First day of class na ulit! Akalain mo yun, nakasurvive kami sa school and ngayon, 4th year na kami! In a few months, gagraduate na kami!! Exciting year! Also, I am so excited to see my friends~ Pagkarating ko sa building namin, hinanap ko agad yung close friends ko. Una ko namang nakita sina Trish and Rangel. Infairness naman sa kanila, going stronger ang dalawang yun. :3
G: Trish! I miss you!! Yo Rangel!
TRISH: I miss you too my friend! Paano ba yan, magkaklase na naman tayo.
G: oo nga eh! Sana hindi si Sir Sadista prof natin sa Electronics! >_<
RANGEL: eh paano ba yan! Nakasalubong ko kanina si Sir at sabi niya, advisory class daw niya ulit tayo.
G: aaaaaaahhhh~~~ No wayyyy!!!
Ano ba naman yan, first day na first day ang ingay agad.
Epal nun ah! Hindi ko na kelangan pang lingunin kung saan nagmula yung boses na yun dahil sa tono pa lang ng pananalita niya, kilala ko na kung sino siya. Lamunin na sana ng lupa!
K: mukhang magiging fun ulit tong sem na to ah.
G: mukha mo fun..
RANGEL: yo Ken! What's up!
K: yo.
Fun? Eh magiging mala-impyerno lang naman kasasapitan ko dahil simula na naman ng pang-totorture niya sa akin. Na-combo pa na adviser na naman namin si Sir Sadista :(
Pero inaamin ko, natutuwa din ako dahil kaklase ko siya this Sem. Yun nga lang, makakatangap na naman ako ng endless utos sa kaniya. T_T
B: KENNY~ I MISS YOUUUU! *sumabit sa braso ni Ken*
K: gaaah! Wag ka ngang masyadong dumikit sakin!
B: mwaaah!
K: uggggh.
Kamusta naman yung pagkaka-yakap ni Blue kay Ken. -_- And no, I am not jealous. It's just that.... I am just so inggit kasi wala akong lakas ng loob na gawin yun kay Ken. And kung gawin ko man yun, for sure, isang malupit na kamehame wave aabutin ko sa kaniya.
DA: Grasya~
G: Ernesto!
DA: yay~ Sa wakas may pasok na ulit. Makikita na kita everyday~~~
G: yay~! More fandom talks to come!!
Eh para kaming timang na habang palapapit sa isa't-isa, akala mo eh maghu-hug kami =))) Parang yung mga nasa movie lang. Kulang na lang i-Dawn Zulueta niya ako. Lol!
Papalapit na si DA ng biglang pumagitna samin si Ken.
K: oi. Tama na yan. DA, tawag ka ng Student Council. Shoo!
DA: bakit mo ba ako tinataboy kay Grace? Eh hindi ko pa nga siya nahu-hu-
K: alis naaaaa. Kanina ka pa nila tinatawag o!
IAN: DA tara na. May meeting pa tayo!
Biglang lumapit samin si Ian at tinawag niya si DA. As expected, nakuha ni Ian yung position na "Vice President" sa Student Council. Hindi na ako nagtaka, maliban na sa mabait, at matalino, sobrang humble and approachable din niya. :)
Kung siya ang Vice President this year, sino naman kaya ang President? I wonder who won this year's election.. Actually wala talaga ako idea kung sino yung mga tumakbo. Hindi kasi ako nakaboto last sem XD
DA: tsssk.
G: grabe first day na first day may meeting agad kayo.
DA: yeah. Para sa orientation ng mga freshies kasi.
G: ahhh~ nostalgic! Parang kelan lang first years pa lang tayo. Ngayon, mga seniors na nila tayo. Tapos ilang months na lang, gagraduate na tayo.
Nostalgia! Ahhh~ parang kelan lang nung unang tapak ko sa school na to. Nung nalaman kong magkakasama pa din kami sa iisang University ng kabarkada ko. At nung una ko ding nakilala si Ken...
K: at parang kelan lang ng makakita ako ng ligaw na Amazona sa cafeteria na sumisigaw sa isang Prinsipe.
Talaga naman pinaalala pa niya yung encounter namin na yun. Oo na, hindi na maganda. Sobrang memorable nga eh. Kakakilig. GRABE. *sarcasm*
G: tse! Nagaambisyon ka na naman eh. Gustong mong gisingin kita?
K: ah~
G: eh? Bastos, inignore lang ako. O_O
K: Parang kelan lang nung wala ka pang gusto sakin. Ngayon, patay na patay ka na sakin. Ahhh~ nostalgic.
G: AAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!! KAGDJHSGDLSKJSDVLKBSADJADSGVASILASA
Ano ba naman yan!!! Bakit kasi kailangan pang ipaalala yun?! Sa dinami dami ng pwedeng maalala, yung bagay na yun pa! ARGHH!!!
DA: huhuhuhu first day na first day, heart broken na agad ako. </3
G: pinagsasabi mo jan. -__-
K: oi umalis ka na tinatawag ka na nila o.
DA: right. Sige mauna na ako at may meeting pa ako. See you later!
B: ouch! Natapakan mo ko!
DA: ay sorry. Okay ka lang ba?
B: yea-yeah. Okay lang.
DA: sorry ulit! Sige una na ako, malelate na kasi ako. Bye!
B: buh-buhbye..
Wooo. Bakit nagba-blush si Blue? Don't tell me-
M: Gracie!!! Namiss ka namin!!!
G: Mako~!!! I miss you too! Ikaw din Rika!
Kung kelan naka-alis na si DA, saka naman dumating sina Mako at Rika. Sayang! Hindi na naabutan ni Rika si DA!!!
R: Gracie~ masaya na yung first day ko dahil nakasalubong ko siya~~
M: ah, don't mind her. Nasa Tralalaland pa din siya dahil kanina lang nakasalubong niya yung Prince niya.
G: ahehehe pansin ko nga. XD
B: hai naku, kaaga-aga ang ingay na ng mga unicorns. Hmp.
M: hai naku Gracie, kaaga-aga, may dumidikit na sa inyong linta. Halika nga dito ng ma-disinfect ka sa mga nagsikalat na linta na yan.
B: grrrrrr~!
M: shaaaaaaa~!!
Eto na naman po ang mag-BFFs. Nag-aaway na agad sila. What more pa kaya sa mga susunod na araw.. lingo... buwan... Sem. -.-
R: hi Ken! Guma-gwapo ka ata ngayon ah.
K: thanks Rika. Ikaw din gumaganda ;)
R: ayy hehe hindi naman :P
M: ha-hi Ken! *wave*
K: aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!
O, anong nangyari kay Boss? Bakit nagmamadaling tumakbo yun? AH. Oo nga pala.. alam na nga pala niyang incrush sa kaniya si Mako. Ibig sabihin, na-absorb niya yung mga sinabi ko sa kaniya last time. Huehuehuehue.
M: ay.. kumaripas ng takbo nung binati ko siya. :( umiiwas ba siya sakin? :(
G: naaah. Hindi lang siya siguro maka-get over nung nalaman niyang crush mo siya. :D
B: eh paanong hindi kakaripas, kung malaman niya na isang unicorn nagkaka-cruh sa kaniya.
G: oi Blue! Sumosobra ka na ah.
M: naaaah. Okay lang Gracie. Gets ko pa kung kaya niya ako iniiwasan kasi lalaki ako at yung fact na nagkagusto ako kay Ken is medyo awkward situation nga naman sa kaniya. Pero yung iwasan ka tapos, babae ka? Hindi ba mas nakakaawa ang mga ganun?
B: and your point is?
