It was Saturday night. Biglang nagyaya maginuman itong sina Cris kaya nandito lang kami ngayon sa studio tumatambay. Chill lang.
JS: so dude, ano na ba ang level ng friendship niyo ni Grace?
Ngingisi-ngisi pang tanong sakin ni Justin. Bigla naman akong nasamid sa iniinom kong beer dahil doon sa tanong niya. Nabigla ako sa tanong niya eh. Out of the blue lang.
K: eh ano pa nga ba? Edi Amo-Servant pa din.
JS: oh really? Dahil sa nakikita namin, parang hindi na ganun eh. In fact, ikaw mismo ang nag-iba ang pakikitungo kay Grace. Biglang iba.
CR: tama! Hindi ka naman dating possesive kay Grace. Pero simula ng dumating sa eksena si Carmelo, bigla ka na lang nag-iba.
JS: correction, dumating pa lang sa eksena si Jared, possessive na yan. Mas naging possessive lang ng dahil kay Carmelo.
CR, CS: *nods*
K: wow dood, lasing na ba kayo? Okay lang kayo? Naririnig niyo ba mga sinasabi niyo? Kasi kung hindi, sinasabi ko sa inyo na nakakatawa kayo. Hahahahahaha!
CS: hoy, tatawa tawa ka jan. Mamaya niyan pag naunahan ka ni Carmelo kay Grace, iyak tawa ka na lang.
Natatawa ako sa mga naririnig ko sa mga tropa ko. Ang out of this world ng mga sinasabi nila. Ako? Possesive kay Grace? Hindi ah! Kelan pa? Possesive na ba agad kapag ayaw mo lang may kasamang ibang lalaki yung Servant mo? Masama din ba kapag naiirita ka kapag nakikita mong kasama ng Servant mo yung pinaka-kinaiinisan at ayaw mong tao sa mundo? Hindi ba't normal lang naman na mararamdaman at reaction yun? Normal lang ang mainis at magselos?
Oo nga, kinakabahan ako kapag kasama ko si Grace, at may mga time na na-i-stun ako dahil sa kaniya. Pero sa tingin ko, normal lang na maramdaman ko yun dahil lagi ko siyang kasama. Oo tama! Ganun nga siguro kaya ganito na lang ang kaba at saya na nararamdaman ko dahil sa kaniya!
K: mga 'pre, asa pa kayong mangyayari yun. Alam niyo namang patay na patay sakin si Grace. Imagine, 4years na kami magkakilala, at mas nauna niya akong nakilala kay Negneg. Tapos sa isang iglap, magkakagusto na siya doon? I doubt it.
Kampante kong sinabi sa kanila. Pero sa totoo lang, hindi din ako sure sa mga sinasabi ko. Ngayon pang mas madalas pa silang magkasama ni Negneg at nagiging close pa sila? Kahit ako, hindi din ako sigurado.
Pero ano naman kung magkagusto siya sa Negritong yun? As if naman kawalan ko.
Oo kawalan mo talaga. - AlmightyAuthor
Hoy, may sinasabi ka Author??
Wala. At don't just address me as "author", "Almighty Author!" Gawin kong tragic tong ending ng love story mo eh. - AlmightyAuthor
Epal na Author to! As if naman siya may hawak ng destiny ko. Pwe!
JS: Ken, baka nakakalimutan mo na hindi kayo nagkakalayo ni Melo?
K: what do you mean by that?
Bigla akong nabalik sa realidad dahil sa sinabi ni Justin. Ako? Hindi nalalayo kay Negneg? Pfshhh.
JS: look, hindi kayo nagkakalayo pag dating sa acads. Pareho kayong matalino. Pareho din kayong habulin ng chiks. Pareho kayong sikat sa campus. At pareho din kayong paborito mga Professors.
CS: at pareho din kayong malapit kay Grace.
CR: kung nagseryoso si Carmelo na tapatan ka, kayang kaya niyang agawin yung trono mo bilang No. 1
K: ohhhhkay... So the point is?
JS: the point is, hindi malabong magkagusto si Grace sa kaniya.
CR: tapos mas mabait pa si Carmelo kay Ken, naku, patay tayo jan!
JS, CS, CR: hahahahahahhaahaha!
Lahat sila nagtawanan, except ako. Hindi ako nanobother sa sinasabi nila eh. Nabobother ako dahil feeling ko kinakampihan nila yung Negritong yun.
.
.
.
.
.
.
Ok. Fine. Medyo nabobother nga ako. Argh.
K: whatever dood. As if naman mangyayari talaga yan.
... Na feeling ko eh posible talagang mangyari. And it starts to bother me now. Nakakairita!
*RING RING*
CR: pre may tumatawag.
JS: "Creampuffs"? Sinong "Creampuffs"?
CS: may bago ka na namang chiks?! Akala ko si Grace lang?
Bigla kong naramdaman na uminit ang mukha ko ng bigla nilang nakita yung name sa phone ko. Ano ba yan, wrong timing naman tumawag!!
JS: oi, sino na naman yang si "Creampuffs"?!
K: wala! Shh! Wag nga kayong maingay.
Agad kong sinagot yung phone. Ewan, eto na naman yung pakiramdam na masaya na excited. Pero pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti dahil paniguradong hindi na naman ako tatantanan ng tatlong ito pag napansin nila ang biglang pag-iba ng mood ko.
----- START OF PHONE CONVO -----
Boss!!!
K: aray! Wag mo nga akong sigawan! Ang sakit sa tenga nung boses mo!
Yup. That's right. Si Grace nga ang tumawag, at "Creampuffs" ang name niya sa phonebook ko. Kaya "Creampuffs" dahil duh, mahilig siya sa Creampuffs! Mas mahal pa nga niya ata yun kesa sa akin eh. Huhuhu joke.
G: natawag lang ako para sabihin sayo na naiwan kong bukas yung router sa bahay! Hehe. Pakipatay na lang *u*
K: hoy! Umiral na naman pagka-ulyanin mo! Ano na lang mangyayari kung nasunog bahay ko?!
G: kaya nga sinasabi ko sayo ngayon para patayin mo sana hehe
K: wala ako sa bahay ngayon eh.
G: nyay! Asan ka ba ngayon?
K: nasa Studio. Ikaw ba, nasaan ka ba ngayon?
G: ahh~ nasa-
Naputol si Grace sa sasabihin niya ng may bigla akong narinig na familiar voice sa background.
Tara na Grace! Natawagan ko na yung bar at ang sabi open na sila. Let's go!
Biglang nagpintig tenga ko ng marinig ko kung kanino nangaling yung boses na yun. Si Grace, kasama niya si Negneg!
G: oks! Susunod na!
K: hoy! Bakit kasama mo yang Negritong yan?! Saan kayo pupunta?! Kayong dalawa lang ba?!
G: bakit, sinong nagsabing ikaw lang may karapatan gumala ng weekend? -_- siya siya aalis na ako!
K: oi teka sagutin mo muna tanong ko!
G: ha? Yung alin ba?? Ahh. Oo. Kami lang dalawa. Sige na alis na ako. Bye!!
K: oii teka!
*beeeeep*
----- END OF PHONE CONVO -----
Bigla na siyang nawala sa kabilang linya. Arghhhhh biglang nasira yung gabi ko dahil sa phone call na yun! Actually, okay lang yung narinig ko yung boses ni Grace sa phone eh.. Pero ang marinig ko yung boses ng Negritong yun at nalaman ko pang sila lang dalawa ang magkasama, doon uminit ulo ko!
Pagkatapos naming magusap, ininom ko ang isang baso na puno ng beer. Ininom ko yun ng tuloy tuloy, isang diretsohan.
CS: woah woah woooah dude. Kalma lang. Init na naman ulo natin.
JS: so si "Creampuffs" ay si Grace?
CR: at bakit "Creampuffs"? Cute naman ng terms of endearment niyo. Bigla tuloy ako nagutom...
K: pwede ba, wag na nating pagusapan yan? Ibang topic na lang okay?
Nakita ko yung isang pang baso na puno pa ng beer, at ininom ito ng dirediretso sa sobrang kabadtripan. Akala mo kung sinong sobrang uhaw sa beer kung uminom eh.
JS: *pabulong* 'pre, confirmed.
CS: oo nga. Kitang kita naman sa reaction niya eh.
CR: huhuhu yung beer ko ininom niya....
K: hoy kayong tatlo anong binubulong-bulong niyo jan?!
JS, CS: wala po ser...
CR: yung beer ko~~~
Ang nakakainis dito, sa dinamidami ng tanong ko, di pa niya naalala sabihin kung saan sila pupunta. Ayoko pa naman sa lahat pag nagiisip ako, o kaya pinag-aalala. At ayoko siyang itext baka isipin pa niya na naghahabol ako sa kaniya.
Oo na. Nag-aalala na ako sa kaniya, lalo pa at sila lang dalawa ni Negneg ang magkasama!
Ayoko ng isipin si Grace at masisira lang mood ko. Kakabwisit eh. Magpapakalasing ako ng makalimutan ko yung babaeng yun! Kakabwiset talaga! Bahala siya sa buhay niya kung saan man siya dalhin ng Negritong yun!!!!! Wala na akong pakialam sa kaniya!!!!
.
.
.
.
Yun ang inaakala ko. Naka-ilang inom na ako ng beer, pero hindi pa din ako tinatamaan ng kalasingan. Medyo tipsy, oo. Pero hindi lasing. Naaalala ko pa din mga pinaguusapan namin ng tropa ko. At naaalala ko pa din si Grace.
Hindi siya maalis-alis sa isip ko. Hindi pa din nawawala yung pagaalala ko na silang dalawa lang ni Negneg ang magkasama. Argh! Bakit kung kelan kailangan kong magpakalasing, hindi ito tumatama sa akin?! Kanina pa din akong balisa hindi ako mapakalma ng alak na kanina ko pang iniinom. Traydor na alak naman oh!
JS: as usual, una na namang bumagsak sa atin si Crom.
CS: hahahaha akala mo siga sa inuman eh, tumba naman agad.
CR: Collin my Darling~~~ I love youuuuuu~~~
CS: yuck 'pre! Wag mo nga akong halikan! So gay!
CR: Collin~~~~~
JS: are you ok, Ken? Tahimik mo ah. Don't tell me lasing ka na din.
K: hell no! Di pa nga ako tinatablan ng alak eh.
Weird, anong meron at hindi ako malasing lasing? Gusto kong makalimot, pero di ko magawa. Mahigit 2 hours na kaming nagiinuman, pero hindi pa din ako nalalasing. At sa aming apat, si Crom lang ang nalasing. Bakit hindi na lang ako ang nalasing? Bakit siya pa? Ugh!
*RING RING*
Without looking at the screen kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot assuming na si Amazona yung tumawag. As usual, tinawagan ako para humingi na naman ng tulong or something. As always.
----- START OF PHONE CONVO -----
K: hoy Amazona! Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Nasaan ka ba, ha?! Hoy! Bakit di ka sumasagot?
Walang preno yung bibig ko sa pagsasalita. Kasi nakakainis naman talaga eh. Kanina pa ako nag-alalala! Paano ba naman, hindi na nga nagpasabi kung saan siya pupunta, hindi pa nagtetext! Sino ba namang hindi mag-aalala doon?!
Bigla akong nakarinig ng tawa ng isang lalaki sa kabilang linya.
K: Neg- este, Carmelo? Ikaw ba yan?
MELO: ako nga, Ken. Aba at congrats sayo dahil naalala mo na pala kung sino ako, No. 1. *chuckles*
Tila akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni Melo. Kasama nga talaga siya ni Grace. Teka, bakit si Negneg kausap ko?!
K: hoy. Nasaan si Grace? Bakit ikaw kausap ko ngayon?!
MELO: malamang, eh number ko tong gamit ko. O baka naman ineexpect mo na si Grace yung tumawag sayo kanina? At sa sobrang excited mo, hindi mo na nagawang icheck sa phone mo kung sino tumatawag.
Bigla akong napatingin sa screen ng phone ko. Patola, kay Negneg nga yung number! Ako naman tong si Asyumero, nag-assume na si Grace yung tumawag sa akin kanina.
K: oh. Yeah. Right. alam ko namang ikaw yung tumawag eh.
I lied, but I think I sucked. Eh nalaglag na ako eh. Ako lang tong pilit pa din sa pagdedeny.
K: o, anong problema mo at napatawag ka?
MELO: ahh, kasi baka hindi mo alam kung nasaan ngayon si Grace kaya kita tinawagan.
K: ano naman pakialam ko kung nasaan siya ngayon?
MELO: *laughs* still trying to act cool huh, Mr. No. 1? Anyway, kasama ko siya ngayon and nandito kami ngayon sa Cool Bar.
Bar? As in BAR? Anong ginagawa nun sa Bar?! At kasama pa talaga ng lalaking yun?!
K: Kahit pa na magpunta siya sa ibang planeta, wala akong pakealam.
MELO: oh, really? Nagiinuman lang naman kami dito. As in kaming dalawa lang ang nagiinuman dito.
WHAT?! At talagang silang dalawa lang ang magkasama?! What the heck! Bakit kailangan na sila lang dalawa ang magkasama sa bar?!
K: kahit pa na sino kasama niyan, wala akong pakealam. Bahala siya sa buhay niya! Maglalalasing siya, wala akong pake. Basta kung kailangan niya ng tulong, hindi ko siya tutulungan. Bahala siyang umuwi mag-isa.
MELO: really? Cool then!
K: bakit?
MELO: lasing na din kasi si Grace eh. And since you don't care naman pala kung ano ang mangyari sa kaniya, I guess I'll just take the responsibility. Iuuwi ko siya sa condominium para doon siya matulog sa place ko. I will try my best na walang mangyayari samin, okay? Pero kung hindi ko natiis ang sarili ko at may mangyari man sa aming dalawa, hindi ko na- Hello? Ken? You still there?
*BEEEEP*
----- END OF PHONE CONVO -----
After kong marinig yung huli niyang sinabi, bigla ng nandilim ang paningin ko. Biglang nagising ang diwa ko, at may bigla akong narealize...
I don't want any man to touch my girl. Not because she's my Servant, but because Grace, to me, is special.Really special. And she's mine, ONLY MINE. Tangina, MAHAL KO NA TALAGA ANG AMAZONANG YUN. AT AYOKONG MAY IBANG AAGAW SA KANIYA SA AKIN!========
[A/N] JUICE COLORED AFTER 4 YEARS (TIMELINE SA STORY), 152 CHAPTERS, AT 9 YEARS (DURING IN THE MAKING OF THIS STORY), UMAMIN NA DIN SI BOSS SA TUNAY NA NARARAMDAMAN NIYA KAY GRASYA! HOOOORAAAAAH LET'S CELEBRATE HAHAHAHAHAHAHA! GHAIZ, SORRY NA DAW SA PAGHIHINTAY SA PAG-AMIN NI KEN. MASYADO KASING MATAAS PRIDE EH. INABOT TULOY NG SIYAM SIYAM BAGO UMAMIN. :)))))))))))))) AT DAHIL JAN, ETO NA ANG LAST CHAPTER NG FROG PRINCESS.
DEJKLUNGS. :) Ayan na umamin na siya. Abangers na lang sa susunod na chapters. Baka paslangin ko na lang si Ken para magkaroon ng tragic ending tong story na to. Inaaway ako eh. HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...