2 Days din akong nakapagpahinga dahil sa sakit ko. Ewan ko ba kung bakit nilagnat ako bigla. Stress marahil dulot ng pagsama ko araw-araw sa Pinyang yun.
And speaking of Pinya.... Nabother ako sa sinabi ni Claire nung isang araw. Ako? Pinagbilin ni Ken kay Claire na alagaan at bantayan? Pfsh. Kilala ko si Ken. For sure, ginawa lang niya yun para magpa-impress kay Claire. Ito namang kaibigan ko, naloko naman ng Pinyang yun.
Nang medyo nagising na ang diwa ko at natapos na sa pagmunimuni (titigan sa kisame), naisipan kong mag-check ng messages sa phone ko. Ritwal ko ng ginagawa yun bago mag-umpisa ang araw ko.
1 Text message received
---START OF TEXT---
FROM: Jared
Good morning Princess! :)
---END OF TEXT---Wow, ang aga naman nag-text ni Jared. 5:30am? Baka siguro papasok na siya sa school nung nag-text siya.
I did a time check at talaga namang napaupo ako ng di oras mula sa pagkakahiga ko ng marealize kong malapit na ako ma-late! Nakupo, patay ako nito kay Sir Sadista pag na-late ako. At paniguradong sesermonan din ako ni Ken nito!
Speaking of the devil.. nag-text na ang Boss.
---START OF TEXT---
FROM: Pinya
Hoy Amazona! Makakapasok ka na ba ngayon?
---END OF TEXT---Pfsh. For sure, may i-uutos na naman sakin to. Akalain mong kakagaling ko lang sa sakit, may iuutos na agad siya sa akin? Huhu.
---START OF TEXT---
FROM: Me
Opo Boss. May iuutos ka na naman ba sa akin?FROM: Pinya
Ah.. wala naman. Natanong ko lang. Nasaan ka na ba?FROM: Me
Malayo pa ako sa school. Mamaya ka na mag-text sakin. Male-late na ako eh!FROM: Pinya
Ano ba yan late ka na naman. As always!FROM: Me
Shattap!
---END OF TEXT---At talaga namang nagawa pa niya akong inisin ano? Try kaya niya makipagtitigan sa kisame at magmuni-muni sa tungkol sa buhay mo... tignan lang natin kung hindi din siya malate.
I barely made it to school! Mabuti na lang at wala masyadong traffic ngayon.Palibhasa kasi ay Friday ngayon. Madaming naka-leave sa work at umaabsent ng school pag Friday. Yay, thank God it's Friday!
K: oi pangit
OH NO. IT'S FRIDAY!
G: ano?!
K: wala lang. Gusto lang kitang tawaging "pangit"
G: PINYA!
K: at least gwapo.
G: who cares?
K: wow, ang lakas mo na ah. Parang di nangaling sa sakit! Ganun siguro ang mga Amazona ano? Mabilis gumaling pag nagkakasakit.
G: dalawin ka ba naman ng Hari ng mga Pinya eh, sinong hindi gagaling doon?Friday. Which means, kaklase ko ngayon si Ken AT. Emphasize sa "AT"..... magkatabi kami. Kung bakit kasi naging permanent seating arrangement na namin to eh. Kainis! Hindi pa nangangalahati ang araw ko, puro pangangantyaw na at pang-iinis naririnig ko sa Pinyang to.
*sigh* Inaatake na naman ako ng antok. Lullaby na ang naririnig ko sa lecture ni Sir. Ang iba sa amin kumakain na pero hindi ito napapansin ni Sir dahil may sarili siyang mundo... Siya at ang whiteboard. Yung iba naman sa amin eh nagdadaldalan na lang. Malas ko at wala akong kadaldalan. Sa dulo ka ba naman nakaupo eh. Pader lang ang katabi ko. And yes, katabi ko si Ken so no choice ako kundi ang tumahimik diba? Magdu-doodle na lang siguro ako sa notebook ko para mabawasan yung kabagutan ko.
G: ang galing ko talaga mag-drawing! Muhehe
K: oi. Para kang baliw jan na kinakausap sarili mo.
G: well, mas mabuti ng kausapin ko sarili ko at mabaliw kesa ang kausapin ka.
K: lol. Ano ba yang ginagawa mo?
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...