KEN's POV
Bwisit na lalaking yun! Tama ba namang halikan niya sa harap ko si Grace?! Tapos ako pa sisisihin niya kung bakit hindi niya matuloy yung binabalak niya?!
G: Ken?
Bwisit talaga kahit kailan ang negneg na yun! Bakit ba gustong gusto niyang makipag-kompitensya sakin?! Pati si Grace ko balak pa niyang kunin sakin!
Wait, Grace "ko"? At kelan ko pa siya naging pag mamay-ari?!
G: Ken???
Asar talaga!!!
G: hoy Pinya!!! Ano ba! Kanina pa kitang tinatawag! Bakit di mo ako pinapansin!!!!!
K: pwede bang tumahimik ka?! Ang ingay mo!
G: bwiset! Aagaw-agawin mo ako doon sa kasama ko, tapos hindi mo din naman ako papansinin?! Ano bang problema mo?!
K: ikaw! Ikaw ang problema ko!
G: ako?! Anong ako?! Ano na naman bang ginawa ko?!?!?!?!!!!
K: hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo! Nalilito na ako!
G: uhh....
Crap, ano na naman ba itong sinasabi ko?! Kung ano ano na naman nasasabi ko. Di ko sure kung dahil ba sa alak kung bakit ko nasasabi ang mga iyon, o dahil naipon lahat ang matagal ko ng gustong sabihin kay Grace.. At dahil sa alak kaya malakas ang loob ko na sabihin yung nararamdaman ko.
K: teka, nahihilo ako.
G: hoy! Nahihilo ka?! So nag-drive ka papunta dito ng nakainom?!
K: parang ganun na nga.
G: bakit mo ginawa yun?! Paano na lang kung kaninang nagdadrive ka, bigla kang nahilo? Mag-isip ka nga!
K: paano ako makakapag-isip ng maayos after kong marinig yung sinabi sa akin ni Melo kanina?!
Nakakainis naman oh. Bakit ngayon pa ako nahilo kung kelan kasama ko na si Grace?! Napaka-traydor naman talaga ng alak oh. Kung kelan hindi ko kailangan malasing, saka naman tumatalab!
K: at kung hindi ako nakarating on time, who knows kung ano pa ang nagawa niya sayo kanina..
G: may sinasabi ka?
K: wala..
G: ano bang sinabi sayo ni Melo kanina? Inaaway ka na naman ba niya? Inaasar? Tapos napikon ka naman?
K: iuuwi ka daw niya sa condominium niya dahil lasing ka na..
G: huuuuh?!
K: at pag inuwi ka daw niya sa condominium niya, baka daw hindi niya pigilan sarili niya at may gagawin siya sayo.....
There. I said it.
Minsan na akong nawalan ng babaeng minamahal at wala akong ginawa para i-save ang relationship namin. Hinayaan ko lang siya mawala sa akin ng wala man lang akong ginawa.... At ngayong meron na ulit akong babaeng pinahahalagahan, ayoko na maulit ang pagkakamaling iyon.
Noong una, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Grace. Tine-take for granted ko pa nga yung feelings niya ng malaman kong may gusto siya sa akin. Hanggang sa sumagi na sa isip yung posibilidad na nagkakagusto na ako sa kaniya... Pero pilit ko namang idinedeny sa sarili ko yun. Tama nga sina Jared, DA at ang mga kaibigan ko. Matagal na nga akong may gusto kay Grace, pero in denial lang ako dahil akala ko imposible eh. Hindi pala..
Malaking takot ang naramdaman ko ng marinig ko yung binabalak ni Melo . Bigla kong naramdaman ang takot na mawala sa akin si Grace. Saka nag-sink in sakin na ayokong mawala sa akin si Grace, na ayokong maagaw siya sa akin ng iba.
Ngayong kasama ko na siya, ano na ba ang next step na gagawin ko???
Shit, ang hirap naman nito!
GRACE's POV
Ano bang problema ng lalaking to? Ang sungit sungit at galit na naman siya sakin. Wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama ah! Nagpasabi naman ako sa kaniya na may lakad ako (ugaliing ipaalam sa Boss ang iyong whereabouts para incase na may iuutos siya sayo, alam niya kung saan ka matatagpuan). May kasalanan ba akong nagawa? Ah! Nagalit ba siya dahil naiwan kong bukas ang router sa bahay? Oh noes! Di talaga siya naka-get over doon??? Si Melo naman pala ang may kasalanan, pero bakit sakin niya binubuhos init ng ulo niya?!
G: ano bang sinabi sayo ni Melo kanina? Inaaway ka na naman ba niya? Inaasar? Tapos napikon ka naman?
K: iuuwi ka daw niya sa condominium niya dahil lasing ka na..
G: huuuuh?!
Patola! So si Ken pala yung kausap niya sa phone kanina? Kaya pala tumatawa pa siya kanina mag-isa! Loko yun!
K: at pag inuwi ka daw niya sa condominium niya, baka daw hindi niya pigilan sarili niya at may gagawin siya sayo.....
Teka. Anong kwento na naman bang iniimbento ni Melo?! Retarded talaga yun!! Dahil sa pantitrip niya kay Ken, nagkaroon pa tuloy ng kaguluhan sa bar kanina!
At teka, hindi ako lasing!!! Kelan pa nakakalasing ang juice at shake?!
G: hahahahahahahahahahahahahaha
K: hoy! Bakit ka tumatawa?!
G: kasi nakakatawa ka eh!
K: eh bakit mo ako pinagtatawanan?!
G: mukha ba akong lasing?! Hahahaha!
K: hindi ka ba lasing?!
G: ofcourse not! At kelan pa nakakalasing ang juice at shake? Mas mukha ka pa ngang lasing sa akin eh. Hahahahahahahaha!!!!
Ang dami kong tawa! Mga bente. Naloko ni Melo si Ken. Hahahaha! Si Melo lang talaga ang natatanging lalaki na may kakayahang pikunin at asarin ng sobra sobra si Ken XD
Bigla siyang napaupo sa may bench habang saposapo ulo niya. Hihihi ang benta talaga!
K: teka, sumasakit ulo ko. Sumasakit lalo dahil sa mga naririnig ko.
Umupo na din ako sa tabi niya. Natatawa pa din ako sa kaniya talaga.
K: pwede ba, tumigil ka na sa pagtawa. Nakakainis ka na.
G: hehehehehe ang cute mo kasi kaya ako natatawa.
K: bwiset. Pasalamat ka at ma-
G: ano kamo?
K: wala. Retarded.
G: hehehehehe. Kape lang ang katapat niyan Boss. Teka, ibibili muna kita ng coffee doon sa convenience store ng mawala yung pagka-tipsy mo.
Tumayo din agad ako ng bigla niya akong hinawakan a kamay ko. Nakahawak pa din ang isa niyang kamay sa ulo niya habang nakayuko ito. He must be suffering from a massive headache.
K: Grace,
G: oh.
K: wag mo kong iwan please?
G: baliw! Bibili lang ako sa convenience store ng coffee mo! Anong iiwan kita jan? At isa pa, kung iiwan at tatakasan man kita, it's pointless. Hindi ko din alam tong lugar na to no. Baka maligaw lang ako.
K: hmm.
G: okay na? Pwede mo na bang bitawan kamay ko? O gusto mo kaladkarin din kita papunta doon?
K: sorry.
Retarded ng lalaking yun. Parang ang fragile na ewan. Ganun ba talaga yun pag lasing? Parang yung nangyari lang nung Christmas dati.. Nung nag-first kiss kami.
Patola, bakit ko ba inaalala yun?!
K: Grace!
G: ano na naman?
K: bilisan mo ha.
G: oo na! Kung makapag-utos to.
Dali dali kong tinakbo yung convnience sa tapat ng park. Mabuti na lang at may malapit na Mini Stop dito. Papasok na ako sa loob ng marealize ko na wala pala akong dalang pera. Wahahaha!!! Genius! Dalidali ulit akong tumakbo pabalik sa park para mang-extort, este, manghingi ng funds kay Boss.
G: Boss!
K: o? Bakit ang bilis mo?
G: hehehe.. Penge pera!
K: hoy! Bakit ka nanghihingi ng pera sakin?! Extortion yang ginagawa mo ah!
G: gaga! Wala yung bag ko. Naiwan ko sa bar! Eh bigla mo ba naman akong hinatak eh, kaya naiwan ko ung bag ko. Kung gusto mo, hintayin mo ko dito tapos babalikan ko lang yung bag ko sa bar.
K: no! Di ka na babalik sa bar na yun! At ako na kokontak kay Negneg para maibalik yung bag mo!
G: o, kalma lang. Highblood ka na naman eeh -_- penge na pera :D
K: hai. Mag-sa-suggest ka na nga lang, fail pa.
Kumuha siya ng pera niya sa wallet niya at agad niya itong iniabot sakin. Hehe. Bait ngayon ni Boss ah.
K: bilisan mo ah!
G: roger that!
Tumakbo ulit ako pabalik sa Mini Stop. Bought some coffee and food too. Ewan ko ba, bigla akong inatake ng sobrang gutom. Madami naman akong ininom kanina.
Pagkabayad ko, tumakbo ako ulit ng mabilis pabalik sa park. Sabi kasi ni Boss bilisan ko daw eh. Alam niyo naman yun, demanding.
G: Boss! Eto na coffee mo!
K: thanks. Ano yang kinakain mo?
G: donut! Nagugutom ako eh. Nakakagutom pa rin pala kung puro juice at shake lang ininom mo no? By the way, pera mo ginamit ko pambili ng pagkain ko XD
K: *bite*
G: waaaah~!! Bakit mo kinagatan donut ko!! >__<
K: eh bakit? Pera ko naman pinambili mo sa kinakain mo ah. Anong masama doon?
G: pfshh. *pouts* right right...
Kakainis yun. Kung alam ko lang na gutom din siya, edi sana binilhan ko na lang din siya ng donut niya. Galing siyang inuman, ano bang malay ko kung gutom o busog yun -_-
*BEEP BEEP*
Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko ay binasa yung text. Napa-"HUH" talaga ako doon sa nabasa kong text eh.
/------ START OF TEXT -----/
FROM: Melo
From now on, hindi mo na kailangan mag-habol Hindi mo na din kailangang magdasal. Dahil simula sa oras na ito, si Ken na ang gagawa ng paraan para sa inyong dalawa. Hindi mo na kailangang problemahin ang love life mo dahil ito na ang simula ng iyong "happy ever after" my friend. :) Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo na magaling ako mag-magic pag dating sa love and tonight, you're going to witness that magic :)
/------ END OF TEXT -----/
G: di ko gets.
K: ang alin?
G: yung text ni Melo.
K: ano?! Tinetext ka ni Melo ngayon?!
Tama daw bang taasan ako ng boses ng Pinyang to?! Ang alam ko nakaka-nerbyos lang ang epekto ng coffee e. Hindi ko alam na nakakapag-high blood din pala ito. -_-
G: ano ba kalma lang! Ang OA mo! Parang text lang nagpapanic ka na jan.
K: tss. A-ano bang sabi sayo ni Negneg?
G: *stare ng masama*
K: what?!
G: Melo ang pangalan niya. Melo!
K: whatever.
G: *stare ng masama*
K: ugh! Fine! Melo! Happy? Ano na sinabi ni Melo?!
Pinakita ko kay Ken yung text ni Melo. Siguro magegets ni Ken tong text ni Melo since matalino siya. Top 1 e.
G: na-gets mo?
K: ...
G: hui.
K: ow.
G: na-gets mo yung text ni Melo?
K: hindi.
G: okay.
Wenks. Akala ko naman gets niya yung nasa text ni Melo. Bigla kasi siyang natahimik e. Hindi na din siya nagsasalita after niya nabasa yung text.
Maalok ko na nga lang siya ng donut ko :3
G: gutom ka pa ba? Meron pa akong isang donut dito.
K: kita mo to, meron ka pa palang tinatabing donut. Tapos pagdadamutan mo ko.
G: >_< eeeh binibigay ko na nga eh!
K: di na. Sayo na yan. Makikikagat na lang ako.
G: okay bahala ka. Walang bawian ah.
K: hmm..
Tumahimik na siya ulit. Tanging yung ingay ng mga dahon at yung pag-sip lang niya sa coffee yung naririnig ko and some random cars pag may nadadaan. Ngayon ko lang sinipat yung area. Medyo tago din pala to kaya naman ang tahimik sa lugar na to plus medyo late na din kaya konti lang yung mga taong napapadaan.
K: Grace.
G: hmm?
K: yung kanina..
G: anong meron kanina?
K: hinalikan ka ba talaga ni Melo?
Bigla akong napaisip. Si Melo, hinalikan ako? Kelan? Wala naman akong tanda na hinalikan niya ako kanina-AH.
G: ahh, hindi niya ako hinalikan! May binubulong lang siya sakin kanina.
K: ah.. Kasi ang lapit ng mukha niya sayo kanina kaya akala ko hinalikan ka niya. Tapos medyo gulat pa yung expression mo kanina.
G: yun ba? Nagulat ako kasi binulong niya lang sakin na nandoon ka sa likod namin. Syempre ako naman, hindi ko ineexpect na nandoon ka sa bar kasi hindi ko naman nasabi sayo nandoon ako nung oras na yun. Kaya nagulat ako.
K: hmm..
Ano bang meron sa lalaking to at ang seryoso niya masyado? Kanina pa siyang ganiyan eh. Hindi nga siya galit, pero nakakapanibago na hindi nga talaga siya galit. Parang sinapian ata -_-
G: ok ka lang ba Ken? Bakit kanina ka pa tahimik? Nakakapanibago.
K: nag-iisip isip lang.
G: oh ok. Do you want me to transfer doon sa kabilang bench para hindi kita maistorbo? Mukhang malalim kasi iniisip mo eh.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya. Aktong patayo na ako para lumipat sa kabilang upuan ng bigla niya akong pinigilan. Ulit. Round 2.
K: no. Just stay. Stay beside me.
G: uhh, okay.
Umupo ulit ako sa tabi niya. Tahimik na naman niya ulit.. At hawak hawak pa din niya kamay ko. As in. Hawak. Holding hands. Nakalock yung mga daliri niya sa daliri ko. Intertwined! As in kung paano magkahawak ang mag-couples. O_O
Ang hirap tuloy kumain ng donut. Isang kamay lang. Paano kasi, yung isa, hawak niya. Yung isa naman, may hawak na donut. Eh ano na lang gagawin ko kung nangati yung likod ko? Anong pangkakamot ko?!
G: Ken, yung kamay ko.
Ang ineexpect ko na gagawin niya ay bibitawan niya ako. Pero imbes na ganun ang ginawa niya, mas lalo pa niya akong hinatak papalapit sa kaniya.
Gaano ka close Sir?
Este, ANG LAPIT LAPIT KO TALAGA SA KANIYA. @_@ At hawak pa din niya yung kamay ko. Teka, lasing pa ba to? Eh pinainom ko na ng coffee yun eh. Hindi pa din ba tumatalab?! Pero mukha namang matino siyang kausap ngayon.
K: Grace, may tanong ako. I want you to answer me honestly.
G: tungkol saan naman? Kung Math problem yan, hindi kita matutulungan. *laughs*
K: do you love me?
PATOLA! Ano ba namang klaseng tanong yun?! Out of the blue! Eh ano naman isasagot ko doon? Sabi niya answer him honestly eh. Wala naman sigurong mawawala kung didiretsuhin ko siya diba? Total naman, alam na naman niyang mahal ko siya at wala na din naman akong pag-asa sa kaniya, ano pa bang dapat kong katakutan? Wala na din naming mawawala sa akin eh.
G: a- anong sa tingin mo?
K: kaya nga kita tinatanong, kasi hindi ko alam.. Or rather, hindi ako sure kung may feelings ka pa sa akin.
G: gaga, sa tingin mo ba madaling mawawala yung feelings ko sayo na apat na taon kong ininvest? Sa tingin mo ba ganun lang kadaling kalimutan yun? Sa tingin mo ba, ganun kadali ang mag-move on? Sa tingin mo ba, ganun lang kadali maghanap ng lalaking papalit sayo sa puso ko? Hanggang ngayon, hindi pa nawawala tong forever unrequited feelings ko sayo. Mahal pa din kita, Ken. Mahal na mahal.
O ayan, sabi niya honest answer daw eh. Binigay ko sa kaniya yung hinahanap niya. Infairness, kahit alam kong alam na niyang may feelings ako sa kaniya, nahihiya pa din akong sabihin sa kaniya. It's like I'm confessing all over again! Once is enough at ayoko ng sundan pa ng isa pang rejection yung first confession ko! Sakit kaya sa puso nun.
K: thank you.
G: huh? Yeah...... Right.
"Thank You"? Yun lang? Hay nako, umasa pa ako. Eh alam naman ng buong mundo na hindi ang mga tulad ko ang type niya eh at hindi din niya ako magugus]tuhan. Nagdrama na naman ako.
Hindi ko na sana didibdibin masyado yung "Thank You" niya, kaso may pahabol pa siyang ginawa doon. Tila mahuhulog ng mga oras na yun ang puso ko sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.
Humarap siya sakin, at dahan dahan niya akong isinandal sa dibdib niya, yumakap siya sa akin habang hawak-hawak pa din niya ang kamay ko (at hawak hawak ko pa din yung donut sa kabilang kamay).
K: thank you for loving me. For loving my friends. For loving my family. For loving my past. For always listening to me, kahit pa na alam kong iritang irita ka na sa mga reklamo at utos ko. Thank you dahil kahit na may pagka-Monster ako, for these past 4 years, sinasamahan mo pa din ako. Nagpasensya ka sa akin. Kahit ilang pagpapahirap ang ginawa ko sayo, kahit ilang beses na kitang nasaktan, napaiyak, nagalit, at kahit na alam naman nating pareho na gawa lang sa papel kung bakit tayo magkasama, thank you dahil hindi mo ako iniwan. At kahit na dahil sa contract kaya tayo madalas na magkasama, salamat dahil pinaramdam mo pa din sa akin na espesyal ako. Thank you for always understanding me and for accepting me for who I am. For loving everything about me, even my flaws, my imperfections. Thank you.
Hindi ko alam kung anong iirereact ko doon sa mga sinabi niya. Si Ken Almighty, mataas ang pride, Bossy type, all of the sudden, magte-thank you sa akin? And to think na suntok sa buwan lang na na-a-appreciate niya yung mga ginagawa ko. Si Ken na ilang taon ko ng minamahal, ngayon ay ina-acknowledge niya ng maayos yung feelings ko for him. Sobrang saya ko lang. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya!
Hindi man niya ma-reciprocate yung feelings ko for him, yung thought lang na na-acknowledge niya yung feelings ko sa kaniya at na-appreciate niya ang mga efforts ko, masaya na ako. Masayang masaya.
Pagkatapos niyang magsalita, dahan-dahan siyang bumitaw sa akin. Binitawan na din niya yung mga kamay ko. May kinuha siya sa wallet niya na isang papel.
K: remember this?
He unfolded the paper. Natawa ako ng makita ko kung ano yun. It was our contract. Biglang nag-flashback sa akin yung mga pangyayari noon. Noong mga panahong sobrang laki ang galit ko sa kaniya, noong mga panahong sinasabi ko sa mga tao na hindi ako ma-i-inlove kay Ken dahil hindi siya ang ideal man ko. Noong panahong hindi ko pa siya mahal, at wala pa kaming pakealam sa isa't-isa.
But look at me now, I am head over heels in love with this silly boy. Tuluyan na akong nahulog sa kaniya, pero kahit alam kong hindi niya ako sasaluhin, patuloy ko pa din siyang minamahal. And every day, mas minamahal ko pa siya.
Tanga ko no? Nagmahal ako sa lalaking hindi naman akong kayang mahalin. Pero kahit alam ko naman yun, tinuloy ko pa din, kahit ang sakit sakit na. Kahit nakakapagod na. Kahit nakakasawa ng umiyak.
G: wow. Lagi mo palang dala yang contract na yan?
K: yup.
G: heh. Nostalgic. Bigla kong naalala kung paano mo ako naloko noon para mapirmahan ko yan. I was so stupid that time. Pag iniisip ko, natatawa na lang ako.
K: oo nga eh. Gullible ka kasi eh :P
G: Tse! Hehe. Hmm, so anong meron sa contract na yan?
K: eto ba?
Nagulat ako ng bigla niya itong iniangat at pinunit-punit into pieces. Yung papel na kanina niya lang hawak, ngayon ay pira-piraso na.
G: oi! Anong ginawa mo sa contract?! Bakit mo sinira?
K: contract? Wala ng contract. Simula ngayon, hindi hindi na kita "servant". Hindi mo na ako kailangan "pagsilbihan". I am no longer your boss
Mixed emotions. Masaya ako kasi starting today, wala na yung "SERVANT-BOSS" thing namin. Na sa susunod na paguusap namin, "Friendly" thing na siya. Wala na yung utos dito, utos doon. Hindi na din kami madalas na magtatalo ng parang aso't pusa. Kung dati pa lang niya ito ginawa, panigurado, sobrang tuwa ko na nun. Pero iba na ngayon eh. Iba na..
Nalulungkot ako dahil simula din sa araw na ito, wala na akong dahilan para makita si Ken. Wala na akong rason para palagi ko siyang makasama. Hindi na din kami ganun kadalas na maguusap, at pakiramdam ko ay mas mapapalayo pa ako sa kaniya...
G: ahh.. I see... I'm free, finally. After 4 years.. Hehe..
Pero sa totoo lang mas lamang yung lungkot na nadarama ko kesa sa saya. Simula sa araw na ito, magiging iba na takbo ng mga buhay namin. Simula sa araw na ito, hindi ko na Boss si Ken..
K: Grace...
G: hmm?
K: bago matapos ang gabi na ito, may gusto sana akong sabihin at hilingin sayo
G: ano naman po yun, Ex-Boss?
"Ex-Boss". Nakakatawang pakingan. Hindi ko inakala na gagamitin ko din yung "Ex-Boss" sa kaniya.
He leaned closer to me.. His hand locked against mine (still, holding the donut though). Then he whispered something softly in my ears.. and those words changed everything.
K: The truth is, sobrang natakot ako ng marealize ko na pwede kang mawala sakin.. na pwede kang maagaw sa akin ni Melo. And let me clarify this to you, I am not scared because Melo and I are rivals, ok? I am scared because I don't want to lose you. Nagseselos ako sa tuwing nakikita kitang masaya, at hindi ako ang dahilan ng mga ngiti mo. Selfish na kung selfish. Ayoko na lokohin ang sarili ko.. at ayoko ng magsinungaling sa kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko sayo.
Ang sarap pakingan.. ang sarap pakingan ng mga sinasabi sa akin ni Ken. Totoo ba ang lahat ng naririnig ko? Nangyayari nga ba talaga ito? Hindi ba ako nananaginip lang? Hindi ako makapagsalita dahil sa mga narinig ko. Parang kasing hindi totoo..
K: Grace, you are very, very, very special to me. Importante ka sa buhay ko and I don't want to lose you and I want you... I want you to stay.
Dahan dahan, kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin. Unti unti niyang inilapat ang kaniyang mga kamay sa aking pisngi. Sobrang warm at lapad ng mga kamay nito... Tinignan niya ako sa aking mga mata, at tila ako malulunod ako sa pagkakatitig niyang iyon. Sa bawat segundong pumapatak, ay siya ding pagbilis ng pagtibok ng puso ko. At sa bawat sigundong lumilipas, ay siya ding kinatatakutan ko dahil ayoko pang magising sa magandang panaginip na ito.
May tinanong siya sa akin, isang tanong na kailanman ay hindi ko inaasahan na maririnig mula sa kaniya. Isang tanong na mas madali pang sagutan sa Exam ni Sir Lagdameo. Isang tanong na kaya kong sagutin ng hindi na pinagiisapan. Isang tanong na habang buhay kong gustong sagutan.
Isang tanong na nakapagbago sa aking buhay.
K: and this I ask you, will you stay by my side forever?
Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong niya, agad niya akong ikinulong sa kaniyang mga bisig. He hugged me so tight na para bang hindi niya ako pakakawalan sa yakap niyang iyon. Then slowly, he kissed me..
Kung panaginip man ito, ayoko na sanang magising pa
==========
[A/N] Kamusta ang mga puso niyo sa update na ito? Kinabog din ba tulad ng kay Grasya? Hahaha! Please don't forget to vote and comment, my dear readers! :) Ilang chapters na lang at matatapos na din ang love story ni Grace at Ken. ^_^ Yay~== SHAMELESS PLUGGING XD ==
Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...