CHAPTER 153: Melo's Magic

3.9K 105 18
                                    

MELO's POV
Actually, lahat ng sinabi ko kay Ken kanina is bluff. Hindi naman talaga lasing si Grace eh. Hindi din tipsy. Sa katunayan nga, nasa matinong pag-iisip pa siya. Niyaya kong uminom, pero hinihindian niya ako dahil ayaw niyang malasing. Pag nalasing daw siya, paniguradong mananagot daw siya kay "Boss Ken". Cute no? Hehe.

G: Melo, sino kausap mo?
MELO: ah, wala. Kaibigan ko lang :P
G: ahh okay. Uy sure kang libre mo yung juice dito ha? Mag-u-unli Juice talaga ako -_-
MELO: oo nga. Sagot ko kahit anong gusto mo! Kakilala ko yung may-ari ng bar kaya akong bahala :D *kinindatan ang babaeng bartender*
G: yehey!!! Kahit ano talaga ha?
MELO: oo, kahit alcoholic drinks pa eh.
G: Melo, di mo ako madadaan sa ganiyan -_- di nga kasi ako iinom ng alcoholic drinks kasi magagalit sakin si Boss pag nalaman niyang nakainom na naman ako. Masasabon talaga ako nun >_<
MELO: hai hai. Niloloko lang kita :P Hannah, bigyan mo si Grace ng specialty Juice mo, please? Thank you :)
HANNAH: sure, Melo. :)

Actually, kaya ko siya dinala dito ay dahil may gusto lang akong itest. Gusto ko lang malaman kung gumagana pa yung cupid skills ko. That "Magic".

MELO: Grace,
G: hmm?
MELO: ano bang nagustuhan mo kay Ken?
G: *napabuga sa iniinom na juice* @_@ O_O >_<
MELO: Aside sa antipatiko, mayabang, mainitin ang ulo at arogante, wala akong makitang katangian niya na magpapa-fall sa kaniya ang isang matinong babae na tulad mo.

Kumuha ng madaming tissue si Grace at pinunasan niya ang kaniyang mukha. Nabigla marahil sa tanong ko, ang random kasi e. Hehehe.

G: seryoso ka ba jan sa tanong na yan? Sa dinami-dami ng tanong, bakit yun pa?!
MELO: wala lang, curious lang ako.
G: hoy, siguro kaya mo ako pinipilit uminom ng alcoholic drinks kasi gusto mo ko malasing no! Para lahat ng itanong mo sakin, sasagutin ko ng hindi nagdadalawang isip! Umamin ka, may balak kang masama no!
MELO: baliw! Wala no! At isa pa, alam mo namang hilig ko lang pagtripan si Ken dahil ever since grade school pa kami, ganun na ang ginagawa ko sa kaniya. Naging habit ko na.
G: wow ha. Kawawa pala talaga si Ken sayo no -_-
MELO: yihee concerned!
G: hoy! Hindi no! Hmp.

These two... kelan kaya sila magiging honest sa isa't-isa? Actually, alam na ni Grace kung ano ang tunay niyang nararamdaman kay Ken eh. Si Ken lang naman itong pa-hard to get. Ewan ko ba sa lalaking yun. Dahil sa kaniya, kaya ang daming beses ng umiiyak at nasaktan ni Grace.

MELO: pero seryoso, anong nagustuhan mo doon? Hindi naman siya ideal boyfriend. Tignan mo nga, lagi ka niyang inaaway at sinisigawan. Hindi siya sweet. Tapos kung tratuhin ka, parang ibang tao. Playboy pa! Never siyang naging gentleman sayo. Tapos kahit alam niya na may gusto ka sa kaniya, parang tine-take for granted ka niya. Palagi siyang may nagagawa para paiyakin ka. Ilang beses na kitang nakikitang umiiyak, at lahat ng iyon ay dahil sa lalaking yun. Pero in the end, kahit nasasaktan at umiiyak ka na, siya pa din ang mahal mo. I don't get it. I don't really get it kung bakit na-inlove ka sa monster na tulad ni Ken.

