CHAPTER 32: Curious Ken is Curious

11.7K 72 0
                                    

Huh? Baket may hawak-hawak akong puno? Shet. Superwoman na ba ako? Ang gaan sa kamay ko eh. Woo.

Teka, sina Collin yun ah. AH. Bigla ko naalala.. may kasalanan pala sakin tong mga to! May mapag-gagamitan na din ako dito sa hawak kong puno!

G: MGA WALANG HIYA KAYOOOOO!!!!!!
C: huh? *nagli-lipbalm*
M: si Grace! Papalapit dito!
A: TAKBOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!

HUY GRACE GISING!

G: walang hiyaaaaaaa~

GRACE!

Lumilondol ba? Bakit parang umaalog???

Dahan-dahan kong minulat mga mata ko at nakita kong nakatingin sakin si Claire.

CL: ay sa wakas gising ka na rin.
G: bakit? Ikaw pala yan. Akala ko lumilondol eh.

Si Claire lang pala. Panaginip lang pala yun. Akala ko pa naman may super powers na ako..

CL: may bisita ka po.
G: bisita? Sino? Hindi ko naman naalalang nagsabi sina Anna na pupunta sila dito ah... *pungas pungas*
CL: bakit di mo tignan ng malaman mo?
G: eh?! Inaantok pa ako ehhhh

*yawn* weekend na weekend bibisita dito sina Anna. May kasalanan na nga sila sakin, nagawa pa nila akong bulabugin sa tulog ko. Langya talaga oh.

CL: tumayo ka na. Hai naku Grace, wag ka ng magpahatak sa akin at ang bigat bigat mo.
G: inaantok pa ako eh. Tinatamad akong lumabassss
CL: ok sige. Gusto mo bang papasukin ko na lang siya dito sa kwarto mo?
G: oo papasukin mo na lang.
CL: sigurado ka?
G: oo nga *yawn*
CL: pramis ah?
G: oo nga sabi. Ang kulet kulet kulet. Paulit-ulit? Paulit-ulit?

Narinig ko na lumabas si Claire. Hai. kaaga-aga naistorbo tulog ko. Naman oh. Para sa mga taong puyat, big deal na sa kanila ang 1minute na extension ng tulog kaya naman habang nasa labas pa si Claire, susulutin ko na yung extension ng tulog ko. Tss.

CL: Grace, nandito na siya.
G: uhh.

Putek ang bilis naman! wala pang 1minute yun ah. Di man lang ako nakapag-extend ng tulog!

G: anong ginagawa-

AY POTAENA

SI KEN.

NASA LOOB.

NG KWARTO KO!

K: HI. *smirk*
G: LABAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAASSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!

EPAAAL! Buti na lang may unan sa tabi ko. Binato ko sa kaniya! Nakakaines eh. Ngumiti pa nung ngiting nakakaasar! Ang epal talaga!!!!

G: LABAS LABAS LABAS LABAS LABAS LABAS!!!!!!!!!!!

Nagpipigil pa ng tawa yung pinya nung lumabas siya ng kwarto. Akala naman niya hindi ko napapansin! Shet siya! Biglang pumasok si Claire. Halata sa mukha niya yung pagtataka. Amp!

CL: o bakit?! Anong nangyari?!
G: BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SAKIN NA SI KEN PALA YUN?!
CL: ay eh kasi po, sabi ko naman po sa inyo na bumangon na po kayo at lumabas ng makita niyo na po ang bisita niyo.
G: eh bakit mo naman siya pinapasok?!
CL: eh kasi sabi mo tinatamad kang lumabas. Nagpaalam naman ako sayo nung una na papapasukin ko yung bisita mo eh at pumayag ka naman diba?
G: ang akala ko naman kasi sina Anna yung bisita ko.
CL: wala naman akong sinabing sila eh tsaka tinatanong kita kanina ng ilang beses kung sigurado ka ba diyan sa sagot mo dba? Hehehe
G: tsssss.
CL: mag-ayos ka na ng makaharap mo na yung bisita mo
G: oo na T_T

Oh men, sinasabotahe yata ako ng mga tao sa piligid ko! Nakakainis. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng taong makikita ko sa araw na to, si Ken pa! At pumasok pa siya sa kwarto ko. Amp amp amp!

Napatingin ako sa salamin at nagulat sa nakita..

NAPAKAGULO PALA NG BUHOK KO. SABOG DITO. KAHIT YUNG DAMIT KO NAKA-TAGILID. AY POTA. BADTRIP!

G: KYAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!

*SA LABAS*

K: Anong nangyari doon?
CL: *kibit balikat*



AFTER 10 YEARS...

K: ano ba yan? Bakit ang tagal mo?!
G: ano bang problema mo? Ikaw na nga tong nang-iistorbo ng tulog ng ibang tao, ikaw pa tong galit!

Demanding. Nakakainis. Hangang ngayon ngumingisi pa din. Pota. Di pa din nakakaget-over si G@go. Badtrip! Sarap iuntog sa pader X(

G: anong nginingiti-ngiti mo jan?!
K: *pigil tawa*
G: NAKAKAINIS KA NA AH!
K: *pigil tawa* oo na titigil na *pigil tawa*
G: pss.
K: *pigil tawa*
G: anong sakit ba dumapo sayo at napadpad ka dito?
K: *pigil tawa* hmm.. ano nga ba?
G: sus naman. Sasagot na nga lang, ang bagal pa : |
K: ah oo nga pala. Naalala ko na!
G: o ano?
K: bibisita kasi yung Mom and Sister ko ngayon.
G: o. eh anong kinalaman ko jan?

Biglang dumating si Claire ng may dalang sandwich. Isa pa to eh. nagpipigil din ng tawa, -_____-

CL: o, kain na muna kayo. Grace, kumain ka na at hindi ka pa nagbebreakfast *pigil tawa*
K: *pigil tawa*
G: pati ba naman ikaw Claire? T_T
CL: *pigil tawa*
K: waw mukhang masarap yata to ah! Thanks Claire *wink*
CL: No prob. :)
K: mukhang gumaganda ka ngayon ah
CL: asus! Binola mo na naman ako! O siya, iwan ko na kayo jan.

Umalis na ulit si Claire. Pero sure ako na nakita ko siyang nagpipigil pa din ng tawa nung tumalikod siya! Tengene. Nakakaparanoid naman to.

G: o ano na?
K: ay nga pala. So ayun. Bibisita kasi sila this month so I have to clean up my house or else, masasabon na naman ako kay Ate.
G: so?
K: so, you have to help me clean my house this coming Friday. Wala kasing exact date kung kelan sila darating eh. Mahirap na kung di ko pa magawa yun.
G: pagawa mo na lang sa iba yan. Im bussy.
K: wala ng iba eh. Tsaka kung meron man, edi sana doon na lang ako nagpatulong. Ang kaso, wala.
G: hindi nga ako pwede. Busy ako.
K: sus naman. Nag-iinarte ka na naman.
G: eh kasi nga busy ako.
K: please?
G: paano kung ayoko?

Aba ayos toh ah. First time ko siyang narinig na nag-please sakin!

K: sige na please?
G: NO.
K: plea-- teka teka teka...

Hihirit ka pa eh. Wala. Wala kang magagawa kundi ang lumuhod ka sa harap ko at magmakaawa! Sa oras na ito, ako lang ang pwedeng makatulong sayo. Kaya ako din ang BATAS! Muhaha!

K: teka teka teka...
G: ano?! At bakit na naman ba?
K: hindi naman kita kailangang pilitin eh.
G: iyon naman pala eh.

Tengene nito. Hindi din naman pala niya ako pipilitin edi sana di na lang siya nagpunta dito. I mean, sayang yung effort ng pagpunta niya plus sayang din yung tulog ko! Kainis. Tumayo ako at binuksan yung pinto. Oras na para magpalayas ng Pinya *u*

G: then GO! Shoo!
K: aba.. at ginawa pa akong hayop
G: layas na!
K: teka teka teka... hindi ba, usapan natin na sa lahat ng utos ko, susunod ka? Therefore, you are OBLIGE to follow my commands.
G: labas na kas-- a-- ano?!

Putek ano na naman ba sinasabi nitong Pinyang to? Anong "Oblige Oblige"? WHAT THE FUCKERY?!

K: it is your obligation to follow me. So you have to do it.
G: oh comm'n! anong oblige oblige?!
K: remember the contract?
G: err shit...
K: ok, now that you have already--
G: excuse me, will you STOP talking to me in ENGLISH?! Dinudugo ako sayo!
K: hai. Napaka-tanga mo talaga. Anyway. Tutal ayaw mo namang sumunod sa utos ko, kelangan pala kitang parusahan.
G: an-- ano? Anong gagawin mo?

My life. It's now overrrrrrr. Ayoko marinig yung mga sasabihin niya! Blablablaasdfg


K: ganito lang naman kasimple eh. Sasamahan mo ako bukas kina Paul tapos sabay nating ipagtatapat sa kaniya yung nararamdaman mo sa kaniya. You are going to confess your feelings to him. Ganun lang naman. Ang simple lang, hindi ba?
G: sabi ko na nga ba eh.. FINE FINE! Gagawin ko na!
K: sus. Nagiinarte pa. susunod din naman pala sa utos ko. Sinayang mo pa oras ko.
G: OO NA NGA SABI EH.
K: Friday. 7 am. Sharp.
G: ANO?! BAKIT NAMAN ANG AGA?!
K: may angal?
G: wa-- wala...
K: 7 sharp ok? Bawal ma-late.
G: oo na!
K: ayun lang.

Kainis. Lintek na contract yan. Dahil doonn nasira buhay ko eh. Dahil din doon, kaya di ko magawang maka-alis sa anino ng Keneth na to!

G: o ano, tapos ka na?
K: bakit? Papalayasin mo na ba ako?
G: bakit? Hindi ba halata?
K: panu ba yan? Hindi pa ako tapos.
G: SUS NAMAN.

Nakakabanas na talaga tong lalaking to! Kung pwede ko lang sana ipukpok sa kaniya tong TV, edi sana kanina ko pa nagawa! GRRR!

K: uhh-- may itatanong lang sana ako sayo bago ako umalis..
G: ano na naman ba? Tungkol ba kay Claire? Nanjan lang siya sa kusina. Siya na mismong tanungin mo at wag na ako. Bakit naman kasi sakin ka pa magtatanong. Magtatanong na lang, tinatamad ka pa. =.=
K: nag-date ba talaga kayo kahapon ni-ni Jared...?

WHUT? ANO DAW? Tinatanong niya ako sa date namin ni Jared? Tengene, anong nakain nito? Yung Sandwich ni Claire? Anong meron sa Sandwich ni Claire?!?!?!?!

G: a-- ano ulit yung tanong mo?
K: nag-date nga ba talaga kayo ni Jared kahapon...?
G: ano ba naman klaseng tanong yan?!
K: uh..

At ano namang meron sa date namin ni Jared at naiintriga siya? Shet. Don't tell me... type niya si Jared and he's Gay? WEH.

K: uhh.. wala lang. Naiintriga lang kasi ako...
G: ah...
K: so ano? Nag-date nga ba talaga kayo? Teka, bakit ko nga ba tinatanong sayo yan... eh obvious namang walang magtatangkang makikipag-date sayo eh.
G: hmm.. ewan ko lang... di ko alam kung date nga ba ang tawag dun sa ginawa namin kagabi...
K: ano ba ginawa niyo kahapon?
G: hmm.. lunch out kami sa restaurant kahapon then after that nanood kami ng Horror movie. Yun lang naman. By the way, it was his treat.
K: ah.. oo. Tapos sabayan mo pa ng akbayan?! Ah! Oo tama, hindi nga date ang tawag doon!
G: anong akbay...? OH! *biglang may naalala*

SHET. Paano niya nakita yun?! Stalker ko yata to eh!

G: teka.. nakita mo?
K: ang alin? Ang alin yung nakita ko?
G: yung akbay....?
K: uhh.. ano kasi... uhh.. Nanood kasi sina Justine kahapon ng movie kasama sina Cris and Crom. Then nakwento nila sakin na nakita ka nila kahapon kaakbay si Jared..
G: uh.. ah... kala ko kasi...
K: kala mo kasi sinusundan kita?
G: huh?! Hindi ah!

Shet. Paano niya nahulaan yung iniisip ko?! Tengene nemeyn oh.

K: sus! Asa ka! Feeling mo naman. Hindi kita sinundan noh! Ano ako? STALKER mo?!
G: oo na! Alam ko naman yun eh! Hmp! Grabe, ang feeeeling!

Ok. Biglang tumahimik. Awwwkwarddd. Feeling ko mas mabibingi ako sa sobrang tahimik kesa pag sinigawan ako ni Ken eh. Tulad nga ng sabi ng kaibigan ko sa kabilang section, may dumaang anghel... na naka-pakyu.

Kelangan kong basagin ang katahimikang ito. Pfsh.

G: o ano? Tapos ka na?
K: huh? o-oo..
G: eh ano pang iniuupo-upo mo dito? Alis na!
K: oo na aalis na. Sawa na ako sa pagmumukha mo! Hay naku Lord.. sana lahat na lang ng ginawa niyo sa mundo eh magaganda...
G: aba! At nagawa mo pang magreklamo! Kung ayaw mong makakita ng panget sa mundo, aba'y wag kang magtatangkang makatapak ni ang cells, atoms, protons, electrons, neutrons o yung hangin na binubuga mo dito! Dahil wala kang maaasahang maganda dito! BWISEEEEEEEEET! ANG YABANG!!!!
K: HOY! Hindi ha! Merong isa! Yung kasama mo!
G: duuuh! Whatever! Layas na! Pagka-aga aga eh iniinit mo ulo ko! Kainis!

Saktong palabas na ng bahay si Ken ng biglang dumating si Claire. Ay naku, manlalandi mode na naman tong Pinyang to. Kainis!

CL: oh Ken, aalis ka na?
K: ah, oo eh. Pinapalayas na kasi ako ng katulong este.. ng border niyo pala.
G: *tingin ng masama kay Ken*
CL: grabe ka naman Grace.. sarili mong bisita pinapalayas mo
G: BWISITA kamo!
K: o sige na Claire, aalis na ako. Ingat ka sa mga palakang ligaw jan sa bahay niyo ah. Baka mahawa ka sa kapangitan nila.
CL: palaka?
G: GRRR. *stare ng masama*
K: wala, kalimutan mo na yun. BYE!
CL: ok, sige ingat ka o Grace, magpaalam ka na sa bisita mo
G: BAHALA SIYA SA BUHAY NIYA!

Ewan ko ba jan sa hinayupak na yan. Dadalaw dalaw sa bahay para manira ng mood. Nakaka-irita talaga yung mga tulad niya. Ang sarap tagain eh! Alam mo yung mga nakikita mong tindero ng pinya na may kariton sa highway? Tapos sa loob nung kariton diba may mga sliced pineapple? Yun! Gusto kong gawin sa kaniya yun! Nakakaineeeeees!

G: ano? Nakaalis na ba yung grr na yun?
CL: oo, kaaalis lang (: hinahanapan ka nga ng kiss eh
G: err.

Istorbo talaga. Ang aga kong nagising dahil sa Pinyang yun. *yawn* inaantok tuloy ako.

Pero ang weird niya. Bakit naman niya inusisa yung date namin ni Jared kahapon? Intrigerong echoserong palaka talaga yun! Ay. Pinya nga pala siya, hehe.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon