CHAPTER 14: Jared

11.5K 86 1
                                    

Saturday at nagkataong parepareho kami ng schedule at walang pasok na magbabarkada kaya naman naisipan naming tumambay kina Anna para wala lang.. bonding?

A: mga hudas kayo. Ang tagal niyo naman!
M: eh ito kasing si Collin eh. Nagpaganda pa.
C: eh kasi sabi ni Anna pupunta daw yung pinsan niya eh. Eh malay niyo gwapo.. kaya nagpaganda ako!
G: ah ganun. Kaya naman pala ang tagal mo sa CR kanina! Tss.
M: wag ka ng magtaka pa.

Friends. Minsan sila pa mismo magpapainit sa ulo mo eh. Pero magpaganun pa man, mahal ko pa din sila. Hehe.

Dumiretso na kami sa salas ni Anna. Napansin namin yung isang lalaki na nakaupo sa dining table. Medyo matangkad siya at may kaputian pero hindi namin maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa amin.

C: yun ata yung pinsan ni Anna.. Shocks ang gwapo niya!
G: ha? anong gwapo jan? eh likod pa lang nakikita mo :|
C: ayaw niyo yun? likod pa lang, gwapo na! What more pa pag nakaharap pa siya diba?
M: magtigil ka nga jan babae. Baka marinig ka niya, nakakahiya *face palm*

Grabe naman tong si Collin.. kinikilig na eh likod pa lang nakikita niya! Pero infairness, maganda yung built ng pangangatawan niya. Medyo may muscles siya and straight body pa siya ha. Baka nga iyon na si Jared. Dati na naikukwento sa amin ni Anna yung pinsang niyang yun close cousin niya kasi eh. At ngayon pa lang namin siya in person makikita.

A: friends, halina kayo dito. Nakahanda na yung food. Mag-lunch na muna tayo.

Agad naman kaming pumunta doon. Sakto, gutom na mga alaga ko! Si Collin pinaka-excited sa amin eh. Alam niyo na........ At bago kami kumain, pinakilala na sa amin ni Anna yung pinsan niya, na siya namang ikinatuwa ng bongang bonga ni Collin. Hindi halata na masaya siya. Pramis. Hindi talaga.

A: guys, pinsan ko nga pala. si Dane Jared Rivas. I believe, you know Jared by name na kasi lagi ko siyang naikekwento sa inyo.
JARED: Hello! Kayo pala yung friends ni Anna. Madalas niya kasi kayong naikukwento. It's so good to finally meet you guys. *smiles*

Nginitian lang namin ni Mae si Jared. Pero ito namang si Collin eh todo pa-cute. Ewan ko lang kung napansin yun ni Jared.

A: he'll be staying here for 2 weeks. Bakasyon kasi nila ngayon.
C: woooow.
A: ikaw Collin ha. Alam ko na yang iniisip mo
C: hehehe --,
M: actually kanina pa yan ganyan eh. Pasensya ka na sa kaibigan natin Anna
G: oo nga. Pag-pasensyahan mo na.
A: ok lang, sanay na ako
C: ang sama niyo naman!

At sabay sabay kaming nagtawanan. Pati si Jared nakitawa na din. Infairness, cute naman siya. Bilugan ang mga mata niya at tan ang kulay. Minsan ding nabangit sa amin ni Anna na member ng varsity sa football si Jared kaya naman hindi na ako nagtaka sa kulay at built ng katawan niya. Nag-aaral si Jared sa isang sikat na Univeristy dito sa Manila at super yaman din daw ng pamilya nila. Well, hindi na ako magtataka. Sina Anna pa lang bigtime na eh.. paano pa kaya ang mga pinsan nila diba? At halata din naman sa itsura at kilos ni Jared eh.

Bonga diba? Hindi pa namin nakakakwentuhan tong si Jared pero alam na namin ang background ng buhay niya. Ang daldal kasi ni Anna eh! Favorite cousin niya tong si Jared kaya naman madalas niya ito naikekwento sa amin.

Kumakain na kami ng Lunch. Compared sa dati, mas masaya ang kainan namin ngayon. Siguro marahil ay dahil kasama namin si Jared. Isa din kasi siya sa mga makwento sa amin eh. Lagi siyang natatawa sa mga jokes ko at ganun din naman kami sa jokes niya. Purong tawanan at kwentuhan kami habang kumakain.

Matapos kumain ay lumabas kami para maglakad lakad at magpababa ng kinain namin. Medyo makulimlim at mahangin kaya naman hindi kami nahirapan sa paglalakad.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon