KEN's POV
Lumipas ang weekend ng hindi ko nakasama at nakausap si Grace. After ng pag-aaway namin, hind na siya bumalik sa bahay. Siguro umuwi yun sa kanila sa sobrang badtrip niya sa akin.
Ewan ko ba kung ano na nangyayari sa sarili ko. Wala naman siyang ginagawa, pero sinusungitan ko siya. Ang dami ko pang nasabing hindi magaganda sa kaniya. At mas lalo pa akong naiirita kapag nakikita kong magkasama sila ni Melo. Nito ngang mga araw ay madalas ko silang nakikitang magkasama. Pag nakikita ko sila, hindi ko mapigilan na makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Mas naiinis pa ako lalo dahil habang tumatagal, mas nagiging close sila ni Melo. At itong Negneg na to, sa tuwing nakikita niyang nakikita ko silang magkasama, ang hilig niyang ipakita sakin kung paano siya maka-akbay kay Grace. Gusto ko siyang sapakin, pero sa anong dahilan?
Wala lang ako ginawa kundi magmukmok sa pag-aaral sa Library habang kasama ko si Kisha. Medyo naiirita na nga ako kay Kisha. After nito, hindi na ulit ako sasabay sa kaniya mag-review. Mas pipiliin ko na lang ang mag-aral mag-isa. Nakakairita siya dahil ang self centered niya masyado. Ginawa atang dating spot tong library dahil wala siyang ibang ginawa kundi magpa-cute sa mga students na natitipuhan niya. Hindi naman maganda.
Mas maganda pa nga sa kaniya si Grace eh....
Ohshit, Ano na ba tong mga sinasabi ko?! Na-i-stress na ako masyado sa mga inaaral ko. I think I need a break.
Niyaya ko ang mga kabarkada ko mag-coffee break para naman magpawala ng stress. Nandito lang kami ngayon sa may coffee shop tumatambay.
CR: dude, diba si Carmelo yun?
JS: Carmelo? You mean, Carmelo Marasigan? Yung Number 2 sa batch natin nung grade school tayo?
CR: oo dude, yung number 2 sa batch natin. Yung laging kakompitensya ni Ken noon sa pagiging Number 1.
Ahh... makes sense. Kaya pala parang pamilyar sakin ang pagmumukha ng Negneg na yun. At kaya din ang hilig niyang i-intimidate ako dahil ever since grade school pa kami, wala siyang ibang ginawa kundi ang makipag-kompitensya sa akin! Isa-isang nagsisibalikan yung mga memories ko sa kaniya.
!@#$, siya nga yung batang mataba na madaming pimples na maliit na palaging rank 2 sa batch namin. Si Carmelo!
Teka, bakit magkasing tangkad na kami nun? Mas maliit pa sakin yun ah! Tsk. Puberty stage. Kaya din siguro hindi ko siya nakilala dahil ang laki na ng pagbabago sa kaniya physically.
CS: wow Dude, sinusundan ka niya hanggang college. Tibay ah!
K: wala akong pake. Pabayaan niyo nga yung Negneg na yun!
JS: pabayaan? Ewan ko lang kung pababayaan mo pa siya pag sinabi ko sayong kasama niya si Grace.
CR: woah, close pala sila?
Argh, eto na naman yung chest pain na nararamdaman ko. Bakit ba nag-rereact tong katawan ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama?!
Biglang napatingin sa direksyon namin si Melo samantalang busy naman si Grace sa pagkekwento kaya hindi niya kami napansin. Nag-nod lang siya sakin at ngumisi sabay akbay nito kay Grace. Nakita ko kung paano nabigla si Grace sa ginawa ni Melo, pero patay malisya lang si Melo.
Ang walang hiyang lalaking yun. Ngayong kilala at naalala na kita, hinding hindi na ako makakapayag na magpatalo sayo. Ako pa talaga ang kinalaban niya? Pwes, makikita niya. Ipapamukha ko sa kaniya na ako lang ang No.1 dito at walang iba. At kahit kailan, hinding hindi siya magiging No.1. Sa acads, sa mga mata ng professor namin, at lalong lalo na kay Grace.
He wants to fight? Then let him try. I'll show him how it's done.
-:-:-:-
Natapos ang klase namin ng hindi pa din kami nagkakausap ni Grace. Nakita ko siyang lumabas ng classroom kaya madali ko siyang hinabol. Nasa tapat na kami ng building ng nakahabol ako sa kaniya.
K: Hoy Amazona!
G: ??
K: sabay na tayo umuwi.
G: eh may lakad pa ako eh.
Wow, ako? Ako na si Kenneth Michael Ong, ang heartthrob at No. 1 sa school na ito, i-rerefuse ang invitation ko ng isang Grace Aguirre lang?! Wow, just wow.
K: hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang yun? Uwing-uwi na ako eh.
Shiz, can't you guys believe? Ako pa talaga ang namimilit sa kaniyang sumama sakin? Ugh. Ewan. Basta gusto ko siyang makasama ngayon para magkausap na ulit kami.
I was about to grab her hand ng biglang umakbay si Negneg kay Grace. Ughhh!
MELO: nope, hindi pwede dahil she promised me today na sasamahan niya ako tumingin ng book sa book store. Right Grace? *smiles*
Bwisit na Negneg to, umeepal na naman! Kitang nag-uusap kami ni Grace eh. Papansin na Negritong to!
K: tss. Pwede mo namang gawin yun ng mag-isa, bakit kailangan mo pang isama si Grace?
MELO: hindi mo ba gets, Ken? Magde-date kami ngayon. And if you'll excuse us?
Hinatak ni Melo si Grace sa mga kamay na ito at sabay na naglakad habang naka-akbay ito sa kaniya. Putek, nagawa akong ipagpalit ng Amazona na yun sa Negneg na yun?!
Ugh! Damn!
GRACE's POV
After namin hindi mag-usap ng ilang araw, bigla niya na lang ako kinausap kanina at niyaya pa niya akong umuwi ng sabay. Ano naman kayang nangyari sa kaniya at nagawa niyang mag-ayang umuwi ng sabay? Ilang araw ko siyang niyayang sabay kami umuwi pero lagi niya akong hindi pinapansin. Sabay ngayon, magyayaya siya? Panigurado may iuutos na naman sa akin yun kaya niya ako kinausap kanina. Ganun naman palagi yun eh.
MELO: ang lalim ata ng iniisip mo?
G: ha? Hindi.. haha.
MELO: si Ken ba yan?
G: hmm....
Hai~ Ilang araw ng hindi nawawala sa isip ko si Ken. Kakainis naman kasi siya eh!
G: oi! Bakit mo nga pala sinabi kay Ken na magde-date tayo?! Baka maniwala yun!
MELO: eh ang kulit niya kasi eh. Hindi ka nun tatantanan hanga't di ko sinasabi sa kaniya yun. And besides, nakakatuwa ang reaction niya kapag napipikon ko siya at nagagawa ko siyang pagselosin.
G: sira ulo ka talaga Melo. Gustong gusto mo talagang inaasar si Ken no? At isa pa, hindi naman magseselos yun eh. Maiinis lang yun kasi sinuway ko utos niya na sabay kaming umuwi.
MELO: hmmmm. Ikaw lang nag-iisip niyan. I'm also a guy so alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ken.
Mabuti nga talaga sana kung nagseselos si Ken. *sigh* Yun? Asa ka pa doon. Palagi namang ako ang naghahabol sa kaniya eh.. at never din naman siya magpapahabol sa akin.
G: ewan ko sayo -_- nag-aalala lang naman din ako kasi baka seryosohin niya yung mga sinabi mo kanina....
MELO: oh, eh parang gusto mo atang seryosohin ko eh.
G: ha? Hindi, hindi! >_< ayoko lang kasi na dumagdag pa lalo yung samaan niyo ng loob sa isa't-isa. Sa tuwing nagkikita na lang kasi kayo, madalas kayong magkainitan ng ulo.
Umupo si Melo sa may bakanteng couch. Sumunod naman ako sa kaniya at naupos sa tabi niya. Okay din pala itong book store na ito. May provided na couch para sa mga customers nila na gustong magbasa.
MELO: alam mo Grace, napakaswerte talaga sayo ni Ken. Ewan ko ba kung bakit hindi pa niya napapansin yun.
G: eh? >_<
MELO: ganito lang yan. Si Ken, may pagka-isip bata yan. Oo inaamin ko, hilig kong asarin siya. Pero hanggang doon lang yun. Inaasar ko siya kasi nakakatawa yung reaction niya. Hindi naman ako nakikipag-kompitensya sa kaniya eh. Wala naman akong pakealam kung No. 2 lang ako or 3 or whatever rank pa yan. Yung pustahan natin? Hindi naman ako seryoso talaga doon eh. I was just only provoking him. Kita mong hindi ako nag-aaral diba? At sa aming dalawa, siya lang yung seryoso. Ever since nung nasa grade school pa kami, lagi siyang nakikipag-kompitensya sa akin. Never naman akong nakikipag-unahan sa kaniya eh. My point here is, Siya lang itong nakikipag-compete sa akin. Ika nga nila, one-sided competition ito. Mataas kasi ang pride ni Ken kaya ng malaman niyang kaya ko siyang tapatan, biglang nagkaroon ng "rivalry" sa pagitan naming dalawa. Pero ang totoo? Wala akong balak makipag-compete sa kaniya. I just go with the flow lang. :P Yung dare na to, pang-asar lang sa kaniya yun na kinagat naman niya.
Aba, na-speechless naman ako doon. Para kay Melo, laro lang pala to. Pero kasi para kay Ken, parang it's a matter of life and death, heaven and earth, yin and yang, black and white (okay OA na) kung makapag-review siya. Sa kanilang dalawa, petiks lang si Melo samantalang si Ken naman ay todo kung mag-aral. Biglang nag-iba ang view ni Ken sa pag-aaral mula ng pumasok sa eksena si Melo. Dahil for the first time, nakaramdam ng threat si Ken sa image niya.
G: ah.. kaya pala nung bigla kang nagkaroon ng special class sa amin, bigla siyang nag-sipag mag-aral. Eh ikaw pa naman daw ang nag-iisang naka-perfect sa examni Sir Sadista. Fave subject and prof niya kasi yun eh. And take note, na-comment pa ni Sir Sadista na possible ka niyang makatapatan sa class niya dahil kayong dalawa daw yung pinaka-matalinong students niya. -_-
MELO: ngayon naintindihan mo na kung bakit mainit lagi dugo niya sa akin.
G: hehe, oo. Tsaka hindi lang mainit dugo nun sayo. Kahit sakin din naman. T_T
MELO: alam mo kung bakit?
G: bakit??
MELO: kasi kumportable na siya masyado sayo. :)
Kumpor.... table? -_-
G: ganun ba yun?
MELO: oo. Ganun nga yun.
G: so ibig ba sabihin nun matagal na siyang kumportable sakin? Kasi matagal na kaming parang aso't-pusa kung mag-away eh. -_-
MELO: hmm, pwede din. Everybody knows Ken. Why not, popular siya eh. Mataas ang tingin sa kaniya ng mga tao at hindi mo naman maipagkakailang hinahangaan siya ng mga tao. Pero sa lahat ng taong nakakakilala sa kaniya, ikaw lang ang nakakakita sa totoong Ken. Sayo lang din naipapakita ni Ken yung totoong ugali niya. Kasi kumportable siya sayo and at the same time, magaan na ang loob niya sayo to the point na hindi siya nahihiyang iparamdam at ipakita sayo kung naiinis siya o hindi.
G: uhh.. okay....
MELO: ang kulang na lang naman sa kaniya ay yung magpakatotoo siya sa feelings niya para sayo. Pero dahil nahihiya siyang i-admit yun, dinadaan niya sa pagsusungit yung nararamdaman niya sayo. *smiles* And isa din sa dahilan ng pagkainis niya sa akin ay dahil alam niyang kaya kitang agawin sa kaniya anytime kaya mainit ang dugo sakin nun. *laughs*
G: huh? @_@ uhh...
Okay habang tumatagal ang discussion namin ni Melo, parang mas lalo akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. Di ko ma-absorb. Tekawait lang ha.
MELO: at nga pala, hindi ako nakikipag-agawan sa taong may pag-mamay-ari na kaya wag mo sanang isipin na pinopormahan kita or anything ha. Well, pwede din para medyo ma-intimidate ko si Ken kasi ang cute niyang maasar. *laughs* Pero hanggang doon na lang yun.
Talagang ayaw niyang tantanan si Ken no? Feeling ko tuloy si Melo ang hindi honest sa sarili niya at siya itong may gusto kay Ken.
Kaya siguro alam niya yung mga sinasabi niya dahil pinagdadaanan niya yun ngayon? O_O
G: umamin ka Melo, may gusto ka kay Ken no? Umamin ka! Kaya alam mo tong mga sinasabi mo sa akin kasi pinagdadaanan mo ngayon to... at kaya mo ako kinakaibigan dahil type mo siya!!! *gasp*
MELO: wow, napaka-complicated naman ng naisip mo na scenario Grace. Tulad nga ng sinabi ko kanina, wala akong balak makipag-agawan sa taong may pagmamay-ari na. And oh, di ako bakla! What makes you say that?! Lalaking lalaki ako no! *laughs*
G: ahahahaha okay! Joke lang yun no. Pero para sabihin ko sayo, hindi ako pagmamay-ari ni Ken. Ano ako, gamit? May pagmamay-ari? Servant niya ako, oo. Pero kung pagdating sa usapang romantic, meh. Dahil gustuhin ko man, imposible na makuha ko puso niya.....
MELO: hmm. I see. One sided love pala ito.
G: waah~ >_<
MELO: gusto mo ba malaman kung one-sided lang itong love story niyo?
G: ah, hindi na. Na-reject na niya ako nung una eh. Natatakot akong ma-reject niya ulit. At tsaka expected ko na din naman kung anong ang result no. Alam kong one sided lang to. One sided forever! T^T
MELO: hehe, malay mo iba pala sa inaakala mo.
Heh, how I wish. Ang tagal na din naming magkasama ni Ken at matagal-tagal ko na din siyang mahal, pero hindi ko siya magawang basahin. Hindi ko alam kung nagkakaroon na ba ako ng pag-asa. O kung nagkakaroon na ba ako ng effect sa kaniya.
Magulo.Sobrang gulo.
Medyo late na ng nakauwi ako ng bahay. Napasarap kasi ang usapan namin ni Melo at medyo matraffic din nung pauwi na kami. Naabutan kong nasa may garden si Ken at nagyoyosi. Tila siya di mapakali dahil pabalik-balik siyang maglakad. Natutulirong di mo maintindihan.
G: dito na ko.
K: oi! Bakit ngayon ka lang?!
Agad niyang tinapon ang yosi sa basurahan at mabilis itong lumapit sa akin. Ang OA naman nito maka-react. Akala mo kung sinong tatay na nagaalala sa anak na nakipag-date sa boyfriend -_-
G: eh kumain pa kasi kami sa labas after eh.
K: bakit sa labas pa kayo kumain?! Bakit hindi ka na lang umuwi right after ng de- date niyo!
Nauutal pa siya nung nagsasalita. Patay na naman ako nito. Isang timbang sermon na naman ang maririnig ko dito dahil sinuway ko siya sa utos niya kanina.
It's okay. My body is ready.
G: eh kasi wala namang makakain dito sa bahay. Mag-iisang linggo na kaya akong kumakain sa labas dahil walang pagkain dito. Kung hindi ako lalabas, noodles lang kinakain ko.
K: isang linggo?!
G: hindi mo napapansin kasi busy ka mag-review. Hindi mo nga din napapansin pag late na ako umuuwi galing labas eh.
K: saan ka naman kumakain? Mag-isa ka lang naman kumakain diba? Delikado yun ah.
G: nope. Kasama ko si Melo.
K: what?! 1 week na kayong sabay na kumakain ng dinner ni Negneg?!
G: uhmm yeah. Isang linggo na nga. Una na ako matulog. Inaantok na ako eh at maaga pa ako bukas. Goodnight.
K: *shock*
Hindi naman ako sinermonan ni Boss, pero kinuwestyon lang niya yung late kong pag-uwi at yung pagsama ko kay Melo. FYI, hindi negneg si Melo. Moreno siya! Insecure na Pinya to. Palibhasa maputing intsik!
Iniwan ko si Ken sa garden at dumiretso na ako sa kwarto ko para matulog. Sobrang antok at pagod na talaga ako. Baka di ko na kayanin kung makarinig pa ako ng isang sermon mula kay Ken.
THE NEXT DAY
Kailangan kong gumising ng maaga dahil kailangan kong magsubmit ng requirements sa isa kong Prof. Ayoko namang maabutan ng rush hour dahil ang hirap mag-commute sa sobrag dami ng tao. Nagprito ako ng hotdog and egg for my breakfast para hindi ako gutumin sa byahe.
K: ang aga mo naman gumising. *yawn*
Bumaba si Boss ng may bed hair pa. Sh*t, busog na ako. @_@
Este, kailangan ko ng magmadali dahil baka malate na ako!
G: magpapasa kasi ako ng requirements kay Maam Cosme. Kailangan ko umalis ng maaga para di ako makasabay sa traffic and rush hour.
K: anong breakfast mo?
Kumuha siya ng coffee at umupo siya harap ko. Mas malapitan ko na ngayong nakikita si Ken. Sh*t, gusto kong laruin yung buhok niya dahil bagong gising lang siya. At yung boses niya, so manly~ bed voice pa. Nakakabusog talaga. Huhuhu. Napakswerte kong nilalang dahil sa dinamidaming mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya, ako ang pinagpala sa babaeng lahat. Ako pa lang ang babaeng nakakakita kay Ken na bagong gising sa umaga with matching bed hair while sipping his coffee! Oh gad.
Lard, patawarin mo ako sa kasalanang ginagawa ko. Umagang umaga, pinagnanasaan ko na ang Prinsipe na nasa harap ko ngayon.
G: *scoffs* yung pinaka-ayaw mong pagkain. Yung pagkain ng Alien.
K: hotdog and eggs? Sunog na na naman yung hotdog mo. Basag pati yung itlog.
G: oo. Kasi tanga ako eh. Kaya ganiyan yung result ng luto ko.
K: right.
Hindi ko na lang siya sinagot dahil ayokong makipagtalo sa kaniya, Jusko naman, kaaga-aga, magtatalo na naman ba kami? Parang yung kanta lang ng Kamikazee:
Ang almusal ay sigawan
Ang hapunan natin ay tampuhan
Ang meryenda pagdududa
Pero mahal kita,
Wala ng hahanapin pang iba
Handa kong magtiis kahit na
Away,away,away na 'to!
Kahit siya din ay tahimik lang habang iniinom niya ang kape niya. Pero nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako. Medyo awkward ah. *blush*
G: bakit mo tinitignan yung pagkain ko? Nagugutom ka? Meron pa jan sa ref. Magluto ka na lang.
K: hmm. Bakit kailangan ko pang magluto kung meron na sa plato mo?
Lumapit si Ken sa akin at kumagat siya sa Hotdog na kinagatan ko na nakatusok sa hawak hawak kong fork. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko!
K: hmm. Kahit sunog, masarap yung hotdog mo. Ipagluto mo ako. Magbabaon ako ng dalawa. Gusto ko yung tostado, pero hindi sunog ha.
SH*T!! THAT WAS TOO CLOSE!!! Sa sobrang lapit niya ay naamoy ko ang amoy ng coffee sa hininga niya. Kaaga-aga ay pinapakaba niya ako ng ganito! Ken naman eh. I hate you!! T^T Kung alam lang niya gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon dahil sa ginawa niya.
Kalma lang Grace, kalma lang! Hinga malalim! Inhaleeeeeeeeeeee exhale!
Okay, kalmado na ako! >_<
G: ha? Eh? Uh... Akala ko ba ayaw mo-
K: samahan mo ng dalawang itlog.
G: eh pero malelate na ako!
K: sumabay ka na sakin para di ka matraffic.
G: okay. Fine.
Since isasabay naman niya ako papasok ng school, hindi na ako pumalag sa utos niya. Ipinagluto ko siya ng gusto niya at pinag-prepare ng baon niya.
Ano kayang meron sa lalaking ito at parang iba ang mood ngayon? Good mood siya ngayon at buong umaga siyang nakangiti which is weird dahil these past few days, palaging mainit ang ulo niya.
Nanaginip siguro ng maganda yun.
K: by the way. Uhmm.. ano...
G: ano? Ano pang iuutos mo?
K: so-sorry!
Pagkasabi niyang yun ay kumaripas agad siya ng takbo papuntang kwarto niya. Ang cute ng pagka-awkwardness niya. Weird, but at the same time, ang cute niya.
"Sorry"? Sorry dahil doon sa away namin nung isang araw? Sus, kahit hindi pa siya mag-sorry, napatawad ko na siya. Hindi na tuloy nawala yung ngiti ko habang nagluluto ako ng breakfast niya. Naimagine ko kasi yung cute awkward face niya kanina e. Hehe.
At dahil inspired at masaya ako ngayong umaga, I will do my best para hindi masunog yung niluluto ko! At aba, minsan ko lang paghandaan ng baon itong si Boss ko kaya kailangan maging perfect itong baon niya!
-:-:-:-
KEN's POV
Dumating ang Lunch Time. Niyaya ko sina Justin na sabay sabay kaming kumain ng lunch namin. Excited akong mag-Lunch Break dahil gutom na ako? Ewan, hehe.
Gutom nga ba, o sadyang excited ka lang dahil si Grace ang nag-prepare ng baon mo? - AlmightyAuthor
Shut up! - Ken
JS: hai bakit ba nagyaya kang mag-lunch ngayon? May lunch date pa naman sana kami ngayon ni Rika. Tsk. Minsan ko na nga lang maabutan sa school yun huhu.
CR: ako din eh! May lunch out kami ng Darling ko. T^T
CS:*laughs* buti pa ako walang problema sa oras ko. Palibhasa kayong dalawa, full time Lover, part time friend na lang. Bakit kasi di niyo ako tularan? Full time friend.
JS: ang sabihin mo, wala ka lang love life.
CR: dahil wala kang girlfriend!
CS: chi. Ewan ko sa inyo. *laughs*
K: si Cris na naman napaginitan niyo. Hayaan niyo na yung tao, may balak atang mag-pari yan.
CS: hoy hindi ha! Sadyang seryoso lang ako sa pag-aaral ko. At isa pa, hindi naman ako nagmamadali eh.
CR: weeeeh~
K: hay nako, itigil niyo na nga yan at kumain na tayo!
JS: oo nga mabuti pa nga. Excited pa namang nagyaya ngayon ng Lunch si Ken kaya kumain na tayo!
Excited kong inilabas ang baunan ko at nagsimula ng kumain. Nakatingin lang sakin yung tatlo na parang hindi sila makapaniwala sa kinakain ko. And they are giving me the same expression: what-the-heck-are-you-eating-dude-pang-alien-yata-yan face.
JS: woah dude, anong nangyari sa pagkain mo? Bakit sunog?
CR: oo nga. Sunog! Bakit ganyan?! At yung itlog, basag!
K: hep hep! Kahit sunog yan, masarap to. Walang hihingi ha!
CS: pre, sa pagkaka-alam ko, magaling ka magluto eh. Pero bakit nagka-ganyan hotdog mo?
K: sino ba kasing nagsabing ako nagluto nito?
CR: kung hindi ikaw, sino?
K: eh sino pa nga ba?
CS: si Grace?
K: yup.
JS: ahh, kaya naman pala in good mood siya ngayon.
CR: at excited din siyang magyaya ng lunch.
CS: nice naman! May taga-luto na siya ng lunch niya!
K: well, ganun talaga.
Simula ng malaman nilang si Grace ang nagluto ng baon ko, hindi na ako tinantanan nitong tatlong to. Palibhasa mga inggit dahil walang nagpe-prepare ng lunch nila.
CS: dood, si Carmelo papalapit dito.
Nakita kong papalapit sa amin si Melo. Ano kayang kailangan ng Negneg na yun at papunta siya sa amin? Wag niyang sabihin na maghahanap siya ng away? Wala ako sa mood makipagtalo sa kaniya dahil maganda ang araw ko ngayon.
MELO: yo Ken. Nakita mo ba si Grace?
Pagkalapit niya ay agad kong nilayo yung baunan ko sa kaniya. Ewan ko, parang reflex action na lang na bigla kong iniwas yung baunan ko dahil si Grace ang may luto nun. Feeling ko kasi pag nalaman niyang si Grace ang may luto nun ay aagawin niya yun sa akin.
MELO: woah, easy, easy! Wala akong balak agawin yung pagkain mo! Ang possesive mo naman sa pagkain. *laughs*
JS: pasensya ka na sa kaibigan namin 'pre. Naparanoid lang nung lumapit ka. Si Grace kasi nagluto ng baon niya kaya nagkaganiyan siya.
MELO: hmm~ I see. Kaya pala. Bati na pala kayo. *smiles*
K: wala ka na doon.
Nakakainis yung ngiti niya! Panira ng araw!!!!
MELO: anyway, nakita niyo ba si Grace? Ibabalik ko lang kasi sa kaniya yung notebook niya.
K: wala, nakipag-meeting sa Prof.
MELO: oh, okay. I guess hihintayin ko na lang siya sa classroom.
K: di na kailangan. Ako na magbibigay sa kaniya nung notebook.
MELO: ay, okay lang. Mukhang busy ka kasi sa yummy lunch mo eh. Ako na lang ang magbaba-
K: ako na sabi eh. *inagaw yung notebook*
Inagaw ko sa kaniya yung notebook bago pa siya makapalag. Sus, gagawa pa siya ng paraan para makasama si Grace. Pwes sorry siya dahil gagawin ko ang lahat, mapigilan ko lang siya sa mga plano niya!
MELO: well okay. If you insist then. Thanks, man! Ah, by the way, may tanong ako sayo.
K: ano na naman ba?!
MELO: ano ang mas masarap? Yung lutong bahay ni Kisha, o yung sunog na Hotdog and Egg ni Grace?
K: *natigilan*
MELO: well, isarili mo na lang ang sagot mo dahil kahit hindi mo pa sabihin, alam ko na ang sagot. :P
Teka, pano niyang nalaman yung tungkol kay Kisha?! Kinuwento ni Grace?! Ang walang hiyang babae yun kung ano ano na naman ang kinukwento niya! At anong ibig niyang sabihin sa tanong niya? Ano bang gusto niyang ipahiwatig doon?!
JS: *coughs* hindi ata sa pagkain possesive tong kaibigan natin eh. Doon ata sa taong nagluto.
CS: so anong sagot mo doon sa tanong ni Carmelo?
CR: sunog na hotdog and eggs ni Grace? O yung luto nung friend mo?
Bigla akong napaisip sa tanong na yun. Ano nga ba?
Nung kumain ako ng niluto ni Kisha, normal lang naman yung naramdaman ko nun. Yeah, masarap siyang magluto. Yung tipong gusto mo siyang gawing asawa dahil masarap siyang magluto. Pero hindi naman ako nakaramdam ng ibang excitement ng nakakain ako ng luto niya. Hindi ako masaya, hindi din excited. Normal lang. Casual.
Nung pinaghandaan ako ni Grace, kahit hindi perfect ang pagkakaluto niya, inaamin kong nakaramdam ako ng excitement. Oo, masaya ako at inaamin ko yun. Siguro nga kaya ako excited mag-lunch dahil alam kong siya ang nagluto ng pagkain ko. Na pinaghirapan niya ito and she prepared it for me. Naexcite ako at masaya, na siyang hindi ko naramdaman nung pinagluto ako ni Kisha.
Hindi nga kaya...
K: *blush*
CR: hey Ken, we're waiting for your answer. Ano na? Sagot na!
K: pe- pwede ba! Kumain na nga lang kayo!
CS: hmm... mukhang a-aggree ata ako doon sa sinabi ni Carmelo ah.
JS: hindi mo pa sagutin yung tanong namin, mukhang alam na din namin yung sagot.
K: ugh. Kumain na kayo sabi eh.
CS, CR, JS: *laughs* hai hai.
Hindi nga kaya I have......
NO. THIS CAN'T BE HAPPENING. THIS CAN'T BE REAL. NO. I just got excited over someone preparing a lunch for me. Yes, that must be it. That's it!
-:-:-:-
Maaga pa lang, sinabihan ko na si Grace na wag mag-lakwatsa para incase na yayain na naman siyang mag-date ni Negneg, hindi siya magtatagumpay dahil naunahan ko na siya.
Nakita ko si Grace na busy nanonood ng Chinito Boys niya sa may sala. Ewan ko ba sa babaeng ito, chinito din naman ako pero hindi pa siya nakuntento sa akin at nagka-crush pa siya sa ibang lalaki. Yung lagi niyang bukambibig na si TOP? Ginoogle ko siya, hindi naman kagwapuhan! Mas gwapo pa nga ako sa kaniya.
K: hoy, nanonood ka na naman ng mga palabas ng bading na yan. Sino ba jan si TOP?
G: hoy! Hindi sila bading!! At wala din dito si TOP. Japanese series tong pinapanood ko e.
K: ahh.... akala ko nanjan si TOP eh. Ano bang nagustuhan mo doon? Mas hamak naman na gwapo ako doon.
G: *tumingin ng masama*
Kita mo tong babaeng to. Kapag nilalait ko yung crush niya, laging pikon. Kaya ang sarap niyang asarin lagi eh. Hehehehe.
K: oh. *inabot ang notebook* pinapabalik ni Negneg yung notebook sayo.
G: thanks
K: no biggie.
Umupo din ako sa tabi niya at sinamahan ko siyang manood ng Japanese Series niya. Hindi pa din ako maka-get over sa fact na crush niya si TOP. Hindi naman kasi gwapo. Matangkad lang.
K: next time na manonood ka, si Jessie na lang panoorin natin ha. Ang boboring naman kasi ng pinapanood mo.
G: wag ka ngang magreklamo jan! Nakikinood ka na nga lang eh!
K: baka gusto mong ipaalala ko sayo na nakikinood ka sa TV ko? At nakaupo ka sa sofa ko, at kuryente ko yung ginagamit mo.
G: err. Sorry na. *pouts*
Nag-pout na naman siya. Cute. Heh. Worth it ang asarin siya dahil ang cute ng every reactions niya sa tuwing naaasar ko siya. Which is weird, dahil hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa kaniya sa tuwing inaasar ko siya noon.
G: hindi ka yata nagrereview ngayon?
K: huh? Ah well.. medyo madami na din akong naaral so okay na siguro yun.
G: okay. Kaw bahala.
K: Grace!
G: ow.
K: wag ka ng kumain sa labas ha.
G: bakit?
K: magluluto na ako ng masarap na dinner!!!
G: hmm.. okay.
K: yes!
G: ha?
K: wala!
G: okay.
K: after natin magdinner, laro ulit tayo PS3 ha.
G: sure.
Mission success! Napa-"YES" ako bigla dito dahil nag-success ung plano ko. Kawawang Negneg, hindi niya makakasama tonight sa dinner si Grace! Mag-isa siyang kumain! Idadamay pa niya yung Servant ko, mamaya kung ano pang gawin niya doon.
Nagpunta na ako ng kitchen para mag-prep ng dinner namin. Hmm.. anong food kaya lulutuin ko? Nialaga? Favorite kasi ni Grace yun e. Tama, Nilaga na lang ang lulutuin ko.
*RING RING*
Bigla ako napatigil sa pag-pe-prepare ko ng dinner ng narinig ko tumunog ang phone ko. Unregistered number. Sino kaya tong caller ko? Baka isa na naman ito sa mga fangirls ko na nakakuha ng number. Kainis na mga fangirls to, pinagkakalat yung number ko!
----- START OF PHONE CALL -----
K: hello?
It's me
Nyemas, sa tono pa lang ng boses at pananalita, alam ko na kung sino tong kausap ko.
K: anong "It's me" ka jan! Wag ka ngang pa-cool! And for your info, hindi na sasama sayo mag-dinner si Grace dahil meron na kaming pagkain dito sa bahay!
MELO: hahaha wow, edi good for you. *laughs*
K: talaga! O eh bakit ka napatawag?
MELO: tatanong ko lang sana sayo kung nabalik mo na ba yung notebook.
K: oo kanina pa.
Maniwala. Notebook lang ang dahilan ng pagtawag niya? Sus, if I know gusto lang niya alamin yung whereabouts ni Grace. Paraparaan din ng lalaking to eh no. Sorry siya dahil hindi niya ako maloloko.
MELO: oh, okay. Actually, natawag ako para itanong kung naka-uwi na ba si Grace. Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi ko macontact phone niya. Nag-aalala lang ako sa kaniya.
K: oo nakauwi na siya. At wag kang mag-alala, dahil hindi ko hahayaang mapunta siya sa kamay mo.
MELO: mmm. That's good to hear.
K: tapos ka na ba magsalita? Kakain na kasi kami ni Grace eh. Kanina pa kasi niya ako hinihintay. Alam mo naman yun, excited na makasabay ako kumain.
MELO: right right. *laughs* alam ko namang mas excited ka pa sa kaniya eh.
Bwisit na lalaki to. Talagang wala siyang balak na hindi ako tantanan ng pang-aasar niya no? May araw din sakin tong Carmelo Marasigan na to.
MELO: Ken, before I drop this call, may quick question ako. Please answer me honestly
K: kung tatanungin mo ako kung pumapatol ako sa kapwa ko lalaki, the answer is no.
MELO: kung naging bakla man ako, hindi ako maiinlove sayo kasi you are not an ideal boyfriend. Laki nga ng pagtataka ko kung bakit inlove na inlove sayo si Grace eh. Pero hindi yan ang tanong ko. My question is, are you jealous pag magkasama kami ni Grace? I want a serious and honest answer.
What the-why is he asking me such question?! Ano naman pakealam niya sa nararamdaman ko?
K: nope. Never.
MELO: hahahaha.
K: what's so funny?
MELO: well, with the way you act and talk to me, I'm pretty sure you're jealous.
K: sorry to burst your bubble but no, I'm not. Paano ako magseselos, kung wala sa bokabularyo ko ang salitang "selos"?
MELO: so never ka nakaramdam ng selos?
K: never. Dahil wala namang dahilan para magselos.
Stupid question coming from a stupid guy. No wonder why he's always No. 2.
MELO: pano mo naman nasabing hindi ka nagseselos, gayong never mo naman na-experience ang magselos?
K: uh,
MELO: listen to this Ken. You're jealous. I am telling you, nagseselos ka at ito ang pakiramdam ng nagseselos. Yung pakiramdam na naiinis. Nagagalit. Nababadtrip. Naiirita. Yung pakiramdam na gusto mo, sayo lang siya at ayaw mo ng may ibang lumalapit sa kaniya. Yung pakiramdam na gusto mo nasa iyo lang ang atensyon niya at ayaw mo ng may kahati sa atensyon niya. Yung pakiramdam na ayaw mo siyang makita na may kausap at kasama na ibang lalaki maliban sayo. Ken, that's jealousy. Hindi mo alam ang tunay na definition ng "selos" dahil all this time, you never felt jealous of anyone. Not until you met Grace. Not until you realized that Grace has a special part inyour heart. Not until you realized that you are already in love with her. Nagseselos ka sa tuwing nakikita mong magkasama kami ni Grace dahil mahal mo siya. Naiinis ka sa akin dahil nagseselos ka sakin. And because of that, congratulations dahil you finally realized your true feelings! Na inlove ka kay Grace! Congratulations dahil may bago ng dumagdag sa Ken's Dictionary and that is "Jelousy"!
K: hoy! anong sinasabi mong true love! And for Pete's sake, I am not jealous!
Damn, bakit niya natumbok tong iniisip at nararamdaman ko?! Oo, tama lahat ng sinasabi niya. Naiinis ako kapag magkasama sila dahil ayokong may kaagaw ng atensyon ni Grace. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon niya at wala sa iba. Ayokong may ibang lalaking lumalapit sa kaniya kaya ganun na lang ang inis ko noon kina Jared, DA at Bryan sa tuwing lumalapit sila kay Grace. At naiinis ako dahil gusto ko, ako lang ang mamahalin ni Grace at wala ng iba jan sa puso niya kundi ako lang.
Hindi nga kaya totoo yung mga sinasabi niya? Na nagseselos ako... at mahal ko na si Grace?!
Damn! I am not sure kung mahal ko na si Grace, pero masasabi kong sure ako sa sarili ko na nagseselos ako dahil lahat ng sinabi ni Melo, totoo!
MELO: idedeny mo pa din ba Ken?
K: anong idedeny ko? Wala namang dapat na i-deny.
MELO: okay. If you're not jealous, then okay lang pala sayo na mas maging close pa kami ni Grace.
K: hoy!
Shiit, parang hindi ko gusto ang patutunguhan ng paguusap namin. Ugh!
MELO: oh, hindi ko nga pala kailangan ipagpaalam sayo yun no? Hindi ka nga pala niya boyfriend. You are just her Boss. "Brat Boss" ika nga niya.
K: Brat Boss?! She's calling me that?!
MELO: oo. Lagi lagi kaya kaming naguusap ni Grace. Call and text pa para sulit ang unli ko sa plan ko!
K: hoy!
MELO: just kidding man. O siya, I have to go and I have some errands to do.
Bwisit. Sa tuwing nakakausap ko tong lalaking to, parang nababasa niya yung iniisip ko. At dahil doon, naiinis ako lalo sa kaniya!
Ibababa ko na sana yung phone ng bigla ko naalala yung gusto kong sasabihin kay Melo.
K: ah, Neg- este, Melo.
MELO: yea?
K: gusto ko na palang itigil tong pustahan na to. I mean, alam naman nating dalawa na sa huli, ako pa din ang mananalo dito diba. Ayoko lang din kasi mapahiya ka.
MELO: *laughs* I see. Yun lang ba talaga ang dahilan mo kung bakit ayaw mo na ituloy yung dare?
K: also... uh... actually, ayokong pinagpupustahan natin si Grace dahil I realized na it's not nice. Nadala lang ako ng emotion that time kaya ko iyon nasabi. So...... let's stop this dare and just see kung sino ang magrarank 1 sa subject ni Sir Sadista. To be honest, wala naman akong pakealam sa grades ko eh.
MELO: oh. Okay then. Itigil na natin tong dare na to. Actually it's kind of boring kasi hindi challenging tong dare na to.
K: yea, I know. By the way, manalo man o matalo, kahit ikaw pa ang mag-No. 1 sa acads, I don't care. Dahil at the end of the day, para kay Grace, ako lag ang No. 1 sa kaniya. Yun lang. Ge. Bye.
----- END OF CALL -----
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa puso ko dahil doon sa sinabi ko. Sumobra ba ako sa mga sinabi ko? O yun ba talaga ang tunay ko na nararamdaman? Masyado akong naging honest at nasabi ko ang mga yun kay Melo. Ang walang hiyang Negneg na yun! Ever since na dumating siya sa buhay namin, ang daming bagay na nagpapa-confuse sa akin. Ugh...
===========[A/N] Yay, more Ken's POV for this chapter! Lol. Mahaba ulit yung chapter na ito hehe. Bumabawi lang sa hindi ko pag-uupdate since last week. :D
PAUNAWA:
If ever you will criticize this story, please, utang na loob, yung may sense na comment naman. Hindi yung magiiwan lang kayo ng comment na "Ang boring na nito" tapos wala ng follow up after that. I mean, okay, this is getting boring. WHY? Kaya ka nag-ki-criticize dahil gusto mong mag-improve yung tao and for that person to improve, SASABIHIN MO YUNG MGA BAGAY NA KELANGAN NIYANG I-IMRPOVE. Walang problema sakin yung mga ganiyang comment/s. Pero juice colored, paki-explain naman kung bakit. Hindi itong nanghuhula ako. -_-
BINABASA MO ANG
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]
RomanceSa mga kwentong nababasa natin, madalas "And they lived HAPPILY ever after" ang ending. Pero paano ako? Hindi ako kagandahan. Hindi din ako sexy. Hindi ako tulad ni Snow White, Jasmine, Cinderella o ni Belle. In short, hindi ako "Prinsesa". Magkaroo...