911? Bantay Bata 163? 9555555? Ano bang hotline ang dapat kong idial para may tumulong sakin makatakas dito??
Emcee: Ha--? Uhh..
Biglang nagsihiyawan yung mga babae nung sinabi ni Ken na hindi na siya magiging Prince. Ewan ko. Parang wala na silang pakialam kung sino pa magiging Princess. Ang importante sa kanila eh maging Prince of the Night si Ken. So ang naging final decision...?
Emcee: CONGRATULATIONS TO MR. KENNETH ONG AND MS. GRACE AGUIRRE FOR WINNING THE PRINCE and PRINCESS OF THE NIGHT!
After that, wala na akong narinig sa sinasabi ng Emcee. SPAM. Parang may filter yung tenga ko. Selective hearing? Hai.. Wala na akong inintindi at wala na akong gustong intindihin. Gusto kong tumakbo palayo, pero di ko magawa. Gusto kong sumigaw at magwala, pero di ko din magawa. Gusto kong sapakin si Ken, pero mamaya ko na yun gagawin. At tulad nga ng nakagawian, kelangan sumayaw ng "Prince and Princess". KALOKOHAN NG DANCE NA TO!
Sa kamalas-malasan nga naman oh. Yung first dance ko pa eh tong mokong na to. NAKAKAINIS! Ang masaklap pa dito, hindi ako marunong sumayaw! Huhu :(
K: sabi ko naman sayo eh, ikaw magiging Princess ko sa gabi na to.
G: shut up. Hindi ko naman sinabing gawin mo akong Princess eh. Bakit mo ba ako pinagtitripan ha?
K: hindi naman kita pinagtitripan eh. Kaw lang nag-iisip niyan.
G: bwiset.
K: alam mo yung kwentong Frog Prince?
G: oo. Ano naman meron doon?
K: parang ganun ka din. Pero baliktad nga lang. Ikaw yung Frog. At dahil sa Prince na tulad ko, naging Princess ka for tonight. So ikaw yung Frog Princess.
Nakakapikon! Buti na lang mataas tong heels ko!
K: aray! Bakit mo naman ako tinapakan!
G: kasi NAKAKAINIS KA! Dapat ba ako matuwa sa sinabi mo ha? BWISET!
K: ano na naman bang ginawa ko?!
G: BASTA. NAKAKAINIS KA!
After nun, hindi ko na siya pinansin. Sumasayaw na lang kami. Nakakainis! Ihambing daw ba ako sa palaka? At kung ano ano na yung pinagsasasabi niya. Siya? Prince? Ha! Excuse me?! At isa pa, hindi dapat ako ang kasayawan niya eh. Yung tunay na "Princess" dapat yung nandito. At... hindi din dapat si Ken ang kasayawan ko kasi hindi naman siya yung partner ko eh. si Jared..
Napatingin na naman ako sa table namin. Wala pa din emosyon sa mukha ni Jared. Naku.. anong sasabihin ko sa kaniya? Dapat ba akong mag-sorry? At kung mag-sorry man ako, mapatawad kaya niya ako? :(
Emcee: and let us now open the floor for everybody. Everyone can dance now with their partners!
AYY SA WAKAS. NATAPOS DIN ANG KALBARYO. Bago kami nagkahiwalay ni Ken, may bigla siyang binulong sakin...
K: Grace, believe me or not, seriously ang ganda mo ngayon.
After nun,bigla na lang siya umalis.
Takte, parang gusto kong kiligin sa sinabi niya!
---------------------
Kaniya kaniyang balik na sa tables yung mga tao kaya naman naisip ko na din bumalik sa table namin. May iba naman, tuloy tuloy pa din sa pag-sayaw. Mukhang ine-enjoy lang talaga nila yung party. May mga random people na nagcocongratulate sa akin para sa pagkakanominee ko as Princess of the Night. Kung alam lang nila kung ano talaga yung tunay kong nararamdaman... I DON'T WANT TO BE A PRINCESS LALO NA KUNG SI KEN LANG DIN ANG PRINCE. Ang hirap makipagplastican sa kanila. Hai... May mga kaklase ako na niyayaya akong sumayaw kasama sila. Ang dahilan nila eh sinusulit lang nila yung gabi dahil next week, stressfull week na naman. Bigla ko tuloy naalala yung project namin para doon sa sadista naming Prof. -_____-"
Bumalik na ako sa table namin. Kakaiba yung tingin sakin ng mga kabarkada ko at kabarkada ni Ken. Ako naman, patay malisya lang. Pag pinansin ko pa kasi sila, paniguradong aasarin na naman ako ng mga yun.
A: so ano yun?
G: ang alin?
A: yung eksena?
C: nakakakilig ha! tinalo niyo pa kami ng Darling ko!
G: ha? pinagsasasabi niyo?
JS: planado yun no?
G: planado ang alin?
M: yun kanina!
G: anong kanina? Ano ba yung sinasabi niyo?
M, A, C, CM, CS, JS: YUNG PRINCE AND PRINCESS OF THE NIGHT!
Aaaah~ Ted Hannah, TULONG! Anong isasagot ko sa kanila??? Ako mismo, gulong gulo sa nangyayari!
G: hindi ko alam. Wala akong alam. At ayokong alamin. Bakit hindi nalang si Ken tanungin niyo? Total naman siya nagsimula ng kalokohan na yan.
T: hindi pumunta ng table natin si Ken. Nakita ko na lang siya lumabas ng garden.
JS: haha. alam ko na kung anong ginawa nun. Nagyoyosi yun siguro. Kinakabahan yun kaya ganun.
G: bakit naman kakabahan yun?
CM: ikaw ba naman dalhin sa harap ng mga tao, hindi ka ba kakabahan?
G: eh hindi ko naman ginustong sumama sa kaniya eh!
J: kung hindi mo ginusto, sana pinigilan mo.
Si Jared. Biglang nagsalita.. kanina pa siya tahimik. Bigla ding tumahimik yung mga kasama namin. Nakaramdam ata sila. Ngayon lang ulit nagsalita si Jared. Sh.t, anong sasabihin ko sa kaniya? Dapat na ba akong mag-sorry??
G: Jared, sorry hindi ko-
J: ayos lang, mukha namang nag-enjoy ka eh :)
No.. ayoko ng ganitong feeling. Yea, he is smilling in front of me. Pero alam kong deep inside, he's hurt. Nagtatampo siya sakin kasi nakalimutan ko siya kanina. It's like I was not treating him as my partner. Nakokonsensya ako :(
G: Jared, can we talk outside? Hindi ko din kasi kaya yung init dito and.. can we talk?
J: yea, sure.
Bumalik ulit kami sa Garden. Doon kami nag-usap sa part na wala masyadong tao para makapag-usap kami ng maayos. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kinakabahan ako..
G: Jared, im sorry talaga. Bigla lang kasi ako hinatak ni Ken.. eh hindi ko din alam kung paano pabalik dito kaya... sorry talaga :(
J: ayos lang sakin. Alam ko namang nag-enjoy ka eh. pero-
G: pero ano?
J: isang bagay lang naman ang nagpapa-bother sa akin eh.
G: ano yun Jared? Please tell me.. baka makatulong ako.
J: hmm.. should I tell you? Baka kasi pati ikaw ma-bother pag narinig mo yung sasabihin ko eh.
G: bakit naman ako ma-bobother? Sabihin mo sakin, I might help.
J: well.. ito lang naman yung nagpapa-bother sa akin eh.. si Ken.
G: what? Si Ken? Bakit naman?! Naku Jared, wag mo pansinin si Ken. Alam mo, sayang lang panahon mo sa kaniya pag pinansin mo pa siya
Parang ako, nasayang yung mga panahong pinapansin ko siya. Imbes na nagpapakasaya ako, ayun. Trashtalk time with Ken Ong ako. Kung hindi naman, nagpapa-alila ako sa kaniya T_T
J: siguro hindi mo napapansin, pero ako kasi napapansin ko eh.
G: napapansin ang alin?
J: he likes you. And that bothers me most.
OH MY GAD. Ano ba tong nangyayari sa gabing to? Bakit parang ang daming nangyayari sakin sa gabing to? Una, yung pagtambay namin ni Ken sa rooftop ng Hotel. Second, yung pagkakanominate sa akin sa Prince and Princess of the Night thing na yan. At ngayon, yung sinasabi sakin ni Jared about Ken? Oh no no no!
G: what? Oh no Jared, that's LIE. And Ken? Liking me? Para mo na ring sinabi na nagkagusto si Brad Pitt kay Melai! (Melai of PBB hehe)
J: pero yun yung nakikita and nararamdaman ko. And what bothers me most is that madalas, magkasama kayo ni Ken and I can't do anything about it!
Teka, parang nalalabuan na ako sa sinasabi ni Jared. For real na. Hindi na to dahil sa gutom or dahil nabibingi ako. Talagang hindi ko na siya ma-gets. Anong meron sa kung araw araw kami magkasama ni Ken? As if naman may something doon. And... ano ba dapat niyang ika-bother kay Ken? Ken is just my... classmate? Acquaintance? Err.. enemy?
G: Jared, naguguluhan ako sa sinasabi mo. Medyo di ko kasi gets. @_@
J: Grace, I LIKE YOU. At nagseselos ako kapag nakikita ko kayong magkasama.. just like kanina! I was supposed to be at your side. I was supposed to be your partner. I was supposed to dance with you. It was supposed to be OUR night. But what happened? Nasira lang dahil sa kaniya! And naiinis ako kasi wala akong magawa. With this feelings, wala akong nagawa kundi ang panoorin kayong sumasayaw sa gitna like real Prince and Princess. Grace, NAGSESELOS!
Teka teka teka. Jared likes me and... he's jelous over Ken? OH, MY. GAD. Is Jared confessing to me? WAIT. WAIT WAIT WAIT WAIT! TEKA. THIS IS MY FIRST CONFESSION FROM A GUY! WHAT SHOULD I DO? WHAT SHOULD I DO?!!!!
G: ah-Jared.. ano.. ah-
Sh.t, walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam sasbaihin ko. Ano ba dapat kong gawin? Ano ba dapat kong sabihin?
J: Grace-
Sa isang iglap, bigla ko na lang naramdaman yung mahigpit na yakap ni Jared. Sa isang iglap, biglang nag-iba ang nararamdaman ko. Sa isang iglap, biglang nag-iba ang ikot ng mundo ko. Sa isang iglap, bigla ako nawala sa sarili ko. Hindi ko alam ang dapat kong gagawin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Sa yakap na iyon ni Jared, bigla akong nanghina..
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...