M: may point is, sa simula pa lang, alam kong Malabo na tong feelings ko na mareach kay Baby Ken. Eh ikaw? Babae ka diba? Dapat may chance na mafall siya sayo. Eh kaso hindi. Umiiwas din siya sayo which is more nakaka-awa kesa sa situation ko. HAHAHAHAAHAHAHHAHA! *evil laugh*
R: uhh. Maki, ikaw din is aka pa. Sumosobra ka na din. Shh na. -.-
Here they go again.. bakit ba masyado nilang pinag-aagawan si Ken? Eh hindi naman kagwapuhan yun. Well... cute siya. Slight. Pero ubod naman ng sama ng ugali!!!
M: eh kasi naman yang leech na yan eh! Sobrag laking epal! Hindi naman kasama sa usapan, sabat ng sabat!
B: paanong hindi sasabat, eh ang ingay ingay mo!
M: LEECH!!
B: UNICORN!!
R: oi tama na yan. Nagtatalo na naman kayong mag-BFFs eh. Dapat magmahalan kayo.
G: oo nga!
M: siya kaya nagsimula!
B: ang ingay mo kasi. So annoying!
*DING DONG*
ALL STUDENTS, PLEASE PROCEED TO THE GYM FOR YOUR ORIENTATION. I REPEAT, ALL STUDENTS, PELASE PROCEED TO THE GYM FOR YOUR ORIENTATION. THANK YOU.
G: diba si DA yung nagsasalita sa PA kanina?
M: oo nga!!!
R: grabe~ ang ganda talaga ng boses niya... <3
B: right right. Dibale Rika, pag may nameet akong mas hottie and hindi weird tulad ni DA, ipapakilala kita.
R: ayoko, gusto ko si DA lang~ *dreamy eyes*
G: ano bang nakita mo kay DA at patay na patay ka doon? -_-
R: wala lang.. super bait kasi niya eh...
M: at gwapo.
B: at weird.
G: ahh. Hehehe. XD
Lahat kami nagsipuntahan na sa gym para umattend ng orientation. Since orientation lang naman ang event, pinayagan kami ng mga teachers na umupo kasama mga friends namin, and not by block. Syempre, katabi ko sina Rika and Mako!
M: ugh. Anong ginagawa ng leech na to dito? Bakit natin siya kasama? :|
G: aba malay. -_-
R: Maki, ayan ka na naman sa kasungitan mo eh. Tinawag ko siya para makasama natin. Sabi kasi sakin dati ni Grace, wala siyang friends aside sa mga lalaking nabiktima niya kaya sort of loner siya ^_^
B: Rikaaaaa. Narinig ko yunnnn.
R: ahehe!
G: siya siya siya. Eh nandito na eh. Umupo na tayo at magsisimula na yung orientation.
R: Blue, tabi tayo~
B: yay!
Buti pa tong si Rika, kayang pakisamahan yung ugali ni Blue. Bakit kami ni Mako, hindi? -_- Well, atleast may masasabi na din na friend itong si Blue sa school. I am sort of happy for her.
DA: Good morning! Today, we will start our Orientation by listening to our Principal's speech, Mr. David Lagdameo. May we all give him a round of applause!
STUDENTS: *clap clap clap*
G & B: EEEEEEH~~~!!!!!
R: oh, bakit kayo napa-react ng ganiyan?
B: si Sir Sadista.....
G: Principal na?!?!?!?!
B: hindi niyo ba alam? Oo, siya na nga yung Principal!
G & B: ..............
I didn't see it coming...... Si Sir Sadista.. Principal na... This cannot be happening~! Mas nakakatakot kasi siya na nga yung adviser at prof namin sa Electronics, naging Principal pa siya. Kung di ka nga naman malasin oh. Para akong sinukluban ng langit at lupa sa narinig. T___T
SIR SADISTA: and that ends my speech. Thank you, and good luck batch 2013.
STUDENTS: *clap clap clap*
G: edi ang saya ni Ken niyan dahil yung favourite Professor niya, naging Principal na ngayon.
B: malamang.
G & B: *sigh*
M: okay lang yan. Magtiwala't manalig at kayo'y maliligtas!
B: yuck. Di bagay sayo.
M: wag ka mag-alala, si Grace makaka-survive, ikaw hindi.
B: at isasama kita!
M: shaaaaaa~!!!!!
B: grrrr!!
G: oi awat na. ayan na naman kayo eeh. -___- Rika tulungan mo nga akong pigilan tong dalawa -_-
Hindi pa din papaawat yung dalawa a pagtatalo. Ano ba yan. Wala bang araw na hindi sila mag-aaway?
G: Rika? Eh?
R: grabe... ang gwapo talaga ni DA...<3 *dreamy eyes*
Ehh kaya naman pala hindi ako pinapansin eh. Nakatutok na naman siya sa stage. Paano kasi, si DA na nagsasalita ngayon. Wait, anong ginagawa niya sa stage? O_O
DA: Hi Batch 2013. My name is Daniel Anthony Francis Ernesto Villadelgado. You can call me DA. I am the current President of the Student Council. I am here to discuss to you the events to be held this year.......
Wait, what? Si DA, PRESIDENT?! Wooooaaaah. Big time! O_O
BLUE's POV
DA: Hi Batch 2013. My name is Daniel Anthony Francis Ernesto Villadelgado. You can call me DA. I am the current President of the Student Council. I am here to discuss to you the events to be held this year.
Ehhhh?! President na siya ngayon ng Student Council?! Yung weird na yun?! Siya ang nanalo?! Nakakagulat naman yung mga revelations dito sa Orientation na to. Kanina lang, inannounce na si Sir Sadista yung Principal. Ngayon naman, si DA na yung President.
R: haiii~ ang gwapo gwapo na ni DA, ang galing galing pa niya... :">
So nasa dream world na naman itong si Rika. Kilig na kilig at tuwang tuwa siya habang pinapanood niyang magsalita sa stage si DA.
Pinagmasdan ko na lang si DA habang nagtatalumpati siya sa harap. Akalain mong yung weird na yun eh mananalong President sa Student Council? Hindi kasi halata sa kaniya eh. Alam mo yung sa unang tingin mo pa lang kay DA, mukha na siyang weird. Tapos parang baliw pa minsan kausap. Hindi mo maintindihan ang trip sa buhay. Walang ginawa kundi kumain ng cake at manood ng mga lalaking mas maganda pa saming mga babae.
M: buti na lang siya yung nanalo. Siya yung binoto ko last time eh :D
R: ako din! May heart pa nga akong nilagay sa paper eh <3
M: uhh.. naging valid kaya yung vote mo dahil doon? -_-"
G: bakit hindi ko alam yung election na yan?? -___-"
B: paano, busy ka mang-stalk sa ex ko.
G: hoy! Anong stalk ka jan? at sinong ex? Wala kang ex!
B: whatever.
Actually, binoto ko si DA nung election. Pero hindi ko lang din expected na siya yung mananalo. Ang dami kasi niyang kalaban para sa position na yun and yung mga kalaban niyang yun eh mas sikat pa sa kaniya.
R: grabe, ang saya siguro ng magiging school year natin ngayon. *dreamy eyes*
M: ah, ah... nasa Tralaland pa din tong kaibigan natin.
G: kanina pa. Ever since na nakita niya si DA kaninang umaga sa hallway.
R: swerte natin dahil sa last year natin, si DA pa yung naging President. Tapos super super friendly and bait pa niya~ *dreamy eyes*
Ah.. baka nga siguro siya ang nanalo dahil kahit malakas yung mga kalaban niya, malakas naman din ang charms niya sa ibang mga students. Mabait kasi siya and friendly.
R: cute niya talaga~ *dreamy eyes*
And cute din....
WAH! Ano ba tong iniisip ko? Bakit ko ba nasasabi yung mga yun? >_< Eeeesh. Fine! Magpapakatotoo na ako. Total naman, hindi naman nila malalaman kung anong nasa isip ko eh. Fine. Cute si DA, ok? He's a dork, but cute at the same time! I like the way he smiles. The way he laughs and the way he giggles. Ang cute din ng mga habbit niya like eating cakes. Siya nagturo sa akin na kapag na-i-stress at sad ako, kumain lang ako ng cake. And I am so thankful dahil nakatulong iyon para makapagrelease ako ng bad vibes sa katawan ko. He's simply adorable.
G: anyway, he deserves naman to win eh. Kasi maliban sa magaling na siya, sobrang bait pa niya.
M: tomo!
R: hai~~ *dreamy eyes*
And yes, he's mabait. No wonder kung bakit siya ang gusto ng mga tao. He's willing to listen when you have a problem. Nanjan siya para samahan ka. Tutulungan ka niya sa mga problema mo and dadamayan ka pa niya kung kailangan.
I cried a lot because of Ken.. at sa mga oras na sobrang devastated ako, DA's there to listen to me. Well, minsan napipilitan siya kasi hinahatak ko siya sa kung saan saang lugar para makapag-unwind ako sa mga problema ko. But he didn't leave me. At kahit ilang beses ko na siyang tinaray-tarayan at sinungitan, he's still there beside me.. to help me and to listen sa mga problema ko. Hindi niya ako iniwan. At kahit paulit-ulit na ang mga rants ko, nanjan pa din siya sa tabi ko. Whenever I am in trouble, he's there to save me. Siya lagi ang unang taong lumalapit sa akin para tulungan ako. Si DA. Wala ng iba..
Kung magkakagusto ka, siguraduhin mong doon ka sa tapat. Yung hindi ka lolokohin. Yung alam mong wagas ang pagmamahal sayo, at hindi dahil maganda at sexy ka lang. Yung alam mo na sasaya ka. Yung hindi ka sasaktan. Yung tangap niya kung ano ka. At hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari.
Bigla ko naalala yung mga sinabi niya sa akin noong sobrang nasaktan ako kay Ken. Makahanap kaya ako ng lalaking magmamahal sa akin ng tapat at totoo? Yung hindi ako sasaktan, at hindi ako iiwan? Yung mamahalin ako dahil sa kung ano ako, at hindi dahil sa kung ano ang pagkakakilalanlan niya sakin? Tatangapin niya kung ano ang mga pagkakamali at mga pagkakakulang ko? Makakahanap kaya ako ng lalaking magmamahal sa akin ng buong buo?
DA: thank you all for listening. Good luck and let's all have fun this year! May we all enjoy this school year, as how we enjoyed our previous stay here in our University. Thank you and God Bless!
STUDENTS: *clap* *clap* wuhooo!! Go DA!
LOWER YEAR STUDENTS: kya~ ang cute niya!
B: *blush*
Shizzz. I hate this feeling. Ito pinaka-ayoko sa lahat eh. Kung bakit kasi.... Ahhhhh!
Ayoko sa lahat kapag nacoconfuse ako sa feelings ko!======
A/N - Dedicated to Ian (@kennik). Benta kasi ng comments niya tapos #AllCapsParaDama pa. Hahaha! Eto na po Ser yung update. Saglit lang ang cameo appearance kasi nagawa ko na yung chapter before pa and di ko alam kung saan ko isisingit pangalan mo dito :O Sana maenjoy mo yung super saglit na Cameo Appearance mo dito. Hahahahaha XD
Any, gusto ko lang sabihin sa inyon lahat na superduper happy and ecstatic ko lang ngayon dahil -Ber month na! I love -ber months, SUPER. Hihi! I can already hear christmas songs sa mall, and nakikita ko na din na may nagkakabit na ng christmas lights and chritsmas tree sa ibang buildings. Don't you guys just love it? :)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...