Actually, curious ako sa kung paano at ano ang isasagot ni Grace sa tanong ko. Madalas, naitatanong ko sa mga taong nakikilala ko kung ano ang dahilan kung bakit sila inlove sa kanilang mga partner. Lahat sila, iba-iba ang sagot. Nakakatuwa na nakaka-inspire na nakaka-inlove. This time, gusto ko malaman ang kwento ni Grace.

Inubos niya yung isang baso ng juice (at umorder ulit, this time shake naman), then she started to speak. Huminga pa nga ito ng malalim bago magsalita. Ganun ba kahirap sagutin ang tanong ko?

G:alam mo may point ka. Lagi nga niya akong inaaway. Lagi niyang nasisigawan. Nasasabihan pa nga niya akong tanga madalas eh. Ilang beses na din niya akong nasasaktan, physically and emotionally. Madalas din ang pagtatalo namin. Mayabang siya, oo. May maipag-mamayabang naman talaga siya eh. Matalino, mayaman, talented at gwapo. Sino ba namang ang hindi magiging proud doon diba? Antipatiko? Ay naku, sinabi mo pa! Tapos ginawa na niya atang hobby ang utusan ako palagi at asarin!!!

She took a sip doon sa milkshake na bagong prepared lang, then she took a deep breath again. Nakangiti pa ito habang nagkekwento.

G: Pero alam mo, lahat ng yun, tinangap ko. Lahat ng imperfections niya, minahal ko kasi mahal ko siya eh. Lahat ng flaws niya, tinangap ko. Imperfect siya, but those flaws make him perfect. Nakikita ko yung ugali niya na hindi nakikita ng iba dahil tulad nga ng sinabi mo sakin dati, kumportable siya sa akin. And for me, sapat na yun dahil kahit hindi niya ma-reciprocate tong feelings ko sa kaniya, atleast alam kong naging parte pa din ako ng buhay niya. Hello, ikaw ba naman nagpaka-alila sa kaniya sa loob ng apat na taon?

Wow, may pagka-martir din pala tong kaibigan ko no? Pero base sa kaniyang pagkekwento, bakas sa mukha niya ang saya at excitement habang nagkekwento siya.

G: pero kidding aside, he may be arrogant, hard headed, and bossy, pero he's trying his best to improve his self. Sa totoo lang, mabait naman talaga si Ken eh. At itong Boss ko, nahihiya yan ipakita sa iba yung "good side" niya. Pa-cool kasi masyado yun eh kaya naman kapag gumagawa siya ng something good, nahihiya siya ipakita ito sa iba. Hindi lang halata, pero ilang beses na niya akong natulungan. He was there when I wanted help para pumasa sa major subject namin. Nasa tabi ko din siya noong nagakasakit ako. Kahit nung na-heartbroken ako sa first puppy love (Paul) and first legit love (Jared) ko, kahit hindi ko naman hinihiling, nasa tabi ko siya para pagaanin yung mabigat na nararamdaman ko.

Hindi siguro namamalayan ni Grace na napapangiti na siya habang siya ay nagkekwento. It seems like she doesn't have any regrets na nain-love siya sa isang bipolar, bossy at hard headed na lalaking yun. Ang ganda ng mga ngiti niya eh!

G: when I'm sad, he's there to cheer me up. At akala mo puro sigaw lang ang natatangap ko sa kaniya? Nagkakamali ka. Hindi lang din halata, pero sweet din siya! He's doing things na sobrang unexpected, like kung paano niya ako gawan ng Creampuffs, at pag ginagawan niya ako ng packed lunch. Alam mo bang minsan niya akong sinurprise ng birthday ko? Dinala niya ako sa Baguio at doon ako nagcelebrate ng birthday ko with him! Playboy? Sus, Makita lang niya yung babaeng mamahalin niya at mamahalin siya ng tapat, titino din yun. At isa pa, hindi naman din niya ginusto ang maging playboy eh. Naging paraan niya lang iyon para makatakas siya sa masama niyang "nakaraan". Pero nakikita mo pa bang nakikipag-fling siya sa iba't-ibang babae? Hindi na diba? Kasi unti unti, nagbabago na si Ken! Hindi lang din halata pero sobra niyang pahalagahan ang mga taong importante sa buhay niya. He's not perfect, but he is perfect in doing everything sincerely. That's the real Ken. Ang totoong Ken na hindi lahat alam, ang totoong Ken na ako at ilan lamang sa mga malalapit niyang kaibigan ang nakakakilala.

Hindi pa din nawala ang mga ngiti sa labi ni Grace habang nagkekwento ito. She must be really happy and proud. That Ken is really damn lucky. Kelan naman kaya niya marerealize iyon? Parang tuloy gusto ko siyang batukan ngayon. As in yung malakas na batok.

G: At iyon ang dahilan kung bakit minahal ko si Ken. Mahal ko ang dating Ken, mahal ko si Ken ngayon, at mamahalin ko si Ken hanggang sa mga susunod na araw.
MELO: masasabi mo pa ba yan kahit na hindi ma-reciprocate ni Ken yung feelings mo sa kaniya?
G: oo naman! Actually, never naman akong umasa na magkakaroon ng chance tong feelings ko sa kaniya eh. Alam kong walang pag-asa, pero sige lang. Go lang! Mahal ko eh. Kaya nga "fall in love" eh. Kasi nahulog ka na. Kapag ba nahulog ka, mapipigilan mo pa ba? Hindi na diba? Kasi kusa ka talagang mahuhulog.. at kahit anong pagpipigil pa ang gawin mo, wala ka ng magagawa. At isa pa, makita ko lang na masaya si Ken, masaya na din ako. Kumbaga sa mag-asawa, hindi man kami, pero parang conjugal yung feelings namin sa isa't-isa. Basta masaya siya, masaya din ako.
MELO: ah.. I see. With love, everything's beautiful. Iba talaga ang magic ng "love" sa atin.

Biglang nag-iba yung expression sa mukha niya. Ang kaninang masayang Grace, napalitan bigla ng malungkot na Grace. Pinipilit niyang ngumiti, pero hindi pa din nawawala sa mukha niya yung biglang lungkot nararamdaman nito. Para siyang nasasaktan.

Napansin ko din na biglang may tinuturo si Hannah mula sa likod namin. Pagkalingon ko, nakita ko ang isang pagod, hinihingal at iritableng si Ken. Palingat-lingat ito, hanggang sa nagfocus ang tingin nito samin. Ahh, he found us.

G: pero sa totoolang Melo, minsan napapagod na ako eh.
MELO: hm?
G: nakakapagod din pala mag-mahal, lalong lalo na kung alam mong walang patutunguhan iyong nararamdaman mo. Nag-invest ka, pero wala man lang mararating yung ininvest mong feelings. Masarap sa pakiramdam pag nakikita kong masaya yung taong mahal ko. Pero kung ano ang sarap at saya ang nararamdaman ko, sobra sobrang kalungkutan naman kapag naiisip kong hindi ako ang dahilan ng kasiyahan niya. Na hindi ako ang nagpapangiti sa kaniya. Na hindi ako yung taong nagpapatibok sa puso niya. Na hindi ako yung number one sa kaniya. Na kahit kailan, hindi niya ako mamahalin. Na never nagkaroon ng epekto ang existence ko sa kaniya. Sa loob ng 4 years, ako lang ang na-inlove. Ako lang ang bumigay. Hindi ako nag-eexpect, pero hindi ko pa din maiwasan ang masaktan kahit alam kong wala naman happy ending tong love story ko. Ang weird ko no? Masokista ata ako eh. Kahit na nasasaktan na ako, tuloy tuloy pa din ako. Hehehe....

Hindi pa din lumalapit samin si Ken. Mukhang nakikinig pa din ata ito sa pinaguusapan namin. Narinig kaya niya, loud and clear, yung mga sinabi ni Grace? It would be great kung narinig niya lahat ng iyon. Wala lang, gusto ko lang marinig niya para iparealize sa kaniya kung ano ba talaga yung nararamdaman niya para kay Grace. And to let him realize too na napakswerte niya na kay Grace. Na sana, hindi na niya ito pakawalan pa. Pero sa tingin ko narinig niya ito dahil biglang nag-iba ang expression niya ng marinig niya ang mga sinabi ni Grace.

Ah, I think this would be the perfect timing para mag-perform ng konting "Magic".

MELO: bakit hindi mo subukang magmahal ng iba?
G: like who?
MELO: like me? Subukan mo akong mahalin.
G: pag ba minahal kita, mawawala ba lahat ng sakit na naramdaman ko? Magiging masaya ba ako? Hindi na din ba ako iiyak? At may magiging happy ending ba tayo?
MELO: gusto mo malaman ang sagot?
G: *nods* hmm..

The magic starts in 3...

MELO: lapit ka sa akin, ibubulong ko sayo.
G: *lumapit* ano ba yun?
MELO: ang sabi ko-
G: ha?? Hindi kita maintindihan! Ano ulit yun??

2...

MELO: lumapit ka pa sakin ng konti.
G: *lumapit* ano ulit sinabi mo?
MELO: ang sabi ko, hindi ako ang lalaking makakapagpasaya sayo dahil yung lalaking yun ay walang iba kundi yung lalaking nakatayo sa likod natin kanina pa... si Ken.

1...

EVERYONE, WITNESS THIS SPECATCULAR MAGIC ~

G: *nagulat* OHNOES!! Ibig sabihin narinig niya yung-
HOY CARMELO! ANONG GINAGAWA MO KAY GRACE?! LUMAYO KA NGA SA KANIYA! MANYAK!

Bigla siyang lumapit samin. Galit na galit ang boses nito at sobrang sama ng tingin niya sa akin. Pagkalapit ni Ken, agad hinigit sa braso si Grace at inilayo niya ito sa akin. Then tumingin siya sakin ng masama.. sobrang sama.

Ahhh, I knew it. Hindi pa din nawawala ang Magic skills ko.

G: Ken! A- anong ginagawa mo dito?!
MELO: oo nga Ken. Anong ginagawa mo dito?
K: hindi ba dapat kayo ang tinatanong ko? Anong ginagawa niyo ng kayo lang dalawa sa bar?!?!
MELO: hindi pa ba obvious Ken? Grace and I are getting to know each other. Nasa magandang part na nga kami ng bigla kang sumingit eh. Tsk.
K: G@GO KA PALA EH!

Bigla ko na lang naramdaman ang kamao ni Ken sa kanang pisngi ko. Nahulog ako sa kinauupuan ko sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa akin ni Ken. Ouch, ang sakit ng pagkakasuntok niya ha!

K: ever since grade school, wala ka ng ibang ginawa kundi makipag-kompitensya sa akin. Hanggang ngayon ba naman Melo, pati si Grace aagawin mo sa akin? Sorry, pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na kahit anong panlalandi ang gawin mo sa babaeng yan, hinding hindi ka niyan magugustuhan! Dahil ako lang ang lalaking mahal at mamahalin niya. Wala ng iba!!!! Sayong sayo na yang No. 1 spot na yan, pero hinding hindi ko ibibigay sayo si Grace!

Ahh, I didn't expect na magiging maganda din pala ang kalalabasan ng pagiging cupid ko sa dalawang ito. I wasn't expecting na ganun ang magiging reaction ni Ken. There, he finally said it and I am starting to enjoy this.

I looked at Grace. Nakakatuwa yung expression sa mukha niya. Gulat na hindi maintindihan and sobrang confused siya sa nangyayari. Hahahahaha! Ito ang ine-expect ko na mangyayari talaga. Masaya ako dahil na-meet nito ang expected scenario ko.

K: so kung ako sayo, tantanan mo na si Grace dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na wala kang pag-asa sa kaniya. Btw, eto bayad sa mga nainom niya. Baka kasi singilin mo siya. Idahilan mo pa yun para lapitan siya.

Pagkalapag niya ng dalawang 1thousand bill sa table, he grabbed Grace's hand at dali daling lumabas ng bar.

And there goes my "Magic".

-:-:-:-

KEN's POV
Pagkarating ko ng Bar, agad ko silang hinanap. Hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil nakita ko agad sila sa may gitna ng bar. Sila lang talaga ang tao sa bar na ito.

Lumapit ako para puntahan si Grace, pero nabigla ako sa narinig ko which stopped me to approach her. Pinakingan ko lahat ng sinabi niya. Mula sa simula, hanggang sa dulo..

G: nakakapagod din pala mag-mahal, lalong lalo na kung alam mong walang patutunguhan iyong nararamdaman mo.

Napapagod? Napapagod na siyang mahalin ako? Bigla akong na-disheartend sa narinig. I mean, parang ang bigat sa dibdib ng marinig ko yung mga yun mula sa kaniya. Habang patuloy ako sa pakikinig sa kaniya, parang mas lalong sumasakit yung nararamdaman kong sakit sa puso ko. Gusto kong lumapit at isigaw: "Please don't give up on me!" pero hindi ko magawa. Ayaw gumalaw ng bibig ko.

Nakakapagod ba akong mahalin?

MELO: bakit hindi mo subukang magmahal ng iba?
G: like who?
MELO: like me? Subukan mo akong mahalin.
G: pag ba minahal kita, mawawala ba lahat ng sakit na naramdaman ko? Magiging masaya ba ako? Hindi na din ba ako iiyak? At may magiging happy ending ba tayo?
MELO: gusto mo malamang ang sagot?
G: *nods* hmm..

Then she leaned closer to Melo. Then si Melo, mas lumapit pa siya kay Grace.

OH SHIT. DON'T TELL ME THEY'RE MAKING OUT?! AND WORSE IS, SA HARAP KO PA!

Sa sobrang galit ng naramdaman ko, biglang kusang gumalaw ng mga binti ko. Nagawa ko na din magsalita after kong makita yung ginawa ni Melo kay Grace.

Since grade school, lagi na lang siya nakakaribal ko mapa sa acads, Mr. popularity sa school, and kahit Teacher's pet. But this time, hindi ako papayag na pati si Grace, aagawin niya sa akin. NO WAY.

Melo kissing Grace infront of me? WHO THE FUCK IS HE?

K: HOY Carmelo! ANONG GINAGAWA MO KAY GRACE?! LUMAYO KA NGA SA KANIYA. MANYAK!
G: Ken! A- anong ginagawa mo dito?!
MELO: oo nga Ken. Anong ginagawa mo dito?
K: hindi ba dapat kayo ang tinatanong ko? Anong ginagawa niyo ng kayo lang dalawa sa bar?!?!
MELO: hindi pa ba obvious Ken? Grace and I are getting to know each other. Nasa magandang part na nga kami ng bigla kang sumingit eh. Tsk.
K: GAGO KA PALA EH!

Sa sobrang inis at galit ko sa sinabi niya, hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin siya. Sobrang nandilim talaga ang paningin ko. Sobrang galit ako kay Melo!

K: ever since grade school, wala ka ng ibang ginawa kundi makipag-kompitensya sa akin. Hanggang ngayon ba naman Melo pati si Grace aagawin mo sa akin? Sorry, pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na kahit anong panlalandi ang gawin mo sa babaeng yan, hindi ka niyan magugustuhan! Dahil ako lang ang lalaking mahal at mamahalin niya. Wala ng iba!!!! Sayong sayo na yang No. 1 spot na yan, pero hinding hindi ko ibibigay sayo si Grace! So kung ako sayo, tantanan mo na si Grace dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na wala kang pag-asa sa kaniya. Btw, eto bayad sa mga nainom niya. Baka kasi singilin mo siya. Idahilan mo pa yun para lapitan siya.

Naglabas ako ng 2 thousand bill sa wallet ko at inilapag ko ito sa sa lamesa. Pagkaiwan ko ng pera, walang pagdadalawang isip na hinatak ko si Grace palabas ng bar. Gusto ko siyang ilayo sa Melo na yun dahil hangga't nakapaligid ang lalaking yun kay Grace, hinding hindi ako mapapakali. Hindi ako mapanatag...


MELO's POV
Wow. Infairness masakit ang pagkakasuntok na un sa akin ni Ken ha. Ngayon lang ulit ako nasuntok ng ganito. Hawak hawak ko pa din pisngi ko habang patuloy kong iniinom yung cocktail na pinagawa ko kay Hannah.

HANNAH: parang napasobra ata yung magic mo ngayon ah, nakatikim ka ng suntok this time.
MELO: naaah, okay lang. Worth it naman eh. Tignan mo, kung hindi ko pa ginawa yun, hindi niya marerealize yung kahalagahan ni Grace.
HANNAH: ikaw talaga... Ano naman naisipan mo at gusto mong maging cupid nilang dalawa?
MELO: wala naman, nakakaaliw kasing asarin si Ken eh. Hindi ko naman din ine-expect na hahantong sa ganito yung kwento nilang dalawa. Inaasar ko lang talaga siya noon.
HANNAH: hindi mo na talaga tinantanan si Ken, Melo. Grade school pa lang kayo, ganiyan ka na sa kaniya. Kaya tuloy ang aloof sayo ng tao.

Patuloy pa din si Hannah sa pag-prepare ng ibang pang-cocktails habang kausap ako nito. She's so graceful, kahit sa pagtatrabaho. With her height - 5'6 - slender body, and long black hair, kahit sinong lalaki hindi magdadalawang isip na mapalingon sa kaniya. She's really beautiful.

MELO: naaah. Baka nga this time pasalamatan na niya ako dahil sa ginawa ko eh. At isa pa, siya itong mahilig makipag-kompitensya sa akin at hindi ako no!
HANNAH: baliw ka talaga. Here, put some ice on your face ng di lumala pagkamaga niyan.
MELO: thanks Hannah. Yan naman ang gusto ko sayo eh. Maaalalahanin ka at hindi selosa. open minded ka pa! At ang ganda ganda gandaaaa mo pa. Hihihi.
HANNAH: kuuu, binola mo na naman ako. Well sa bagay, yung pagiging cupid mo din naman ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala, at kung bakit din kita minahal.
MELO: o, sino ngayon ang nambobola sa ating dalawa?
HANNAH: hahahahaha *smiles*

Ah. Nakalimutan ko nga palang ipakilala sa inyo si Hannah.

Si Hannah? Fiancé ko yan. Yes, fiancé! We've been together for 7years already. At tulad nga ng sinabi niya, naging kami dahil sa pagiging Cupid ko. Minsan ko ding nagawa yung magic sa sarili ko ng hindi ko sinasadya. Kung paanong naging kami, hindi na mahalaga yun. Dahil sa kwentong ito, focus tayo sa timeline ng love story ng dalawa nating bida-- sina Grace at Ken. At baka pag kinuwento ko pa yun dito, baka kami na ni Hannah ang maging bida! Just kidding. :P

Actually, ever since na naging kami ni Hannah, naging accomplice ko na siya pagdating sa ganito. So yung nangyari kanina? Everything was just a set up. At ang nakakatuwa dito, sinusuportahan ako ni Hannah sa ginagawa ko. She never gets jealous, or intimidated. Alam niyo kung bakit? Dahil sa TRUST. Oops, hindi yung "Trust" na 'ginagamit' ha. Trust, as in tiwala. That's why despite sa pagiging cupid ko, nagtagal kami ng ganito. And we're even getting married! So yeah, ang role ko talaga sa buhay ni Grace at Ken ay ang maging Mr. Cupid nila.

Ngayon alam niyo na din kung bakit malakas ang loob ko na dalhin dito at ilibre si Grace. Fiancé ko din kasi ang may-ari ng bar na ito.

Ahhh, ngayong na-peform ko na yung magic sa kanilang dalawa, I am expecting some improvements sa relasyon nilang dalawa. Who knows malay natin, bukas o makalawa sila ng dalawa?

Magic in Love? You've got to believe it.

==================

[A/N] Guys, around 6 to 7 chapters na lang pala at matatapos na yung story. Konting kembot na lang at maaabot na natin ang ending ng story na to, after 9 years! Yay! :) Naiiyak ako. Matatapos ko na kasi tong first story ko HAHAHAHA. WOOO. Juice colored! See you on the next chapter, dear readers! :)

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon