CHAPTER 69: Double Date

9.7K 65 16
                                    

So binitbit ako ni DA dito sa mall. Isa daw to sa paraan para "hilumin" niya ang "puso" kong sugatan. Anong hihilumin, eh wala namang sugat -____-

DA: tara kain na lang ulit tayo ng cake doon sa pinagkainan natin last time. May papatikim ako sayo doon na super sarap na cake!
G: sige lang! Basta ba libre mo.

So doon ulit kami kumain sa Japanese Cake Shop. Pinatkim niya sakin yung favorite niyang cake. Ang saraaaap nga. Chocolate cake with ice cream (see image sa gilid XD). Basta ang sarap! XD

After namin kumain eh nag-gala gala ulit kami. Lakad dito lakad doon. Hanggang sa napagod kami. Kapagod maglakad lalo na kung may kasama kang mahilig mag-window shop -_____-

DA: tara! Videoke tayo! Atleast nag-eenjoy tayo habang naka-upo tayo XD
G: ok lang basta libre mo.
DA: oo sige. Gameee!

Hala kuya sige. Excited masyado. So ito na nga papunta na kami sa arcade para mag-bidyoke ng biglang....

DA: uiiii Ken! Dito rin pala kayo nagdedate?
K: o. anong ginagawa niyo dito? Yung inuutos ko sa inyo nagawa niyo na?
G: oo kanina pa Boss.

Kainis -___- sa dinamidami ng makakasalubong namin at sa dinami-dami ng pagde-date-an nila nung leech, dito pa. Pag minalas ka nga naman :|

DA: wow ok ito! Total naman eh nagkasama-sama na tayong lahat, sama na kayo samin! Double date!
G: ha?!anong double date? Ni di nga tayo nagde-date eh!
DA: eh ganun din yung ginagawa natin diba?? Pag dalawa lang na magkasama, edi date na yun!

Hala!!! Wala akong alam! Hindi ko to alam! Anong date? Eh sinasamahan ko nga lang siya sa mall eh! Shet. Ano daw?! Oo nga, si DA nga nanlibre sa araw na to pero hindi pa din date yun!! Tsaka tsaka tsaka kung ang pagsama ng dalawang tao ang depinisyon ng paged-date..edi ibig sabihin ilang beses ko ng naka-date si Ken... kaya kaya kaya kaya HINDI PWEDENG MAGING DATE ITO!!!!

B: what! You are dating this.. uhh..girl?!
DA: matagal na!

Sheeeet ano ba tooooo ano ba tong pinagsasasabi ni DA?? Naririnig ba niya sinasabi niya? At kelan pa naging date ang "kasama" sa mall? Sarap talagang sapakin oh! Meeeeeep naka-filter sa tenga ko mga sinasabi niya. Nirereject ng tenga ko lahat ng naririnig ko. Meeeeeeeeeep! >_<

G: hoy DA. Para sabihin ko sayo, hindi tayo-
DA: TARA!!!!!

Eh ayun, di pa ako tapos magsalita ng bigla akong hinatak ni DA sa loob nung arcade. Sina Blue at Ken naman eh sumunod lang samin. Tsaka ano bang problema ng Ken na to? Ang sama na naman kung makatingin sakin. Dukutin ko mata niya eh! Ay, wala pala akong madudukot sa kaniya. Singkit eh =__=

BOOM BOOM BOOM! SHAKASHAKALAKALA WOOO!!!!!
OH YEAH!!! YEAH BABY YEAAAH!!!


Kami na ni DA ang masaya. Bigay todo sa pagkanta eh. Yung mga novelty songs na sikat dito kinakanta namin eh. Hanggang sa pati yung kanta ng F4 pinatulan namin. Eh ang saya kasi kumanta. Nakakawala lang sa sarili XD

B: ano ba naman yan! You are not even making music. You're making noise! Gosh!
DA: o sige nga ikaw nga kumanta ka!
B: give me that mic and hit me some music!

Binigay ko yung mic kay Blue tapos nagstart naman mamili ng song si DA. Ako naman eh umupo sa sulok habang pinapanood ko yung dalawa. "Hit Me Baby One More Time" ni Britney Spears yung kinanta nila. May boses naman si Blue infairness. Medyo sumasablay nga lang sa mataas na part pero keri naman. Tong si DA naman backup dancer niya. Delikado pala pag may hawak siyang tambourine eh, hindi niya na mabitawan! Pero infairness habang pinapanood ko sila, narealize ko na bagay sila. Mas bagay si Blue kay DA kesa kay Ken infairness. And speaking of Ken.. kanina pa siya tahimik. -_______-

G: di ka kakanta?
K: wala ako sa mood.
G: KJ mo naman!
K: hindi kasi pang-arcade boses ko.
G: o ikaw na pang-stage boses.
K: talaga!
G: still, KJ ka pa rin.
K: lol.

Epal talaga. Akala ko pa naman ngayon ko siya maririnig kumanta. Never ko pa nga kasi siyang narinig at napanood kumanta. Yung una nung practice kina Justine.. eh hindi naman kasi performance yun so hindi siya counted. Pangalawa naman nung Dance. Eh hindi ko na marinig at mapanood yung perf nila kasi puro hiyaw na ng tao yung naririnig ko. Eh malas, KJ pala tong Pinyang to. Oh well, better luck next time :|

K: ambilis mo namang maka-move on.
G: move-on saan?

Putek, pinagsasasabi ng Pinyang to? Ang retarded ng pinagsasasabi eh.

K: kanino pa nga ba.
G: ha?
K: hindi pa nakaka-isang lingo nung umalis siya sabay pinagpalit mo na siya agad. Wow ha.
G: wow ha. Wag ka ngang magpapaniwala kay DA. Hindi kami nagde-
DA: Grace! Dali turn mo na!!! may napili na akong song mo!
G: ha? teka!

Amp, di pa nga ako tapos sa pagsasalita ng bigla akong binatak ni DA :| Eh di na naman ako makabalik kasi nakatayo na ako at nabigay na sakin yung mic. Ok. This is my moment. Oras na para ipakita ko ang aking galing sa pagkanta.

Syempre joke lang yun. Hehe Kumakanta ako, pero di ako magaling XD So yung napiling song ni DA na kakantahin ko eh "Torete" by Moonstar88. Sakto, paborito!

♫♫ Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip♫♫


Infairness feel na feel ko yung pagkanta. Eh kasi paborito ko to eh! Kahit na alam kong wala akong boses sa pagkanta, todo birit pa din ako.

♫♫ Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo♫♫


Akala ko baback-up-an ako ni DA with his tambourine. Napansin ko na lang na ako na lang pala yung kumakanta sa loob tapos lahat sila nanonood lang sakin. Shet, nakakahiya! >_< Bigla akong nahiya >_< Akala ko kasi kanina eh busy sila. Waaah~

♫♫ Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako♫♫


Si DA medyo naririnig kong sinasabayan niya akong kumanta. Well at least hindi na ako nag-iisa ngayon habang kumakanta ako. Tapos si Blue naman eh.... Ano pa nga ba? Edi busy. Busy isiksik ang sarili kay Ken. Busy landiin si Ken. At Busy yakapin si Ken. Kairita. Tss.

♫♫ Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo♫♫


Then napansin ko si Ken na nakatingin lang sakin habang kumakanta ako. Eh, mas lalo akong nahiya. Parang bigla akong naconscious? Eh kanina naman hindi ganito yung feeling habang kumakanta ako. Hello... ilang beses na akong kumanta, ngayon pa ako nakaramdam ng hiya. >_<

♫♫ Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa 'yo♫♫


Nakakatorete ka alam mo ba yun? Minsan hindi ko gets yung ugali eh. Minsan mabait, minsan ubod talaga ng sama. Minsan ang sarap mong kasama, minsan ang sarap mong sipain palayo sa planetang earth...

♫♫ Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete ako♫♫


Minsan gusto ko ng ma-fall sayo pero sinasabi ng isip ko na WAG kasi sa huli, ako at ako lang din ang masasaktan.

♫♫ Torete, torete, torete sa'yo ♫♫

Okay. Kinanta ko lang yung paborito kong kanta, bigla ko ng naisip yung mga bagay na yun? Shet, may sapi yata ako? Waaaah~ WAAAAH. WAAAAAAAAAAAAAAAAH. Ano ba tooooo para ko na ding sinabi na may-crush na ako kay Ken nito :/ Eh wala naman... nga ba? GAAH.

*clap clap*

DA: WAAAAW ang galing mo pa lang kumanta Grasya!
G: ah hehe, thanks.

Huhuhu na-torete tuloy ako bigla. Tengeneng kanta naman yan oh..

DA: aw guys. Wala ng load yung card ko. :/
K: itigil niyo na yan at gusto ko ng umuwi. Pagod na ko.
B: let's go Kenny~ pagod na din ako. Pwede ba munang mag-stay muna ako sa house mo??

Kita mo tong babaeng to, pagod pero gusto pang "mangapit-bahay". Landi lang eh no? sarap.... Ipukpok nung tambourine sa ulo!

K: sorry Blue, next time na lang ha?
B: eeeh? But Kenny...
K: tara.
G: ha?

Ha? ha? haaaaa? Bigla niyang hinatak kamay ko tapos iniwan namin sina Blue at DA sa arcade. Teka, hindi pa ako nagpapaalam sa date, este, kasama ko!!! Wah bakit ngayon pa nangyari to kung kelan natotorete ako? Tsaka akala ko ba uuwi na yun? Bakit bigla niya kong hinatak?! What the effff?!

G: hui Ken! Saan mo ko dadalhin??

Ok. NR. No Reaction. Di ako pinansin. Di ako sinagot. Bingi ka 'Pre? :|

G: Keeeen oiiii!

No response. Pota, eh mukha na akong tanga dito nagsasalita mag-isa eh!

G: KENNY!!!!
K: WILL YOU JUST SHUT UP. AT FIRST OF, HINDI "KENNY" PANGALAN KO OK?

Ay, ano daw? Nagalit si kuya? Amp! Problema nun?! Nagalit ba yun dahil "Kenny" tinawag ko sa kaniya? Huh?

G: eh kasi tinatanong kita kung saan tayo pupunta eh di mo naman ako pinapansin!
K: hindi pa ba obvious? Eh diba sinabi ko uuwi na?
G: eh malay ko bang kikidnapin mo ko!
K: so sa tingin mo may magtatangka pang mangidnap sayo? Sa itsura mong yan?!
G: EPAL MO! Uuwi ako pero kaya ko na mag-isa!
K: ang arte mo naman! Ikaw na nga tong ihahatid, ikaw pa tong nagiinarte!

Hala, ako pa tong maarte ngayon? Eh wala naman akong sinabi sa kaniyang ihahatid niya ako ah. Kapal talaga ng mukha

G: Hoy! Sino ba kasing nagsabing ihatid mo ko? Si Blue na lang ihatid mo! Ka-date mo yun diba!
K: ayoko nga!
G: eh? Baket?

Nabigla ako doon sa sagot niya. Si Blue na heartthrob sa amin, ayaw niyang ihatid sa bahay? At imbes siya ang ihahatid niya, AKO ang ihahatid niya. Wow, at kelan pa hinatid ang palaka? Ang alam ko, prinsesa ang hinahatid at hindi ang palaka. -_____- At kung matanong niyo kung bakit palaka? Kung maalala niyo yung nangyari nung Dance, sinabihan ako ni Ken na ako yung "Frog Princess". Ang dami niyang alam no?

K: eh malayo bahay niya eh!
G: what? Yun lang?!
K: oo! Bakit ano pa ba sa tingin mo? Kung malapit bahay niya malamang siya ihahatid ko at hindi ikaw.
G: ah..

Ah, yun pala yun. Akala ko pa naman....

K: At isa pa, on the way naman yung boarding house mo pauwi samin kaya sumabay ka na.
G: ay, hindi na pala ako kina Claire nag-i-stay ngayon. Uwian na ako samin ngayon. Medyo malayo na yun kina Claire kaya wag mo na akong ihatid.
K: hindi, ok lang. Para if ever na may kailangan ako, alam ko kung saan ka nakatira.
G: kelangan ba o IUUTOS? :|
K: well tama ka nga, iuutos pala.
G: K.

Sus, ako naman tong si asyumera... nag-assume ng mga bagay bagay na alam kong IMPOSIBLE. Eh ayun, ako tuloy disappointed ngayon. Pero nakakainis, bakit kelangan kong madisappoint sa mga sinabi niya? Potek, baliw na yata ako >___<"

K: at isa pa..
G: ha?
K: At isa pa, wala akong tiwala sa DA na yun.

Mukha bang goon or gangstah o tambay si DA para di pagkatiwalaan ni Ken? Sa pagkakaalala ko eh maayos at malinis naman manamit si DA. Maayos din namang kausap. Hypher nga lang, parang adik. -____-

G: grabe ka naman kay DA. Mabait naman yun tao ah.
K: ewan. Di ko lang siya feel. At tsaka ayokong maguilty pag may masamang nangyari sayo.
G: o eh bakit ka naman magi-guilty?
K: eh sakin ka pinaubaya ni Jared eh.
G: ah...

Ah. Yun pala yun. Kasi "pinaubaya" ako. So meaning, ginawa niya yun hindi dahil sa GUSTO niya. Pero dahil SINABI sa kaniya. Ok. OK.






Nakaka-disappoint naman.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon