sa sinabi ni DA kanina ah...

Simula ng umibig ulit ako sa isang katulad ng ni Ken...

Katulad ni Ken?
Kaugali ni Ken?
Babaeng version ni Ken?




OH SHIZ. DID DA JUST CONFESSED TO ME THAT HE LIKES....... OMG! O_O
*
*
*
*
*
Dear Kami-sama (God),

Siguro kayo ang tumupad sa kahilingan ko na makasama ko ulit si Ken. Thank you dahil tinupad niyo po ang kahilingan ko. Hindi man ako mahalin ni Ken, masaya at kuntento na ako sa kung ano kami ngayon. Gagawin ko ang lahat para unti unti ko siyang mapa-ibig. Kaya God, sana po tulungan niyo po ako lalo na sa challenges na haharapin ko.

Hindi man agad agad, pero sana dumating ang araw na matutunan din akong mahalin ni Ken....



Unbeknownst to Grace, habang gumagawa siya ng kaniyang kahilingan, may dalawang shooting star na bumagsak mula sa kalangitan.....
*
*
*
KEN's POV (FLASHBACK)
Monday. Ngayon na ang flight ni Lea pabalik ng Paris. Ang sabi niya sa akin noon, Wednesday pa ang flight niya, pero napaaga ito bigla. Ang bilis natapos ng 2 weeks. Mamaya na lang ay maghihiwalay na ulit kami.

Nasa airport na kami ngayon at inaabangan namin tawagin ang fligt niya.

LEA: will you miss me pag umalis na ako?
K: oo naman Lea. I will miss you! Tinatanong pa ba yan?
LEA: hahaha, i was just making sure :P
K: silly girl.
LEA: and you're a silly boy.

Kanina ko pang napapansin na tulala si Lea. Pero wala naman siyang sakit. Ang sabi pa nga niya kanina ay hindi naman masama ang pakiramda niya.

Or maybe it's just me.

K: so, bakit napaaga ang alis mo? Akala ko sa Wednesday pa ang flight mo?
LEA: Ken, I have a question. Pag nalaman mong may iba ng nakakuha sa candy na matagal mong naiwan sa table, kukunin mo pa din ba? Maghihintay ka pa bang ibalik sa iyo yun?
K: ang weird naman ng tanong mo.
LEA: sagutin mo lang :)
K: edi kakarnehin ko yung batang umagaw ng candy. Sira ulo pala yun eh. Wala ba siyang pambili ng candy?!
LEA: Ken, seryoso yung tanong ko. Sagutin mo din ako ng seryoso.

Seryoso ang mukha ni Lea habang nagsasalita ito. Eh putek, paano ko naman kasi seseryosohin yung tanong niya? Candy? What's with the candy anyway. Is she craving for one?

K: fine. Hmm, I guess not. May nakakuha na sa candy eh, at malayong mababalik na yun sayo dahil nakuha na yun nung taong kumuha ng candy. Akala kasi niya wala ng nagmamay-ari doon dahil sa sobrang tagal na nitong naiwan sa table. So technically, at fault ako kung bakit naagaw sa akin yung candy ko. Kasalanan ko naman din kung bakit may ibang nakakuha sa candy dahil hinayaan ko lang ito sa table ng matagal. So i should just let go of it and move on.
LEA: I see...

Ang haba ng sagot ko, ngiti lang ang reply niya sakin. Walangya. Pero yung ngiti niya, may halong lungkot. Kung malungkot siya na aalis na siya, bakit kailangan pa niyang ituloy ang pag-lisan niya?

K: hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko. Bakit napa-aga alis mo?
LEA: same as your answer. I have to move on and let go of someone important to me. There's no reason for me to stay here dahil yung taong mahal ko, may iba ng nagma-may-ari sa puso niya. *smiles*
K: uhh, what do you mean, Lea? Anong kinalaman nun sa candy?

Ngumiti lang ulit sa akin si Lea. Ano ba tong paguusap namin, alam kong mataas ang IQ ko, pero medyo hindi ako makahabol. Hindi ko mapagkonek yung sagot ko sa sagot niya.

LEA: Ken, you know that I love you right? I love you, and will always love you. Pero kung ang puso mo nasa iba na at ang atensyon mo nasa iba na din, there's no point pa para isiksik ko ang sarili ko. I tried my best to fix the damage na nangyari sa ating dalawa, pero sa 2 weeks na stay ko dito, I realized na kahit anong ayos pa ang gawin ko, it's pointless dahil yung taong mahal ko, hindi na ako ang mahal and unbeknowst to him, may gusto na siyang iba. Hindi nga lang niya narerealize pa.
K: ha? Uhh, I don't get what you're saying. As you can see, single pa din ako at walang girlfriend. So hindi ko alam kung saan mo hinuhugot yang mga sinasabi mo.

I'm confussed. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang mga sinasabi niya. Puso? Mahal?

She then started caressing may face. Habang ginagawa niya ito, inilapit niya sa noo ko ang kaniyang noo. Sobrang warm niya..

LEA: Ken, to be honest, gusto ko sanang maging tayo. I do still love you and gusto ko ituloy yung naudlot natin na relasyon noon. Siguro kung hindi kami umalis, tayo na sana ngayon...
K: Lea..
LEA: do you still like me, Ken?
K: I do.
LEA: then, if you still like me, sasama ka sa akin sa Paris. We will live there and itutuloy natin yung kung ano ang meron sa atin dati. We will make new memories... babawiin natin yung mga panahong nagkahiwalay tayo.

Sa sinabi ni Lea, dapat makaramdam ako ng saya doon eh. Dapat, walang dalawang pagiisip na papayag agad ako sa sinasabi niya. Hindi ako magdadalawang isip na sagutin ang tanong niya. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon. May pag-aalinlangan. Hindi ako sigurado...

Siguro kung sinabi niya sa akin yan dati, hindi mahirap sakin ang magdesisyon.

K: Lea, I do still like you. But..
LEA: but what?
K: but it's not the same like before. Noong una kitang nakita, akala ko magkakaayos tayo. Oo, inaamin ko. Umasa ako na maibabalik natin sa dati ang lahat. Akala ko, nandoon pa din yung feelings ko sayo na matagal kong itinago. Pero narealize ko na hindi na, iba na. Hindi na ito tulad ng dati. Nag-fade na yung feelings ko para sayo. Yes, I do like you. But not as someone I can be with forever. I like you as a friend. A very special friend. So sorry kung hindi ako makakasama sayo sa Paris. That's my decision and it's final.

Tama ba itong sinasabi ko? Tama ba ang desisyon ko na hindi sumama sa kaniya? Tama ba itong nararamdaman ko? Pero nung sinabi ko iyon, tila ako natangalan ng malaking tinik sa dibdib. Gumaan ang pakiramdam ko.

Pinagisipan ko ito ng mabuti, at alam kong tama ang desisyon ko. Sana.. sana nga tama. Sana hindi ako nagkamali at hindi ko ito pagsisihan sa huli.

LEA: *chuckles* I see.
K: yeah. Hehe. And besides, baka pag sumama ako sayo sa Paris, may umiyak at malungkot sa pag-alis ko..

Sa pagkasabi kong iyon, biglang lumabas ang imahe ni Grace na umiiyak. Ewan ko kung bakit yun ang pumasok sa isip ko, samantalang hindi ko naman siya iniisip!

LEA: Ken? Natulala ka?
K: ay sorry. May bigla lang kasi akong naisip. Anyway, hindi ako pwedeng sumama sayo sa Paris dahil baka may mag-suicide sa pagkawala ko. Alam mo namang madami akong fangirls dito sa Pilipinas eh. Ang gwapo ko kasing masyado.
LEA: loko ka talaga. Hindi ka pa din nagbabago. :P Alam kong madami kang fans and madami din ang nagkakagusto sayo. Pero sa mga babaeng nagkakandarapa sayo, may napupusuan ka na ba sa kanila?
K: not really. Hindi pa naman ako naghahanap. As of now, ineenjoy ko ang pagiging single ko.
LEA: I like Grace.
K: err. *blush*

Bakit napasok na naman sa usapan si Grace? =_=

LEA: do you like her?
K: so-so.
LEA: so you do like her.
K: well yea. She's my servant after all!
LEA: so anong level naman ng "like" yung kay Grace? Parang yung sa level ko lang ba? As a friend? Or something as "Special"?
K: uhh..

Kay daling tanong, kay hirap namang sagutin. Sasabihin ko lang naman na kaibigan lang ang turing ko kay Grace, pero hirap akong gawin. Damn, what's happening to me?!

All pasengers going to Paris, please proceed to Gate 5.

LEA: oh, that's my flight! I have to go, Ken.
K: oh men. Unti-unti na talang nagsisink in sa akin na aalis ka na.
LEA: well, I believe magkikita pa naman tayo :) Who knows sa susunod nating pagkikita, may mga pamilya na tayo. :P thank you dahil naging memorable ang stay ko dito. Paki-regards na lang ako sa mga friends mo ha!
K: yeah, sure. Mag-iingat ka.

Lea hugged me and gave me a kiss on my cheek.. prolly her last kiss for me.. a goodbye kiss.

LEA: yup. Ikaw din, ingat ka. And hindi ka agad nakasagot sa tanong ko. Mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko. :P
K: hey. Ano na naman iniisip mo?
LEA: :P
K: silly girl.
LEA: bye Ken~ See you next time. Au revoir!

Pinanood ko si Lea hanggang sa unti unti, hindi ko na siya nakita sa paningin ko.

Compared sa una niyang alis, this time, it's a happy one. Masaya ang aming paghihiwalay. Hindi man naibalik sa dati ang relasyon namin, nagawan naman ng magandang closure ang relasyon namin.

Au revoir, my first love, my best friend, Lea. Thank you for the happy memories. Thank you for everything. Till we meet again, my precious friend.

== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon