So this is it.. ang pinakahihintay na araw ng mga kaibigan ko. At hindi ko din alam kung ano ba dapat mararamdaman ko. Maeexcite din ba? Matutuwa? Bakit ganun, kahit pilitin kong ma-excite, parang hindi ako naeexcite. Baliktad yung nararamdaman ko. KINAKABAHAN ako. Hindi ko naman alam kung bakit ako kinakabahan.. pero ewan. I feel butterflies in my tummy.
A: friends, tara na. nanjan na yung sundo natin.
C: Okaaaay!
Sh.t, lalo akong kinabahan! Nanjan na yung sundo namin.. ibig sabihin nanjan na din si..
M: hui, ok ka lang?
G: ha? ako? oo naman. Hehe..
M: ano ka ba, dance lang to. Wag kang kabahan. Isipin mo na lang, party ito. Ok?
G: I can't believe it na sa iyo ko naririnig yang mga salitang yan -___-"
M: hudas ka. Hahaha
G: anyway.. I'll try me very best to enjoy the party. Sana walang masamang mangyari sakin mamaya.
M: chill ka lang dude, ok? Kaya yan. And wag kang sumimangot, ang ganda mo ngayon :)
G: eh? hehe..
A: guys, tara na hinihintay na tayo ng partners natin sa labas!
Ok. Partner daw. WAH @_@ natuliro naman ako doon! Kinakabahan ako.. baka kasi hindi ako maging maganda sa paningin ni Jared. Baka magsisi siya na pumayag siyang maging partner ko. At baka... baka bigla na lang niya ako iwan sa ere kasi nadisappoint siya sa magiging itsura ko sa gabi na to..
Hindi ko magawang tumingin sa mukha nila. Nahihiya ako! Nakakaines, parang gusto ko na tuloy magback-out! Pa-atras na ako ng biglang may humawak sa likod ko..
"Wow, you look so beautiful tonight.."
Tama ba ang dinig ko? O nabibingi lang ako dahil sa kaba??
G: Hi Jared..
J: ok ka lang? parang you don't look ok
G: ah.. yea. Medyo hehe
Nanginginig ako sa kaba. Ano ba to, bakit ganito nararamdaman ko. Dance lang naman to pero kinakabahan ako! kinakabahan ba ako dahil kasama ko si Jared...?
J: Don't worry, as long as I am with you, you'll be fine. For tonight, you will be my Lady.
Hindi ko na nagawang mag-reply sa sinabi niya. Pramis, kabang kaba na talaga ako! Ted Hannah, help me please???
J: Shall we? :)
Bigla niyang binigay yung kamay niya sa akin. Naku naman, ito na naman yung nakakatunaw niyang ngiti! At dahil natunaw na naman ako sa ngiti niyang iyon, binigay ko sa kaniya ang kamay ko. Nung binigay ko yung kamay ko, pakiramdam ko nawala yung kaba na kanina ko pa nararamdaman. Pakiramdam ko, sa pagkakabigay ng kamay ko sa kaniya, para ko na ding ipinagkatiwala sa kaniya lahat lahat.
Ted Hannah, please, sana walang masamang mangyari sa gabing ito. At please, sana ma-enjoy naming lahat ang gabing ito. Kahit ngayon lang, makisama ka sa akin ha? Ted Hannah, please?
After ng 1hour na byahe, narating na namin yung venue ng Dance. Nagsisimula na yatang pumarty yung mga tao. Rinig na rinig sa labas yung music eh. At ang ganda ng Hotel. Nasa garden yung parteeey. Ang daming tao! Shemay, lalo tuloy akong kinabahan :-s
A: guys, sinave na tayo nina Cris ng table. Sa kanila na daw tayo maki-share.
C: ayun, nakita ko na si Crom. *sigaw* DARLIIIING!!! ♥ ♥ ♥ *kaway*
Anak naman.. bakit naman sa dinami dami ng makaka-share namin, sina Ken pa ano? OK. TED HANNAH, ARE YOU PLAYING WITH ME AGAIN???
J: Guys, una na kayo. Naiwan ko yung wallet ko sa kotse.
A: ok, bilisan mo ah.
Uwaa~ @_@ aalis yung partner ko. Baka hindi na niya ako balikan. Baka nga tama yung hinala ako.. baka na-disappoint nga siya sakin! Baka mangyari yung mga napapanood ko sa movies.. yung aalis yung kasama nila tapos biglang hindi na pala babalik. Tumakas na pala.. Baka gawin din sakin ni Jared yun. Baka nagdadahilan lang siya.. pag pagka-alis niya, hindi na niya ako balikan. Baka iwan na niya ako. baka hindi na niya-
J: halika na!
Eh? bigla niya hinatak yung kamay ko. Teka, saan naman niya ako dadalhin???
J: samahan mo ako. di kita pwedeng iwan, partner kita eh :)
G: ah.. haha ok. Akala ko kasi..
J: akala mo ano?
G: ah.. wala.. :)
Ok. Ako na ang paranoid. Sorry na. X_X kung ano ano kasi iniisip ko eh. Hai Grace, tiwala lang. Pero infairness, kinilig ako ha. Biglang hinatak ni Jared yung kamay ko. Feeling ko tuloy nasa fairy tale ako.. magpaganun pa man, at least alam kong sa gabi na to na hindi ako iiwan ni Jared..
KEN'S POV
Ang tagal naman ng mga yun! Grabe ha. Infairness, hindi pa nagsstart yung party pero nagugutom na ako. Mag-iisang oras na kaming naghihintay dito ng mga kasama ko. Hai.
CM: guys nandito na pala sila. DARLIIING!! *kaway*
K: wow, FINALLY.
At waaaw nandito na din sila after 10 years. Hehe, ano kayang itsura ni Grace? Medyo na-excite akong makita siya. For sure, nahirapan yung nag-ayos sa kaniya. Pagtatawanan ko ko yun pag nakita ko na siya. Haha!
JS: wooooah. Girls, ang gaganda niyo ngayon ah!
C: Thank you Justin! :)
A: sorry kung natagalan, medyo ang hirap makahanap ng parking sa labas eh.
CR: ok lang. hindi pa naman nagsstart yung mismong event eh.
CM: darling, ang ganda mo naman ngayon ♥
C: ikaw din darling..
CM: ako din maganda?
C: hindi, ano ka ba >_< gwapo ka ngayon. Nahuhulog ako sayo lalo ♥ ♥ ♥
CM: aww darliiing ♥ ♥ ♥ sorry kung di kita nasundo ngayon ha? :( may inaasikaso kasi kami eh.. bawi na lang ako later. I love you darliiiing! ♥ ♥ ♥
C: aww. I love you too darliiiing ♥ ♥ ♥
CM: I missed youuu ♥ ♥ ♥
C: I missed you tooooo ♥ ♥ ♥
M: homaygad. I SEE PDA-ers. Hindi ko sila kilala. I swear, hindi ko sila kilala. @_@
A: Mae. Layo tayo dali. Baka isipin nila, mga kasama natin sila!
JS: jusko, naglalambingan na naman kayo. Umupo na nga kayo at ng hindi na tayo nakaharang sa daraanan ng mga tao.
Grabe. Hindi na nagpapigil sa nadarama yung dalawa. Nag-PDA na sa harap namin. Teka, baket parang kulang ata sila. Parang wala yata si Grace. Ha! don't tell me, hindi na siya nagpunta kasi alam niyang fail lang mangyayari sa kaniya ngayon gabi! Muhaha!
CR: sinong hinahanap mo Ken?
K: ah.. si Grace yata wala pa. Ha Ha Ha! Baka hindi na siya nagpunta kasi alam niyang mag-mumukha siyang timang tonight.
JS: grabe ka naman magsalita Ken.
A: oo nga. For your information, ang ganda kaya ni Grace ngayon.
M: *nods*
K: so nagpunta siya?
A: oo naman no. Oh, speaking of the devil, nandito na pala sila.
Wow. Nagpunta pa pala yung panget na yun? Ha! Tignan natin kung ano itsura niya tonight. For sure, hindi siya kasing stunning tulad ng ibang mga babae dito.
J: sorry natagalan. Ang dami kasing tao sa labas, nahirapan kami makapasok ulit.
Wow. Panira ng gabi tong lalaking to ah. Ay, oo nga pala. Siya pala yung partner ni Grace. Teka, asan na ba si Grace? Bakit hindi ko siya mahanap?
G: sobrang daming tao sa labas, siksikan kaya hirap na kami makapasok. Haii~ buti na lang naka-survive kami ni Jared.
Eh? EH?! Si-si Grace yung kasama ni Jared? Bakit.. ang-uhh.. eh?? hindi ba ako namamalik mata?? Si Grace yung... magandang babae na kasama ni Jared? Oh. Okay. It makes sense. Siya nga partner niya eh diba? Bakit hindi ko agad naisip yun?? BAKIT HINDI KO SIYA NAMUKHAAN??
K: Gr-Grace?
G: ano? Problema mo?
Sh.it. Si Grace nga. Parang ayaw kong maniwala sa mga nakikita ko. Si Grace nga ba talaga yun??? O nagkakamali lang ako ng tinitignan? Hindi kaya Malabo na mata ko? Dapat ba akong maniwala sa lahat ng nakikita ko? Kung si Grace nga yun... parang di ko kayang matawa. Parang gusto ko bawiin lahat ng sinabi ko kanina..
Shit. Ang ganda niya....
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...