CHAPTER 116: And She's Back!

7.3K 77 34
                                    

== A MUST READ. HOHO! ==
Hi Dearest Readers! HAPPY 2014 SA INYONG LAHAT!!!!! Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyo dahil sa walang sawang pagsuporta sa story ko (kahit sobraaang bagal kong magupdate!). Hinding hinding hindi talaga akong magsasawang magpasalamat sa inyo! Sana kayo din, hindi magsawang magbasa at maghintay sa mga updates ko =) At thank you din dahil naging parte kayo ng buhay ko this 2013. Kung hindi dahil sa inyo, hindi din dadami ang readers ng FP. At dahil din sa inyo, kaya naiinspire akong ipagpatuloy tapusin ang story na ito (na nung 2005 ko pa ginawa, OMG lang hahaha. WHAT IS OLD AND MATAGAL XD). And natutuwa din ako sa mga comments niyo kapag nababasa ko. Yung iba pa nga sa inyo, nakakaloka ang comments eh XD HAHA! Sarap basahin isa isa :) So thank you talaga everyone! Kung pwede ko lang kayo lahat i-hug sa mga monitor niyo, ginawa ko na! Tapos lahat din kayo bibigyan ko isa-isa ng Creampuffs! Hihi ^_^

So yea, here's my New Year's update! Ito lang ang masasabi ko: mukhang mas machachallenge ngayon si Grace dahil sa taong makikilala niya sa chapter na ito. :3

Hope you guys will enjoy it! MWAH MWAH! :* *hugs you all*

== SHAMELESS PLUGGING XD ==
1. Please support too my other story: Love Charades! Yung latest chapter na inupdate ko doon, may cameo appearance sina Sophie, Grace at Ken (Oceanarium Scene). Please support niyo din yun, kung paano niyo sinuportahan ang Frog Princess! =)

2. Please like the fanpage of this story: http://goo.gl/9VMg9v (or just search: "Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit" on Facebook) salamat! =)

========================================

KENs' POV

Ken, can we talk?

I was smoking at the veranda when Dad called me. Nakabalik na pala sila ni Nicole from their vacation. Medyo nag-tan nga ang kulay ni Dad dahil ilang araw din silang naligo sa beach. Napasarap ang bakasyon nila ni Nicole kaya na-extend pa ng ilang araw yung bakasyon nila. Laki na agad ng ibinago ng mga kulay nila sa ilang araw na pagkawala nila.

Umupo si Dad sa may table. May dala pa itong pagkain na gawa ng asawa niyang si Nicole. Tinapon ko ang yosi sa ashtray at umupo ako sa tabi niya.

DF: mag meryenda ka muna. Gumawa si Nicole ng clubhouse sandwich.
K: thanks Dad. Pakisabi kay Nicole, thank you.

Tumikim ako ng clubhouse sandwich na gawa ni Nicole. First time ko din kumain ng gawa niya. Infairness, masarap siyang magluto. Okay din pala itong napangasawa ni Daddy. Masarap magluto.

DF: masarap ba?
K: hmm. Masarap. Okay pala siyang magluto.
DF: yup. Actually, isa yan sa good part ni Nicole kung bakit ako na-in love sa kaniya. Magaling siyang magluto. Sabi nga nila, "The way to a man's heart is through his stomach"
K: well, that's actually true. Kaya nga na-inlove ka din kay Mommy dati diba?
DF: ah, yes yes. That's true.

Natawa kami pareho. For the first time, after ng ilang taon namin na hindi pagkikita at paguusap, ngayon lang ulit kami natawa ng ganito.

DF: balita ko dinala mo sina Sophie sa Oceanarium nung isang araw ah. She was so happy dahil nagbonding daw kayong dalawa. Thank you ha?
K: hmm. It's good to know na nag-enjoy siya.
DF: yes, she is. Walang tigil ang kwento niya about sa lakad niyo pagkabalik namin ni Nicole from Davao. She was really happy. If you only saw her face habang nagkekwento siya sa amin. Hindi matangal ang mga ngiti sa labi niya. She must be really lucky to have a brother like you, Ken.
K: hmm.

Ang sarap pakingan yung mga sinabi ni Dad. Kaso hindi ko naman alam kung paano ako magrereact sa mga sinasabi niya. Medyo nahihiya din kasi ako. Pero masaya talaga ako dahil masaya din si Sophie.

DF: Ken,
K: yes, Dad?
DF: are you still mad at me?

Biglang sumeryoso ang mood. Seryoso ang mukha ni Dad habang hinihintay niya ang sagot ko sa tanong niya. Maybe it's now the right time to talk and to settle the issues that needs to be fixed.

K: to be honest Dad, I already forgave you. But because of my pride, hindi ko alam kung paano kita haharapin noon. Kaya nung narinig ko yung boses mo after 8 years nating mag-usap, I felt mix emotions towards you. I was so glad to hear your voice after 8 years. Bigla kong naisip "Sh*t, may Tatay pa pala ako!". Pero dahil sa pride, hindi ko alam kung paano ko kayo pakikitunguhan.. kung paano ako makikipag-salamuha kina Nicole at Sophie na first time ko lang nakita at nakilala. But then I realized na if they are your family, then they are also my family. Kung mahal mo sila at mahal sila nina Mommy and Ate Sam, then kailangan ko din sila matutunang mahalin at tangapin. It's pointless pa na magalit at ma-stuck sa nakaraan. Dahil kung hindi ako magmomove on at papanatalihin kong ma-stuck sa nakaraan, walang magbabago. Kaya habang may panahon pa na nandito pa kayo, gusto kong bawiin yung mga panahon na nasayang. Gusto kong bumawi. Gusto kong magbago. Gusto kong iparamdam kay Sophie na may Kuya siyang matatawag. Gusto ko din malaman ni Nicole na I recognize her as your new wife, and sort me and my Ate Sam's second mother.
DF: Ken. I am really sorry..
K: no dad. Don't be sorry. Ako dapat ang magsorry sayo dahil pinatagal ko pa tong hidwaan natin where infact, matagal na sana itong naayos. I'm sorry Dad.. I am sorry kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo. Pinagsisisihan ko talaga lahat ng mga maling nagawa ko. Mapatawad po ninyo sana ako.

Lumapit sa akin si Dad at hinawakan niya ako sa balikat ko. Madalas nakangiti si Daddy, but not today. Seryoso ang kaniyang expression sa mukha. Ngayon ko lang natitigan ng malapitan si Daddy. Compared sa huli ko siyang nakita 8 years ago, mas dumami ang wrinkles niya sa mukha. Bakas na sa kaniyang mukha ang katandaan.

DF: Anak, alam niyo namang sobrang importante kayo sa buhay ko. Kaya as much as possible, gusto kong magka-ayos ayos ang pamilya natin. Kahit na hindi na kami magkasama ng Mommy mo, at nagkaroon ako ng bagong pamilya, anak ko pa din kayo, At mahal na mahal ko kayo, walang nagbago doon, Kaya naman gusto ko sanang humingi ng tawad sayo. Alam kong kayo ni Sam ang nasaktan sa mga pangyayari. Alam kong hindi ako naging isang mabuting ama sa inyo, pero sana mapatawad ninyo ako sa mga kasalalang nagawa ko at hayaan niyong patuloy kong gampanan ang pagiging tatay ko sa inyo,

Sa sobrang emotional namin ni Dad, hindi namin parehong napigilan ang maiyak. Niyakap ko si Daddy ng sobrang higpit. Sobrang tagal ko ng hindi ito nagagawa sa kaniya. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil after 8 years, nayakap ko din si Daddy. Naalala ko na ulit kung ano ang pakiramdam ng mayakap ng isang Ama. Ganito pala ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang Tatay, Napakasarap sa pakiramdam... sobrang warm.

Ahh... ang sarap sa pakiramdam. Para akong nakawala sa isang madilim na kwarto. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi ko din kay Dad ang lahat ng gusto kong sabihin. Tama nga si Grace, mas makakabuti kong nilalabas ko yung mga bagay na gusto kong sabihin dahil nakakatulong iyon para maka-move on ako.

K: I miss you, Dad.
DF: I miss you too, my Son.
Mukhang nagkasundo na ulit ang mag-ama ah

Bigla kaming nagulat ni Dad ng magsalita si Nicole sa tabi ng pintuan. Kanina pa kaya siya nandoon? Shet, baka narinig niya lahat ng napagusapan namin. Nakakahiya!

DF: Honey! Kanina ka pa ba nanjan? Nakakahiya, nakita mong umiyak ang asawa mo.
MN: it's okay Honey. Sometimes, a man should cry. Hindi naman nakakababa ng pagkalalaki ang pag-iyak eh. For me, it only shows how brave you are dahil hindi ka takot ipakita ang tunay mong nararamdaman. Right, Ken?
K: yes, Nicole. You are right. *smiles*

First time ko din na nakausap si Nicole ng hindi ko siya sinusungitan o iniirapan. Ang sarap sa pakiramdam dahil alam kong okay na ang pamilya namin. Tapos na yung hidwaan between sa amin, at magiging masaya na ulit ang pamilya ko, lalo pa ngayon at dumagdag na kami,

SOPHIE: Mommy, bakit sila umiiyak? Did they fight?
MN: no anak. Masaya lang sila kaya sila umiyak.
SOPHIE: ahh... kaya pala minsan feeling ko umiiyak na ako kapag kasama ko si Ate Princess kasi masaya siyang kausap.
K: really, Sophie? Masaya kasama si Ate Princess?
SOPHIE: hmm! Lagi kaming naglalaro at tsaka ang fufunny ng jokes niya!!

Bigla kong naalala yung Fish Joke niya. Uhh. Anong nakakatawa doon? =_=

MN: by the way Ken, kanina ko pa hinahanap yung mixer. Magbabake kasi sana ako ng cake. Alam mo ba kung saan makikita yun?
K: wala ba sa may upper cabinet? Yung sa dulo?
MN: wala eh. Pwede mo bang itanong kay Grace baka kasi alam niya. *wink*
K: uhh.. *kamot ulo*

Anong alam ni Nicole? Bakit parang may iba siyang ibig sabihin doon sa sinabi niyang yun. Kailangan pa niyang itanong kay Grace yung bagay na iyon, eh ako ang nakatira sa bahay na ito.

MN: anyway, dibale na lang. Ako na lang ang maghahanap.
K: hehe okay.

Tumatawa pa ng umalis si Nicole. Mukhang may nalalaman siyang something about kay Grace ah. Siguro may ginawa na naman yung Amazonang yun kaya ganun kung maka-react si Nicole.

DF: anak, matanong ko lang..
K: yes Dad?
DF: girlfriend mo ba si Grace?
K: Dad?! Ano ba namang klaseng tanong yan?

Kito mo itong tatay ko. May pagka-chismoso din e. Tama ba namang intrigahin ako sa Amazonang iyon?

DF: ah wala lang naman anak. Naiintriga lang ako. Iniisip ko kasi kung siya ba yung tinutukoy ni Sam sa
amin na girlfriend mo. Mabait daw kasi at masayahin eh. Maganda din, parang si Grace. Kay bait talaga ng batang iyon no? Ang galang galang pa.
K: akala mo lang yun......
DF: bakit naman? Matutuwa ako kung si Grace nga ang tinutukoy ng Ate mo sa amin na girlfriend mo daw. Nakalimutan ko kasi yung pangalan eh, kaya di ko maalala kung sino siya. Single ka naman anak diba? Bakit hindi na lang siya ang gawin mong girlfriend? Matutuwa pa kaming lahat!

Parang gusto kong masuka doon sa mga sinabi ni Daddy. Si Grace? Magalang? Eh halos araw araw binabalahura ako nun. Yun? Mabait? Araw araw kaya kung awayin ako nun. At siya, maganda? Hmm.. minsan cute siya. Pero hindi pa din counted yun! Hindi na lang ako nag-react dahil mukhang paborito na siya ni Daddy eh.. to the point na gusto niyang maging girlfriend ko siya. No way!

K: Dad..
SOPHIE: Daddy, hindi niya girlfriend si Ate Princess... asawa niya yun!!!
DF: ha? Hindi pa girlfriend, asawa na agad?
SOPHIE: yes Daddy! Ang sabi nung dalawang new friends na nameet namin sa Oceanarium, mag-asawa daw sila!!!
DF: wow, ambilis mo naman Ken! Basta talaga lahi natin, matinik sa chiks!

Si Dad talaga o. Nakisama naman sa bata. Baka isipin talaga ni Sophie na girlfriend ko si Grace. Baka madevastate lang yun pag nalaman niyang hindi kami ang magkatuluyan. Hai. Kids.

K: Dad, alam mo namang hindi totoo ang kwento ni Sophie diba?
DF: ofcourse my son. But I would be happy kung magkatotoo man yung mga kinukwento niya.
K: Dad naman eh.
DF: hahahaha! Why? Matanda ka na. Kailangan mo ng maghanap ng mapapapngasawa.
K: but I am still a student! Hindi ko pa priorities ang pag-aasawa.
DF: well, I was just saying. College ka na, pero tumatanda ka na din. Hindi tayo tumatanda ng paurong.
K: right Dad. Right.

Ganun na ba ako katanda para maghanap ng asawa? Hindi pa nga ako nagtatrabaho eh, asawa na agad? Well, hindi ko naman kailangan talaga mag-trabaho kasi likas namayaman naman ang pamilya ko.. pero gusto ko din ma-experience yung kung anong ginagawa ng isang ordinaryong commoner pagka-gradutae from college (A/N medyo mayabang ang ating bida. Pagbigyan XD).

SOPHIE: Kuya Prince!! Let's play, let's play!!
K: okay Little Queen.. what do you wanna play?

I started calling her "Little Queen" dahil Kuya Prince at Ate Princess ang tawag niya sa amin ni Grace. Parang akala mo nasa Royalty Family kami galing eh no. Hehe.

SOPHIE: origami!
K: okay. Pero dito na tayo sa terrace mag-play ha? Makalat kasi ang origami eh

Naalala ko bigla nung nag-Origami silang dalawa sa bahay. Sobrang kalat ng bahay nun. Sa sobrang OC ko at clean freak, biglang nag-alboroto ang puso ko at pumutok ng parang bulkan dahil sa sobrang inis ko. At dahil ayoko na ulit mangyari yun, natuto na ako. Dito na kami sa terrace namin magkakalat.

SOPHIE: yipee!!! Can we also ask Ate Princess to join us? She's good at Origami!
K: oh no Sophie. Ate Princess can't come today because she's busy. Maybe next time?
SOPHIE: oh.. okay... maybe next time then.

May mga errands ngayon ang batang iyon kaya naman kahit utusan ko siya na magpunta dito, no good pa din. Bigla tuloy nalungkot si Sophie dahil hindi makakarating ang favorite Ate niya.

K: let's play?
SOPHIE: yipee!!

Ah~ ang sarap sa pakiramdam! Sobrang gaan talaga. Ang sarap sa pakiramdam kapag wala na yung galit na matagal ng naipon sa puso mo. It's all thanks to Grace. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para i-confront si Daddy. Kung hindi din dahil sa kaniya, hindi ko magagawang magpatawad. Dahil sa encouragment na ipinakita niya sa akin, lahat ng iyon, nagawa ko. Dahil sa kaniya, kaya masaya na ulit ang pamilya ko. Okay na ang lahat.

Kahit ang pamilya ko ay natutuwa sa kaniya. Approve sa kaniya yung dalawa kong kapatid. My parents likes her too. Kahit si Nicole. Lagi na lang nila hinahanap or nababangit si Grace sa tuwing nagkakauasp kami.

Grabe, ganito pala kalakas ang impact ni Grace sa pamilya ko?




GRACE's POV
Dumating din ang araw at kinakailangan ng bumalik nina Tito Feride ng States. 2 weeks lang pala sila mag-i-stay dito. Sa sobrang enjoy sa pagbobonding with Sophie, hindi ko na namalayan na natapos na pala ang dalawang Linggo. Nandito kami ngayon sa airport para ihatid sila. Awwwww, uuwi na sila :<

G: Sophie, pag nasa States ka na, wag mo akong kalimutan ha?
SOPHIE: oo naman Ate Princess! Ikaw pa! Eh future Ate kita eh dahil pag laki ko, papakasalan ka na ni Kuya Prince!!!
G: ay, hehe. Sophie, loko ka talaga. Pag narinig ka ng Kuya mo, baka pagalitan ka nun.
SOPHIE: hihi! ^_^

Lokolokong bata to. Pero it would be nice kung mangyayari talaga yung mga sinasabi niya. Ako? Magiging Mrs. Grace Aguirre - Ong? Ayyy, kakakileg! Isipin ko pa lang na magshashare kami sa iisang apelyido ni Ken, kinikilig na ako! Hindi lang ang puso niya nanakawin ko.. pati last name niya nanakawin ko! Muhaha!

K: hui! Mukha kang baliw jan!
G: aray! Bakit mo naman ako kinaltukan?!
K: eh para ka kasing baliw eh.
SOPHIE: see Ate Princeess! That's how Kuya Ken show his love for you!
G: Sophie?! Being abusive is not a way to show your love for someone. And also, he doesn't like me. =_=
K: but she likes me.
G: and your point is?
K: wala. Gusto ko lang sabihin na may gusto ka sakin.
G: =_=

Maya maya ay lumapit na din sa amin sina Tito Ferdie and Nicole. Mukhang anytime soon ay magboboard na sila.

DF: aalis na lang kami, nagbabangayan pa din kayo?
G: ay, hello po Tito Ferdie. Yung anak niyo po kasi war freak eh. Inaaway po niya ang inosenteng bata gaya ko.
K: kapal ng mukha. Sinong inosente? Nasaan? Wala akong makita.
MN: hay nako Honey, hayaan mo na ang dalawang yan. Ganiyan talaga kapag nagmamahalan. Kelangan lagyan mo ng konting spice. Minsan, kelangan ng konting LQ para hindi boring ang isang relationship. Naging ganun din kaya tayo nung una, Honey.
DF: hahaha, sa bagay.

Teka, bakit ina-assume nila na lovers kami ni Ken? How I wish no? Pero hindi eh! At nilalagyan nila ng malisya yung pagtatalo namin. Waah!!

K: Dad, she's not my girlfriend! And never will!

Ouch naman.

DF: wushu anak. Nangaling din ako sa ganiyan. Don't worry, I understand.
K: no! Dad, look.. Grace is not my girlfriend okay? What made you think na girlfriend ko siya?
G: excuse you, ako dapat ang nagtatanong nun!
MN: o eh bakit, bagay naman kayong dalawa ah. Anong problema?
K && G: MALAKI!!!!

Sabay pa kami ng sagot ni Ken. Hai. Minsan talaga ang sarap iuntog sa pader nitong lalaking to para marealize na ako na ang perfect girl for him eh. Pero siyempre, joke lang yun.

At kahit pa na malakas ang tama ko sa lalaking yun, wala akong choice kundi kontrahin siya dahil sobrang naiinis ako sa kaniya kapag feel na feel niya na may gusto ako sa kaniya. Ugh!!!

ALL PASSENGERS FLYING TO NEW YORK, PLEASE PROCEED TO GATE 7.
DF: o, flight na pala natin yun.
MN: Sophie, mag-paalam ka na sa kanila.
SOPHIE: bye bye Ate Princess and Kuya Prince! Mamimiss ko kayo. Minsan kayo naman bumisita sa amin ha!!!!
G: ingat ka Sophie ha? Mamimiss talaga kita. Be a good lady, okay?
K: ingat ka doon ha, my Little Queen? Pag may nangbully sayo, sabihin mo sa kanila na lagot sila sa Kuya Prince mo. Liliparin ko ang 360degrees para lang managot sakin yung mga nambubully sayo.
G: awww, ang sweet naman ni Kuya~
SOPHIE: thank you, Kuya Prince! I love you!!!
K: uhh *blush* I love you too, Little Queen.

Lumapit si Sophie kay Ken at nag-kiss ito sa right cheek niya. Awww, ang cute nilang dalawa! Nakakatuwa silang pagmasdan.

SOPHIE: ikaw din Ate Princess, I love you! *chu*
G: awww~
MN: let's go Sophie! Bye Grace. Thank you ha?
G: wala iyon Nicole. Thank you din sa masasarap na pagkain sa tuwing nadadalaw ako sa bahay. Hehe. Ingat kayo.
MN: we will. Bye! :)
G: *waves*

Naunang umalis sina Nicole habang bitbit niya si Sophie. Sina Ken naman at yung Dad niya eh nag-usap muna saglit. Minabuti kong lumayo muna dahil feeling ko may importante silang pinaguusapan eh. Ano kayang pinaguusapan nila? Mukha namang okay dahil nakita kong nagtatawanan sila at nakangiti naman si Ken. I'm so happy to know na okay na sila.

Mukhang natapos na din sila sa paguusap dahil papalapit na silang dalawa sa akin.

DF: Grace, I'm going. Thank you sa pag-aalaga mo sa anak ko habang mag-isa lang siya dito sa Pinas ha? Alam mo naman ang hirap kapag malayo sayo lahat ng pamilya mo.
G: ay, wala po iyon Tito Ferdie. In fact, ako pa nga po ang nagpapasalamat sa anak niyo dahil ilang beses na po niya akong tinutulungan. At sa tuwing may problema ako, lagi po siyang handang tumulong.
DF: I see. Mabuti anak at may mga mabubuti kang kaibigan tulad ni Grace. You should treasure friends like her. Rare ka lang makakakita ng mga tao na masasabi mong tunay mong kaibigan.
K: yes Dad.
DF: so, I'll see you guys soon? I have to go, baka hindi na nila ako papasukin eh.

Ang kulit, ngayon ko lang narealize na pareho sila ng mata ni Ken. Pag tumatawa si Tito Ferdie, nawawala din pati ang mata niya. Nagiging guhit na din. Same with Ken. Hihi.

K: yea, take care Dad.
DF: I will my son.

He hugged his son, then he waved his hands as he walk away from us. Isa pa sa mga namana ni Ken ay yung tindig at height ng Dad niya. Pareho sila kung paano maglakad. At kung titignan mo yung likod ni Tito Ferdie, pareho sila ni Ken. Mag-ama talaga silang dalawa.

Nang nakasigurado na kami na naka-alis na ang eroplanong sinasakyan nila, saka naman kami umalis ng airport. Tahimik lang na nagda-drive si Ken, pero halata sa mukha niya ang saya. He's in good mood. Nakakatuwa. Nakakagaan sa pakiramdam panoorin yung mahal mo na masaya.

G: mukhang nasa good mood ang Sushi Boy natin ah.
K: ano na namang sinasabi mo jan?
G: wala. Ang sabi ko, ang gwapo mo.
K: in love ka na naman sakin.

Hindi na ako sumagot sa banat niya. Instead, ngumiti lang ako at patuloy lang ng panonood sa mga taong naglalakad sa may kalsada.

Maya maya ay bigla niyang itinabi yung kotse at tumigil ito. Ano kayang meron at bigla siyang tumigil sa pag-da-drive? O_O

K: Grace,
G: hmm?

Nakatingin siya sa akin, and this time, seryoso na ang mukha niya. Hindi na ito yung happy expression na nakita ko kanina.

K: alam kong lagi kitang niloloko, pero seryoso ba talagang may gusto ka sa akin?
G: anong sinasabi mo? Bakit mo ako tinatanong ng ganiyan?
K: just answer me. Talaga bang may gusto ka sa akin?

Hindi ako sumagot. Ayoko siyang sagutin! Bakit kailangan kong sagutin yung tanong na obvious naman ang sagot?? Kaasar!

K: Grace, do you really like me?

So ibig sabihin ba sa tanong niyang yun, all this time, hindi siya naniniwalang may gusto ako sa kaniya? Na akala niya, nagbibiro lang ako nung sinabi ko sa kaniya noon na crush ko siya? Na wala lang sa kaniya yung pamumula ng pisngi ko at pagiiwas ko sa kaniya pag kinikilig ako? At ano yung mga sinasabi niya noon kay DA nung nagconfess siya sa akin? Na sa kaniya lang ako may gusto?!

All this time, akala niyo joke lang yung feelings ko sa kaniya?

G: ano sa tingin mo?
K: kaya nga ako nagtatanong dahil hindi ako sure...

Biglang naging confused yung expression sa mukha ni Ken. Yung mga kilay niya nagkasalubong dahil sa pagiisip. Pati yung noo niya nakakunot na sa kakaisip. Hai, ano bang gagawin ko dito sa lalaking ito?

G: so ano yung sinasabi mo kay DA nung nakaraan? Na wag na siyang umasa dahil sayo lang ako may gusto. So anong drama yun? Ngayon tinatanong mo ako kung may gusto ba talaga ako sayo? Seryoso ba yan?
K: oo. Pero nasabi ko lang yun kay DA dahil gusto ko lang siyang asarin, and at the same time, para tantanan ka na niya sa pangungulit niya sayo. Other than that, wala na akong ibang ibig sabihin doon.
G: *sigh*

Hindi na ulit ako nagsalita. Eh kasi naman, nakakainis siya. Akala ko pa naman aware na talaga siya na gusto ko siya. Sabay itatanong niya sa akin kung may gusto ba talaga ako sa kaniya? Mabuti ng hindi na ako magsalita, baka lalo lang uminit ulo ko sa Pinyang ito. Kung ano pang di maganda masabi ko sa kaniya. Sa totoo lang, ayoko ng makipagbangayan sa kaniya dahil nakakapagod na din.

Tahimik kami saglit, then bigla na ulit siyang nagsalita. Hindi pa din nawawala yung seryosong expression sa mukha niya. Hindi pa din tuloy mawala wala yung kaba sa puso ko.

K: Grace, sorry. Pero hanggang friendship lang ang mabibigay ko sayo.

Tila naman nabingi ako sa mga narinig ko! Am I being rejected by this guy? Sh*t!

K: sorry.. Hindi ko masusuklian yung feelings mo para sa akin. At isa pa, hindi kasi talaga ikaw ang type ko. Gusto ko yung sexy,matangakad at model-ARAY! BAKIT MO AKO BINATUKAN!
G: ang daldal mo! Hindi ko naman tinatanong kung sino at ano gusto mo!
K: sinasabi ko lang naman sayo para alam mo. Baka kasi isipin mo na pinapaasa kita!
G: tse!!! Hindi mo na kailangan sabihin sakin dahil matagal ko ng alam yan!
K: eh bakit mo ako sinasigawan?!
G: hindi kita sinisigawan!

Grace, wag kang umiyak. Wag kang umiyak..

K: eh bakit ang taas ng boses mo?!
G: hindi nga kasi ako galit!
K: bakit namumula yung mata mo-
G: *tumingin ng masama*

Kaya mo yan Grace. Dati ka ng na-heartbroken diba? At hindi ito ang first time na pinamukha sayo ni Ken na hindi ikaw ang type niya. Kaya wag kang umiyak. Kaya mo yan.

K: sorry.
G: GAAAAAAAAAH!!!!!!!!!
K: ano na naman?!
G: wag mo ngang mabangit bangit yang salitang yan!
K: ang alin ba?
G: SHUT UP!!!!
K: *sigh*

Tinantanan na ako ni Ken sa mga tanong niya. Tumingin na ulit ito sa harap at nagsimula ng mag-drive. Hindi na siya ulit nagsalita, at ganun din naman ako.

Pareho kaming tahimik. Nakaka-bingi sa sobrang tahimik.

Ano ba naman klaseng buhay to. Posible pa lang mangyari yun no? Hindi ka pa nga nakakapag-confess, pero nabasted ka na. Rejected agad. At hindi ka lang nabasted, na-friendzoned ka pa. Hahaha, nakakatawa. Ako? Nabasted? Na-friendzoned? Hahahaha! Ang pathetic ko.

Bigla ko na lang naramdaman na namamasa yung pisngi ko. Patola, umuulan sa loob ng kotse?! Tekawait, hindi. Retard, paanong uulan sa loob ng kotse eh may bubong? Teka, nanlalabo yung paligid ko. Parang nag-kaka-fog kahit saan ako tumingin. I binked my eye, naramdaman ko na basa ang mga mata ko.

Ahh~ biglang tumulo yung luha ko. Ako? Si Grace na namanhid na sa pananakit ni Ken, naiiyak? T*ngina naman oh. Akala ko pa naman talagang namanhid na ako. Akala ko, sanay na akong masaktan. Hindi pa pala. Eto, nagpipigil akong umiyak dahil sobrang nasaktan ako sa mga narinig ko.

Pasimple kong kinuha yung panyo ko at pinunasan ko yung mga mata ko.

G: grabe, napuwing ata ako. Ang sakit ng mata ko. Naluluha tuloy ako. Hahahaha.
K: baliw. Akala ko naman naiiyak ka na kanina dahil namumula yung mata mo. Napuwing ka lang pala.
G: ahahahaha! Oo. Tapos ang ingay mo pa kaya nairita ako sayo lalo.
K: ako pa nakakairita ngayon?! *tumingin kay Grace* hoy. Bakit umiiyak ka?
G: napuwing nga kasi ako.
K: napuwing ka ba talaga?
G: oo. Wag ka na ngang magtanong! Mag-drive ka na lang jan.
K: oh. Okay.

Kahit ilang beses na niya akong nasaktan, kahit ilang beses na niyang naipamukha sa akin na hindi ako ang tipo niya ng babae, at kahit ilang beses na niyang pinaramdam sa akin na kahit kailan hindi niya ako magugustuhan, masakit pa din na marinig sa kaniya ang mga iyon. Para akong sinampal ng sampung beses sa mga sinabi niya.

Oo, alam ko naman nung una pa lang na hindi siya nagpapaasa. At hindi din naman ako umasa! Pero.... pero parang gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko. Hindi ba't dapat sanay na ako doon? Kasi matagal ko ng alam yun, matagal na akong aware doon. Kaya dapat hindi na ako nasasaktan at hindi ako makaramdam ng disappointment sa mga sinabi niya. Pero masakit pa din eh.. sobrang sakit.

Ken, hindi mo lang dinurog ang puso ko, pati ang mundo ko, gumuho ng dahil sa'yo.
*
*
*
*
*
Dahil wala naman masyadong traffic, mabilis din namin narating yung bahay ni Ken. As usual, servant duties. Kahit na heartbroken ako ngayon, hindi pa din excuse yun para hindi gawin yung Servant Duties ko. Wala din naman kasi akong choice eh. At isa pa, gusto ko pang makasama si Ken sa araw na ito. Masokista ko no? Sinaktan na nga niya ako kanina, nagawa ko pang gustuhin na makasama siya.

G: may bisita ka ba ngayon?
K: wala.
G: eh anong ginagawa ng kotse na yan sa tapat ng bahay mo?
K: aba malay! Magkasama kaya tayo kanina pa. At tsaka, ngayon ko lang ulit nakita yung kotse ni Crom.
G: kay Crom yan?
K: oo. Hindi ba obvious sa plate number?

Tinignan ko naman yung plate number niya.

"CRM 119"

G: C-R-M 1-1-9. Oo nga no. O_O
K: slow talaga.
G: aba malay ko ba!

After niya akong bastedin kanina, nasabihan pa akong slow. Grabe talaga tong lalaking to. Huhuhuhu. Kung alam lang niya kung gaano niya ako sinaktan ngayon.

At ako pa talaga ang slow sa amin dalawa no? Eh siya nga itong dense sa feelings ko sa kaniya! Retarded Sushi Boy!

K: ano kayang meron at nadaan dito si Crom. At dala pa niya kotse niya. Minsan lang niya idrive kotse nun eh.
G: aba malay ko. Kaibigan mo yan, bakit hindi mo siya tanungin.

Pumasok kami sa bahay nila. Naabutan namin si Kuya Dan na nagdidilig ng roses sa garden nila.

G: good afternoon po Kuya Dan,
KUYA DAN: good afternoon, Iha

Nakangiti itong bumati sa akin. Ah, weekend nga pala ngayon kaya siya nandito. Nawala sa isip ko.

Dumiretso kami sa loob ng bahay at naabutan naming nakaupo si Crom sa may sofa habang busy ito sa pagtetext. Malamang si Collin ang katext nun dahil nakangisi itong mag-isa habang nagtatype sa phone niya. Freak. Pusta ako, naglalambingan na naman sila sa text -_- eeeek.

K: yo dude! Anong meron at nadalaw ka?
CR: oi Ken! Nandito ka na pala. Nagpunta kami dito kanina pero wala ka kaya naman pinapasok na kami ni Kuya Dan sa loob.
K: "kami"? May kasama ka?
CR: oo dude. Magugulat ka kung sino kasama ko Nag-CR lang siya saglit.
K: okay. Teka, kukuha lang ako ng tubig at nauuhaw na ako.
G: ako din! Kuha mo ko tubig!
K: inuutusan mo ko?
G: *whistles*

Ang laki ng ngiti ni Crom. Sino naman kaya ung dinala niyang isa pang bisita dito? -_- naintriga tuloy ako. Nagpunta si Ken sa may kusina para kumuha ng tubig. Kaya naman naiwan lang kami ni Crom sa may sala.

G: buti pinapasok kayo ni Kuya Dan?
CR: hehe oo naman no! Kilala naman kami ni Kuya Dan kaya naman okay lang na papasukin niya kami dito.
G: ah, I see. Buti nadalaw ka dito? Akala ko kasi may date kayo ni Collin eh.
CR: after nito magkikita kami. Excited na nga ako makita Darling ko eh! Tignan mo wallpaper ng phone ko oh. Ang cute ni Darling diba~~

Pinakita sa akin ni Crom yung phone niya. Napa-"=_=" lang ako. Eh anong gusto niyang i-react ko sa photo ni Collin na naka-pout at puppy eyes?! Eh lagi ko naman nakikita yung picture niya na yun sa Facebook.

Siya ba yung girlfriend mo, Rain?

Rain? At.. sino tong magandang dilag sa harapan ko? O_O Parang nakita ko na siya somewhere, pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan..

G: Rain? Diba ikaw si Crom?
CR: Crom Raniel Mallari po kasi whole name ko. "Crom" ang tawag sakin ng friends ko, "Rain" naman pag relatives or sa bahay lang, and "Darling" naman ng my one and only ko.
G: uh, hindi mo naman kailangan sabihin pa yung last part. Hindi ako interesado at alam na ng buong mundo iyan -_-

TMI. Kailangan pa bang sabihin yung "Darling" part? Eh alam na naming lahat yun -_- Baliw talaga tong si Crom. Ngayon ko lang din nalaman yung whole name niya. Ever since kasi ng makilala ko siya, "Crom" na ang tawag ko sa kaniya. Hindi ko akalain na may 2nd name pala siya.

G: sino pala siya?
CR: ah! Hindi ko pa pala siya napapakilala sayo. Grace meet-

*CLASH*

Hala ka! Ano yun?! May narinig kaming nabasag! Pagkatingin namin, nakita namin si Ken sa likod nung babae. Yung mukha ni Ken, gulat. Sobrang putla na akala mo eh nakakita ng multo. Yung maliit niyang mata, biglang lumaki ng di oras. Nagkalat din sa sahig yung bubog ng baso at tubig na hawak niya na nabitawan niya.

Bakit ganun yung itsura ni Ken? Para siyang nakakita ng multo.

Hi Ken. It's been awhile.
K: you.. a-nong ginagawa mo dito?
Grabe ka naman, kakarating ko lang from Italy, parang gusto mo na ata akong pauwiin. :P

Ngumiti lang sa kaniya yung babae, samantalang hindi pa din naiiba yung expression sa mukha ni Ken. Ano bang meron sa babaeng yun at naging ganoon ang reaction ni Ken? First time ko lang siyang nakitang ganun. Gulat na hindi mo maintindihan. Hirap din siya pati magsalita.

K: anong ginagawa mo dito, Lea?

Lea? Saan ko ba narinig yung pangalan na yun?

AH. LEA! Siya yung sort of EX-GF na hindi ni Ken! Yung babae sa picture! Yung first love ni Ken! Si Lea!

Anong ginagawa niya dito? Teka, nandito ba siya para agawin sa akin si Ken? Wait, anong "agawin"? Wala naman siyang aagawin sa akin dahil hindi naman kami in the first place ni Ken! Pero... pero anong ginagawa niya dito? Wala na akong ibang naisip kundi yun lang. Parang naging blanko na din ang utak ko dahil sa mga pangyayari. Kanina lang, binasted ako ni Ken (ng hindi niya alam) at na-heartbroken ako. Ngayon naman (at wala pang 1 hour mula ng mabasted ako!!!), bumalik yung sort of EX-GF niya para makipagbalikan sa kaniya.

O jusko po Lard, talaga bang hindi ako intinedhana magkaroon ng masayang Love Life? Is it a sign na kailangan ko ng mag-madre?!?!?!?!

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon